answersLogoWhite

0


Best Answer

Ang Lipunan ng Athens

  • Unti-unti ang naging pag unlad ng demokrasya sa Athens. Sa ilalim niSolon, isang mambabatas na mayaman, nabigyan ng karapatan ang mga dukha na bumoto at ng proteksyon laban sa pagkaalipin. Subalit pinanatili niya ang karapatang mamuno sa kamay lamang ng mayayamang tulad niya.
  • Sa ilalim ni Cleisthenes, nagkaroon ng asambleang binubuo ng lahat ng lalaking may sapat na edad. Mula sa asambleang ito binuo angkonseho ng limandaan na siyang gumawa at nagpatupad ng mga batas. Ang asemblea rin ang pumipili taun-taon ng 10 heneral na siya naming pipili kung sinong magiging tagapangulo ng bansa.
  • Si Pericles ay 16 na taong sunud-sunod na napiling pinuno ng Athens sa ganitong paraan.
  • May korte subalit walang hukom at mga abugado sa Athens noon. Ang taong may kaso ang siyang nagsasalita para sa kanyang sarili at ang mga kasapi ng korte, na ginawang 500 upang maging mahirap daw suhulan, ay nakikinig, nagpapasiya, at naggagawad ng hatol. Muli sa sistemang ito, nakalalamang yaong magagaling magsalita.
  • Ang Hindi lamang kasali sa mga desisyon ng pamahalaan sa Athens ay ang mga babae, bata, alipin, at mga banyaga. Ang mga babae ay walang gaanong karapatan sa buhay sapagkat mababa ang tingin sa kanila ng mga lalaki.
  • Sa isang pamilya, ang mga anak na lalaki lamang ang pinag-aaral oikinukuha ng personal na guro upang ihanda siya sa kanyang magiging lugar sa lipunan.
  • Ang mga babae ay karaniwang nagiging mga tindera, tagapagbantay ng maliliit na hotel, o taga habi. Kapag siya ay pinagsawaan at pinalitan ng kanyang asawa, wala siyang hukumang maaring pagsumbungan.
  • Sa Sparta, sa kabilang dako, higit na Malaya ang mga babae. Magagaling din sila sa mga larong pampalakasan tulad ng mga lalaking Spartan. Sila rin ang nagpapatakbo ng kanilang mga bahay dahil sa tuntunin sa Sparta na ang mga lalaki ay kailangang tumira sa mga kampo hanggang wala pa silang 30 taon at Hindi pa retirado sa pagsusundalo. Maraming mga lupain sa Sparta ang pag-aari ng mga babaing Spartan.
User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Sino ang namuno ng Athens noong ginintuang panahon?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp