Upang malaman ang kultura, uri ng gobyerno, at sibilisasyon ng iba't-ibang bansa, si Rizal ay naglakbay sa bansang Czechoslovakia, Austria, Switzerland, Italy, Hong Kong, Macao, Japan, Germany, America, England, Belgium, Ceylon, France, Singapore at Vietnam. Nadaanan niya sa kanyang paglalakbay ang mga karagatang kagaya ng Atlantiko, Pasipiko, Karagatan ng China, Red Sea, a tMediterranean Sea. Tatlong beses siya naglayag sa sikat ng daungan-ang Suez Kanal.
Sa lahat ng mga bansang kanyang napuntahan, madalas niyang obserbahan ang klase ng gobyernong umiikot sa isang lugar at ang uri ng batas, mga kaugalian, sistema ng edukasyon, musika, at sayaw at iba't-ibang sining na mayroon sa bansang iyon. Pinag-aralan din niya ang lenggwahe at kultura ng ibang bansa.
Chat with our AI personalities