answersLogoWhite

0


Want this question answered?

Be notified when an answer is posted

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Sino ang kasamang kaniyang asawa ay sinuportahan nila ang tatlong paring Filipino ang gomburza?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

14 na kasamang hukom?

epal ka .. dami mong tanong ..


Matalinhagang salita na may kasamang kahulugan?

panget mo teehee


Mga pabula ni Dr Jose Rizal?

Si Jose P. Rizal (i. 19 Hunyo 1861 - k. 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay Hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima Mga Magulang May palayaw na Pepe, siya ay ang ika-pito sa labing-isang anak Nina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay kabilang sa ika-apat na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong mangangalakal na naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-labimpitong siglo[2]. Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina sa katauhan ni Inez de la Rosa at upang makaiwas sa hostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay pinalitan niya ang kaniyang apelyido ng "Mercado" (pangangalakal). Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit lamang ni Francisco (dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso Calaveria noong 1849 na magpalit ng mga apelyido ang mga Pilipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni Francisco ang Rizal Mercado upang makaiwas sa kalituhan mula sa kaniyang kasamang mangangalakal. Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak Nina Lorenzo Alonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko) at ni Brijida de Quintos (na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda noong 1849. Kabataan Ipinanganak sa Calamba, Laguna si Pepe ay mula sa pamilyang masasabi ring nakaaangat sa buhay dahil sa kanilang hacienda at lupang sakahan. Si Paciano at si Pepe lamang ang mga anak na lalaki sa kanilang labing-isang magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid na babae ay sina Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Josefa, Concepcion, Trinidad at Soledad. Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas niya sa murang edad. Natutunan niya ang alpabeto sa edad na tatlo at limang taong gulang naman nang siya ay mututong bumasa at sumulat. Napahanga niya ang kaniyang mga kamag-anak sa angking pagguhit at paglilok. Walong taong gulang siya nang kanyang isinulat ang tulang "Sa Aking Mga Kababata," na ang paksa ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika (na noon ay Tagalog)[3] Edukasyon Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa kaniya ng alpabeto, kagandahang asal, at mga kuwento ("Minsan ay may Isang Gamo-gamo"). Samantala, ang kanyang pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni Justiniano Aquino Cruz sa Biñan, Laguna. Pagkatapos noon, siya ay ipinadala sa Maynila upang mag-aral sa Ateneo de Manila University at doon ay tinamo ang Bachelor of Arts noong 1877 (siya ay 16 taong gulang) at nakasama sa siyam na estudyanteng nabigyan ng sobresaliente o namumukod-tanging marka. Ipinagpatuloy ni Jose ang pag-aaral sa Ateneo upang maging dalubhasa sa pagsusukat ng lupa at pagiging asesor. Natapos siya sa kursong asesor noong 21 Marso 1877 at naipasa ang Lupong Pagsusulit para dito noong 21 Mayo 1878 subalit dahil siya ay 17 taong gulang pa lamang ay Hindi siya pinahintulutang magtrabaho bilang asesor hanggang 30 Disyembre 1881. Noong 1878, pumasok siya sa University of Santo Tomas upang mag-aral ng medisina ngunit dito ay naranasan niya ang diskriminasyon mula sa mga paring Dominikano. Ipinasya niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina at pilosopiya sa Universidad Central de Madrid sa Espanya ng sa kaalaman ng kaniyang mga magulang. Noong 21 Hunyo 1884, sa edad na 23, iginawad sa kanya ang Lisensiya sa Medisina at noong 19 Hunyo 1885, sa edad na 24, ay natapos din niya ang kurso sa Pilosopiya na may markang ekselente. Siya ay nagsanay ng medisina sa Hospital de San Carlos ngunit itinigil niya ito upang mag-aral ng optalmohiya sa Paris sa ilalim ng pagtuturo ni Dr. Weckert at sa Aleman sa ilalim ni Dr. Otto Becker. Ginawa niya ito sapagkat noong panahong iyon ay malala na ang sakit sa mga mata ng kaniyang ina. Sa Berlin, siya ay naging kasapi ng Berlin Ethnological Society at Berlin Anthropological Society sa ilalim ng pamunuan ng pamosong patolohistang si Rudolf Virchow Paglalakbay " He who knows the surface of the earth and the topography of a country only through the examination of maps..is like a man who learns the opera of Meyerbeer or Rossini by reading only reviews in the newspapers. The brush of landscape artists Lorrain, Ruysdael, or Calame can reproduce on canvas the sun's ray, the coolness of the heavens, the green of the fields, the majesty of the mountains...but what can never be stolen from Nature is that vivid impression that she alone can and knows how to impart--the music of the birds, the movement of the trees, the aroma peculiar to the place--the inexplicable something the traveller feels that cannot be defined and which seems to awaken in him distant memories of happy days, sorrows and joys gone by, never to return. " --Rizal, "Los Viajes" [4] Kay Rizal ang isa sa mga pinakadokumentadong buhay noong ika-labingsiyam na siglo dahil sa mga tala tungkol sa kaniya (ang ilan sa mga ito ay sa tala-arawan niya mismo nanggaling),[5] kahit pa nahirapan ang mga manunulat na gumawa ng kaniyang talambuhay dahil sa paggamit niya ng iba't ibang lengguwahe. Karamihan sa mga tala ay hinango mula sa kaniyang paglalakbay bilang isang batang Asyanong namumulat sa kultura ng Kanluran. Kasama rin dito ang kaniyang paglalakbay sa Europa, Hapon, Estados Unidos, at sa Hongkong kabilang na rin ang mga babaeng naging bahagi ng kaniyang buhay.


