answersLogoWhite

0


Best Answer

1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit. (Simile o Pagtutulad)
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad. (Simile o Pagtutulad)
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning. (Similie o Pagtutulad)
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan. (Similie o Pagtutulad)
5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan. (Simile o Pagtutulad)
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan. (Simile o Pagtutulad)
7. Siya'y langit na di kayang abutin nino man. (Metapora o Pagwawangis)
8. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi. (Metapora o Pagwawangis)
9. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero. (Metapora o Pagwawangis)
10. Ikaw na bulaklak niring dilidili. (Metapora o Pagwawangis)
11. Ahas siya sa grupong iyan. (Metapora o Pagwawangis)
12. Hinalikan ako ng malamig na hangin. (Personipikasyon o Pagsasatao)
13. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin. (Personipikasyon o Pagsasatao)
14. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap. (Personipikasyon o Pagsasatao)
15. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin. (Personipikasyon o Pagsasatao)
16. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap. (Personipikasyon o Pagsasatao)
17. O tukso! Layuan mo ako! (Apostrope o Pagtawag)
18. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian. (Apostrope o Pagtawag)
19. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian. (Apostrope o Pagtawag)
20. Ulan, ulan kami'y lubayan na. (Apostrope o Pagtawag)
21. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming NASA langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihis. (Apostrope o Pagtawag)
22. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo. (Pagmamalabis o Hayperbole)
2. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan. (Pagmamalabis o Hayperbole)
23. BUmabaha ng dugo sa lansangan. (Pagmamalabis o Hayperbole)
24. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman. (Pagmamalabis o Hayperbole)
25. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan. (Panghihimig o Onomatopeya)
26. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat. (Panghihimig o Onomatopeya)
27. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap. (Panghihimig o Onomatopeya)
28. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil. (Pagpapalit-saklaw o Senekdoke)
29. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan. (Pagpapalit-saklaw o Senekdoke)
30. Walang bibig ang umasa kay Romeo. (Pagpapalit-saklaw o Senekdoke)
31. Hingin mo ang kaniyang kamay. (Pagpapalit-saklaw o Senekdoke)
32. Patay tayo dun. (Paglilipat-wika o Transferred Epithet)
33. Para ng halamang lumaki sa tubig,
Daho'y nalalanta munting di madilig. (Simile o Pagtutulad)
34. Ang tingin ng bubuyog sa bulaklak ay katulad ng damdamin ng binata sa dalaga. (Paghahalintulad o Analohiya)
35. Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng buhay. (Metapora o Pagwawangis)
36. Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino. (Personipikasyon o Pagsasatao)
37. Bumaha ang dugo sa awayan ng mga magsasaka. (Pagmamalabis o Hayperbole)
38. Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol. (Pagpapalit-tawag o Metonymy)
39. Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak. (Pagpapalit-saklaw o Synecdoche)
40. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento. (Panawagan o Apostrophe)
41. May magulang bang nagtakwil sa kanyang anak? (Tanong Retorikal)
42. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napagolo naman ng bahay. (Pag-uyam)
43. "Ang Mabuting Samaritano"
"Ang Alibughang Anak" (Talinghaga o Allegory)
44. Ang tao ay kawangis ng Diyos. (Simile o Pagtutulad)
45. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero. (Metapora o Pagwawangis)
46. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin. (Personipikasyon o Pagsasatao)
47. Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto. (Pagmamalabis o Hayperbole)
48. Ang panahong ito ng Hunyo ay maulan. (Pagpapalit-saklaw o Synecdoche)
49. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat. (Panghihimig o Onomatopeya)
50. Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan. (Panawagan o Apostrophe)
51. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napaka dumi naman ng bahay. (Pag-uyam o sarcasm)
52. Tila porselana ang kutis ni Celia. (Simile o Pagtutulad)
53. Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking puso. (Metapora o Pagwawangis)

54. Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas mula sa delubyo. (Alusyon)

55. Ang ikalawang tahanan ng mga kabataan (Metonomiya)
56. "Hanggang sa malibing ang mga buto ko" (Pagpapalit-saklaw o Senekdoke)
57. 'luha'y umaagos" (sobrang dami ng luha) Nadurog ang kanyang puso (Pagmamalabis o Hayperbole)

58. "Celiang talastas ko't malabis na umid… dinggin mo ang tainga't isip". (Apostrope)

59. "Flerida'y tapos na ang tuwa". (Ekslamasyon)

60. Malayo ma'y malapit pa rin."Kung magbangis ka ma't magsukab sa akin
Mahal ka ring lubha dini sa panimdim" (Paradoks)

61. Banal na demonyo Bantang matanda (Oksimoron)
62. Nagalit ang buwan sa haba ng gabi. (Personipikasyon o Pagsasatao)

63. Kinakabog ang mga dibdib ng mga kalahok. (Panghihimig o Onomatopeya)

64. Gumagalang gutay-gutay na gagamba 'mabigla magtuloy mapatid hiningang mahina." (Aliterasyon)

65. Ito nga! Ito nga! Itong nganga. Saan, saan, ay saan makikita ang bayani ng bayan? (Repitasyon)

66. Tik-tak na orasan ay naghahabulan (Personipikasyon o Pagsasatao)
67.Masayang umihip ang hanging amihan (Personipikasyon o Pagsasatao)
68.Hayu't nagagalit ang araw sa silangan (Personipikasyon o Pagsasatao)
69.Ang nagtatampong aso,tingnan mo't malungkot, Ayaw nang kumain at namamaluktot (Personipikasyon o Pagsasatao)
70.Batong nangagkalat sa mga lansangan nangasasaktan kung tinatapakan (Personipikasyon o Pagsasatao)

71. Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng kagubatan. (Metapora o Pagwawangis)
72. Ang aking mahal ay isang magandang rosas. (Metapora o Pagwawangis)
73. Ang aking ina ay tunay na ilaw ng tahanan. (Metapora o Pagwawangis)
74. Ang kanilang bahay ay malaking palasyo. (Metapora o Pagwawangis)
75. Si Mother Teresa ng Calcuta ay hulog ng langit. (Metapora o Pagwawangis)

76. Bumaha ng luha sa mga baryong nasalanta ng bagyo sa Samar. (Pagmamalabis o Hayperbole)77. Umabot sa ibang bansa ang tunog ng kanyang boses sa sobrang lakas. (Pagmamalabis o Hayperbole)78. Abot langit ang kanyang kasayahan. (Pagmamalabis o Hayperbole)79. Ang pagbibiyahe sa bagong lugar ay nakakapagpagaan ng pakiramdam bukod pa sa kasiyahang nalalasap mo. (oksimoron)80. Kapag nasa kapatagan ako, parang lumalawak ang aking puso at gumagaan ang pakiramdam ko. (oksimoron)81. Parang sumasabog ang aking puso sa tuwing dumaraan siya. (oksimoron)82. umabaha na ng luha ang aking kwarto dahil sa pag-iyak niya. (oksimoron)83. Gabundok ang labada ni nanay kahapon kaya sumakit ang kanyang likod sa pagod sa kalalaba. (oksimoron)
84.
User Avatar

Wiki User

8y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

14y ago

1. simili

2. metapor

3. metonimi

4.sinekdoki

5.personipikasyon

6.onomatopeya

7.pun

8.hayperboli

9.hambing-tao

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Mga HAlimbawa ng tayutay na pagpapalit-tawag o metonymy?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp