answersLogoWhite

0


Want this question answered?

Be notified when an answer is posted

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Sinubukan kong humiga sa higaan ko at tuluyan akong nakatulog?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Limang halimbawa ng tambalan pangungusap?

1.Nagsasayaw si ate habang umaawit si kuya.2.Si Susan ay naglilinis ng bahay at si Jojo namn ang nag-tatanim ng gulay.3.Ikaw ba ang sasama o si Angie na lang?


Ano ang halimbawa ng sawikain tungkol sa kabataan?

Answer:Iba ang Pinoyni Princess O. CanlasAng Pilipinas ay binubuo ng iba't ibang lalawigan, at bawat lalawigan ay maykanya-kanyang bernakular. Ngunit iba-iba man ang salita, iba-iba mang lugarang kinalakihan, iisa lang ang ugat na pinagmulan. Tayo ay Pilipino. Mahirapmalaman kung ang isang tao ay Pilipino nga o hindi sa kasalukuyangpanahon. Sapagkat ang iba sa atin ay mas nananalantay ang dugongbanyaga. At kung minsan pa'y mahirap ding alamin sa kanilang gamit nawika.May maitim at mayroon namang maputi. May matangos ang ilong atmayroon namang sarat. May matangkad at mayroon din namang pandak.Ngunit isang katangian ang nagbubuklod sa mga Pilipino upang sila'ymakilala mo at masabing: "IBA ANG PIN'Y!" Ang pagkakawanggawa ay maytaglay na iba't ibang katangian. Sapagkat ang taong mapagkawanggawa aymasasabi ring matulungin sa kapwa, magalang, mabait, mapagbigay,mapagpaumanhin, mapagtimpi, o mapang-unawa. At angpagkakawanggawang ito ang makikita sa mga Pilipino. Isang katangiang higitsa kayamanan.Mapapansin hanggang sa kasalukuyan na ang Pinoy ay may kusang loob napagtulong sa mga taong nasa kanyang paligid, kilala man niya ang mga ito ohindi. Sa lansangan, ang mga bata ay tinutulungang makatawid nangmatiwasay. Ang matatanda ay inaalalayan sa kanilang paglalakad. Angmaraming dala-dalahan ay tinutulungan sa pagbibitbit. Ang mga hindisinasadyang mahulog na bagay ay pinupulot upang iabot. Ang mga upuan sapampublikong sasakyan ay ipinagkakaloob ng mga kalalakihan sa matatandao sa kababaihan. Pagbibigay ng pagkain sa mga nagugutom. Pagbabahagisa mga nangangailangan. Pagtanggap sa mga bisita nang may sigla,paghahain ng pagkain kahit kung minsan ay wala ng matira para sa kanila. Atminsan nama'y pag-ako sa mga gawaing naiwan ng iba. At ang lahat ng mgaito ay ginawa ng kusang-loob at hindi napilitan lamang. Iyan ang Pinoy.Likas sa mga Pilipino ang pagkakawanggawa. At ang kalikasang ito ay dapatingatan at pagyamanin pa. Nababatid ba natin na ang katangiang ito aynakapagkukubli ng mga pagkukulang na ating nagawa sa mata ng Diyos? Saiyong paggawa ng kabutihan, maaring may mga pagkakataon na ika'y hindinapasalamatan o nginitian man lamang ng iyong tinulungan. At ang iyongginawa akala mo'y walang saysay o walang kabuluhan. Ngunit may Isanghigit sa lahat ay nakakaalam. At Siya ang tanging makapagsusukli sa iyongkabutihan. Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay may katumbas nagantimpala sa Panginoon. Ngunit hindi man natin makamit ang biyayang iyondito sa lupa, makasisiguro tayong sa langit ay ipagkakaloob ng Diyos anggantimpala.Tayo'y mga Pilipino, at nananalantay rin sa ating ugat ang dugong Kristiyano.Ang pagkakawanggawa ay patuloy nating ihandog o ibahagi sa ating kapwa.At hayaang ang ibang bansa ang magsabing, Pinoy ay dakila!Munting AlaalaNi AuraNaiisip mo ba ang mga nangyayari sa bawat araw, nagtataka lang ako sa mga tao sa tuwing pinagmamasdan ko sila mula sa aking kinalalagyan.Sa dami ng kanilang mga ginagawa tila napakarami na nilang nalimutan mga bagay, mga pinalampas na pagkakataon o oras.Bakit nga ba tila masyadong masalimuot ang buhay ng tao, kaylan ka pa bang huling umakyat ng bubong para matulog o para magpahangin, huling humiga sa isang mahabang bangko at tumingala lamang sa langit habang pinagmamasdan ang mga ulap, ang huling beses na naligo ka sa ulan o nagtampisaw sa baha, kaylan ka huling naupo sa tabi ng kalsada habang katabi ang iyong mga kaibigan. Kaylan kayo huling kumain ng mami sa kanto ng magkakasama, yung huling beses na dinalaw mo ang iyong elementary school o high school, kaylan ka ulit bumalik sa dati nyong tambayan at nagpalipas oras tulad ng dati nyong ginagawa, kaylan ka huling naglaro ng teks. Masyado na bang marami ang mga bagay na hindi mo na nagagawa pero ano nga nga ba ang pumipigil sa tao para magawa ang mga dati ay nagagawa nya?Sa paglipas ng panahon naaalala mo pa ba ito o itinabi mo na rin tulad ng iyong mga laruan, kaylan mo pa ba huling hinawakan ang paborito mong laruan, o binasa ang mga secret notes sa likod ng mga school notebook mo, o tinignan ang mga matataas na grade na ibinigay sayo ng teacher mo, bakit ba hindi na pwede pang ulitin ang mga gawain na ito o bakit sa paglipas ng panahon ay unti-unti na ring nalilimutan ng tao ang mga simpleng bagay na ito na dati-rati ay labis na nagpapasaya sa tao?Gaano nga ba kadaling limutin ang munting kasiyahan na ito? totoo nga bang habang tumatanda ang tao ay nawawala na rin ang kakayahan niyang maligayahan sa mga munting bagay. Gaano na nga ba kalaki ang mundong ginagalawan mo ngayon o pakiramdam mo lamang ay malaki ito. Nakalimutan na ba nga tao ang mga kaligayahang inihain sa kanila ng kalikasan, at lumikha sila ng maliliit na mundo sa gitna nang napakalaking mundong ito,.Naniniwala lamang ako na ang mundo ang syang umiiwan sa kalikasan pero kaylan man ay hindi iiwan ng kalikasan ang mundo.


Buod ng kung mangarap ka ng matagal?

