Ang salitang "kung" ay uri ng pang-ugnay na pangatnig na panubali (may kondisyon) at karaniwang ginagamit sa hugnayang pangungusap, na may katumbas na "if" sa Ingles.
Halimbawa: Kung pupunta sina Maria sa inyo, pupunta na rin ako roon.
Ang salitang "kong" ay nanggaling sa panghalip na panao sa kaukulang paari na ko na inaangkupan lamang ng "ng" (ko + ng = kong).
Halimbawa: Ang bago kong kotse ay maganda.
Chat with our AI personalities