And mga naging pangulo ng pilipinas ay sina elpidio quirino, manuel quezon, corazon aquino, jose p. laurel, benigno aquino Sr. sergio osmena, manuel roxas etc.
Chat with our AI personalities
Si Corazon Aquino ay pinanganak noong January 25, 1933. Siya ay naging Presidente ng Pilipinas at sikat na tagapagtanggol ng demokrasya,kapayapaan,karapatang pambabae at kabanalan.Naglingkod sya bilang ika 11 na presidente ng Pilipinas mula 1986 hanggang 1992. Sya rin ang kauna-unahang babaeng president ng Pilipinas at ng buong Asya. Namatay sya dahil sa colon cancer noong August 1, 2009.
Ipinanganak si Corazon Cojuangco sa isang mayaman na pamilya sa probinsya ng Tarlac. Nagaral sya ng kolehiyo sa St. Vincent College sa New York City noong1954pero Hindi na sya nagpatuloy sa pag-aaral para magpakasal sa kanyang kasintahan na si Benigno Simeon Aquino, Jr, na noon ay aktibo na sa politika. Nagkaroon ng limang anak si Ninoy at Cory. Si Ninoy, na naging aktibo sa paglaban kay Ferdinand Marcos, ay ikinulong ni Marcos sa loob ng walong taon (1972 hanggang 1980). Noong ma-exile si Ninoy, sumama ang kanyang pamilya sa kanya sa United States. Pagbalik ni Ninoy noong 1983, sya at pinatay at ito ang nagpasimula ng pagbagsak ng administrasyong Marcos.
Noong magdeklara ng eleksiyon para sa presidente si Ferdinand Marcos noong February 1986, si Corazon Aquino ang naging opisyal na kandidato ng oposisyon. Inilabas ang resulta ng eleksyon kalaunan at pinroklamang natalo si Cory ni Marcos. Pero ito ay nilabanan ng oposisyon at sinabi na may nangyaring malawakang dayaan sa eleksyon. Pumanig ang mataas na myembro ng militar sa kampo ni Cory at eto na ang nagpasimula ng Edsa Revolution. Noong Feb. 25, 1986, sabay na pinroklamang presidente si Cory at Marcos. Pero sa araw ding iyo ay lumipad na palabas ng Pilipinas ang kampo ni Marcos.