Sa Cotabato matatagpuan ang mga T'boli. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka.
Walang "pari" ang mga T'boli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o nagsisilbing tagapamagitan sa tao at sa mga bathala. Kadalasang iniuukol ng mga kababaihan ang kanilang panahon sa pagpapaganda sa sarili. Nagpapahid sila ng pulot-pukyutan sa mukha, nagsusuot ng maraming hikaw, kwintas, maliliit na kampanilya at binurdahang damit.
Nagpapalagay ng tatu o hakang ang mga babae. Maaaring mag-asawa nang marami ang lalaking T'boli.
Chat with our AI personalities