answersLogoWhite

0


Want this question answered?

Be notified when an answer is posted

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Sino ang pilipinong humiling na magkaroon ng representasyon ang pilipinas sa Cortes?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Copy of efren abueg saranggola?

"Rading, Paquito, Nelson... pakinggan ninyo ang kwentong ito. May isang batang lalaki, walong taong gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon."" Anak, ibibili kita ng kawayan at papel. Gumawa ka na lamang ng saranggola," wika ng ama............


Halimbawa ng liham na kahilingan?

97-T F.C. Tuazon Street,Tabacalera Pateros, Metro ManilaPebrero 03,2012Mahal naming Presidente,Magandang araw! Marami ka ng nagawa para sa aming barangay, ngunit ngayon nais ulit naming humiling. Nais po sana naming maging maayos na ang aming barangay dahil nagkakasakit kami dahil sa polusyong dala ng masamang hangin. Ayaw na po naming mabawasan pa ang Tao sa aming barangay dahil sa pagkamatay na dala ng polusyon.Sana po ay maintindihan mo ang kalagayan ng aming barabgay.Nagmamahal,Residente ng Brgy. Tabacalera


Where do you send letters to Wish Ko Lang by Vicki Morales?

Dito po sa US . Tama po ba ang sagot ko? At sulat kamay po at ipapadala ko sa inyong himpilan


How do you join program of wish ko lang gma 7?

Dear wish q lng, magandang hapon po..itago n lamang po ninyo aq s pangalang grace aq po ay isa s inyong masugid n tagasubaybay..at isa n dn po s libo libong nanga2rap n mbgyang katuparan e2ng akng hiling..bata p lamang po aq bktima n po aq ng panu2kso ng mga kapwa q bata ng dahil po s kapansanan q n bunga po ng isang aksidente nung bata po aq,nag uuling ang lola q nun at s edad q pong 3yrs.old eh talagang napalikot q sabi n dn po ng aking ina..kaya nman aksidente aqng nakapak ng baga o apoy s likod bahay namin at ito ang naging dahilan qng bakit hindi naging normal ang buhay q,hanggang ngayon kasi tnutukso pa dn aq ng makakakita s kakaibang itsura ng mga daliri q s paa,lalo n pag mga bata ang makakita,hindi rin aq naka2pag suot ng tsinelas kapag kunwari lalabas ng bahay o kaya pag my pupuntahan kami,kelangan lagi aqng naka close shoes para d makita ang mga daliri q para d aq pagtawanan ng makakakita s paa q..hindi po aq makapag aral ng 2loy 2loy kasi problema dn ang fenancial lima po kaming magkakapatid at aq po ang panganay aq ang inaasahan ng mga magulang q para maka2long s kanila pero paano nga po aq makakapaghanap ng magandang trabaho gayong d naman aq nakatapos ng pag aaral q,sa ngaun s edad q pong 21 eh kasalukuyan po aqng nagtatrabaho bilang kasambahay dito sa batangas city,at swerte naman aq s pagka2roon q ng mababait na amo,napapasweldo aq ng maayos kaya kahit papaano eh nakakapagpadala aq s mga magulang q at nakakatulong yun s kanila,pero qng bbgyan po aq ng pagkakataong humiling ke lord isa lang po ang ihihiling q s kanya yun ay ang gawin niang normal ang mga daliri q s paa,para maging normal na dn ang buhay q para makapag aral na ulit aq at makapaghanap na aq ng trabaho at para matulungan q dn ang mga magulang q,at kahit imposible n mabgyan nyo ng pansin itong kahilingan q,umaasa pa rn po aq at hindi po aq magsasawa na humiling ng humiling kasi naniniwala po aq na habang nabubuhay po tayo laging nandyan ang pag asa..godbless po s programa nyo..at aq po ang ngmmhal ninyong tagasubaybay kasalukuyan pong naninirahan dito s tanguile street nueva villa subd.alangilan batangas city.. nagmamahal, christy grace manzanillo


Can i have a Reaction paper of bayaning third world?

PAGBUBUOD NG PELIKULANG "BAYANING THIRD WORLD"Ang pelikulang ito ay pelikulang nagsasadula ng buhay ni Rizal ngunit pinagdududahan dito ang pagkabayani ni Rizal. May dalawang tao na nag-isip at nagtalo sa paggawa ng pelikulang ito. Pinamagatan itong "Bayaning Third World" dahil sa pagiging marupok ni Rizal o third class, paano siya naging pambansang bayani kung tinalikuran niya ang himagsikan? Ito ang tanong na gustong ipabatid ng pelikula. Ito ay may 8 paksa: (1) Sino o Ano si Rizal? (2) Ang buhay ni Rizal, pampelikula ba ang buhay ni Rizal? (3) Doña Lolay, ang alaala at pag-alaala. (4) Josephine Bracken, inspirasyon o pampagulo? (5) Narcissa, ang biktima ay si Pepe. (6) Trining, lumabong alaala. (7) Padre Balaguer, nagbalik-loob si Pepe. (8) Kanya-kanyang Rizal. Ang pelikulang ito ay parang paglilitis kung saan isa-isang dadalawin ng dalawang gumagawa ng pelikula ang mga tao sa buhay ni Rizal at sa huli, hindi na nila maiiwasang kausapin mismo si Rizal. Sa simula ay ipinakita ang iba't ibang sagisag ng Pilipinas: pambansang ibon, hayop, bulaklak, ibon, puno, dahon, prutas, kasuotan, bahay, sayaw, laro, isda, kanta, bandila at bayani.Sino o Ano si Rizal? Sa umpisa, tinatanong kung sino at ano ba talaga si Rizal. Siya ay ang pambansang bayani, ang natatanging "Indio Bravo" at siya ay ang piso na maliit lamang ang halaga ngunit nangunguna.Ang buhay ni Rizal, pampelikula ba ang buhay ni Rizal? Nabanggit dito na ang buhay ni Rizal ay hindi pampelikula dahil wala na daw siyang ginawa kundi ang bumiyahe, sumulat ng mga nobela at tula, sumulat para sa kanyang mga kaibigan at tapos pinatay. Sa pelikulang ito pinagtalunan ang magiging pamagat at kung ano ang magiging paksa, isa sa mga nabanggit ay Rizal versus Bonifacio, Rizal versus Contemplacion, at Komersyal para sa Sentenyal. Sa pelikulang ito inimbestigahan ang pagkabayani ni Rizal, tutol nga ba siya sa rebolusyon o nabanas lang daw siya dahil hindi siya ang nagsimula nito. Dito nabanggit ang umano'y sulat ni Rizal tungkol sa relihiyong Katoliko bago siya mamatay. Sinabi na ang dahilan ng kanyang paglaban sa relihiyong Katoliko ay dahil ito ang dahilan ng lahat ng kanilang kahirapan at hinagpis. Ayon kay Rizal ang relihiyong Katoliko ay ginagamit noon para sa ilang piso, upang mapalawak ang kanilang mga asyenda, mang-akit ng mga inosente at batang-batang babae, at para patayin ang mga kaaway. Ipinakita din sa pelikula kung paano pinagdudahan ang buhay pag-ibig ni Rizal. Talaga bang nagpakasal sila ni Josephine Bracken?Doña Lolay, ang alaala at pag-alaala. Ayon kay Doña Lolay ang paghahangad ng karunungan ay halos isang krimen. Naging labis ang karunungan niya, aanhin niya ang karunungan kung ituturing siyang Filibustero, matutulad lamang siya kay Padre Burgos na nauwi sa kamatayan, napabayaan niya ang kanyang tungkulin bilang isang Kristiyano na dati niyang ginagawa sa kanyang pagkabata, pahayag ni Doña Lolay. Ngunit ayon kay Rizal, ang magsasaka doon ay higit na mas marunong kaysa sa mga Obispo sa Pilipinas, higit na mas may nalalaman kaysa sa mga santong lumikha ng mga milagro. Ang sinabi ni Rizal sa kanyang ina ay kung ano man ang kanyang pinaniniwalaan ngayon ay kanyang paniniwalaan dahil hindi matatanggap ng kanyang budhi ang mga bagay na hindi naaayon sa matuwid na pag-iisip. Ang saloobin ni Doña Lolay ay baka tuluyan nang nawalan ng tiwala si Rizal sa Diyos at maging Protestante siya, dito din niya nabanggit na binalaan na niya si Rizal noong bata pa lamang ito na huwag masilaw sa mga nakakaakit at naksisilaw na liwanag. Ngunit pinaninindigan ni Rizal ang kanyang mga isinulat, desidido na siyang magpakamartyr at maluwag na sa loob niya ang mamatay. Binagabag ang kanyang konsensya sa nangyari sa Calamba kung saan ligtas siyang nasa ibang bansa sa mga panahong iyon samantalang ang kanyang pamilya ay nakararanas ng kalupitan sa kamay ng mga Kastila.Josephine Bracken, inspirasyon o pampagulo? Ipinatapon si Rizal sa Dapitan nang hindi man lang siya nabibigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang kayang sarili. Marami siyang pinagkaabalahan doon, maraming operasyon, maraming pasyente, may mga pagkakataon din na nanalo siya sa lotto at higit sa lahat nakilala niya si Josephine Bracken. Dito pinakita ang pagdududa tungkol kay Bracken, kung saan nga ba talaga siya nakilala ni Rizal, kung sa Dapitan ba o sa isang bar sa Hongkong. Dito pinag-usapan kung nagpakasal talaga sila ni Rizal. Sinasabi na nagpakasal sila bago mamatay si Rizal ngunit walang maipakitang katibayan si Bracken dahil sa kawalan umano ng oras noong mga sandaling iyon at sinasabi din niya na gusto niyang makuha ang lahat ng mga gamit ni Rizal ngunit tutol ang pamilya ni Rizal sa knilang pagpapakasal dahil ayaw nila kay Bracken. Sinasabi din na siya ang naging dahilan ng pagbabago ng isip ni Rizal upang mabalik-loob sa simbahang Katoliko. Dito din pinakita ang isyu tungkol sa dokumento na nagsasabing nagbabalik-loob na nga talaga si Rizal sa simbahang Katoliko. Ang dokumentong sinasabi ay hindi malaman kung tunay bang isinulat ni Rizal o peke