Sa Aking Mga Kabata
Kapagka ang baya'y sadyang umiibigSa kanyang salitang kaloob ng langit,Sanglang kalayaan nasa ring masapitKatulad ng ibong nasa himpapawid.Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,At ang isang tao'y katulad, kabagayNg alin mang likha noong kalayaan.Ang Hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,Kaya ang marapat pagyamaning kusaNa tulad sa inang tunay na nagpala.Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,Sapagka't ang Poong maalam tuminginAng siyang naggawad, nagbigay sa atin.Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwaAng lunday sa lawa noong dakong una.Chat with our AI personalities