45 Kung Mangarap Ka Nang Matagal(Kabanata Labingwalo)KUMATOK SA PINTO SI KWANG MENG kahit nakabukas ang pinto at nakikita niya si Boon Teik na nakaupo sa sopa at nagbabasa."Tuloy, tuloy," sabi ni Boon Teik na tumayo't inilahad ang isang kamay. "Upo ka! Upo ka! Nasa kusina ang misis ko't tinatapos ang pagluluto ng ating hapunan. "Me-I!" tawag nito, "Narito na si Kwang Meng!"Lumabas ang asawa nito, kasunod si Anne."Me-I, ito ang kapitbahay nating si Kwang Meng," at saka bumaling sa kasunod na nagsasabing , "Palagay ko'y magkakilala na kayo ni Anne, pinsan ni Me-I."Binati ni Kwang Meng ang kabiyak ni Boon Teik. Maraming beses na niya itong nakita noon. Mukhang wala pa itong dalawampu, may maliit na pangangatawan at nakasalaming gaya ni Anne. Talagang namamana pala iyon ng pamilya, naisip niya na natutuwa. Nagulat siyang naroon si Anne."Iiwan muna namin kayong mga lalaki," humihingi ng paumanhin si Me-I. "Pasensiya ka na, Kwang Meng, may gagawin pa kaming mga babae sa kusina, kundi'y hindi tayo makapaghahapunan.""Oo ba," sagot ni Kwang Meng.Nahihiyang nginitian siya ni Anne, nasisiyahang nagulat siya sa pagkikita nila. Nagpunta na kapagkuwan ang mga babae sa kusinang nasa likod ng flat."Ano ang gusto mong inumin, Kwang Meng?" tanong ni Boon Teik."Tama na ang isang beer."Kumuha si Boon Teik ng maiinom nila sa kusina. Iginala ni Kwang Meng ang mga mata sa buong salas. Simple ngunit may panlasa ang mga gamit doon. Light green ang pinta ng kuwarto. Nakasabit sa dingding ang ilang print ng Van Gogh at Cezanne at batik na gawa ng mga local artists. Palibhasa'y walang ibang nakasanayan kundi dingding na puti, naakit si Kwang Meng sa berdeng silid. May isang mahabang bookshelf na puno ng libro roon at saka isang record player na may katabing maraming long-playing records. Nagsabit ang asawa ni Boon Teik ng kurtinang batik na green at gold katerno ng mga cushoion covers para sa sopa at dalawang armchair. Sa itaas, isang malaking Japanese paper lampshade na puti ang nakabitin, at nakatayo naman sa isang sulok sa likod ng mga armchair ang isang lampstand na may pulang lampshade. Sa ibabaw ng maliit, makitid at papahabang coffee table ay nakasalansan ang mga magazine, kasama ng isang bowl na Ikebana, ang Japanese-style na pag-aayos ng mga bulaklak. Hindi na-imagine ni Kwang Meng kailanman na mapagaganda at mapaaaliwalas ang isang flat ng Housing Development Board. Ang bahay nila mismo'y sama-samang kuwarto lamang na mauuwian; walang pagtatangkang gawin itong isang lugar na matitrhan. Ang magagawa nga naman ng kaunting pagsisikap! Interes lamang iyon, ang pangangailangang magkaroon ng interes, isang pangangailang nagsasabi kung may interes sa buhay at pamumuhay ang sinuman, naisip niya.Bumalik si Boon Teik na dala na ang mga inumin."Gusto ko ang pagkakaayos ng lugar n'yo, Boon Teik.""Hindi kami gumasta ng malaki riyan," sabi ni Boon Teik. Si Me-I ang pumili ng karamihan sa mga furniture namin. Mahilig siyang mamili sa dating C.C.C. Junk Shop sa Newton Road gayundin sa mga tindahan sa Sungei Road na nagbebenta ng mga kung anu-anong luma. Alam mo siguro 'yon, kilala rin iyon bilang Thieves' Market."Narinig na ni Kwang meng ang lugar na iyon, pero wala siyang nabalitaan kundi napakabaho ng mga kanal doon. Tiyak na enterprising si Me-I dahil hindi man lang siya napigil ng mabahong amoy. Aywan niya kung totoo ang balita na noong araw, ipinagbibili roon ng mga magnanakaw ang mga nakulimbat nila, kaya kapag may isang napagnakawan, nagpupunta na ito sa Thives' Market umagang-umaga kinabukasan upang mabawi ang ninakawa sa kanya. Siyempre pa'y binibili niya uli ito; ngunit sa mas murang halaga. Doon siguro nito nakuha ang pangalan.Ilang nakapasong halaman na ferns at cacti rin ang nasa salas ni Boon Teik."Talagang dapat kong purihin ang panlasa mo. Parang kulungan ng baboy ang bahay namin kung ihahambing dito," sabi ni Kwang Meng."Pero hindi iyon ang talagang lugar mo! Hintayin mong makapa-asawa ka't magkaroon ng sarili mong flat. Natitiyak kong magagawa mo roon ang lahat ng gusto mong gawin. Parang kulungan din ng baboy ang bahay ng mga magulang ko, at tumira kami roon hanggang noong bagong ikasal ni Me-I. Noong nakatira pa ako roon, hindi ako gumgawa ng kahit ano liban sa mag-ayos ng kuwarto ko. Iba na ngayon. Bahay na namin ito.""Maganda talaga ang pagkakaayos mo," bati ni Kwang Meng sa pangatlong pagkakataon."Sa palagay ko'y napakahalaga nito kung paano namumuhay ang isang tao. Ang isang bahay o tahanan gaya ng buhay, ay nababatay sa kung paano mo inaayos. Ganoon ang dapat maging pakiramdam natin para umayos pati ang sariling buhay natin. Nararamdaman kong hindi ganito ang ginagawa nating ngayong, lalo na tayong mamamayan ng postwar generation. Pasakay-sakay lang tayo, walng direksiyon. Sa eskuwela, ito ang pinipilit kong ituro sa aking mga estudyante. Mahalagang matutuhan nila ito.""Magiging isang mabuting teacher ka, Boon Teik.""Pinipilit ko. Lahat tayo'y dapat magpumilit. Anuman ang ginagawa natin, dapat natin itong pagbutihin.""Kahit walang kahulugan ang trabahong ginagawa mo?" tanong ni Kwang Meng."Walang bagay na talagang walang kahulugan," pagpapalagay ni Boon Teik.Napakalakas ng pagpapalagay na iyon kaya ibig tuloy maniwala ni Kwang Meng, bagaman hindi siya naniniwala. Pero sinabi niya iyon na parang kapani-paniwala, naisip ni Kwang Meng, tulad ng dapat gawin ng isang mabuting guro. Hindi naman talagang ang himig ng awtoridad ang nagdulot doon, kundi ang himig na nagsasaad ng katotohanan. Hinangad ni Kwang Meng na totoo na sana iyon.Ngunit sa halip, sinabi niya, "Hindi ako lubos na naniniwala. May mga bagay at trabahong talagang