(ancient pables) noong panahong 620-560 BC (Bago Dumating si Kristo). Isa siyang kuba at may kapansanan sa pandinig sapul sa pagkabata. Lumaki siyang alipin sa isla ng Samos, subalit dahil sa kanyang sipag, katapatan at talino ay binigyan siya ng kalayaan ng kanyang amo. Hinayaan siyang maglakbay at makilahok sa
mga tao sa bayan. (Nang mga panahong iyon, walang karapatan ang isang alipin na lumabas at makihalubilo sa mga tao.)
Hindi lamang tinipon ni Aesop ang mga sinaunang pabula, Sumulat din siya ng mga pabula tungkol sa buhay at kalikasan ng tao, at ang kalagayan ng lipunan sa kanyang kapanahunan. Pinuna niya ang mga maling gawi ng mga tao sa lipunan. Tinuruan niya ang mga ito ng tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Ginamit niya ang mga hayop bilang mga tauhan sa kanyang mga isinulat dahil bilang isang alipin, wala siyang karapatang punahin ang mga tao, lalo't ang mga ito'y nabibilang sa mataas na uri ng lipunan. At noon pa man ayaw na ng mga tao na pinangangaralan nang tuwiran.
Tinatayang nakalikha si Aesop nang mahigit 200 pabula bago siya namatay.
Pagkatapos ni Aesop, maraming manunulat ng pabula ang nakilala. Ilan rito sina Babrias, Phaedrus, Romulus, Hesiod, Socrates, Phalacrus at Planudes. Kabilang din sa nagpalaganap ng pabula
sa daigdig ang mangangaral na si Odon ng Cheriton noong 1200; si Marie de France noong 1300; si Jean La Fountaine noong 1600; si G.E. Lessing noong 1700 at si Ambrose Bierce noong 1800.
Ang mga pabula ay patuloy na lumaganap sa iba't ibang bansa hanggang sa makarating sa ating kapuluan bago pa man dumating ang mga Español. Nakalikha ng mga katulad na kuwento ang ating mga ninuno. Ginamit din nila ang mga ito upang turuan ang mga tao ng tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa.
Tulad ng iba pang kuwentong-bayan, sa simula ang mga pabula ay nagpasalin-salin lamang sa bibig ng ating mga ninuno. Subalit nang matutuhan nila ang sistema ng panulat, ilan sa mga ito ay nagawa nilang maiukit sa malalaking bato, balat ng mga punongkahoy, talukap ng niyog at mga dahon ng halaman. Ginamit nilang panulat ang matutulis na kahoy, bato at bakal. Mayroon ding naisulat sa mga papel, na sa paglipas ng panahon ay naimprenta, lumaganap hanggang sa kasalukuyan, kabilang ang
pabulang "Ang Matsing at Ang Pagong" na isinakomiks ni Dr. Jose P. Rizal.
Chat with our AI personalities