Ano ang mga naimbento sa panahon ng mesolitiko?

Panahong MesolitikoNagsimula ang panahong Mesolithic o Panggitnang Panahon ng Bato (Middle Stone Age) noong bandang 8000 B.K. at tumatagal nang libu-libong taon. Kasamang namatay ng panahong Paleolithic ang malalaking hayop na nagsisilbing pagkain ng mga tao, at napalitan ng mga hayop na nakikita natin sa kasalukuyan. Natunaw na rin ang makakapal na yelo sa pagtatapos ng panahong Pleistocene kaya't lalong lumawak ang mga lupang maaaring panahanan ng mga tao. Bagama't nanatiling bato ang mga kasangkapang gamit ng mga tao noong panahong Mesolithic lumiit naman ang mga ito at nagging mas pino.Ayvan Meyz F. Ferranco


Mga sinaunang tao o mga taong tabon?

Ang mga Kuwebang Tabon o mga Yungib sa Tabon ay mga kumpol ng kuweba sa Palawan, Pilipinas. Kilala ang mga kwebang ito dahil sa pangibabaw na panakip ng bungo ng Taong Tabon na mayroon nang 22,000 taong gulang. Nadiskubre ito at ang kuweba ni Dr. Robert Foxat ng kanyang grupong nagmula pa sa Pambansang Museo ng Pilipinas. Sinasabing may kalahating milyong taong gulang na at pinamahayan sa loob ng 50,000 taong nakalipas.Binubuo ng mga natuklasan nang mga kuweba ang kabuuan ng mga Kuwebang Tabon, subalit may dalawandaang mga kilalang kuweba sa Punto ng Lipuun. Pinangangalagaan at pinamamahalaan ang mga ito ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Bukas sa publiko ang isa sa mga kuwebang ito. May mga tapayan sa loob nitong ginamit sa paglalagak ng mga buto ng mga tao na may kasamang mga hayop.


Buod ng wala akong sala ni lazaro francisco?

Napansin kaagad ni Miss Sanchez ang kakatwang kilos at alingasngas ng kaniyang mga kanayon laban kina Kabo Lontoc na ibinunga ng bintang ni Aling Ambrosia na benggansa lamang ang dahilan ng pagdakip kay Lino. Upang maagap na maapula ang anumang maaaring mangyari ay iginala ng dalaga ang kaniyang paningin sa karamihan at mabanayad na nagsalita. "Mga kanayon!" ani ni Miss Sanchez. "Huwag sana nating malimot na sina Kabo Lontoc ay napag-uutusan lamang! Tumutupad lamang sila sa kanilang tungkulin! Batas at bayan ang kanilang panginoon, at tayo'y bahagi ng bayang pinaglilingkuran nila!" Sa ilang katagang iyon ng punung-guro, ang may maiinit na ulo sa kanilang paligid ay para namang nasubhang bigla ng malamig na tubig. Ang mga umirap sa kabo ay tumahimik na at ngumiti pa ang ilan. "Ito pa, Miss Sanchez," himig pasintabing wika ni Kabo Lontoc, "ang isa sa malulungkot na tungkulin namin! Nguni't kung hindi namin tutupdin ito ay bababa ang tingin sa amin ng bayan at baka wikain pang alangan kami sa aming uniporme!" Tumangu-tango si Miss Sanchez, nguni't hindi nagsalita. "Ipinakikiusap ko sana sa kanila, Miss Sanchez," pakli naman ni Villas na tinukoy sina Kabo Lontoc, "na, yayamang hindi pa naman gaanong tiwasay ang panahon, at yayamang marami pa rin naman ang nakikita nating nagkalt doon at dito na nakagawa ng lalong malulubhang paglabag sa batas nguni'y ni di pa man lamang yata kamalak-malak na isakdal at hulihin kung kaya nakapanunungkulan pa ang iba at ang iba nama'y patuloy na nakapamamayagpag sa gitna ng bayan, ay maano sanang ipagwalambahala na muna nila ang pagdakip na ito kay Lino at maging parang balato na nila sa atin ang kanilang pagpapaumanhin, na anupa't palabasin na lamang na hindi nila natagpuan si Lino dito saan man. Nasabi ko pa nga na kung kailangan lamang na palayuin na muna rito ang mag-amang Lino at hindi maluwag na magawa natin iyon, huwag na lamang sanang dakpin ngayon dito ang ama, alang-alang sa kabutu-butong anak na musmos pa't walang sinomang maaaring sulingan kahit na isang malayo nang kamag-anak!" Malungkot na yumuko si Miss Sanchez at nagpatuloy sa di rin pagkibo. "E… ano ang sagot sa inyo, Mr. Villas?" tanong ni Miss Lavadia. "Tama rin naman ang isinagot nila sa 'kin," ang patuloy na salaysay ni Villas na naging tugon na rin sa tanong ni Miss Lavadia. "Kung magkakagayon daw ay kailan pa kaya masisimulan ang pagpapatupad sa mga batas sa kapakanan ng kapayapaan at kaayusan?" "Saka," sudlong ni Kabo Lontoc, " kung hindi man kami ay marami pa rin namang ibang mauutusang dumakip sa dinarakip namin at baka, kung inaalat, maging dalus-dalos pa sa pakikitungo sa inyo at sa dinarakip!" Luminga-linga ang kabo at tumanaw sa mga kasamang kawal, saka hinarap si Villas. "Gagabihin kami, Mr. Villas!" "Sandali lamang, Kabo Lontoc," Hadlang ni Miss Sanchez. "Maaari bang bigyan ninyo kami ng kaunting panahong makausap muna namin si Mang Lino?" "Aba, opo, Miss Sanchez," payag kaagad ng kabo. "Kausapin na ninyo. Hindi kami maiinip." "Salamat," tanging nasabi ni Miss Sanchez na tumalikod na upang lumapit sa mag-amang Lino. Saglit munang tinaya ni Miss Sanchez ang anyo ng pag-uusap ng mag-ama. Ibig sana niyang igalang ang mga huling maseselang sandaling yaon ng kanilang pag-uusap. Nguni't maikli na ang panahon. Kaya nga, napilitan nang lumapit ang dalaga na naging maingat naman at marahan. Sinundan siya ni Miss Lavadia at ni Aling Ambrosia. Buung-buo manding nakapako naman yata ang isip ni Lino sa mga bagay na sinasabi at itinatagubilin sa anak kung kaya nakalapit at sukat sina Miss Sanchez sa may likuran ng takayad nang di niya napansin, gayong manipis at butas-butas na ang dingding ng takayad. Patuloy si Lino sa banayad na pagsasalita at sa tinig na malinaw, marahan, at walang pangamba. "Muli't muling sinasabi ko sa iyo, Ernesto, na tibayan mo sana ang loob mo," anang tinig ni Lino na halos nanuot sa kaluluwa ni Miss Sanchez at ng dalawang kasama. "Mag-aral kang magpakalalaki, kahiman bata ka pa. Itanim mo sa puso mo na wala akong sala, pagka't iyan ang totoo. Umasa kang magbabalik ako, pagka't may katarungan pa naman sa puso ng tao, marahil. At kung wala man, umasa ka ring magbabalik ako Ernesto. Hahanapin kita saanman, anoman ang mangyari, gaya rin ng ginawa kong paghahanap sa iyo noong sanggol ka pa. Hindi pa nasira ang anomang sinabi ko sa iyo, Ernesto, hindi ba? Tumigil sandali si Lino sa pagsasalita. Si Miss Sanchez, gaya rin nina Miss Lavadia at Aling Ambrosia, ay patuloy sa matahimik na pagkakayuko habang nakikinig. Isa man sa kanila ay walang nangahas na sumilip man lamang sa anyo ng mukha ni Ernesto. "Wala akong mapaghahabilinan sa iyo kundi kay Aling Ambrosia," patuloy ni Lino sa tinig na nabasag nang bahagya. "Magpapabait ka. Mag-aral kang makisama sa kanila, at sa lahat ng tao. Maging magalang ka at matapat na lagi. Huwag kang hihiwalay sa nalalaman mong mabuti, kahit ka mamatay. Naniniwala akong may langit at impiyerno sa kabilang buhay. Nguni't gumawa ka ng mabuti, hindi sapagka't may langit kundi sapagka't mabuti ang mabuti. Huwag kang gagawa ng masama, hindi sapagka't may impiyerno, kundi sapagka'y masama ang masama. Iyan lamang ang nakikilala kong landas para sa mga taong may dangal at may kahihiyan!" Pamuling tumigil si Lino sa pagsasalita. Mabilis na tumatakas ang oras at ibig niyang makimis ang lahat ng dapat ang sabihin. Mapapansing dinampi-dampian ni Miss Sanchez ng panyo ang kaniyang mga mata. Nagpatuloy si Lino sa pagsasalita. "Huwag kang mawawalan ng pananalig sa Diyos, Ernesto! Iyan lamang, sa mga bagay na dati kong pinaniniwalaan, ang tanging di ko ibig na mawala pa sa akin. Sa Kaniya mo hihingin ang lahat ng iyong ibig. Sa Kaniya mo idadaing ang mga sakit ng loob mo. Sa Kaniya ka hihingi ng lunas kung ikaw ay may karamdaman. Sa Kaniya ka tatawag kapag nawawalan ka ng pag-asa. Sa Kaniya ka dudulog kung nakararamdam ng pangungulila ang puso mo sa isang magulang o sa isang kamag-anak o sa isang kaibigan!" Muli pa na namang huminto si Lino sa pagsasalita. Suminghot si Miss Sanchez at tila panabay na humikbi sina Miss Lavadia at Aling Ambrosia, ngunit hindi pa rin sila napansin ng mag-ama. "Gaano kaya katibay ang puso mo, Ernesto?" ang tanong ni Lino at masusing minasdan ang mukha ng anak. "Kung hulihin na ako ilakad, maipangangako mo sa akin, Ernesto na di ka iiyak? Maipangangako mo ba 'yan sa akin, anak ko?" Noon pa lamang napilitan nang silipin at masdan ni Miss Sanchez ang mukha ni Ernesto. Nakita niyang kumurap-kurap ang bata sa pagkatingalang nakatitig sa mukha ng ama; makalawang Iumunok; kumurap-kurap na muling tila nahihilam; kuminig-kinig ang mga labi, at humikbi-hikbi sa pagpipigil manding huwag siyang mapasigaw. Nguni't namalisbis lamang ang luha sa kaniyang mga pisngi at di nakapangako. "Ernesto!" ang malungkot na tawag ni Lino. "Mapait man sa loob ko'y tikis na sinanay kita sa hirap para magkaroon ka ng matibay na puso at matatag na loob. Bakit ka lumuluha? Sa pagkakasala lamang, sa pagkabulid lamang ng masama, nararapat malaglag ang luha ng isang tunay na lalaki. Hindi sa gaano man kalaking kasawian at mga kaapihan!" Mabilis na pinahid ni Ernesto ng kaliwa niyang bisig ang luha sa kaniyang mga mata, at muling panatag na iniharap ang mukha sa nahahambal na ama. Si Aling Ambrosia ay napilitang tumalikod. Tumagilid lamang si Miss Lavadia na tila di na makagalaw. Isinubsob naman ni Miss Sanchez ang kaniyang mukha sa dalawang palad at tikis na hindi kumilos. Kailangang igalang ang maseselang mga sandali yaon sa mag-ama. "May isang tanging alaala na iiwan ko sa iyo, Ernesto," aniyang muli ni Lino sa tinig ng isang tahasan nang pamamaalam. "Ito'y alaalang bigay sa akin ng iyong ina! Sa pakikilaban sa Bataan; sa pagkapiit sa Kapas; sa pamumundok namin bilang mga gerilya; sa malaong pakikipagsapalaran natin sa Maynila hanggang sa mga sandaling ito, ang alaalang ito'y hindi nawalay sa katawan ko saglit man!" Dinukot ni Lino sa kaniyang lukbutan ang isang kalupi at inilabas mula sa isang tanging pitak nito ang isang munti at manipis na krusipihong aluminyo na may nakapakong larawan ng Kristo. "Ingatan mo ito at pakamahalin alang-alang sa nakalarawa, sa iyong ina, at sa akin!" Hinagkan muna ni Lino ang krusipiho bago hinawakan ang kamay ng anak at inilagay iyon sa lahad na palad. "Maraming pagkakataong iniligtas ako nito sa panganib. Gayon ang naging paniniwala ko, Ernesto. Di mamakailang sa gitna ng malulupit na pangangailangan natin sa Maynila ay dinalanginan ko iyan at ako'y dininig. Naging mabisang tulay iyan ng mga dalangin ko sa Diyos!" Binitiwan na ni Lino ang kamay ng anak. "Itay!" tawag ni Ernesto sa kumikinig na tinig at di itinikom ang palad na kinasasalalayan ng krusipiho. "Ayokong kunin ito sa iyo! Ibig kong makaligtas ka, Itay! Ayoko, ayoko, Itay!" "Ernesto!" ang tawag ng ama sa di-natitigati na tinig. "Ikaw ang laong mangangailangan niyan! Higit na mahaba ang panahong tatahakin mo pa sa buhay, anak ko! Alanganin nang lubha ang haba at kulay ng mga araw sa aking harapan!" Pag buhay ka lamang, Itay, hindi ako maaano, hindi ako matatakot! Oo, Itay! Maski hindi na ako kumain, Itay!" "Ernesto!" ang mairog na tawag ng ama. "Hindi mo pa nauunawaan ang hiwaga ng buhay! Sundin mo ang sinasabi ko sa iyo. Ingatan mo at pakamahalin ang alaalang iyan ng iyong ina!" "Itaaay!" tutol pa rin ni Ernesto. "Ipinakikiusap ko sa iyo, anak ko!" Hindi na nakatutol si ernesto. Dahan-dahang iniunat ang naginginig na mga daliri; inilahad ang palad at pinakatitigan ang krusipiho na sa mga mata'y nunukal ang luha; at, sa simbuyo mandin ng di mapaglabanang hinagpis, isinubsob ng bata ang kaniyang mukha sa krusiho at pasigaw na aniya: "Diyos ko po! Si Itay ko po!" Tahasan nang umiyak si Miss Lavadia. Humagulgol si Aling ambrosia. Si Miss Sanchez ay pasugod na lumapit kay Ernesto at niyakap ito, saka basa ng luha ang mga matang humarap kay Lino. "Miss Sanchez!" ang magalang na bati ni Lino bago nakapagsalita ang dalaga. "Tila kayo anghel na nakikita namin kapag may dalita!" "Mang Lino!" tawag ni Miss Sanchez sa tinig na tigib ng panggigipuspos. "Mang Lino!" ang pamuling tawag. "Hindi ko kailangang malaman kung bakit kayo hinuhuli! Nguni'' ibig kong ipakiusap sa inyo, kung may tiwala kayo sa akin, na sa akin na sana maihahabilin si ernesto!" "A! Nasa gipit na katayuan kami, Miss Sanchez," ang marahang tugon ni Lino. "Isang kapalaluang tanggihan ko ang isang matapat na pagkakawanggawa! Opo, Miss Sanchez! Inihahabilin ko siya sa inyo. Maging sa anomang kalagayan siya maturing ay tatanawain kong utang-na-loob sa buong buhay ko!" "Aariin ko siyang akin, Mang Lino! Pagpapalain ko! Papag-aaralin ko! Magiging kapatid siya ni Erni, na isa ring ulila. Sisikapin kong matanim sa puso at isip niya ang mga aral na aking narinig. Buung-buo na makukuha ninyo siya sa akin sa anomang sandali na maibigan ninyo!" "Salamat, Miss sanchez! Hindi ko kayo malilimot kailanman. Magiging panata ko, mula ngayon, ang pagsisikap na makaganting-loob sa inyo. Nguni't iiwan ko sa inyo ang isang kataga, na isinasamo kong paniwalaan sana ninyo!" "Opo! Sabihin ninyo, Mang Lino!" "Wala nang panahong maisalaysay ko pa ang mga tunay na nangyari," ani ni Lino. "Balang araw ay malalaman din ninyo kaypala ang lahat ay lahat. Ngayo'y wala akong tanging sasabihin sa inyo, Miss Sanchez, kundi 'Wala akong Sala'!" "Naniniwala ako sa inyo, Mang Lino," ang madaling tugon ni Miss Sanchez at bigay na bigay na tumitig sa kausap. "Anoman ang mangyari; anoman ang kahantungan; at, anoman ang sabihin ng mga tao, ay naniniwala ako ngayon pa, at maniniwala ako kailanman, na wala nga kayong sala, Mang Lino, pagka't gayon ang sinabi ninyo sa akin! Hindi iyan lamang. Idadalangin namin ang iyong kaligtasan. Pumanatag kayo, at huwag ninyong alalahanin si Ernesto." "Miss Sanchez! Hindi ko malirip kung paanong naging marapat ang kaliitan namin sa inyong pagtingin. Gayonma'y paniwalaan ninyong buhay ko man ibibigay nang dahil sa inyo!" Bago nakapagsalita ng anoman si Miss Sanchez, si Lino ay mabilis na yumukod at humalik sa dahon ng pamaypay na anahaw na nakabitin sa kamay ng dalaga. Napayuko si Miss Sanchez at nagbuntunghininga. "Ernesto!" ang malungkot na tawag ni Lino sa kaniyang anak. "Maiiwan kita kay Miss Sanchez. Magpapakabait ka at maging masunurin. Babalik ako sa iyo, anak ko!" Pasugod na yumakap si Ernesto sa kaniyang ama na tilla di makapangusap. Niyakap siya nang buong higpit ni Lino at hinagkan nang hinagkan. Sa-lalapit na noon si Kabo Lontoc at si Estanislao Villas. Kasunod nila ang isang maalikabok na jeep na pinalalakad ng isa sa tatlong kawal na lulan. Sa hudyat ng kabo, isa sa mga kawal ang bumaba at naglabas ng esposas. "Utang-na-loob, Kabo Lontoc," ani Miss Sanchez at lumapit sa kabo, "huwag ninyo silang kabitan ng esposas. Sinasagutan ko sa inyo na hindi sila tatakas!" "Kasama akong mananagot, Kabo!" susog naman ni Villas. "Kami man, sagut din!" ang halos sabay-sabay na pakli naman ng marami. "Kung may balak man lamang na magtago 'yan, hindi rito sa Pinyahan titira 'yan nang lantaran!" ang palabi at patalilis na wika ng isang matandang babaing may pandudurang nagluwa sa sapa. "Pwe!" "Marangal na tao 'yan, kahit na ganyan lang sa tingin! Sabad ng isang matandang lalaki na umingus-ingos. "Bakit ba di magtago, kundangan, gayon pala't dapat sagutin?" sumbat ng isa pang matandang lalaki. Di kaya nakikitang 'yun lang hindi nagtatago ang siyang dinadakip?" "E, kung gayon," ani ni Kabo Lontoc, matapos mag-isip sandali. ""Private Gorospe!" baling sa may hawak na galang. "Ibulsa mo na lang 'yang bastus na posas na 'yan! Hindi kailangan 'yan," aniya pa at binalingan si Lino."Paano, kaibigan?" "Sasama ako sa inyo," ani ni Lino na malungkot nguni't payapang humarap sa marami. "Kung minsa'y kailangan din pala ang isang kasawian para maunawa ng tao na may halaga pa siya sa kaniyang kapwa! Salamat sa inyong lahat! Sa mga utang-na-loob namin sa inyo," aniya pa at malungkot na tumingin kay Ernesto, " ay iiwan kong sangla sa inyo ang aking anak!" Pinagkabilaang akbayan ni Miss Sanchez at Miss Lavadia si Ernesto. Walang kaimik-imik na nakatitig ang bata sa mukha ng kaniyang ama. Sa malakas na pag-alon ng dibdib ng bata, sa mahigpit na pagkakatikom ng kaniyang mga labi at sa mga matang itinititig na pilit bagaman labis na nahihilam ay dagling masisinag ang malaking nais na makapag-anyong matibay sa paningin ng kaniyang ama sa kabila ng matinding simbuyo ng hapis. Malayo na ang sasakyang nilulunan ni Lino ay nasa gayong anyo pa rin si Ernsto. Walang kurap na nakatitig sa malayo. Tila walang nakikitang anoman sa natatanaw. Parang walang nararamdaman, ni naririnig, sa kaniyang paligid. Waring nasaid ang luha sa tindi ng dusang kumuyom sa dibdib. "Ernesto!" ang nahahambal na tawag ni Miss Sanchez sa pagkakatitig sa mukha ng bata. "Bayaan mong malaglag ang mga luha mo! Sulong umiyak ka! Makagiginhawa 'yan sa dibdib mo!" "Siyanga, Ernesto!" tigib-lunos na udyok ni Miss Lavadia. Tiningala ni Ernesto si Miss Sanchez at si Miss Lavadia. Nakita ng dalawa na may namuong luha sa mga mata ng bata, na biglang yumuko at humikbi-hikbing halos mapugtuan ng hininga. "Ernesto!" ang masuyong tawag ni Miss Sanchez sa umiiyak na tinig. "Tibayan mo ang loob mo! Talagang ganyan ang buhay! Maraming pagsubok! Maraming pagtitiis! Nguni't umasa kang hindi ka pababayaan! Ituturing kitang tunay na akin, Ernesto!" "Ang Itay ko," ang pahikbing wika ni Ernesto sa tinig na tigib ng masaklap na hinanakit, "panay siyang hirap… panay siyang pagtitiis!" "Umasa kang liligaya rin siya, Ernesto!" ang mahambal na alo ni Miss Ernesto. "Gaya rin ng araw: may dilim at may liwanag ang buhay! … Tena na Ernesto!" yaya na ng dalaga at masuyong inakbayang muli ang bata. "Aling Ambrosia!" baling na tawag sa labandera. "Lalakad na kami. Kung may anoman sina Ernesto na dapat dalhin sa amin ay kayo na sana ang bahala!" "Opo, Miss Sanchez!" anang labandera. Ako na ang bahala! Isama na ninyo siya!" Isang tinging balot ng magkakalangkap na lungkot, habag at paghanga ng naiwang kanayon ang pumatnubay sa paglakad nina Miss Sanchez, Miss Lavadia, at Ernesto. "Kaawa-awang bata!" ang sagut-sagutang wika ng marami. "Magandang lalaki, at mabait!" anang ilan. "Talagang pambihirang babae 'yang si Miss Sanchez," anang isang matandang lalaki naman. "Mabuti na lamang at sa kaniya nahabilin ang bata!" "Ba! Mang Islaw!" tawag ng isang babae na nakapansing naroon pa si Estanislao Villas. "Paano ba? Hindi ba kikilos ang ating kapisanan?" "Iyan din nga ang iniisip ko," ang tugon ni Villas."


Sino ang sumulat ng alamat ng pinya?

Noong unang panahon ay mayroong mga Diyos na magkakabarkada : Si IVAn ang diyos ng araw, si Jeff ang Diyos ng Lupa, Si Harold ang diyos ng langit, Si Ron ang Diyos ng Hangin, Si Andrei ang diyos ng tubig at si Jimbo ang Diyos ng Kawayan. Nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan at nagkagulo. Nag-Gwiyomi na lang sila . Dahil sa Full Force Gwiyomi Power nila, may bigla na lamang sumabog at may nabuong Bola at tila walang laman ito. Ginamitan ni Jeff at Andrei ng Creativity ang bola. Nagpatawa c Ivan at sa di inaasahang pangyayari natawa si Andrei at bigla na lamang may Dumanak na tila malapot at puting likido at kumalat sa kabuuan ng bola. Sa sobrang tawa din ni Jeff ay napautot ito at may kasamang tila malaman at mala-kulay tsokolateng bagay at tumalsik ito sa mga parte ng Bola. Ginamitan naman ni Ivan ng Heat energy niya ang mala-kulay tsokolateng bagay para itoy tumuyo. Inilabas naman ni Ron ang kanyang hangin na nagmula sa kanyang katawan at nanatili ang hangin na iyon sa Bola. Nagpatubo naman Si Jimbo ng mga kauri nya sa bolang tila may mga pulo na at mahangin pa. Tumubo nga ang mga puno at kawayan. Sa di inaasaang Ritwal ay nabuo nga nila ang mundo at ito ay ang mundo nating ginagalawan. Iyan ang kasaysayn ng Daigdig.


