answersLogoWhite

0


Best Answer

Una ang akronim. Ang akronim ay pagbuo ng salita sa pamamagitan ng mga unang letra ng mga salita (hal. Scuba mula sa Self-Contained Underwater Breathing Apparatus). Sumunod naman ang Arkayk na mga salitang umusbong nang kapanahunan ngunit hindi na ginagamit ngayon (hal. plaka, pluma at phonograph). Ikatlo naman ang Jargon na maihahalintulad natin sa "shop talk" o mga salitang ginagamit ng ispisikong propesyon (halimbawa sa mga doktor: hyperthyroidism, stethoscope, MRI o Magnetic Resonance Imaging). Mix-mix na lenggwahe naman ay ang paghahalo ng dalawang salita maaring ang isa ay Ingles at ang isa naman ay Filipino (hal. Chinoy mula sa Chinese at Pinoy). Eupimismo ay mga salitang ipinapalit sa mga salitang pangit sa panlasa o pandinig (hal. funeral parlor ay ginagawang slumber room). Ang salitang nanganganak ng salita ay ginagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng panlapi sa salitang ugat o paguulit-ulit nito (hal. ganda - kagandahan,pagkaganda-ganda, pinaganda atbp). Panghuli ay ang paggamit ng numero, ang halimbawa nito ay 143 mula sa bilang ng bawat salita sa pangungusap na "I love you."

Link: http://larabardon.blogspot.com/2008/12/paano-nga-ba-nabubuo-ang-mga-salita.html

User Avatar

Wiki User

βˆ™ 11y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Paano nabuo ang mga salita
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions