answersLogoWhite

0

Sa maikling kuwento, ang banghay ay kawangis ng kalansay ng tao o ng plano o disenyo ng itatayong bahay. Ito ay balangkas ng mga sunud-sunod na pangyayari na siyang magsisilbing gabay ng manunulat sa kanyang pagsulat. May limang bahagi ang banghay. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Panimulang Galaw o Simula- ito ay tumutukoy sa makapukaw damdaming umpisa. Kailangang maging kawili-wili ang bahaging ito upang magpatuloy ang mga mambabasa sa pagtunghay sa akda. 2. Papaigting na Galaw- ang interes ng mga mambabasa ay dapat mapanatili ng manunulat. Sa bahaging ito'y paiigtingin ang nasaling na damdamin ng mga mambabasa upang madala sila sa higit na mataas na antas ng pananabik. 3. Krisis- ito ang pinakatampok o pinakadramatikong bahagi ng akda. Tiyak at kailangang mabilis ang galaw ng mga tauhan sa bahaging ito. 4. Kasukdulan- ito ang pinakamatinding bahagi ng akda. Ang pangunahing tauhan, sa bahaging ito, ay malalagay sa panganib kaya kailangan na niyang kumilos upang bigyan ng solusyon ang kinakaharap na suliranin. 5. Realisasyon o Wakas - ito ang huling bahagi ng banghay. Lubusan na ritong naisakatuparan ng pangunahing tauhan ang solusyon sa kinaharap na suliranin.

User Avatar

Wiki User

8y ago

What else can I help you with?