Si Amado V. Hernandez ay makata, nobelista, mandudula, peryodista, at itinanghal na Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng panitikan. Nagsulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Herminia dela Riva, Amante Hernani at Julio Abril.
Isinilang siya noong 13 Setyembre 1903 sa Tundo, Maynila, at supling Nina Juan Hernandez at Clara Vera. Napangasawa niya si Honorata "Atang" de la Rama na tinaguriang "Reyna ng Kundiman" na napabilang din sa Orden ng Pambansang Alagad ng Sining. Nag-aral si Hernandez sa Manila High School sa Gagalangin, Tundo, Maynila; at sa American Correspondence School at doon niya nakamit ang titulong batsilyer sa sining.
Chat with our AI personalities