Antas ng pakikinig?
1. Apresiyativ na pakikinig
- gamitin ito sa pakikinig upang maaliw
- hal. awit sa radio, konsyerto
2. Pakikinig na diskriminatori
- kritikal na pakikinig
- ginagamit ito para sa organisasyon at analisis ng mga datos na
napakinggan
- inuunawa at inaalala ng tagapakinig ang mga impormasyon
kanyang
napakinggan
3. Mapanuring pakikinig
- selektiv na pakikinig
- mahalaga rito ang konsentrasyon
- bukod sa pag-unawa, ang tagapakinig ay bumubuo ng mga konsepto
at gumagawa ng mga pagpapasya ng valyu sa antas na ito
4. Implayd na pakikinig
- tinutuklas ang mga mensaheng nakatago sa likod ng mga salitang
naririnig
- ang hindi sinasabi ng tuwiran ay inaalam ng tagapakinig sa
level na ito
5. Internal na pakikinig
- pakikinig sa sarili
- pinagtutuunan ang pribadong kaisipan ng isang indibidwal na
pilit niyang inuunawa at sinusuri