May dalawang sagot sa tanong kung kailan unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas: Mayo 28, 1898 at Hunyo 12, 1898.
Unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas noong Mayo 28, 1898 matapos manalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa mga Kastila sa Battle of Alapan sa Imus, Cavite. Ang petsang ito nga ang idineklarang National Flag Day.
Ito naman ang petsa ng makasaysayang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa balkonahe ng bahay ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Ang tagpong ito ay itinuturing na pormal na pagpapakita ng watawat ng bansa.
Para sa ilan ay Mayo 28, 1898 talaga ang unang pagwagayway ng watawat ngunit pinaniniwalaan na ito ay unang pakikibaka ng mga Katipunero at ang unang pagwagayway talaga ay ang nangyari sa Kawit, Cavite
Chat with our AI personalities