walang kahulugan." Iniisip niya noon ang sariling trabaho niya."Maaaring walang kahulugan iyon sa tingin, pero hindi naman talaga. Depende iyan sa paraan ng pagtanaw mo. Naniniwala akong dapat itong tanawin mula sa malawak na pananaw ng lipunan. Isang social animal ang tao, dapat muna nating tanggapin ito. Nakabilang siya sa isang lipunan, at para makakilos ang lipunan, kinakailangang magkaroon ng iba't ibang uri ng gawain. Ngunit anumang kategorya o uri ng gawain, ang nagkakaakma silang lahat na parang isa-isang bahagi ng isang masalimuot na makinarya, gaya ng isang relos halimbawa. Sa gayon, makikita mong mahalaga ang kahit isang maliit na piraso, ang bawat bahagi ng kabuuan.""Siguro nga. Pero hindi ba't ito rin ang simulaing ginamit ng mga tao noong unang panahon para pangatwiran ang pangangailangan nilng makapang-alipin? Parang ganito rin ang sinabi ng isang Greek philosopher, di ba? Hindi ko lang matandaan ang pangalan."Pero hindi natin tinatanggap ang pang-aalipin ngayon," sabi ni Boon Teik."Tinatawag lang natin ito sa ibang pangalan, pero iyon din. Ang mapilitang gumawa ng mga tarbahong walang kahulugan sa lipunan ay parang sapilitang pagpasok sa isang uri ng pang-aalipin.""Hindi naman," tutol ni Boon Teik.Dahil walang hilig sa pakikipagtalo, nanatiling tahimik si Kwang Meng. Walang kabuluhan para sa kanya ang pagtatalo dahil bibihirang tanggapin ng isa ang katwiran ng isa pa; bibihirang makumbinsi ang isa at baguhin pagkatapos ang sariling palagay niya, tama man iyon o mali. Hindi, hindi ako maaakit na makipagtalo, pasya niya. Magiging dahilan lang iyon para mainis sa kin si Boon Teik o mainis ako sa kanya; at ayokong mainis kay Boon Teik."Dapat mong maunawaang napakakumplikado ng makabagong lipunan; at habang lalong nagiging makabago ang anyo ng lipunan, lalo itong nagiging kumplikado at sopistikado; at sa ganitong uri ng lipunan, napakaraming mahahalagang uri at kategorya ng mga gawaing itinatakda sa tao, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas. Tunay na ang kalawakan ng pagkakaiba-iba ang nagtatalaga ng antas ng pagkasulong ng isang lipunan."Tumigil si Boon Teik, naghihintay marahil na ipagpatuloy ni Kwang Meng ang pakikipagtalo. Dahil sa walang tinanggap na sagot, nagpatuloy si Boon Teik, "Maaaring hindi makatarungan sa tingin itong theory of human function ng tagasibak ng kahoy at taga-igib ng tubig, pero ito ang talagang essence ng demokrasya."Hindi ko sinasabing hindi ito tama; hindi ko rin tinututulang maaaring demokratiko ito; ang masasabi ko lang ay napakalungkot nito, sumaisip ni Kwang Meng ngunit hindi ito ipinarinig sa kaibigan."Alam kong malungkot ito ngunit hindi ito maaaring tutulan," sabi ni Boon Teik na parang nabasa ang nasa isip ni Kwang Meng. "Pero sa huli, ang talagang problema'y kung paano maipauunawa sa mga tao na sa kabila ng pagiging mababa at kabagut-bagot ng trabaho nila'y mahalaga't makabuluhan ito sa maayos na pagkilos ng lipunan," dagdag ni Boon Teik."Pero hindi pa rin 'yon makapagbibigay sa kanila ng anumang kasiyahan. Hindi pa rin no'n magagawang kawili-wili ang trabaho nila, di ba?" salag ni Kwang Meng."Hindi nga," sang-ayon ni Boon Teik. "Pero kung malalaman nilang makabuluhan ang trabaho nila, kung malalaman nilang may naiaambag iyon, kung makikita nilang nakatutulong sila sa pag-unlad at pagsulong ng lipunan, maaaring makatagpo sila ng kasiyahan sa katotohanang instrumental sila sa pagbabago ng lipunan, kaya magiging mas mainam na lipunan iyon para sa kanilang mga anak, at sa magiging anak ng kanilang mg anak. At kung hindi man kasiyahan ang matgpuan nila, kaunting ginhawa o pampalubag-loob ma lang.""Paano iyon magagawa, Boon Teik?""Tungkulin iyan ng ating mga pulitiko. Kailangang bigyan nila ng edukasyon ang mga mamamayan upang malaman nila ito.""Hindi ba't ginagawa na rin iyan ng mga pulitiko natin?""Oo.""At babahagyang ginhawa ang natatagpuan natin."Dumating sa bahaging ito ang mga babae mula sa kusina. Nakahain na ang hapunan.Nakakahawig ng sa kanila ang flat, sa kusina rin inilagay ng mga Lim ang kanilang hapag-kinan, isang maliit na kuwadradong apatan ang silya. Ngunit malinis at masaya ang kitchen-cum-dining room nila, napipintahan ng lemon yellow. May mga sariwang bulaklak na nakalagay sa bote sa ibabaw ng mesa, ilang tangkay ng Golden Shower Orchids.Ilang lutong nonya ang inihanda ni Me-I. Nalaman ni Kwang Meng pagkaraan na ito at si Anne ay buhat sa matandang angkan ng Pernakan, at naroon na sa poook na iyonang mga ninuno nila nang mahigit isandaang taon. Ang mga Pernakang ito na lalong kilala bilang nonya at baba ang matatandang Straits-born Chinese na lumuwas sa Malaya at Singapore maraming salinlahi na ang nakalilipas. Sa loob ng mga taon, nakabuo sila ng natatanging anyo ng kulturang bagaman ethnically Chinese ay may ilang impluwensiyang Malay sa paraan ng kanilang pagdadamit, pagsasalita at sariling uri ng maaanghang na pagkain. Naiibigang mabuti ni Kwang Meng ang huli, paborito niya ang nonya at laksa mula sa pulo ng Penang, ang nasi lemak o kaning may lasang buko, ang otak-otak, sambal at curry, at ang kuay. Nang gabing iyon, nasi lemak ang niluto ni Me-I."Gusto mo ba ng mga lutong nonya, Meng?" tanong ni Anne."H'mmmmmm! Ang sarap, Me-I," pagpupuri ng Kwang Meng."Oy, masarap ding magluto ni Anne," sabi ni Me-I.Namula si Anne. "Hindi kasing-husay mo," nginitian ni Anne ang pinsan."Ikaw ang dapat magsabi niyan Kwang Meng," sabi ni Boon Teik. "Kailangang matikman mo ang luto ni Anne.""Tama, sa susunod, si Anne ang paglulutuin namin para sa iyo," sabi ni Me-I.Pagkahapunan, bumalik ang mga lalaki sa salas. Nagdala ng dalawang beer si Boon Teik