answersLogoWhite

0

Noong 26 C.E., si Pilato ay inatasan ng Romanong emperador na si Tiberio bilang gobernador ng probinsiya ng Judea. Ang gayong matataas na opisyal ay mga lalaking kabilang sa tinatawag na equestrian order—nakabababang mga maharlika, kung ihahambing sa mga aristokrata ng senado. Malamang na si Pilato ay umanib sa hukbo bilang mahistrado ng militar, o nakabababang kumandante; tumaas nang tumaas ang ranggo dahil sa sunud-sunod na matagumpay na mga misyon; at nahirang na gobernador bago siya sumapit sa kaniyang ika-30 taóng gulang.

Kapag nakauniporme si Pilato, suot niya ang isang tunikang yari sa katad at baluting metal. Kapag NASA harap naman ng publiko, siya ay nakaputing toga na may kulay-ubeng senepa. Posibleng maikli ang kaniyang buhok at walang balbas. Bagaman naniniwala ang ilan na siya’y mula sa Espanya, ipinahihiwatig ng kaniyang pangalan na siya’y kabilang sa tribo ng mga Pontii—mga maharlikang Samnite mula sa gawing timog ng Italya.Ang matataas na opisyal na karanggo ni Pilato ay karaniwan nang ipinadadala sa mga teritoryong di-sibilisado.


Ang Judea ay itinuturing ng mga Romano na gayong klaseng lugar. Bukod sa pagpapanatili ng kapayapaan, pinangasiwaan din ni Pilato ang pangongolekta ng di-tuwirang buwis at ng buwis na pantao. Nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng hukuman ng mga Judio ang pang-araw-araw na paglalapat ng katarungan, subalit ang mga kasong nararapat sa parusang kamatayan ay lumilitaw na ipinadadala sa gobernador, na siyang pinakamataas na hudisyal na awtoridad.

User Avatar

Wiki User

8y ago

Still curious? Ask our experts.

Chat with our AI personalities

SteveSteve
Knowledge is a journey, you know? We'll get there.
Chat with Steve
DevinDevin
I've poured enough drinks to know that people don't always want advice—they just want to talk.
Chat with Devin
FranFran
I've made my fair share of mistakes, and if I can help you avoid a few, I'd sure like to try.
Chat with Fran

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Sino si Augustus Caesar
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp