answersLogoWhite

0

Noong lunes ay ginanap ang kauna-unahang State of the Nation Addresss(SONA) ni Pangulong Benigno " Noynoy" Aquino, III kung saan ay tahasan nitong ibinulgar ang mga katiwalian sa nakalipas na administrasyon.

Bagama't alam na ng nakararami ang mga naganap na katiwalian sa nagdaang administrasyon ay nakasilip naman ng pag-asa ang sambayanang Pilipino dahil na rin sa mga sinabi ni Pangulong Aquino.

Sa nilalaman kasi ng SONA ng pangulo, lumalabas na lalabanan nito ang mga katiwalian at Hindi na nito papayagan na muling may maganap na korupsiyon sa kanyang administrasyon.

Dahil dito ay nakasilip ng pag-asa ang mga Pilipino dahil sa panunungkulan ni Pangulong Aquino ay tiyak na mapupunta sa mga proyekto ang pera sa kaban ng bayan Hindi sa bulsa ng iilan lamang.

Ang hinihintay na lamang ng taumbayan ngayon ay ang mapatunayan ang mga taong may kinalaman sa naganap na katiwalian at umaasa rin ang mga Pilipino na makulong ang mga may kagagawan sa nakalipas na pagnanakaw.

Umaasa rin ang mga Pilipino na sa pagkakatatag ng Truth Commission na pinamumunuan ni dating Supreme Court (SC) Justice, Hilario Davide, Jr. ay may patutunguhan ang mga gaganaping imbestigasyon sa naganap na katiwalian.

Kapag tuluyang naipakulong ang mga taong may kinalaman sa umano'y katiwalian, malamang na Hindi na tularan ang mga ito dahil magkakaroon na ng takot ang mga ito na gumawa ng kalokohan habang NASA posisyon.

Hanggang Hindi kasi naipakukulong ang mga taong may alam sa umano'y naganap na katiwalian ay tiyak na tutularan ang mga ito kaya't dapat lamang na bigyan ng halimbawa ang mga ito.

Sana lang ay walang dapat na sinuhin ang Truth Commission nang sa gayon ay tuluhang maparusahan ang mga nagnakaw sa kaban ng bayan.

Siguradong aabangan ng taumbayan ang gagawing imbestigasyon ni Davide at umaasa rin ang mga ito na maparusahan ang mga nagnakaw na naging dahilan kung bakit lalong nalugmok sa kumunoy ng kahirapan ang ating bansa.

User Avatar

Wiki User

13y ago

What else can I help you with?

Related Questions

Mga patakarang pangkabuhayan ni hen Jose basco?

patakaran ni jose basco


What are the projects that President Noynoy Aquino did?

what projects did noynoy aqiono made


Patakarang pangkabuhayan ng mga amerikano?

mga ibinunga ng patakarang pinairal ng mga amerikano


Anu ang mga plano ni noynoy Aquino?

echas mo


Ano ang mga programang pangkabuhayan ni corazon Aquino?

kabaliwan ang programa ..


Anu ano ang pangako ni noynoy Aquino?

anu ano ang sinabi ni noynoy aquino


Ano ang pangako ni noynoy aquino?

ano-ano ang mga pinangako ni pnoy


Patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ni sergio osmena?

mga pangkabuhayang ipinatupad ni sergio osmena na nakakatulong sa ating pagunlad at ng bansa


Kasalukuyang pinuno ng mga bansa sa asya?

pres. Benigno "noynoy" Aquino III sa pilipinas


Mga patakarang pangkabuhayan ng mga pangulong pilinas?

Ang mga patakarang pangkabuhayan ng mga pangulong Pilipino ay naglalayon na mapaunlad ang ekonomiya at mapabuti ang kabuhayan ng mga mamamayan. Halimbawa, si Ferdinand Marcos ay nagpatupad ng mga proyekto sa imprastruktura sa ilalim ng "New Society," habang si Corazon Aquino naman ay nagbigay-diin sa liberalisasyon at privatization upang mapalakas ang kompetisyon. Si Gloria Macapagal Arroyo ay nagpatupad ng mga programang pang-imprastruktura at pang-agrikultura upang tugunan ang mga suliranin sa ekonomiya. Sa kabuuan, ang bawat administrasyon ay may kanya-kanyang estratehiya upang tugunan ang mga hamon at pangangailangan ng bansa.


Mga pangalan ng bagong gabinete ni noynoy Aquino?

I dont know the Answer ok! o ano pang tanung nyu ?


Give me all patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga naging pangulo ng bansa?

Sa Pilipinas, ang mga patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga naging pangulo ay nag-iba-iba batay sa kanilang mga layunin at konteksto. Halimbawa, si Ferdinand Marcos ay nagpatupad ng mga programang pang-imbentaryo at imprastruktura sa ilalim ng Martial Law, habang si Corazon Aquino ay nagbigay-diin sa liberalisasyon ng ekonomiya. Si Gloria Macapagal-Arroyo naman ay naglunsad ng mga reporma sa buwis at mga programang pampinansyal. Sa kabilang banda, si Rodrigo Duterte ay nagtuon sa Build, Build, Build program na naglalayong paunlarin ang imprastruktura ng bansa.