answersLogoWhite

0

"TAO SAAN KA PATUNGO?" Sa simula'y ginawa ng Diyos ang mundo Nang may masilungan ang lilikhaing tao, Dilim ay hinawi, liwanag natamo, Masaganang lupa sa yama'y napuno. Lungkot sa daigdig ay kanyang napuna- Humugis ng tao, lalaking inuna; Inukit na kamukha't kawangis Niya Upang mamahala sa Kanyang Biyaya. Sa una'y masaya itong si Lalaki Sa huli'y nalungkot, saya ay napawi, Dakilang lumikha, nag-isip na muli, Binuhay si Evang sa tadyang pinili. Babai'y hinugot di sa paa't sa nguso Kundi nga sa tadyang malapit sa puso; Di upang sumuko kay Adang pinuno Manapa'y busugin sa kanyang pagsuyo. Iyan ang simula ng buhay ng tao- Obra-maestrang likha ng Poong totoo; Magmula sa buto ng Kanyang buto; Sa hininga't laman, ay nabuhay ito. Ngunit nang lumaon naghangad ng labis, Naipunlang bait, kagyat na napalis; Sa buyo ng sawang doo'y nakalingkis Si Eva't si Ada'y nagkasalang tikis. Babae lamang: Diyan nagsimula ang sala ng tao- Nagpasalin-salin sa anak at apo; Hangang sa lumaon, Hesus naparito, Layon ay tubusin ang sala sa mundo. Lalaki lamang: Araw ay nagdaan, panaho'y lumipas, Patuloy ang tao sa gawang taliwas, Nabubuhay itong sala ay kapilas- Anong mangyayari sa araw ng bukas? Solo: Nilalang ng Diyos ang lahat ng tao Upang sama-samang manahan sa mundo, "Kayo'y magmahalan," ani Hesu Kristo, "Sa magandang asal na mabuhay kayo." Ang tao ay tao, may puso at diwa, Kahit marupok, mayro'n ding dakila; Pilit iwawaksi ang minanang sama Maging tapat lang sa kanyang ninanasa. Yaman ay di lahat sa buhay ng tao, Mayroon pang ibang mahigit pa rito- Malinis na budhi, damdaming totoo Sa iyong sarili at mga kapwa mo. Mga nasalanta ng lindol at bagyo, Sikaping damayan kahit paano; Sa Red Cross ay mag-abuloy tayo Ng pagkain, gamut at ilang sentimo. Sa silid-aralan, dito hinahasa Kagandahang asal ni Ate at Kuya; "Magandang hapon po," mabilis na wika Kapag nasalubong ang guro't matanda Ang nais ng guro ay batang magalang Upang pagtuturo ay maging magaan, Dapat din marahil, sa puso Manahan Paggalang ng guro sa tinuturuan. Kahit sa tanggapan, sadyang sinisino Mga empleyadong doo'y tumatao; Ngiting matatamis kahit kanino Alay sa mabuti't tunay makitungo. Doon sa kalsada, matatandang patawid, Agad na sinalubong ng Boy Scout na paslit "Tayo na po, Lola," inakay na pilit "Salamat sa iyo, " ang tanging nasambit. Ang pagkamatapat, dapat ding hubugin Sa diwa't isipan ating pagyamanin; Anumang mapulot kung hidi sa atin, Huwag pagnasaan o kaya'y angkinin. Kahit na mahirap ang isang nilalang, Sa yaman ay salat, sa ligaya'y kulang, Mabuting ugaling tapat at dalisay, Yamang madadala hanggang sa 'ting hukay. Tao mang mahirap, tao ring totoo, Kahit na mabaho, tunay paring tao; Dapat na igalng kahit sang kanto Sapagkat sila rin, mayroong prinsipyo. Taong nakalimot sa mabuting asal, Walang dinirinig kahit anong aral; Mayroon namang iba sa Aklat na Banal, Doon kumukuha ng payo't pangaral. Ang tao ay tao, marupok man ito; Nilikha ng Diyos, hawig N'yang totoo; Damdami'y mula sa sariling puso, Dugong dumadaloy ay iisang dugo. Buhay na halaghag, dapat ding talikdan, Salapi, panahon, lakas, karunungan, Huwag aksayahin pagkat kailangan Sa pagpapaunlad ng sandaigdigan. Kayo ang asin ng langit, ngunit kung ang asin ay tumabang, ano ang ipampapaalat? Walang anumang kabuluhan Kundi itapon sa labas at yurakan ng tao. Ang sinumang sa abo nanggaling, Tiyak sa abo rin magbabalik. Ikaw... ako... oo, Ikaw... tayo- Saan ba tayo patutungo?

User Avatar

Wiki User

13y ago

What else can I help you with?