lamang na pakana ng mga paring Kastila.Narcissa, ang biktima ay si Pepe. Binatikos dito ang pagkakakilala at pagsasama ni Rizal at Bracken dahil ito umano ay isang eskandalo. Ayon kay Narcissa ginamit lamang ang pangalan ni Rizal kaya siya napagbintangang nagsimula ng himagsikan dahil alam niya na tutol siya sa himagsikan, naipit, nabitag at napagbintangan lamang siya. Ayon kay Rizal, ang pagbabago ay dapat magsimula sa gobyerno at hindi sa mga taong bayan dahil kung ang mga taong bayan ang magsisimula ng pagbabago, kamatayan lamang ang mangyayari.Trining, lumabong alaala. Sino ang maniniwala kay Padre Balaguer? Hindi naniniwala ang kanyang pamilya na magagawa nga ni Rizal ang sinasabi ni Padre Balaguer dahil ayon sa unang pahayag ni Trining, ganoon ang sinasabi ng mga Heswita ngunit wala silang maipakitang dokumento na makakapagpatunay nito, alam niya ang sulat kamay ng kanyang kapatid na si Rizal. Ang ginagawa umano nila ay panlilinlang at paninira sa isang taong patay na. Hindi daw nawala ang dokumento kundi ay hindi lang malaman kung saan ito nailagay, at sinasabi umano na ang nakahanap ng dokumento ay isang paring Kastila kaya sinasabi na ang dokumento ay peke at pakana lamang ng simbahang Katoliko. Ngunit sa pangalawang pahayag ni Trining sinasabi niya na naniniwala siya sa dokumentong nagsasabi ng pagbabalik-loob ni Rizal sa simbahang Katoliko, na namatay siya bilang Katoliko at nagpakasal siya kay Josephine Bracken. Kumonsulta umano si Trining sa isang espiritista upang kausapin ang kanyang kapatid. Hindi malaman kung anong pahayag ni Trining ang totoo dahil sa kanyang katandaan ba kaya nagbago ang kanyang pahayag? Ito ang tanong na hindi nabigyan ang kasagutan.Padre Balaguer, nagbalik-loob si Pepe. Dito sinasabi na nagbalik-loob si Rizal sa pagiging Katoliko at si Padre Balaguer ang umano'y naging testigo. Pagkatapos ng pagdeklara ng sentensya kay Rizal ng kamatayan, si Rizal umano'y inilipat sa isang kuwartoong ginawang kapilya upang matamo niya ang tunay niyang kapayapaan sa huling mga oras ng kanyang buhay sa mundo. Ayon kay Rizal, naniniwala siya na sa malayang kaisipan, hindi niya matatanggap ang anumang batayan ng kaalaman maliban sa sinasabi ng kanyang pag-iisip. Sinasabi ng mga pari sa kanyang dating eskwelahan na nagging deboto daw si Rizal ng Birheng Maria ngunit ito ay madiing pinabulaanan ni Rizal. Sinasabi din na noong nagkita sila ng kanyang ina bago siya mamatay, si Rizal umano ay nagmakaawang humingi ng kapatawaran sa kanyang ina ngunit may ibang nagsasabi na humingi ito ng kapatawaran ng hindi nagmamakaawa bagkos ay nagbilin na bigyan ang kanyang bangkay ng mapayapang libingan. Hindi malaman kung sino ba talaga ang dapat paniwalaan, kung ang mga sinabi ba ng kanyang pamilya o ang sinabi ni Padre Balaguer. Sinabi din ni Padre Balaguer na nangumpisal si Rizal sa kanya bago ito matulog at pagkagising nito bago siya mamatay upang humingi ng kapatawaran sa mga nagawang pagkakasala niya. Dito din nabanggit ang nasabing sulat niya ng pagbabalik-loob sa simbahang Iglesia. Ayon sa sulat, si Rizal ay isang Katoliko at mamamatay siyang Katoliko, binabawi niya ang lahat ng kanyang sinabi, sinulat, inilimbag, inilathala at inasal laban dito. Naniniwala siya sa Iglesia at sinusunod niya ang mga utos nito. At bago siya mamatay, sinasabing siya ay nagumpisal ulit ng kanyang mga pagkakasala at humiling na magkaroon ng misa para sa kanya upang makapagkomunyon. At noong umaga umano'y walang tigil siyang nagrorosaryo. Sinabi din dito ni Rizal na handa na siyang mamatay. Sa huling mga oras ni Rizal, nakita at nakausap niya si Trining kung saan ay may ibinulong siya sa salitang Ingles na pagkamatay niya ay tingnan niya ang kanyang sapatos dahil may inilagay siyang sulat sa loob nito ngunit dalawang taon ang lumipas bago nila nahukay ang kanyang bangkay kaya hindi na nila nabasa ang sulat ni Rizal. Ang huling sulat na binigay lamang ni Rizal sa kanila bago ito mamatay ay naglalaman ng tula na nagsilbing habilin niya sa lahat: "Adios Patria Adorada Relihiyon del sol Querida".Kanya-kanyang Rizal. Maraming katanungan na hindi mabigyan ng kasagutan, maraming dapat sagutin si Rizal, ito ang huling nais ipabatid ng pelikula. Kahit basahin mo man daw ang lahat ng mga isinulat ni Rizal, hindi mo pa din lubusang makikilala si Rizal. Hangga't may pera habang buhay siyang mananatili sa piso. Hindi pampelikula ang buhay ni Rizal kundi pang-aklat lamang dahil sa maraming katanungang hindi pa rin masagot. Mahirap basagin ang pagiging pambansang bayani ni Rizal, ito ang iginiit sa katapusan ng pelikula dahil bawat tao ay may kanya-kanyang paniniwala tungkol kay Rizal. Kung totoong galling sa loob niya ang pagtalikod sa kanyang mga isinulat, masasabi na isa siyang duwag ngunit iba ang sinasabi ng kanyang mga nobela, mga tula, mga liham, mga sulat at deklerasyon tungkol sa kanyang paninindigan at pag-iisip at makikita mong hindi ka dapat magduda sa kanya. Nais din ipabatid ng pelikula na kung gusto mong makilala ng lubusan si Rizal ikaw mismo ang gumawa ng paraan upang kilalanin siya.


