answersLogoWhite

0

Palibhasa'y Mutyang anak ng Liwanag,

Ang Ina kong Lupa'y tampulan ng dagat.

Sa Dulong Silanga'y pulo ng pangarap,

Binasag ng alon kaya sumambulat.

Subalit gayon man, sa Kapuluan ko'y Diyos ang may hawak,

Buo ang damdamin, iisa ang diwa't isa ang Watawat.

Ang aking Bandila ay may tatlong kulay;

May kulay ng dugo, pagkat katapangan;

May kulay ng langit, pagkat kabanalan;

May kulay ng bulak, pagkat kalinisan.

Subalit ang lalong maningning na hiyas na kanyang dampulay

Ay magkakapatid na tatlong Bituin at ang isang Araw.

Ang bandilang ito'y nilamay sa dusa.

Napigta sa luha ng maraming ina.

Saka nang mayari, kamay ni Ibarra

Ang sa himagsikan ay siyang nagdala.

Sinundan ni Elyas, at ang buong baya'y nuha ng sandata

At sila'y nagbangon ng unang paglaya at pagkakaisa.

Mahinang sandata't marupok na bisig

Dahil sa Bandila'y nakapananaig.

Ang isang bayani, o isang panitik,

Dahil sa Bandila'y may tula, o bagwis;

Makata't bayani'y aawit ng Laya, hahanap ng langit.

Kung Langit ay wala, Tabak na ang lunas sa dusa't hinagpis!

Nang minsang ibawal ang aking Bandila

Siya'y hinagkan kong nanatak ang luha,

Wika ko sa akin: Ang naglahong tala,

Lalo pang maningning pagsilay ng lupa

Ngayong siya'y muling iladlad sa tagdan at maging malaya,

Sandata't pag-ibig ang kanyang tanggulang hindi masisira.

Sa bayan at nayon, sa bundok at parang,

Sa himpapawirin at sa karagatan,

Ang aking Bandila ay iwawagayway.

Sa tuwing umaga'y hahagkan ng Araw,

At sa aking kuta siya ay hindi na muling maaagaw,

Pagkat magtatanggol pati na ang aking tatanod na bangkay!

User Avatar

Wiki User

13y ago

What else can I help you with?

Related Questions

Slogan tungkol sa kalinisan sa sarili?

kalinisan sa sarili


Anu ibig sabihin ng clean and green sa ating kalikasan?

ay isang uri pamamaraan para mapanatili ang kaayusan,kalinisan at para protection sa air pollution


Ano ang kahalagahan ng pagkain?

Ang kalinisan dapat ikaw ay laging malinis . .dalawa ang ibig sabihin ng kalinisan : kalinisan sa sarili na dapat ikaw ay maglilinis ng katawan araw araw . Kalinisan sa kapaligiran na dapat linisin natin ang ating paligid para hindi tayo mag ka sakit .


Halimbawa ng tula tungkol sa kalinisan?

Isang halimbawa ng tula tungkol sa kalinisan ay ang "Ang Kariktan ng Banyo" ni Jose Corazon de Jesus. Sa tula, binibigyang diin ang kahalagahan ng pagiging malinis sa katawan at kapaligiran. Ginagamit ang mga talinghaga at imahen upang ipakita ang kagandahan ng kalinisan at epekto nito sa buhay ng tao. Ang tula ay nagbibigay inspirasyon sa mga mambabasa na ingatan at ipanatili ang kalinisan sa kanilang paligid.


Where to find dula-dulaan na related sa kalusugan at kalinisan?

sa internet


Kasabihan tungkol sa kalinisan?

Isang kilalang kasabihan tungkol sa kalinisan ay, "Ang kalinisan ay kaligayahan." Ipinapahiwatig nito na ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran at katawan ay nagdudulot ng mabuting pakiramdam at kalusugan. Ang pagiging malinis ay hindi lamang nakabubuti sa sarili kundi pati na rin sa mga tao sa paligid. Kaya't mahalaga ang pagpapahalaga sa kalinisan sa araw-araw na buhay.


Ano ang ibig sabihin ng salitang kalinisan?

Ang salitang "kalinisan" ay tumutukoy sa estado ng pagiging malinis o kaayusan ng isang bagay, lugar, o tao. Mahalaga ito sa pagpapanatili ng kalusugan at kaaya-ayang kapaligiran. Ang kalinisan ay hindi lamang pisikal na kalinisan kundi pati na rin sa kaisipan at asal, na nag-aambag sa kabuuang kapakanan ng isang komunidad. Sa mas malawak na konteksto, ang kalinisan ay nagsisilbing batayan ng disiplina at pagmamalasakit sa sarili at sa kapwa.


Cleanliness is next to godliness tagalog?

ano ang ibig sabihin ng kalinisan ang susunod sa kabutihan


Dula dulaan usapan tungkolsa kalinisan?

Ang dula dulaan tungkol sa kalinisan ay maaaring magsimula sa isang sitwasyon kung saan nagkakaroon ng problema sa kalinisan sa isang barangay. Ang mga tauhan ay maaaring mga residente na nag-uusap tungkol sa mga epekto ng dumi at polusyon sa kanilang kalusugan at kapaligiran. Sa kanilang pag-uusap, maaari nilang talakayin ang mga solusyon tulad ng pagtutulungan sa paglilinis at pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa wastong pagtatapon ng basura. Sa huli, makikita ang kanilang pagkakaisa at pagsisikap na mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa kanilang komunidad.


Halimbawa ng tula na maaaring gamitin sa sabayang pagbigkas?

It is, Pilipino sa Bagong Filipino"By: Leticia C. Aquino


Bakit kailangan nating pangalagaan ang ating katawan?

kahalagahan ng kalinisan sa katawan


Magbigay ng 10 kasabihan kung paano mapanatiling malinis ang ating kapaligiran?

Narito ang 10 kasabihan para mapanatiling malinis ang ating kapaligiran: "Ang kalinisan ay kaligayahan." "Huwag magtapon ng basura sa kung saan-saan." "Ang munting bagay, kapag pinagsama-sama, ay nagiging malaking tulong." "Sa simpleng pagkuha ng basura, may ambag sa kalikasan." "Ang ating kapaligiran, ating responsibilidad." "Kalinisan ay kayamanan ng bayan." "Pag-aalaga sa kalikasan, pag-aalaga sa sarili." "Magsimula sa sarili, upang magbago ang mundo." "Sa tamang pagtatapon ng basura, kalikasa’y nagiging mas maganda." "Ang bawat tao’y may papel sa pangangalaga ng kalikasan."