Antropolohiya- ito ay isang sistematikong pag-aaral ng pinagmulan, ebolusyon at kultura ng Tao. Tulad ng isang siyentista ang mga antrologo ay nagsisiyasat sa mga pangkalahatang ugnayan sa gawi ng Tao.Nagiging batayan din ng pag-aaral ang mga materyal at di materyal na bagay tulad ng kasuotan, tirahan , paniniwala at pagpapahalaga.
Agham Pampulitika- Ito ay isang sistematikong pag-aaral ng buhay pulitikal. Ang mga political Scientists ay sinisikap sagutin ang mga katanungang tulad ng ano ang dahilan ng pagpapatibay ng aksyon ng pamahalaan, kaninong kapakanan ang binibigyang pansin ng pamahalaan.
Sosyolohiya- Ito ang pag-aaral ng Tao, pangkat at institusyon na bumubuo sa lipunan. Bibibigyang pansin din kung paano ang Tao ay bumubuo ng kanyang grupo, ang dahilan ng ibat-ibang anyo ng lipunang gawi o social behavior, ang papel na ginagampanan ng simbahan, paaralan, at iba pang institusyon sa lipunan.
Pilosopiya- Ito ay ang pag-aaral na nagnanais maunawaan ang liwanag ng realidad ng buhay. Sinisikap nitong matuklasan ang katotohanan at karunungan upang mabatid kung ano ang mahalaga sa buhay. Sinusuri din nito ang ugnayan sa pagitan ng sangkatauhan at ng kalikasan ng Tao at lipunan.
Kasaysayan - mga nakatakang pangyayari na naganap sa nakaraan tungkol sa isang Tao, institusyon o lugar.
Ang kasaysayan ay nagsisilbing paalala at tulong sa atin upang maging mabuting mamamayan. Makatutulong din sa bawat Pilipino na maging mabuting bahagi ng kasaysayan ng bansa.
Sikolohiya- Ito ang siyentipikong pag-aaral ng mga prosesong pangkaisipan at gawi. Inoobserbahan at tinatlang mga sikologo kung paano ang Tao at ang uri ng hayop nakikipag-ugnayan sa isat-isa
Chat with our AI personalities