Unang Araw - Nilikha ang liwanag na tinawag Niyang araw'; ang dilim na tinawag naman Niyang gabi at pinagbukod ito.
Ikalawang Araw - nilikha ng Diyos ang kalawakan at inihiwalay sa tubig; nagkaroon ng pagitan ang kalawakan at tubig sa ibaba. Langit ang itinawag Niya sa kalawakan.
Ikatlong Araw - Ginawa Niyang magsama ang tubig sa silong ng langit upang lumitaw ang lupa. Ang lupa ay tinawag Niyang daigdig.
Ikaapat na Araw - Nilikha ng Diyos ang araw upang tumanglaw sa maghapon. Ang buwan upang tumanglaw sa gabi at nilikha rin Niya ang mga bituin sa langit.
Ikalimang Araw - Nilikha ng Diyos ang maraming bagay na kay buhay sa tubig, at mga ibon sa himpapawid, mga dambuhala sa dagat at lahat ng nabubuhay sa tubig, at lahat ng uri ng mga ibon.
Ikaanim na Araw - Nilikha ng Diyos ang tao, ang lalaki at babae na kalarawan Niya at binigyan ng kapangyarihang mamahala sa mga isda, mga ibon at lahat ng mga hayop, maging maamo man mailap, malaki man o maliit. Binilinang magpakarami ng mga supling; binigyan ng lahat ng uri na mga butil at ungangkahoy na makakain. Ang mga halamang luntian ay ibinigay sa maiilap na mga hayop, maliit man o malaki, at sa lahat ng mga ibon.
Ikapitong Araw - Pinagpala Niya at itinangi ang ikapitong araw sapagkat sa araw na ito Siya nagpahinga pagkatapos ng anim na araw na paglikha Niya.
Chat with our AI personalities