How do you send message to wish ko lang?

Dear vicky morales, Magandang umaga/ gabi sayo nais ko lang po na i wish sa inyo ang pamilya na pinsan ng aking ina na pamilya yolanda at manuel Reyes may tatlong anak. sapagkat naputulan po ng paa si tata uwel sa aksidente ang asawa ni ate yolly at hirap sa pag hahanap ng trabaho sa katunayan nakikilabasan lang si tata uwel/manuel ng trycle kahit putol na ang kanyang paa para lamang maitaguyod ang kanyang pamilya at mk pag aral ang kanilanhg mga anak.sana po ay matulungan nyo cla nag pangkabuhayan nla upang maitaguyod at tuluyang makapag aral ang mga bata. GUmagalang, albert mendoza


Alamat ng bundok pinto?

Masagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga. Maningning ang sikat ng araw .Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman sapaligid. Masigla ang awit ng mga ibon. Bughaw ang kabundukan. Subalit ang kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa Datu.Wala siyang madamang kaligayahan sa lahat ng namamalas.Malungkot na nakapanungaw ang Datu.Nakatuon ang ma paningin sa sa bughaw na kabundukan. Nakakunot ang noo at tikom ang mga labi. Nagbuntong-hininga nang malalim."Malungkot na naman kayo, mahal na Datu," narinig niya sa may likuran. Bumaling ang Datu. Nagtanong ang mga mata ni Tandang Limay. Isa ito sa bumubuo sa "Konseho ng Matanda.""Ikaw pala. Nalulungkot nga ako, Tandang Limay. Naalaala ko ang aking kabataan," at nagbuntung-hininga muli. Humawak siya sa palababahan ng bintana."Nakita mo ba ang bundok na iyon?" nagtaas ng paningin ang Datu."Oo, aking Datu, ngunit ano ang kinalaman niyon sa inyong kalungkutan?" tanong ni Tandang Limay. Napag-usapan na ng "Matatanda" ang napapansin nilang pagkamalungkutin ng Datu. Siya nga ang naatasang magsiyasat tungkol dito."Doon ako sa mga bundok na iyon laging nangangaso. Natatandaan mo marahil na malimit akong mag-uwi ng baboy-ramo at usa sa aking ama at mahal ko sa buhay.""Opo, Kayo mahal na Datu ang kinikilalang pinakamagaling sa pana noon. Napabantog sa ibang kaharian ang inyong katangian sa pangangaso," sang-ayon ni Tandang Limay."Iyan ang suliranin ko ngayon. Para bang gusting-gusto kong magawa uli ang mga bagay na iyon, ngunit napakatanda ko na upang pagbalikan ang kabundukang iyon. Napakalayo na ang mga pook na iyon para sa mahina kong katawan," at muling nagbuntung-hininga ang Datu."Hindi na nga ninyo makakayanan ang maglakbay nang malayo. Ngunit maaari naman kayong magkaroon ng ibang libangan," pasimula ni Tandang Limay."Bahagi na ng aking buhay ang pangangaso. Hindi na rin ako makadarama ng kasiyahan kung iba ang aking magiging aliwan," malungkot na umiling ang Datu.Naging usap-usapan sa buong kaharian ang suliranin ng Datu. Nabalita rin sa ilang bayan ang pagkamalungkutin ng pinuno ng Masinlok.Makalipas ang ilang araw, dumating sa palasyo ang isang salamangkero. Matanda na siya at mabalasik ang mukha. Malaki ang paghahangad niya sa kamay ni Prinsesa Alindaya, prinsesa ng Masinlok ngunit malaki rin ang pag-ayaw nito sa kanya.Nagbigay ng kaukulang paggalang ang panauhin.May magandang panukala ako tungkol sa inyong suliranin kung inyong mamarapatin, mahal na Datu," saad ng salamangkero."Sabihin mo at handa akong magbayad sa inyong kapaguran," turing ng Datu."Magpapatubo ako ng isang bundok sa kapatagan ng Masinlok na malapit sa inyong palasyo para sa inyong pangangaso ipakasal lamang ninyo sa akin si Prinsesa Alindaya," pahayag ng panauhin."Kung matutupad mo ang iyong sinabi ay ibibigay ko sa iyo ang kamay ng aking anak," mabilis na pasiya ng Datu.Madaling kumuha ng isang maliit na batumbuhay ang salamangkero. Ito'y parang isang batong mutya. Itinanim niya itong tila isang binhin ng halaman. Biglang-biglang sumipot sa pinagtamnan ang isang maliit na puno. Tumaas nang tumaas iyon. Lumaki nang lumaki hanggang sa maging isang bundok."Aba, anong laking bundok! Di ba iyan tumubo sa itinanim na batong mutya ng salamangkero?" paksa ng usapan ng mga tao.Samantala sa palasyo, iniluhang gayon na lamang ni Prinsesa Alindaya ang naging pasiya ng ama. Ipinagdamdam niya nang