samantalang naiwan para magligpit ang mga babae.Dalawang taon na silang kasal, sabi sa kanya ni Boon Teik. Kaga-graduate lanl niya noon ng T.T.C. at kae-enroll ni Me-I bilang estudyante. Nang unang ilang buwan, nakipanirahan sila sa mga magulang ni Boon Teik pero hindi naging mabuti iyon. Wala silang privacy sapagkat napakalaki ng pamilya ng mga magulang niya. May mga tiyuhin, tiyahin, at iba pang nakikitira bukod sa talagang pamilya. Hindi talagang angkop iyon para sa pagsisimula ng isang kakasal na mag-asawa. Pagkaraa'y sinuwerte sila. Nag-apply sila at nakakuha ng sarili nilang flat. Naging napakasaya nila roon.Dinama ni Kwang Meng ang kapaligiran sa flat ng kanyang kaibigan. Taglay nito ang tahimik na kapanatagan at kaluwagang sumasalamin sa mapayapang kalagayan ng pagsasama ng mag-asawa. Naniniwala niyang ang isang matagumpay na pag-aasawa ay higit na maganda kaysa alinmang bagay. Tunay na isang mainam na bagay ang pagkakaroon ng marital bliss; pero hindi lahat ng pag-aasawa ay nagiging maligay. Pumasok sa isip niya si Hock Lai at Cecilia. Kakatwa, ngnit laging nadarama ni Kwang Meng na hindi magiging mabuti ang darating na pag-iisang-dibdib ng dalawa. At lalo pang kakatwa, nadama niyang kapwa nararamdaman nina Hock Lai at Cecilia iyon, at mas nararamdaman ito ni Hock Lai kaysa kay Cecilia. Ngunit ipinapapatuloy nil ito, buong kasiyahan at buong pagwawalambahala! Napakasaya kahit sa harap ng panganib! Sa loob ng isang taon, kundi man bago dumating ang isang taon. Mambababae si Hock Lai, at sa loob ng ilang taon, makakasanayan ito ni Cecilia, tatanggapin niya ito ("Parang negosyo ito, alam mo namang kailangan kong mag-entertain," sasabihin iyon ni Hock Lai), hanggang sa matutuhan nitong magpalipas ng oras sa paglalaro ng mahjong.Nagpatugtog ng isang plaka si Boon Teik. Isang Brahms' symphonoy iyon, sabi nito, at saka lumabas para kumuha ng marami pang beer. Tumayo si Kwang Meng at tumingin-tingin sa mahabang bookshelf. Marami-raming collection ng libro si Boon Teik, kramihan doo'y paperbacks sa literatura, history at politics."Masyado ka palang palabasa," sabi ni Kwang Meng kay Boon Teik nang makabalik na ito sa silid."Oo, enjoy ako sa pagbabasa. Gano'n din si Me-I. Hindi naman kami pala-labas, bihira rin kaming dumalo sa mga social functions. Kung minsan, nanonood kami ng sine. Wala rin kaming telebisyon. Parang takot kaming bumili. Nalaman kong nagiging addict doon ang mga tao. Masama iyon sa palagay ko.""Sana marami na rin akong nabasa," sabi ni Kwang Meng."Hindi pa naman huli para magsimula ka, Kwang Meng. Welcome ka para hiramin ang mga libro ko. Kahit anong oras. Tutal, diyan ka lang nakatira sa katabiing pinto.""Salamat. Pero tamad na tamad na akong bumasa.""Wala iyon. Mabubuhos ang loob mo kapag nagsimula ka na. Magsimula lang ang dapat; at maiinam na libro lang ang dapat mong basahin. Sa gano'n hindi ka mababagot. Literature na ang pinakamagandang pagsimulan. Marami kang matututuhan sa literatura."Agad namang namili ng ilang libro si Boon Teik para kay Kwang Meng. Crime and Punisment ni Dostoyevsky, To Have and To Have Not ni Hemingway, at ang The Maneater of Malgudi ni Narayan."Sus, aabutin ako ng siyam-siyam sa pagbabasa niyan!", sabi ni Kwang Meng."Huwag kang magmadali. Hindi mo naman kailangang isauli iyan agad. Unahin mo si Narayan," payo ni Boon Teik, "siguradong matatawa ka riyan."Sinamahan na sila ng mga babae makaraang tapusin ang mga ligpitin sa kusina. Bawat isa sa kanila'y may dalawang maliit na puswelo ng black coffee."Hinihiram mo ang ilang libro ni Boon Teik?" tanong ni Anne. "Patingin kung alin-alin iyan."Iniabot dito ni Kwang Meng ang mga libro."A, nakakatawa ang isang ito," sabi ni Anne na itinataas ang kay Narayan."Dapat tayong bumili ng iba pang libro niya," sabi ni Me-I sa kanyang asawa."Wala akong makita," sagot ni Boon Teik. "Napuntahan ko nang lahat ng bookshop dito, wala talaga. Sana mayroon ditong magagandang bookshops."Hindi alam iyon ni Kwang Meng. pero talaga namang hindi pa siya nakapagbasa-basa sa isang bookstore kahit kailan."Tapos na ang plaka, Teik", sabi ni Me-I.Lumapit si Boon Teik sa record player."Huwag ka nang magpatugtog ng bago," sabi ng asawa nito. "Kausapin na lang natin ang ating mga bisita."Kaya pinalipas nila ang oras sa pag-uusap. Nakapagsalita nang mas marami si Kwang Meng kaysa karaniwan niya at hindi niya ito namalayan.Pagkatapos, gaya ng inaasahan sa kanya ng lahat, nagprisinta si Kwang Meng na maihatid pauwi si Anne. Nagpaalam sila kina Boon Teik at Me-I at lumakad sa pasilyo pababa sa hagdanan upang hintayin ang lift pagkaraan.Sa lansangan, malamig at nakakapresko ang hangin.Naging matahimik si Kwang Meng sa oras na ito. Itinuro niya kay Anne ang kumpol ng mga punongkahoy."Rain trees", sabi nito. "Hindi ba matanda na sila't maganda?""Oo. Kung minsan, kumikinang sila kapag maliwanag ang buwan sa gabi.""Gusto ko silang makita kapag maliwanag ang buwan," sabi nito.Tumango siya. Sumakay sila sa isang bus papauwi sa bahay ni Anne. Walang laman ang bus. Abala ang konduktor sa pagbibilang ng mga baryang nakatago sa isang malaking bag na may strap na nakabitin sa balikat nito. Pagkaraang makuha ang bayad ng dalawa sa pasahe, hinid na sila pinansin nito. Kapwa sila nag-iisa, magkasama.Nang papauwi na siya pgkaraan, naramdaman niya ang bigat ng mga libro sa kamay niya, nagbibigay ng kung anong katiyakan.Isang sakasisiyang gabi iyon para sa kanya, at nakipagkasundo siyang makikipaglaro ng badminton kay Boon Teik sa darating na Linggo ng umaga at isasama sa swimming si Anne sa sinusundang Sabado ng hapon. Pagdating ng bahay, humiga siya't madaling nakatulog.


Is bahagharing timog lav diaz's pen name?

Yes. He used it as a pen name for his short story "Pula, Puti at saka Blu, at Marami Pang Korol" when it was submitted to the Palanca Memorial Awards for Literature. It won Second Prize. It is now published in the book Hulagpos, which is being used as a module in schools on modern Pilipino literature.Read the short story:From: http://ulan-shiela.blogspot.com/2007/09/underground-classic.HTML"Pula, Puti at saka Blu at marami pang Korol"Ni Lav DiazPalanca Memorial Awards for LiteratureShort Story"Kahirapan ang pinakamasahol na uri ng karahasan."-- Mahatma GandhiNalulungkot lang siya kaya siya ganun, sabi ni Nenet, Dyong at Toto. Pero Hindi siya umiiyak. Sanlinggo na. Hindi, siyam na araw na. Pansiyam ngayon.Tapos na ang dusa. Tinapos niya. Pero naghihirap ang loob niya. Hindi siya matahimik.Gusto niyang isiping tapos na, sa wakas, pilit pinaluluwag ang dibdib, pero Hindi matapos. Matay man niyang gawin, naroroon pa rin, lumalambong, nangangamoy, nambubulahaw. Isang linggo na siyang lumilipad, Hindi, siyam na araw na nga pala, pero kapit-tukong kinakalmot pa rin ang katinuan niya. Ayaw bumitiw, Hindi kaya ng happenings.'Yung amoy. Hindi niya makawa, Hindi mabata. Sa kasusuka ay wala na siyang maisuka. Malapot na laway na lamang ang lumalabas. Yung amoy. Nakaangkla sa kasuluk-sulukan ng kanyang pangamoy, kahit patung-patong nang singhot ng solben. Parang tumitindi pa nga ang lansa.Yung sigaw. Nakalulunos, nakapangingilabot. Kumintal na yata sa utak niya. Patuloy na umaalingawngaw. Sanlinggo na. Hindi, siyam na araw na. Ayaw siyang patulugin, kahit kunukulubot at tinutuyot na ng solben ang utak niya.Magtatawanan sila. Bungi kasi, bulol, tanga, may luga pa.Putsa.Ano? Tutuhurin siya ni Dyong, babatukan ni Toto. Galit siya pero Hindi siya lalaban. Paano, siya ang pinakamaliit, pinakabata. Si Dyong, dose na. Si Toto, sampu. Si Nenet, Hindi sigurado pero kasinlaki niya. Maganda na. Lumalaki na ang suso. Mga susong gusto niyang hawakan at laruin tulad ng nasisilip niyang ginagawa ni Dyong kaya lang, kay Dyong talaga si Nenet, hawak na. Minsan nga, nakatulugan Nina Dyong at Nenet na hubad sila. Nakita niya ang kabuuan ni Nenet. Gusto niyang gawin lahat ang ginagawa ni Dyong kay Nenet, halikan sa bunganga, laruin ang suso, papatong, kaya lang, magagalit si Dyong.Noon, noong maliit pa siya, ganun din ang nakikita niyang ginagawa ng mga lalaking pumapasok sa kanilang tirahan sa iskwater, tulad ng ginagawa ni Dyong kay Nenet. Sa pagkakaalam niya'y parang gabi-gabi, iba-iba. Maghuhubad ang nanay niya tuwing may dumarating. Nakikita niya ang lahat. Bago 'yun magkasakit ang nanay niya.Si Nanay mo, Hindi nagmumulto?Hindi.Hala, ayan na'ng nanay mo! Takbuhan sila. Si Nenet, Hindi makatakbo, nananakit ang katawan, pero magtatago rin. May kadiliman ang mga sinapupunan ng mga palapag kahit araw. Walang multo, kahit iwan n'yo ako, mabait si Nanay, mabait yun, sabi niya sa sarili.Moooo! Hindi sa Nanay 'yun, boses ni Nenet. Awooo! Lalong Hindi, nagboboses babae si Dyong. Plang! Klang! Nambato ng baal si Toto. Dyug-dyug-dyug-dyug! Elarti. Dumungaw siya. Hayun, palampas ng ang malaahas ng sasakyan. Nasa ikalimang palapag siya, mataas ng dalawang palapag sa tapat ng riles ng elarti. Hahabulin niya ang tanaw ng elarti. Sayang, bumaba na ang tama ng solben. Maghapon kasi siyang nakabilad sa araw. Sayang, ang ganda sanang tingnan kung hay pa siya, kahit ganung wala pang ilaw.Siya, sina Dyon, Nenet at Toto, ang siguro'y tanging nakaaalam na napakasarap pagtripan ang elarti lalo na kung gabing rumaragasa ito, puno ng ilaw at lumilipad silaa sa solben. Minsan, akala niya ay uod itong kumikinang ng ilaw at puno ng mga nangungunyapit na linta na many sari-sariling korol. Mga lintang galing sa trabaho. Uuwi na sila. May mga buhay sila, e. Isip niya, ang sarap ng maging katulad nila, nakasakay sa kumikinang na uod na kapag ramaragasa ay nag-iiwan ng pula, puti, blu, orens at maraming maraming bumibilog, tumutudla, bumubulusok, pumapailanlang, bumubulwak at kumikiwal na korol. Andaming korol! At yung sawns. Walang binesa ang disko sa Menudo. Pakiwari niya'y galing sa langit, mula sa kung saan-saan, dumadagundong, sumasayaw, nag-aanyaya, sumasabay, sumasaliw, umiiwas, lumalayo, lumalapit, sumisiksik, himihiyaw, lumalambing, parang duyan, parang oyayi na nais ihele at magupiling, parang agos na tumatangay, parang alapaap na kumakampay, kumakaway, naglalakbay, isang huning nanghahalina, nang-aakit, umaawit, parang... parang... wow!Sinabi niya, ilang beses na nasabi na niya, na gusto niyang mamatay sa elarti. Anong sarap na makasama ang mga korol at sawns. Kesa basura, kesa kalsada, kesa tebi, kesa ketong, kesa sipilis, kesa apoy...!Ginulat siya ng tatlo. Hahaha! Bbungi! Tanga! Gago! Baliw! Putsa! Ano, kamo? Lalaban