Imperyong mongol at ang kanilang nagawa sa kasaysayan ng mga mongol?

Ang mga Monggol ay naninirahan sa kapatagan ng Sentral na Asya, mula sa kabundukan ng Ural hanggang sa Disyerto ng Gobi. Sila ay mga Nomands, ang kanilang mga ninuno ay tinatawag na Khan. Noong 1206, si Temujin Khan ay dinala lahat ng tribo sa ilalim ng kanyang pamumuno at prinoklama si Genghis Khan na Panginoon ng Lahat. Sa pananakop, ang kanyang imperyo ay nagmumula mula sa Karagatan ng Pasipiko hanggang sa River Danube. Ang mga atake ng mga Mongol ay ipinagpapatuloy pagkatapos ng pagkamatay ni Genghis Khan. Noong 1237, isang sandatahan ng mga Mongol sa pamumuno ni Batu Khan, isa sa mga anak ni Genghis Khan, ay sinakop ang Ruso.Sa Europa, nagkakagulo na ang mga tao dahil sa bilis ng mga Mongol makipaglaban. Ang mga sundalo ng mga Mongol ay naglalakbay na may kasamang limang kabayo at bawat isa ay eksperto sa mga Bows at Lances. Sa pagkapanalo, sila ay walang patawad na pumapatay ng mga tao ng siyudad at nangunguha ng kayamanan. Ang kalurang Europa ay nailigtas lamang ng ang mga mongol ay bumalik sa kanilang bansa sa pagkamatay ni Ogadai Khan noong 1241.Si Genghis Khan ay walang patawad sa mga laban, pero napanatili ang kapayapaan sa kanyang imperyo at namuno ng patas. - Ang mga Mongol ay mas gustong makipaglaban gamit ang kabayo. Kinokontrol nila ang kabayo gamit ang kanilang paa, ang kanilang kamay ay ginagamit upang mapana ang kalaban.


Fable stories of the horse and the carabao?

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araway inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagangkabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabangpaglalakbay.Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit."Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamitkeysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"pakiusap ng kalabaw."Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad."Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ngdala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamigsa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init angkatawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw."Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindinagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siyaay pumanaw.Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat nggamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namangmakalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin."Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay Hindi naging ganitokabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sakanyang sarili.Mga aral ng pabula:Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung Hindimo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat nakaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo aymagtutulungan.


Ano ang mga batas noon ng mga sinaunang pilipino?

PAMAHALAAN: Mga pinuno, batas at hukumanPINUNO: Rajah, Datu, SultanTungkulin ng pinuno: Gumagawa at nagpapatupad ng batas, tagahatol, nagbibigay ng parusa, pinuno sa dogmaan, nagdedeklara ng digmaan, Nakikipagkasundo sa kalapit na barangay, Nagaayos ng gulo o away, Lider sa pananampalataya, atbp...Mga Batas:Ang mga batas ay pinagkakasunduuan ng matandang konseho at isinisigaw ng umalahokan ang bagong batas sa barangay. Mahigpit ang pagpapatupad ng batas. Malupit din ang mga parusa tulad ng pagputol ng daliri, pagiging alipin, kamatayan, atbp.Lipunan:Ang Maharlika ay binubuo ng kaanak ng datu.Ang Timawa ay binubuo ng mga malayang tao.Ang Alipin ay maaaring namamahay (may pag-asang maging timawa) o saguiguilid (wala nang pagasang maging timawa).Pananampalataya:Sinasaklawan nito ang kanilang mga kaugalian. Sa paglilibing, pagpapakasal, at sa pang-arawaraw na gawain. Marami silang pinararangalang diyos.Mga Pamahiin:Paglilibing: kasamang inilalagay sa kabaong ang mga paboritong kagamitan ng namatay, minsan ay isinansama ang isang alipin, paglulukasa sa pamamagitan ng pagsusuot ng puti, di pagkain at paginom ng alak,nagaayuno, baliktad ang paglalagay ng balaraw, atbp...panliligaw: kailangang dumaan muna sa magulang bago sa anaak, paninilbihan ang pamilya ng babae, hindi maaaring magtagpo, magkakaloob ng bigay kaya ang lalaki kung nakapasa na siya sa unang pagsubok at maayos na pakikipag usap ng magkabilang panig.Wika at Panulat:May 17 titik lamang ang ginagamit noon. 14 na katinig at 3 patinig ngunit 5 ang gamit nito. Dagta ng kahoy ang ginagamit na tinta, dahon ng saging o malapad na dahon ng kahoy ang nagsisilbing papel, at ang lapis ay lanseta o pinatulis na bakal.


Tagubilin ni francisco balagtas sa babasa ng florante at Laura?

naging masigasig si aladin na mailigtas si florate kay laura ADD NYU NA LNG AKO SA FB VENJOGALUZO@YAHOO.COM


Ano ang mga uri at anyo ng morpema?

Ang morpema ang pinakamaliit na bahagi ng wika na nagtataglay ng sariling kahulugan. Hindi ito dapat ipagkamali sa pantig na likha ng mga salita kung isinusulat o ang bawat saltik ng dila kapag binibigkas. Maraming mga pantig ang walang kahulugan sa sarili kaya Hindi maaaring tawaging morpema. Ang morpema ay maaaring isang salita o bahagi lamang ng isang salita. May tatlong anyo ang morpema : ang morpemang salitang - ugat, ang morpemang panlapi, at ang morpemang binubuo ng isang ponema. 1. Morpemang salitang-ugat - ito ay binubuo ng salitang walang kasamang pan- lapi. Ito ay mga salitang payak. Tinatawag din itong malayang morpema. Halimbawa : ilog, bahay, araw, lupa, bandila 2. Morpemang panlapi - ito ay may taglay na kahulugan sa sarili. Ngunit Tina- tawag ang ganitong morpema na di-malayang morpema. Hindi sila makakatayo sa kanilang sarili. kinakailangan pa itong samahan ng isang malayang morpema upang magkaroon ng ganap na kahulugan. Iba - ibang pusisyon ang kinalalagyan ng panlapi sa salita kaya may iba - ibang uri din ng panlapi ayon sa pusisyon nila sa loob ng salita. Unlapi - kapag inilalagay sa unahan ng salita. Halimbawa : magbasa, umibig, paalis, makahuli Gitlapi - kapag nakalagay sa loob ng salita. Halimbawa : sumayaw, lumakad, sinagot, ginawa Hulapi - kapag nakalagay sa hulihan ng salita. Halimbawa : ibigin, sulatan, sabihan, gabihin Kabilaan - kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita. Halimbawa : mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan Laguhan - kapag makikita ang mga panlapi sa unahan, gitna at hulihan ng salita. Halimbawa : magdinuguan, pagsumikapan, ipagsumigawan 3. Morpemang binubuo ng isang ponema - makikita sa mga sumusunod na halimbawa : doktor - doktora, abogado - abogada MIKAELA, <3