labis na tila siya ay kalakal na ipinagpalit lamang sa isang bundok. At sa lalaki pa naming kanyang kinamumuhian. Laging lumuluha ang magandang prinsesa. Nagkaroon siya ng karamdaman. Naging malubha ang kanyang sakit. Dumating ang araw na itinakda ng Datu sa pagkuha sa kanya ng salamangkero."Ikinalulungkot ko na hindi ko mapasasama sa iyo ang aking anak. May sakit ang mahal na prinsesa. Magbalik ka sa ibang araw," saad ng Datu sa salamangkero.Umuwing masamang-masama ang loob ng matanda. Galit nag alit siya sa Datu. Sinapantaha niyang gusto na nitong sumira sa usapan. Nagulong gayon na lamang ang kanyang loob. Lagi niyang naiisip si Prinsesa Alindaya at ang kanyang kabiguan. Hindi niya napansing palaki nang palaki ang bundok. Ito'y kanyang nakaligtaan."Mahal na Datu, halos natatakpan na po ng bundok ang buong kapatagan. Malapit na pong humangga ang bundok sa tabing-dagat. Wala na pong matitirhan ang mga tao," sumbong ng matatanda sa Datu."Hulihin ngayon din ang salamangkero. Putulan siya ng ulo. Lubhang nakapipinsala sa kaharian ang bundok na pinatubo niya," mabalasik na utos ng hari. Natakot siya sa maaring mangyari sa kaharian.Namatay ang salamangkero ngunit patuloy pa rin sa paglaki ang bundok. Araw-araw ay pataas ito nang pataas na lalong ikinabahala ng mga tao. Walang maisipang gawin ang Datu. Palubha nang palubha ang suliranin.Nakaabot ang balita hanggang sa malalayong kaharian. Nakarating iyon sa pandinig ni Prinsipe Malakas ng Pangasinan. Balita siya sa taglay na lakas at kabutihang loob. Agad siyang naglakbay patungong Masinlok. Humarap sa Datu ang matikas na prinsipe."Nakalaan sa inyo ang aking paglilikod, mahal na Datu," magalang na badya niya."Nakalaan akong magbigay ng kaukulang gantimpala. Humiling ka kahit anong bagay kapag nagtagumpay ka. Lunasan mo ang suliranin ng kaharian, Prinsipe ng Pangasinan," pahayag ng Datu."Wala po akong hinihintay na gantimpala, aking Datu. Tayo na sa labas."Si Alindaya na noo'y magaling na ay naganyak sa tinig ng panauhin. Sumilip siya sa siwang ng pintuan. Malakas na malakas ang pitlag ng puso ng dalaga.Nanaog ang Datu pati ang prinsipe. Madali nilang sinapit ang paanan ng bundok.Sa isang kisapmata, binunot ng prinsipe ang bundok. Parang pagbunot lamang ng isang maliit na punong-kahoy. At sa isang iglap din, ipinatong niya iyon sa kanyang likod na walang iniwan sa pagbalikat ng tinudlang baboy-ramo. Mabilis din siyang humakbang na papalayo at ihinagis ang bundok sa lugal na kinaroroonan nito ngayon.Bumalik ang prinsipe at ang Datu sa palasyo sa gitna ng pagbubunying mga tao. Galak na galak ang kaharian. Pagdating sa palasyo, niyakap ng Datu ang prinsipe. Iniutos niya ang malaking pagdiriwang para sa karangalan ng prinsipe noon ding gabing iyon.Gabi ng kasiyahan, nagsasayaw noon ang prinsesa pagkat nahilingan ng amang Datu. Walang alis ang tingin ng prinsipe sa magandang mananayaw. Nabatubalani siya ng magandang prinsesa. Walang humpay ang palakpak ng prinsipe matapos ang pagsasayaw nito.Kiming umupo ang prinsesa sa tabi ng Datu. Siya'y tahimik na nakatungo."Ang aking anak, si Prinsesa Alindaya, mahal na prinsipe, nakangiting pagpapakilala ng Datu. Yumukod ang prinsipe at ang prinsesa nama'y nag-ukol ng matamis na ngiti.Walang alis ang paningin ni Prinsipe Malakas sa dalaga. Hindi matagalan ng prinsesa ang kabigha-bighaning titig ng prinsipe."May sasabihin ka, Prinsipe Malakas?" tanong ng hari upang basagin ang katahimikan."Hinihingi ko ang inyong pahintulot na makausap ko ang mahal na prinsesa, mahal na Datu," ang hiling ng prinsipe."Higit pa sa riyan ang maibibigay ko," sang-ayon ng Datu.Hindi nagtagal at nasaksihan sa Masinlok ang marangyang kasal nina Prinsesa Alindaya at Prinsipe ng Pangasinan. Nagsaya ang kaharian sa loob ng anim na araw.Samantala, ang guwang na nilikha ng pagkabunot sa bundok ay napuno ng tubig ito'y naging isang lawa.Naging maganda at matulain ang lawang ito na tinawag ng mga tao na "Lawa ni Alindaya" sapagkat nagpapagunita ng kagandahan ng prinsesa at ng pag-ibig niyang siyang dahilan ng pagkakaron ng Bundok na Pinatubo


Ano ang alamat ng bundok pinto?

ALAMAT NG BULKANG PINATUBO Masagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga. Maningning ang sikat ng araw .Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman sapaligid. Masigla ang awit ng mga ibon. Bughaw ang kabundukan. Subalit ang kagandahan ng umaga ay Hindi nakasiya sa Datu.Wala siyang madamang kaligayahan sa lahat ng namamalas. Malungkot na nakapanungaw ang Datu.Nakatuon ang ma paningin sa sa bughaw na kabundukan. Nakakunot ang noo at tikom ang mga labi. Nagbuntong-hininga nang malalim. "Malungkot na naman kayo, mahal na Datu," narinig niya sa may likuran. Bumaling ang Datu. Nagtanong ang mga mata ni Tandang Limay. Isa ito sa bumubuo sa "Konseho ng Matanda." "Ikaw pala. Nalulungkot nga ako, Tandang Limay. Naalaala ko ang aking kabataan," at nagbuntung-hininga muli. Humawak siya sa palababahan ng bintana. "Nakita mo ba ang bundok na iyon?" nagtaas ng paningin ang Datu. "Oo, aking Datu, ngunit ano ang kinalaman niyon sa inyong kalungkutan?" tanong ni Tandang Limay. Napag-usapan na ng "Matatanda" ang napapansin nilang pagkamalungkutin ng Datu. Siya nga ang naatasang magsiyasat tungkol dito. "Doon ako sa mga bundok na iyon laging nangangaso. Natatandaan mo marahil na malimit akong mag-uwi ng baboy-ramo at usa sa aking ama at mahal ko sa buhay." "Opo, Kayo mahal na Datu ang kinikilalang pinakamagaling sa pana noon. Napabantog sa ibang kaharian ang inyong katangian sa pangangaso," sang-ayon ni Tandang Limay. "Iyan ang suliranin ko ngayon. Para bang gusting-gusto kong magawa uli ang mga bagay na iyon, ngunit napakatanda ko na upang pagbalikan ang kabundukang iyon. Napakalayo na ang mga pook na iyon para sa mahina kong katawan," at muling nagbuntung-hininga ang Datu. "Hindi na nga ninyo makakayanan ang maglakbay nang malayo. Ngunit maaari naman kayong magkaroon ng ibang libangan," pasimula ni Tandang Limay. "Bahagi na ng aking buhay ang pangangaso. Hindi na rin ako makadarama ng kasiyahan kung iba ang aking magiging aliwan," malungkot na umiling ang Datu. Naging usap-usapan sa buong kaharian ang suliranin ng Datu. Nabalita rin sa ilang bayan ang pagkamalungkutin ng pinuno ng Masinlok. Makalipas ang ilang araw, dumating sa palasyo ang isang salamangkero. Matanda na siya at mabalasik ang mukha. Malaki ang paghahangad niya sa kamay ni Prinsesa Alindaya, prinsesa ng Masinlok ngunit malaki rin ang pag-ayaw nito sa kanya. Nagbigay ng kaukulang paggalang ang panauhin. May magandang panukala ako tungkol sa inyong suliranin kung inyong mamarapatin, mahal na Datu," saad ng salamangkero. "Sabihin mo at handa akong magbayad sa inyong kapaguran," turing ng Datu. "Magpapatubo ako ng isang bundok sa kapatagan ng Masinlok na malapit sa inyong palasyo para sa inyong pangangaso ipakasal lamang ninyo sa akin si Prinsesa Alindaya," pahayag ng panauhin. "Kung matutupad mo ang iyong sinabi ay ibibigay ko sa iyo ang kamay ng aking anak," mabilis na pasiya ng Datu. Madaling kumuha ng isang maliit na batumbuhay ang salamangkero. Ito'y parang isang batong mutya. Itinanim niya itong tila isang binhin ng halaman. Biglang-biglang sumipot sa pinagtamnan ang isang maliit na puno. Tumaas nang tumaas iyon. Lumaki nang lumaki hanggang sa maging isang bundok. "Aba, anong laking bundok! Di ba iyan tumubo sa itinanim na batong mutya ng salamangkero?" paksa ng usapan ng mga Tao. Samantala sa palasyo, iniluhang gayon na lamang ni Prinsesa Alindaya ang naging pasiya ng ama. Ipinagdamdam niya nang labis na tila siya ay kalakal na ipinagpalit lamang sa isang bundok. At sa lalaki pa naming kanyang kinamumuhian. Laging lumuluha ang magandang prinsesa. Nagkaroon siya ng karamdaman. Naging malubha ang kanyang sakit. Dumating ang araw na itinakda ng Datu sa pagkuha sa kanya ng salamangkero. "Ikinalulungkot ko na Hindi ko mapasasama sa iyo ang aking anak. May sakit ang mahal na prinsesa. Magbalik ka sa ibang araw," saad ng Datu sa salamangkero. Umuwing masamang-masama ang loob ng matanda. Galit nag alit siya sa Datu. Sinapantaha niyang gusto na nitong sumira sa usapan. Nagulong gayon na lamang ang kanyang loob. Lagi niyang naiisip si Prinsesa Alindaya at ang kanyang kabiguan. Hindi niya napansing palaki nang palaki ang bundok. Ito'y kanyang nakaligtaan. "Mahal na Datu, halos natatakpan na po ng bundok ang buong kapatagan. Malapit na pong humangga ang bundok sa tabing-dagat. Wala na pong matitirhan ang mga Tao," sumbong ng matatanda sa Datu. "Hulihin ngayon din ang salamangkero. Putulan siya ng ulo. Lubhang nakapipinsala sa kaharian ang bundok na Pinatubo niya," mabalasik na utos ng hari. Natakot siya sa maaring mangyari sa kaharian. Namatay ang salamangkero ngunit patuloy pa rin sa paglaki ang bundok. Araw-araw ay pataas ito nang pataas na lalong ikinabahala ng mga Tao. Walang maisipang gawin ang Datu. Palubha nang palubha ang suliranin. Nakaabot ang balita hanggang sa malalayong kaharian. Nakarating iyon sa pandinig ni Prinsipe Malakas ng Pangasinan. Balita siya sa taglay na lakas at kabutihang loob. Agad siyang naglakbay patungong Masinlok. Humarap sa Datu ang matikas na prinsipe. "Nakalaan sa inyo ang aking paglilikod, mahal na Datu," magalang na badya niya. "Nakalaan akong magbigay ng kaukulang gantimpala. Humiling ka kahit anong bagay kapag nagtagumpay ka. Lunasan mo ang suliranin ng kaharian, Prinsipe ng Pangasinan," pahayag ng Datu. "Wala po akong hinihintay na gantimpala, aking Datu. Tayo na sa labas." Si Alindaya na noo'y magaling na ay naganyak sa tinig ng panauhin. Sumilip siya sa siwang ng pintuan. Malakas na malakas ang pitlag ng puso ng dalaga. Nanaog ang Datu pati ang prinsipe. Madali nilang sinapit ang paanan ng bundok. Sa isang kisapmata, binunot ng prinsipe ang bundok. Parang pagbunot lamang ng isang maliit na punong-kahoy. At sa isang iglap din, ipinatong niya iyon sa kanyang likod na walang iniwan sa pagbalikat ng tinudlang baboy-ramo. Mabilis din siyang humakbang na papalayo at ihinagis ang bundok sa lugal na kinaroroonan nito ngayon. Bumalik ang prinsipe at ang Datu sa palasyo sa gitna ng pagbubunying mga Tao. Galak na galak ang kaharian. Pagdating sa palasyo, niyakap ng Datu ang prinsipe. Iniutos niya ang malaking pagdiriwang para sa karangalan ng prinsipe noon ding gabing iyon. Gabi ng kasiyahan, nagsasayaw noon ang prinsesa pagkat nahilingan ng amang Datu. Walang alis ang tingin ng prinsipe sa magandang mananayaw. Nabatubalani siya ng magandang prinsesa. Walang humpay ang palakpak ng prinsipe matapos ang pagsasayaw nito. Kiming umupo ang prinsesa sa tabi ng Datu. Siya'y tahimik na nakatungo. "Ang aking anak, si Prinsesa Alindaya, mahal na prinsipe, nakangiting pagpapakilala ng Datu. Yumukod ang prinsipe at ang prinsesa nama'y nag-ukol ng matamis na ngiti. Walang alis ang paningin ni Prinsipe Malakas sa dalaga. Hindi matagalan ng prinsesa ang kabigha-bighaning titig ng prinsipe. "May sasabihin ka, Prinsipe Malakas?" tanong ng hari upang basagin ang katahimikan. "Hinihingi ko ang inyong pahintulot na makausap ko ang mahal na prinsesa, mahal na Datu," ang hiling ng prinsipe. "Higit pa sa riyan ang maibibigay ko," sang-ayon ng Datu. Hindi nagtagal at nasaksihan sa Masinlok ang marangyang kasal Nina Prinsesa Alindaya at Prinsipe ng Pangasinan. Nagsaya ang kaharian sa loob ng anim na araw. Samantala, ang guwang na nilikha ng pagkabunot sa bundok ay napuno ng tubig ito'y naging isang lawa. Naging maganda at matulain ang lawang ito na tinawag ng mga Tao na "Lawa ni Alindaya" sapagkat nagpapagunita ng kagandahan ng prinsesa at ng pag-ibig niyang siyang dahilan ng pagkakaron ng Bundok na Pinatubo. Answered by : Jason Phillip J. Ching


Buod ng kwentong Hudhud at alim?

Ang Hudhud at Alim ay isang epiko ng mga Ifugao na kwento ng kagitingan at pagmamahal. Nilalaman nito ang mga pakikibaka ng mga bayani, tulad nina Aliguyon at Pumbakhayon, laban sa mga kaaway. Isinalaysay rin nito ang mga mahahalagang aral at tradisyon ng tribong Ifugao.


Tagalog version of biag ni lam ang?

Ang Biag ni Lam-ang ay kwento ng isang hindi pangkaraniwang bata na nagsalita agad nuong siya ay ipinanganak at sinabi pa niya na dapat ay Lam-ang ang ipangalan sa kanya. Ang kanyang ama ay umalis upang kalabanin ang mga Ifugao. Hindi na nakabalik si Don Juan kaya ipinagpasya ni Lam-ang hanapin siya. Hindi naging madali ang paghahanap niya sa kanyang ama na pinatay na pala ng mga kaaway nila. Lumaban si Lam-ang sa mga ito. Sa kanyang paglalakbay nakilala niya si Ines at naging kabiyak niya ito. Ayaw ng mga magulang ni Ines kay Lam-ang subalit pinakitaan nya ito ng kababalaghan kaya't pumayag na rin silang makasal ang dalawa. Sa kanilang kasal, dapat lumangoy si Lam-ang sa ilog subalit, eksakto sa bunganga ng monster sya napunta. Tumilaok ang kanyang manok at kumahol ang kanyang aso kaya't ang mga buto niya ay nabuo at nabuhay siyang muli. Diyan siya ng kanyang asawa pati ng manok at aso niya ay nabuhay ng maligaya.


Pinaka maikling buod ng ibong adarna sa tagalog?

May isang kaharian pangalan ay berbanya na pinamumunuan ni Haring Fernando. May asawa siyang nagngangalang Reyna Valeriana at mga anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan na pawang nakalinya na susunod na hari ng Berbanya. Nang nagkaroon nd di malamang karamdaman ang hari, hinanap ni Don Pedro ang Ibong Adarna na ang awit lamang ang makapagpapagaling sa sakit ng hari. Narating niya ang puno ng Piedras Platas subalit hindi niya nakita ang ibon dahil siya ay naging bato. Sumonod naman ay si Don Diego, nakita niya ang Adarna subalit nakatulog sa ganda ng awit ng Adarna kaya naging bato. Maluwalhati namang nakarating si Don Juan sa tuktok ng bundok Tabor at doon ay may nakita siyang ermitanyo. Binigyan siya nito ng pagkain at ilang impormasyon tungkol sa ibong adarna pati na rin 7 dayap at isang labaha upang hindi makatulog. Nang marating niya ang puno, ginamit niya ang mga dayap at labaha. Nang mahuli niya ang adarna, tinalian niya ang paa at saka dinala sa ermitanyo at nilagay sa loob ng isang hawla. Pinabuhusan ng tubig ang dalawang kapatid at naglakad sila patungo sa Berbanya. Pinagtulungan ng dalawa si Don Juan upang masolo ang pagiging hari. Ang adarna ay malungkot ganoon din si Haring Fernando nang makitang hindi kasama ng dalawa si Don Juan. Ginamot ng isang uugod-ugod na matanda si Don Juan at umuwi na sa Berbanya. Nakita ng adarna si Don Juan at ito ay umawit at nagamot si haring Fernando. Iminungkahi ng adarna nagawing hari si Don Juan. Iniutos ng hari na ipatapon ang dalawa, ngunit dahil humiling si Don Juan na huwag na lang, ito ay ipinatigil.Pinabantay ng hari ang adarna sa tatlong magkakapatid, ngunit pinuyat ng dalawa si Don Juan kaya nakatakas ang Adarna. Pinahanap ng hari ang maysala. Nagkita-kita ang magkakapatid sa kaharian ng Armenya at hinikayat nila si Don Juan na doon na lang manirahan. May nakita silang tae sa balon at tinangka nilang marating ang ilalim nito ngunit tanging si Don Juan lang ang nagtagumpay. Namangha si Don Juan sa ganda ng ilalim ng balon at kagandahan ni Juana. Nag-ibigan ang dalawa. Napatay ni Don Juan ang higante. Paalis na sana sila nang ipasundo ni Juana kay Don Juan ang bunso niyang kapatid na si Donya Leonora. Umibig din si Don Juan kay prinsesa Leonora. Sa huli, ay napaibig din niya si Leonora. Hindi matalo ni Don Juan ang serpiyente kaya,Binigyan ni Leonora si Don Juan ng balsamo at napatay niya ang serpiyente. Sila ay umalis ng balon kasama si Juana. Naalala ni Leonora ang kanyang singsing,kaya naki usap sya kay don juan na balikan ito,ngunit nang babalikan na ito ni don juan,pinatid nang kayang dalawang kapatid ang tali.inaya na nang dalawang magkapatid si juana at leonora na sumama na sila sa kaharian ng berbanya.Nag alala si leonora kay don juan kaya pinasundan niya si Don Juan sa kanyang kaibigang lobo. Nanaginip si Haring Fernando tungkol kay Don Juan. Nalungkot ang hari nang di Makita si Don Juan. Hiniling ni Don Pedro na ipakasal na sila ni Leonora ngunit hindi pumayag si Leonora,sinabi nitong sya ay may panata na hindi muna magpapakasal saloob ng 7 taon.Sa halip, sina Don Diego't Juana ang ipinakasal.Lumakas si Don Juan nang mapahidan ng tubig mula sa ilog-hordan sa tulong ng lobo.hinanap ni don juan ang ibong adarna at natagpuan nya ito at sinabi sa kanyang kalimutan na si leonora atsa halip siya'y maglakbay patungo sa Reyno de los Cristal upang makita si Maria Blanka.Nahirapan si don juan bago marating ang kaharian ng de los Cristal.may mga tumulong sa kanya na magkakapatid na ermitanyo na may mga balbas.Hinintay ni Don Pedro si Leonora subalit si Don Juan lang ang nasa puso ng prinsesa. Sumakay si Don Juan sa isang agila ng ermitanyo patungong de los Cristal.Narinig ni don juan na may mga dalagang naghahagikhikan,hinanap niya ito.ang mga dalagang ito ay tatlong mag kakapatid,naliligo sila sa ibat ibang ilog.Ang pinaka nagustuhan ni don juan sa tatlong magkakapatid ay si princesa maria blanca.Ninakaw ni Don Juan ang kasuotan ni princesa Maria habang ito'y naliligo. Humingi ng patawad si Don Juan kay princesa Maria at di nagtagal umibig na rin si Maria ka Don Juan.Pinatuloy ni haring Salermo si Don Juan.Gusto niyang pakasalan si maria kaya ibinigay na agad ng hari ang kanyang unang pagsubok kay Don Juan. Ginamit ni princesa Maria ang kanyang mahika upang maisagawa ang pagsubok,dahil dito nagtagumpay si don juan sa unang pagsubok,palihim na natuwa si Haring Salermo kay Don Juan. Inilahad na ng hari ang kanyang ikalawang pagsubok kay Don Juan; ang pangongolekta muli ng 12 na negrito at si Maria nanaman ang gumawa nito. Pagkatapos, ibinigay na ng hari ang kanyang ikatlong pagsubok; ang paglipat ng bundok sa tapat ng bintana ng kwarto ng hari. Malamang, nagulat ang hari sa pagiging matagumpay ni Don Juan. Tinawanan lamang ni Donya Maria ang ika-apat na pagsubok. Hinayaan lamang Maria na matulog si Don Juan habang ginagawa niya ang pagsubok. Nawala ang singsing ng hari sa pagkakatalsik nito sa dagat nang siya ay nasa muog na ipinatayo niya kay Don Juan. Hiniling naman ng hari na ibalik ang bundok sa dating puwesto at patagin bilang ika-limang pagsubok na nagawa naman ni Donya Maria ng maayos. Kinailangan namang tadtarin pa ni Don Juan si Maria upang mahanap ang nawawalang singsing ng hari na naging dahilan ng pagkaputol ng kanyang daliri na nakapaloob sa ika-anim na pagsubok ng hari. Hiniling ng hari kay Don Juan na paamuhin ang mailap at ubod ng samang kabayo ng hari bilang huling pagsubok. Napaamo naman ni Don Juan ang kabayo sa tulong ng mga tagubilin ni Donya Maria.Nang mapili ni Don Juan si Maria,hindi pa rin pumayag si haring salermo na ipakasal si don juan sa kanyang anak kaya nagtanan ang dalawang magkasintahan. Sa sobrang pagkalungkot ng hari ito ay namatay. Bumalik si Don Juan sa kaharian ng Berbanya at nagsaya ang buong kaharian.Hiniling niya sa hari na magpaksal sila ni leonora. Nagpunta si Maria sa Berbanya ngunit hindi siya nakilala ni Don Juan. Nagsagawa ng pagtatanghal si Maria patungkol sa mga pangyayari at pagsubok nilang dalawa ni Don Juan,at naalala na niya na ang mahal nya ay si maria blanca.Nagpakasal sina Maria blanca at Don Juan bumalik sila sa Reyno de los Cristal at namuno.Si Leon naman at si Don Pedro ang nagkatuluyan.BY:rhodora (buod ng ibong adarna)


Reaksyon sa kwentong Florante at Laura?

Ang kwento ng "Florante at Laura" ni Francisco Balagtas ay isang epikong patungkol sa pag-ibig, pagkakaibigan, at pakikibaka laban sa kahirapan at katarungan. Naglalaman ito ng mga aral sa pag-ibig, tapang, at pagkakaisa ng mga Pilipino. Isang obra maestra ito sa panitikang Filipino na binibigyang-halaga ng maraming tao hanggang sa kasalukuyan.