ka? Matapang ka? Ha? Tuhod. Tulak. Aray ko! Pero Hindi siya lalaban. Maliit kasi siya.Nagtitrip ka diyan e, bumaba na ang tama natin. Iiskor tayo mamaya. Iiskor ka pa.Tinalunton ni Dodoy ang Abenida. Ayaw niya sa usok. Masakit sa ilong Maingay, Hindi niya gusto ng maingay, Hindi sawns. Da bes yung elarti. Magulo, walang kuwentang panginorin. Hayun, yung mga neyong naglalaro at de korol, yun ang gusto niya rito tuwing kagampan ang dilim. Kaya lang, kulang sa galaw, kulang sa liksi, kulang sa hagibis. Gusto niya'y matulin, yung gusto mong habulin pero Hindi mo makaya. Ganun ang elarti, ibang klase.Pagtawid niya'y gahibla na siyang muntik na mahagip ng rumaragasang magarang kotse. Kagulo ng trapik. Putang-ina mong yagit ka! Magmura kayo. Wala na sa kanya yun. Yun ngnang maghapong higa niya sa gitna o tabing kalsada, e balewala na. Tao, trak, dyip, greder, lahat umiiwas sa kanya, sa kanila. Kailanman ay Hindi siya umiiwas sa mga sasakyan. Pag 'di ka umiwas, iiwasan ka. Pag umiwas ka, di sila iiwas. Pag walang umiwas, bahala na. Yun ang natutunan niya sa kalsada. Init at ulan, balewala na rin. Nababata na niyang lahat. Bahagi na yun ng kanyang trabaho. ng pakikibaka sa buhay. Magpupunas ng uling at alikabok, kung minsan putik, sa iba't ibang bahagi ng katawan, damit at syort na anyong basahan, hihiga sa kalsadang maraming nagdaraan katabi ang nakangangang lata. Hindi gaanong dusa kung kargado ng solben, maagti-trip ka maghapon. Pag-asa ang bawat kalansing barya.Pasok siya sa madilim at namumutik na iskinita. Doon sa pagawan ni Kenet ng sapatos. Mas bukas ang puwesto niya pag gabi. Maraming umiiskor.Uy, Dods, ano ba'ng atin? Kondolens uli. Ilan? Walong kutsara? Wow! Bigat n'yo ah, lumalakas kayo. Lasing si Kenett, may mga kainuman tulad ng dati.Si Kenet, laging bundat ang tiyan, malaki na nga, Hindi tama sa edad niya, trentahin pa lang siya, sobrang porma. Simple lang ang repersyap niya, maliit, pero nakakarating na siya sa Hongkong, Bagyo, at Dabaw. Marami siyang pera.Hayan, may palamang binilot diyan. Okey ang iskor n'yo ngayon, e.May balatong damo si Kenet. Mas gusto ni Dodoy ang damo kaya lang di pa nila kaya. Mas mabigat iskorin ang damo. Pero sabi ni Dyong, malapit na silang lumipat sa damo o maaaring shabubasta't palarin si Nenet, sila.Yun. Kaya walong kutsara sila ngayon, nagsimula na yata ang suwerte ni Nenet kagabi. Pers taym na ipinarada siya ni Dyong sa Ermita, agad may nakanang Ostralyanong datan. Twenti dolars ang hatag. Nagpakabusog sa hamberger at kok sina Dyong, Nenet, at Toto. Si Dodoy, di kaya kahit anong sarap. Ayaw humiwalay nung amoy, nung sigaw. Bumili ng damit si Nenet sa Sentral Market, pati lipstick at pabangong emseben. Bumili rin si Dyong ng bayodyesek para sa lagnat ni Nenet. Hindi ito makagulapay paggising kaninang umaga. Sabi ni Dyong, pers taym kasi sa parener, kaya ganun.Si Dyong, titigil na rin sa pagdapa sa kalsada. Paparada na rin sa parener ngayong gabi. Kung sakali, paparadi na rin si Dodoy at Toto sa mgs darating na gabi. Baka sakali, iiwan na nila ang kalsada tulad Nina Bet, Warly, Kongkong, Perdi, Sali, Mimi…Paparada na sila sa parener.Habang papalapit si Dodoy sa inabandonang bilding, sumagi sa isip niya ang mga sinabi ni Dyong noon, noong buo pa ang gusali at nang masunog ito. Napakagandang bilding nito dati, labas-masok ang mga maayos na Tao, yung magagara ang damit. Ni sa hinagap pa nga e, Hindi niya inakalang isang araw e, magiging tirahan niya, nila, ito, labindalawang palapag. Puro nga abo't uling pero ang laking panangga sa lamig at sakuna sa gabi. Minsan, noong buo pa ang bilding, ang lakas ng ulan, sumilong sila sa may pinto nito, doon na natulog, pero ipinagtabuyan sila ng guwardiya, tinutukan ng baril ang nguso ni Dyong nang umangal ito. Sinagasa nila ang ulan. Nilagnat si Nenet, ang taas, nagdiliryo nang ilang araw, akala nila mamamatay. Sabi ni Dyong, putang-ina, susunugin ko ang bilding! Isang araw nga, mga tatlong buwan na, nasunog ang gusali. Minsang langong-lango sila sa solben, sabi ni Dyong, siya ang sumunog. Pero walalng naniwala sa kanilang tatlo. Ngayon, habang paakyat siya sa bilding, naitatanong niya, si Dyong nga kaya ang sumunog nito? Baka totoo. Siya nga e…Ang tagal mo, a.Kumakain sina Dyong, Nenet at Toto ng hamberger at kok na naman. May para kay Dodoy pero ayaw niya.Talagang nagpapakamatay ka na, ano? Ang payat-payat mo na. Kalimutan mo na ang nanay mo. Patay na yun! O, kainin mo!Ayaw. Buang na talaga! Yun ang sabi ni Nenet. Ang nabubuang daw, Hindi kumakain nang matagal. Tapos, laging nakatungo, nakatanghod, tulala, nakanganga. Ganun si Dodoy. Naaawa si Nenet.Pansiyam na ngayong araw, gabi, na halos di kumakain si Dodoy. Titikim lang ng konti, wala na. Sabi ni Dyong, pasiyam ngayon