Anak Dalita
Ako'y anak ng dalita
At tigib ng luha
Ang naritong humihibik
Na bigyan ng awa
Buksan mo ang langit
At kusa mong pakinggan
Ang aking ligalig
Saka pagdaramdam
Ay, kung hindi ka maaaba
Sa lungkot kong dinaranas
Puso't diwang nabibihag
Sa libing masasadlak
Magtanong ka kung 'di tunay
Sa kislap ng mga tala
Magtanong ka rin sa ulap
Ng taglay kong dalita
CHORUS
Sa dilim ng gabi
Aking nilalamay
Tanging larawan mo
Ang nagiging ilaw
Kung ikaw ay mahimbing
Sa gitna ng dilim
Ay iyong ihulog
Puso mo sa akin
AD LIB
Tanging larawan mo
Ang nagiging ilaw
Ay iyong ihulog
Puso mo sa akin
CODA
Ang iyong ihulog, ang iyong ihulog
Buhay, pag-asa, pag-asa
KUNDIMAN
ni Jose Rizal
Tunay ngayong umid yaring diwa at puso
Ang bayan palibhasa'y api, lupig at sumuko.
Sa kapabayaan ng nagturong puno
Paglaya'y nawala, ligaya'y naglaho!
Datapuwa't muling sisikat ang maligayang araw
Pilit na maliligtas ang inaping bayan
Magbabalik man din at laging sisikat
Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan!
Ibubuhos namin ang dugo'y ibabaha
Ng matubos lamang ang sa Amang Lupa!
Hanggang 'di sumapit ang panahong tadhana
Sinta ay tatahimik, tutuloy ang NASA!
Sinta ay tatahimik at tutuloy ang nasa!
O Bayan kong mahal
Sintang Filipinas!
NASAAN KA IROG
(KUNDIMAN)
Music & Lyrics by: Nicanor Abelardo
Nasaan ka Irog,
At dagling naparam ang iyong pag-ibig?
'Di baga sumpa mo, ako'y mamahalin?
Iyong itatangi, iyong itatangi
Magpa-hanggang libing,
Subalit nasaan ang gayong pagtingin?
Nasaan ka Irog
At natitiis mong ako'y mangulila,
at hanap-hanapin ikaw sa alaala
Nasaan ang sabi mong
Akoy' iyong Ligaya
Ngayo'y nalulumbay
ay di ka makita.
Irog ko'y tandaan
kung ako man ay iyong siniphayo
Mga sumpa't lambing
Pinaram mong buo
Ang lahat sa buhay ko
ay hindi maglalaho't
Masisilbing bakas
Nang nagdaan
'tang pagsuyo.
Tandaan mo irog,
Irog ko'y tandaan
Ang lahat sa Buhay ko
ay hindi maglalaho''t
Magsisilbing bakas
'Tang Pagsuyo,
Nasaan ka irog,
Nasaan ka irog?
PAHIWATIG
(KUNDIMAN SONG)
by Nicanor Abelardo
Pahat kong puso
Sa wikang pag-ibig
Tumitibok ng
Hindi mo malirip
Ito'y Ligaya
Kaya o Sakit ?
Ang idudulot saabang dibdib?
Tanging Kagandahan
Saaking Karainga'y
Pahiwatigan lamang
Kung may pa-asa
Pang kakamtan
At kung sakali't
Mamarapatinang dulot
Kong pagigiliw
Tangi kong pooonin
Hanggang buhayko ay makitil.
At kung mamamarapatin
Ang dulot kong paggiliw
Tangi kong popoppnin
Hanggang ang buhay ko
ay makitil.
MADALING ARAW
(KUNDIMAN SONG)
by Francisco Santiago
Irog kong dinggin
Ang tibok ng puso
Sana'y damdamin
Hirap nang sumuyo
Manong Itunghay
Ang matang mapungay
na siyang tanging ilaw
ng buhay kong papanaw.
Sa gitna ng karimlan,
Magmadaling araw ka
At ako ay lawitan ng habag
At pagsinta.
Kung ako'y mamatay sa lungkot,
Nyaring buhay
Lumapit ka lang at mabubuhay
At kung magkagayon
Mutya, Mapalad ang buhay ko
Magdaranas ng tuwa dahil saiyo
Madaling araw na sinta
Liwanag ko't tanglaw
Halina Irog ko at
Mahalin o ako
Mutyang mapalad na ang buhay ko
Nang dahilan sa Ganda mo,
Madaling Araw na Sinta
Liwang ko't Tanglaw
Halina Irog ko
At mahalin mo ako
Manungaw ka liyag
Ilaw ko't pangarap
at Madaling araw na.
DAHIL SA IYO
(KUNDIMAN SONG)
by MIKE VELARDE
Mike Velarde -- Composer
Dominador Santiago -- Lyricist
Sa buhay ko'y labis
Ang hirap at pasakit, ng pusong umiibig
Mandin wala ng langit
At ng lumigaya, hinango mo sa dusa
Tanging ikaw sinta, ang aking pag-asa.
Dahil sa iyo, nais kong mabuhay
Dahil sa iyo, hanggang mamatay
Dapat mong tantuin, wala ng ibang giliw
Puso ko'y tanungin, ikaw at ikaw rin
Dahil sa iyo, ako'y lumigaya
Pagmamahal, ay alayan ka
Kung tunay man ako, ay alipinin mo
Ang lahat ng ito, dahil sa iyo.
Nasaan Ka Irog by Nicanor Abelardo
Nasaan ka Irog,
At dagling naparam ang iyong pag-ibig?
'Di baga sumpa mo, ako'y mamahalin?
Iyong itatangi, iyong itatangi
Magpa-hanggang libing,
Subalit nasaan ang gayong pagtingin?
Nasaan ka Irog
At natitiis mong ako'y mangulila,
At hanap-hanapin ikaw sa alaala
Nasaan ang sabi mong
Akoy' iyong Ligaya
Ngayo'y nalulumbay
Ay di ka makita.
Irog ko'y tandaan
Kung ako man ay iyong siniphayo
Mga sumpa't lambing
Pinaram mong buo
Ang lahat sa buhay ko
Ay hindi maglalaho't
Masisilbing bakas
Nang nagdaan
'tang pagsuyo.
Tandaan mo irog,
Irog ko'y tandaan
Ang lahat sa Buhay ko
Ay hindi maglalaho''t
Magsisilbing bakas
'Tang Pagsuyo,
Nasaan ka irog,
Nasaan ka irog?
tanga ang nag basa
Es!!
TANGINA
pusa at daga is my answer
halimbawa ng marxismo?
Bugging
boku no pico
tae.. nu b xagot??????????????????
kwento tungkol sa teoryang feminismo
whoops kiri
Sinu sino ang mga tauhan sa
Maikling kwento means "short story" in Tagalog, a language spoken in the Philippines.