answersLogoWhite

0


Best Answer
PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na sumakop sa atin nang higit sa tatlong daang taon. Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo 1898, tanda ng pagkakaroon natin ng kalayaan.Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang ito'y naging panandalian lamang sapagkat biglang lumusob ang mga Amerikano. Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaan ay nagsimula noong pang 1900.

MGA KATANGIAN NG PANITIKAN

1. Hangaring makamit ang kalayaan

2. Marubdob na pagmamahal sa bayan

3. Pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo

DIWANG NANAIG

1. Nasyonalismo

2. Kalayaan sa pagpapahayag

3. Paglawak ng karanasan

4. Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan

MGA IMPLUWENSYA SA PANANAKOP NG MGA AMERIKANO

1. Pagpapatayo ng mga paaralan

2. Binago ang sistema ng edukasyon

3. Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan

4. Ipinagamit ang wikang Ingles

5. Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan

6. Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan

MGA PAHAYAGAN SA PANAHON NG AMERIKANO

1. EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete noong 1900

2. EL NUEVO DIA (Ang Bagong Araw) itinatag ni Sergio Osmena noong 1900

3. EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong 1900

4. Manila Daily Bulletin-1900

3 PANGKAT NG MGA MANUNULAT

1. Maka-Kastila

2. Maka-Ingles

3. Maka-Tagalog

MGA DULANG IPINATIGIL

1. KAHAPON, NGAYON AT BUKAS - sinulat ni Aurelio Tolentino

2. TANIKALANG GINTO- ni Juan Abad

3. MALAYA -ni Tomas Remegio

4. WALANG SUGAT - ni Severino Reyes

PANITIKAN SA KASTILA

1. CECILIO APOSTOL- may pinakamabuting tulang papuri kay Jose Rizal ; OBRA-MAESTRA- A Rizal

2. FERNANDO MA. GUERRERO- unang hari ng panulaan sa Kastila; OBRA-MAESTRA-Crisalidas (Mga Higad)

3. JESUS BALMORI - "Batikuling"; OBRA-MAESTRA- El Recuerdo y el Olvido; nahirang siyang "poeta laureado" sa wikang Kastila

4. MANUEL BERNABE- makatang liriko

5. CLARO M. RECTO-Obra-maestra-BAJO LOS COCOTEROS ( Sa Lilim ng Niyugan)

6. TRINIDAD PARDO DE TAVERA- ang nagpasok ng titik W at K sa abakadang Pilipino

IBA PANG MANUNULAT SA WIKANG KASTILA

1. ADELINA GURREA - kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas na magaling sa Kastila; Obra-maestra- EL NIDO

2. ISIDRO MARPORI -obra-maestra-AROMAS DEL ENSUENO ( Halimuyak ng Pangarap)

3. MACARIO ADRIATICO -obra-maestra-alamat"LA PUNTA DE SALTO ( Ang Pook na Pamulaan )

4. EFIFANIO DELOS SANTOS- nakilala sa tawag na DON PANYONG; kilala bilang mahusay na mananalambuhay

5. PEDRO AUNARIO -sumulat ng DECALOGO DEL PROTOCIONISMO

PANITIKAN SA TAGALOG

= Ang "FLORANTE AT LAURA" ni Francisco Balagtas at "URBANA AT FELIZA"ni Modesto de Castro ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog

= Inuri ni Julian Balmaceda sa tatlo (3) ang mga makatang Tagalog. Narito ang mga sumusunod:

= MAKATA NG PUSO : Lope K. Santos; Inigo Ed Regalado;Carlos Gatmaitan; Pedro Gatmaitan; Jose Corazon de Jesus; Cirio H. Panganiban; Deogracias A. Rosario; Ildefonso Santos; Amado V. Hernandez; Nemecio Carabana; Mar Antonio

MAKATA NG BUHAY : Lope K. Santos; Jose Corazon de Jesus; Florentino Collantes; Patricio Mariano; Carlos Gatmaitan; Amado V. Hernandez

MAKATA NG DULAAN : Aurelio Tolentino; Patricio Mariano, Severino Reyes; Tomas Remegio

LOPE K. SANTOS - Ama ng Balarilang Tagalog; OBRA-MAESTRA-Banaag at Sikat

JOSE CORAZON DE JESUS- Huseng Batute; OBRA-MAESTRA-Isang Punungkahoy

FLORENTINO COLLANTES- Kuntil Butil; OBRA-MAESTRA- Lumang Simbahan

AMADO V. HERNANDEZ- Makata ng mga Manggagawa; MGA OBRA-MAESTRA- Isang Dipang Langit;Mga Ibong Mandaragit; Luha ng Buwaya; Bayang Malaya; Ang Panday

VALERIANO HERNANDEZ-PENA- Tandang Anong at Kintin Kulirat; OBRA-MAESTRA- Nena at Neneng

INIGO ED REGALADO - Odalager; OBRA-MAESTRA-Damdamin

ANG DULANG TAGALOG

SEVERINO REYES - Lola Basyang; Ama ng Dulang Tagalog; OBRA-MAESTRA- Walang Sugat

AURELIO TOLENTINO - ipinagmamalaking mandudula ng Kapampangan; OBRA-MAESTRA- Luhang Tagalog at Kahapon, Ngayon at Bukas

HERMOGENES ILAGAN- nagtayo ng samahang "COMPANA ILAGAN" na nagtanghal ng maraming dula sa kalagitnaang Luzon

PATRICIO MARIANO- sumulat ng "NINAY" at "ANAK NG DAGAT" na siya niyang OBRA-MAESTRA

JULIAN CRUZ-BALMACEDA- "Bunganga ng Pating" ang siya niyang OBRA-MAESTRA

PANITIKANG FILIPINO SA INGLES

JOSE GARCIA VILLA - "Doveglion"; pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles

JORGE BACOBO - sinulat-"Filipino Contact with America"; A Vision of Beauty

ZOILO GALANG - sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang Ingles na pinamagatang "A Child of Sorrow"

ZULUETA DE COSTA-nagkamit ng unang gantimpala sa tulang "Like the Molave"

NVM GONZALES- may-akda ng "My Islands" at "Children of the Ash Covered Loom". Ang huli ay isinalin sa iba't ibang wika sa India

*ANGELA MANALANG GLORIA- umakda ng "April Morning"; nakilala sa pagsulat ng mga tulang liriko noong panahon ng Komomwelt

ESTRELLA ALFON - ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na babae sa Ingles bago magkadigma. Sinulat niya ang "MAGNIFICENCE" at "GRAY CONFETTI"

ARTURO ROTOR - may-akda ng "THE WOUND AND THE SCAR"-kauna-unahang aklat na nalimbag sa Philippine Book Guild

IBA PANG PANITIKAN

PEDRO BUKANEG- Ama ng Panitikang Iloko; Bukanegan-kasingkahulugan ng Balagtasan

*CLARO CALUYA- Prinsipe ng mga Makatang Iloko; kilala sa pagiging makata at nobelista

*LEON PICHAY - kinilala bilang "pinakamabuting BUKANEGERO"

*JUAN CRISOSTOMO SOTO- Ama ng Panitikang Kapampangan; Crisostan-kasingkahulugan ng Balagtasan

*ERIBERTO GUMBAN-Ama ng panitikang Bisaya

~Vince John Catanduanes

User Avatar

Wiki User

11y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

12y ago

Panti't Bra Brief At Iba Pa :)

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Panagalan ng mga paaralan na ipinatayo ng mga amerikano?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Ano ang mga kaugaliang namana ng mga Pilipino sa Amerikano?

ingles ang wika ng mga amerikano


Masama ba ang mga amerikano sa ating mga pilipino?

Dahil masama ang amerikano


Ano ang katangiang ng mga amerikano?

ano ang mga katangian ng mga amerikano


Saan at kailang ipinatayo ang bahay ni Jose Rizal?

ipinatayo ang bahay ni jose rizal noong panahon ng mga kastila .


Pananakop ng mga amerikano sa panahon ng pananakop ng mga kastila?

dahilan ng pananakop ng amerikano


Paano sinakop ng mga amerikano ang pilipinas?

nakamit ng pilipinas ang kalayaan sa mga amerikano sa pamamagitan ng pakikipaglaban.


Patakarang pangkabuhayan ng mga amerikano?

mga ibinunga ng patakarang pinairal ng mga amerikano


Paano nabihag ng mga amerikano si aguinaldo?

Bakit sumiklab ang digmaang amerikano


Ilan ang bilang ng taong ibinigay ng mga amerikano sa pamahalaang komonwelt?

Bilan ng taong ibinigay ng mga amerikano sa pamahalaang komonwelt


Impluwensiya ng mga amerikano at hapones?

ang impluwensya ng mga amerikano ay ang sumusunod: -kaalaman sa serbisyong pambayan -pagtatag ng mga pamahalaang lokal -pagtatag ng mga pampublikong paaralan -pagtatag ng isang tanggulang pambansa -makabagong kagamitan tulad ng radyo,telebisyon,telepono,at iba pa -pagpapatayo ng mga museo,mga gusaling pansining at kultura -pagtuturo ng mga larong kanluranin tulad ng basketball,baseball,volleyball,footbal, at softball -pagkain ng salad,sandwiches,hamburger,hotdog,french fries,apple pies at iba pa -kaalaman sa wikang ingles -pamahalaang demokratiko


Ano ang naging epekto sa edukasyon na pinairal ng mga amerikano?

edukasyon ng mga amerikano sa philippinas


Mga salitang magkapareho ang tunog sa unahan?

kapatid