ng nanay mo. Basta pasiyam, nag-aalay ang mga namatayan ng pagkain, padasal, palaro. Nililimot ang kalungkutan ng pagkawala ng isang mahal sa buhay. Alam ni Dyong dahil istoawi siya galing sa probinsya. Ganun daw sa kanila kapay ika-siyam na araw ng patay. Kaya dapat huwag nang malungkot si Dodoy.Walong kutsara ngayon ang solben natin. Magseselebreyt tayo sa pasiyam ng nanay ni Dodoy. Tulad sa probinsya namin. Tapos, tsibog tayo, ha, Doy? Ha?Siyanga naman, Doy. Sige na. Selebreyt na!Sige. Bahagyang ngingiti si Dodoy, unang guhit ng ngiti sa kanyang mukha sa loob ng siyam na araw, gabi. Pero sa loob-loob niya, kung alam n'yo lang na Hindi sa lungkot kaya ako nagkakaganito… Hindi!Hating kapatid, ha, tigalawang kutsara tayo.Ay, Dyong, di ba hihintayin tayo ni Mister Pol Hanikom sa Anito?Alas diyes medya pa yun. Karga muna tayo. Maganda yung kargado ka para mawala yung sakit ng ulo mo at saka Hindi hahapdi 'yang sugat. Alam n'yo bang sinabi ni Mister Pol Hanikom na kapag nakakita siya ng isang buong bahay na mauupahan, ititira niya dun si Nenet, kasama tayo, di ba sinabi niya, Net?Oo, kaya lang… parang natatakot ako, e…Ito ang langit para kay Dodoy. Mamumula ang kanyang mga mata, mangangapal at mamamanhid ang kanyang balat, maninindig ang kanyang mga balahibo, wari'y mamimimitig ang kanyang mga binti, nagiging maganda ang paligid, nagiging masaya, nagiging paraiso. Yung tambakan, nag-aanyong bundok ng ginto. Ang init ng araw, walang haplit, sumusuko. Ang lamig ng gabi, umaamo, nagiging kaulayaw. Lahat ng pagkain, maski panis, masarap, malinamnam. Nagiging maganda siyang lalaki, Hindi sunog ang balat, Hindi kinakalayo ang mga palad at apakan, Hindi nagluluga ang kaliwang tenga, Hindi nananakit ang mga bulok niyang ngipin, gumagara ang malabasahan niyang kasuotan, nagmimistulang anghel sa kagandahan si Nenet…Si Nanay niya, masaya sa solben, matagal dung gumamit. Siya ang nagturo. Noon una, galit ito. Putang-yawa ka, Dodoy! Masama ang adik-adik. Pero nang dapuan ito ng tebi, pangangati ng katawan at nagsimulang mangayayat, sinubok ang solben, nasarapan ito, naiibsan ang dusa niya. Kaya tuwing uuwi siya, may pasalubong siyang solben at siopao sa nanat niya. Alam na Nina Dyong ito.Naikuwento na rin niya kay Nenet na wala siyang tatay. Galing ng Bohol si Nanay niya, yun ang sabi sa kanya. Hindi alam ni Nenet kung saan ang Bohol. Sabi niya, parte pa rin ng Pilipinas. Nakalakihan niyang may labas-masok na lalaki sa mga natirhan nila sa iskwater hanggang nang makabili ng munting dampa sa tambakan. Greyd wan lang siya. Wala nang lalaking lumapit sa nanay niya. Kailangan na niyang maghanap ng pambili ng pagkain at gamot ng nanay niya. Nang lumalala ang kanyang nanay, panahong nakilala niya sina Dyong. Sa kalsada na rin siya tumira. Ayaw na siyang patulugin ng nanay niya sa dampa. Baka raw mahawa siya. Maski ano'ng gawin niya, Hindi niya kayang bilhin ang mga gamot.Hindi na rin nanghingi ng gamot ang nanay niya. Solben na lang at siopao.Kwento ka nga, Doy. Magaling kang magkwento, e. Sabi ni Nenet. Magkukuwento siya basta si Nenet.Kwento yun ng nanay niya, sabi niya, paborito niyang kwento. Ngayon lang niya ikukuwento kay Nenet, kasama na rina sina Dyong at Toto dahil naroroon sila. Kwentong piritil daw, sinauna. Kwento ni Huse Lisar.Anong Huse Lisa? Huse Risal!Hagalpakan ng tawa sina Dyong at Toto. Utal, gago! Gusto niyang ma-bad trip per magkukwento siya kay Nenet. At saka maliit siya, e, Hindi niya kaya ang dalawa.Yun daw kasing gamu-gamo, matigas ang ulo, yung anak, ha, Hindi yung ina. Mag-ina, e. Sabi ng ina, mainit yang apoy ng ilaw na de gas kaya huwag kang maglaro sa malapit na malapit dahil malapit ang aksidente dun. E, ito kasing anak, matigas ang ulo. Isang araw, naglikot siya, Hindi sa ilaw kundi dun sa tenga ni Huse…Risal, gago!Tapos, sabi ni Nenet.Di napaigtad si Huse…Risal, gago!Tapos…Natabig ni kuwan yung ilawang de gas at lumiyab yung mesa. E, sa ilalim ng mea nakatira ang mag-inang gamu-gamo. Nasunog sila. A, Hindi yung anak lang pala ang nasunog muna dahil naghahanap ng pagkain ang ina. Umiyak yung nanay nang malaman ang nangyari sa anak. Tapos, nagpakamatay siya.Maiiyak si Nenet.O, pinagtripan mo na naman iyong kuwento. Hindi naman nakakaiyak, e, kuwento ng katangahan iyon, e.Ilang elarti na ang dumaan.Wow, halos panabay nilang nauusal kapag may na daraan. Natatahimik sila, ninanamnam ang sawns, ang korol.Dyong, sumakay tayo ng elarti bukas, lambing ni Nenet.Teka… sige.Sama kami.Oo. Pag may nakuha si Nenet mamaya kay Mister Pol Hanikom. Bibili tayo ng tig-iisang teysert para Hindi tayo nakakahiya.Bukas na lang tayo pumunta kay Mister…Ngayon na. Usapan, e.Mahapdi, e…Singhot ka nang todo para hay na hay ka, mawawala 'yan. Basta bukas, sasakay tayong lahat sa elarti.Naalala ni Dodoy yung sinabi ni Dong, yung pagsunog ng bilding.Oo, kasi ayaw n'yong maniwala. Akala ko kasi noon, mamamatay na si Nenet. Ang ginawa ko, humingi ako ng gas kay Nenet, di ba marami siyang das na panlinis ng tumitigas na solbent? Yun, sabi ko para sa ilaw natin. Nakikita n'yo yung istasyon dun ng elarti? Dun, sumingit ako noong malapit nang magsara. Nagtago ako. Tapos, nung wala nang elarti, binaybay ko yung tabi ng riles. Pagtapat ko diya sa terd plor, binato ko yung salamin ng bintana. Dun ko ipinasok yung sinindihan kong basahan na babad sa gas. Huwag n'yong ikukuwento sa iba, ha?Oo.Dumalang ang elarti.Magbihis na tayo, Net.Atubili si Nenet, nakatingin kina Dodoy at Toto.Halika na, magagalit si Mister Pol Hanikom, e.Atubiling tatayo si Nenet, inaalalayan ni Dyong.Kaya mo ba, Net, Hindi na ba masakit ang ulo mo?Kaya niya.Doy, huwag ka nang malulungkot, ha? Bobolahin ko si Mister Pol Hanikom para may teysert tayo bukas, tapos sasakay tayo ng elarti at saka kakain tayo ng masasarap. Kumain ka na rin kasi…Tatango si Dodoy. Umiika si Nenet. Parang gusto niyang pigilan kaya lang baka magalit si Dyong. At saka gusto niya sanang sabihin kay Nenet na Hindi naman siya nalulungkot. Dapat nga, magluwag ang kalooban niya dahil lipas na ang paghihirap ng nanay niya. Mas gusto lang sana siyang ikuwento pa kay Nenet…Hindi niya alam kung matatanggap ni Nenet. Baka magalit. A, kay Toto na lang muna. Kay Toto na lang…Matapos bihisan ni Dyong si Nenet at magbihis din siya, lumakad na sila.Pilit na inaaninag ni Dodoy si Nenet habanag paalis na sila ni Dyong hanggang sa nawala na ang gma ito sa may hagdan. Alam niyang ayaw ni Nenet na pumunta kay Mister… Hindi niya mabigkas yung pangalan. Ayaw ni Nenet. Dati, gustung-gusto nito, pero matapos ang unang parada kagabi, narinig niyang nagreklamo si Nenet kay Dyong… Hindi naman pala mabait ang parener.Masasanay ka rin, sabi ni Dyong. Noong una nga, akala natin Hindi natin kayang humiga sa kalsada na bilad maghapon, nauulanan pa nga tayo pero nakaya natin. Kaya.Tuloy ang dyaming Nina Dodoy at Toto.Ikaw, To, asan ang nanay at tatay mo?Ako… sabihin ko na sa 'yo ang totoo, Doy, wala rin akong tatay, puta rin ang nanay ko. Pero tumigil na.Asan na siya?Hindi ko alam. Iniwan niya ako, e. Sabi niya babalik siya. Hintay ako nang hintay dunsa tinitirhan namin dati sa Baclaran, pero Hindi na siya bumalik. Putang-ina niya, galit ako sa kanya. Ikaw, Doy, Hindi ka ba galit sa nanay mo?Noon. Ayoko lang yung mga laalaking panay ang pasok sa bahay pag gabi. Ginagalaw nila si Nanay tapos sinisia ako pagtumitingin ako sa ginagawa nila. Kunwari tulog akong lagi pag may lalaki sa bahay. Kawawa si Nanay…Tutulo ang luha ni Dodoy. Ngayon lang siya umiyak, ngayong pasiyam. Maiiyak din si Toto.Galit ako sa nanay ko… pero mahal ko din naman siya kahit na iniwan niya ako…Madalang na madalang na ang elarti. Kargadong-kargado na sina Dodoy at Toto. Panay pa rin ang singhot nila ng solben. Banat hanggang sa kaya.To, naniniwala ka ba kay Dyong na siya ang sumunog sa bilding na 'to?Maniniwala ka rin ba na sinunog ko ang nanay ko?Ano?Sinunog ko si Nanay, To… sinunog ko siya…Umiiling si Toto. Hindi mo yun magagawa sa nanay mo. Nanay mo yun, e. Hindi ako maniniwala!Sinunog ko siya, To… sinunong ko yung bahay namin… dinurog ko muna siya ng solben, durog na durog… tapos, nung hay na hay na siya, binuhusan ko yung bahay ng gas… kay Nenet ko rin hiningi yung gas…Putang-ina…Kaya ako Hindi makatulog, To… Hindi ako makakain… Hindi ko malimutan yung sigaw ni Nanay, saka yung amoy ng nasusunog niyang laman… ginawa ko yun kasi awang-awa na ako sa kanya… tuwing uubo siya, may dugo… yung katawan niya, puro nana at butas… nilalanga siya… pag gabi, kinakain siya ng mga daga… putsa… putsa talaga…Yuyugyog ang buong katawan ni Dodoy sa kanyang paghagulgol.Mapapaatras si Toto. Magsusuka nang magsusuka, lalayo.Samahan mo akom To. Huwag mo akong iwan dito…Ayoko na! Bad trip ka! Putang-ina! Tatakbo si Toto, lalamunin ng dilim.Totodohin ni Dodoy ang pagsinghot sa solben, parang mauubusan, parang hinahabol, kailangan niyang mapuno, mawala para Hindi mahabol ng amoy ng nasusunog na laman, ng nakalulunos na sigaw.Kaginsa-ginsa'y may naulinigan siyang tunog, parang malayong sigaw? Hindi, sawns! Sawns nga! Hayun, tanaw niya ang papalapit na elarti. Andaming korol.Tatayo si Dodoy, hahakbang sa hanggahan ng palapag. Sasakay ako sa elarti, mauuna ako sa kanila… Hindi nila ako mahahabol. Guguhit ang ngiti sa kanyang mukha.Bago tumapat sa gusali ang rumaragasang dambuhalang uod ay lumipad na si Dodoy… sa magpakailanman.Wow.Postcript:Si Nenet, namatay sa impeksyon ng kanyang maselang parte.Si Toto, nasa sentro ng rehabilitasyon para sa mga adik.Si Dyong, inampon, sabi'y inasawa ni Mister Paul Honeycombe. Nasa Ostralya na sila.