Ang tula ay isang pagbabagong-hugis ng buhay. Isang paglalarawan ng buhay na hinango sa guniguni na pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa mga sukat at tugma,� ayon kay Alejandro at Pineda. Uri ng Tulang Tagalog 1. Tulang Liriko. Itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagninilay at Hindi gaano ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang kinaroroonan. Ang mga uri nito ay ang mga sumusunod: a. Awit �Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan. b. Soneto � Ito ay tulangmay 14 na taludtod, hinggil sa damdamin at kaisipan, may malimaw na kabatiran sa likas na pagkatao. c. Oda � Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang panaghoy o ng iba pang masiglang damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong. d. Elehiya � Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya�y tula ng pananangis lalo na sa paggunita sa isang yumao. Ang halimbawa ay tula ni Jose Corazon De Jesus na �Isang Punong Kahoy�. e. Dalit � Ito ay mga awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen. 2. Tulang Pasalaysay. Naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na natatagpuan sa mga taludtod na nagsasaaysay ng isang kwento. a. Epiko o Tulang Bayani � Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang halos Hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. Halimbawa nito ang epiko n mga Ilokano na �Biag ni Lam-ang.� b. Korido � Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod. Karaniwang mahaba at may mahusay na banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. May himig mapanglaw at malimit na may paksang kababalaghan at maalamat at karamihan ay hiram sa paksang Europeo. Ang halimbawa nito ay �Ibong Adarna.� c. Awit � Ito ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla ito kaysa korido. May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng malalim na kaisipan. Ang halimbawa nito ay ang tulang �Florante at Laura.� 3. Tulang Pandulaan. Sadyang ginawa ito upang itanghal. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya�y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula ang usapan dito. Saklaw ng uring ito ang nga komedya, trahedya, melodramang tula, dulang parsa. 4. Tulang Patnigan. Tulang sagutan na itinatanghalng mga nagtutunggaliang makata ngunit Hindi sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula. a. Balagtasan � Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito�y sa karangalan ni Francisco �Balagtas� Baltazar. b. Karagatan � Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na �libangang itinatanghal� na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat. c. Duplo � Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.
Mga Uri Ng TulaAng Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mga uring ito ay may kaniya-kaniyang bahagi.Ang mga uri ng tula ay ang sumusunod.Tulang Liriko o Tulang Damdamin, Tulang Pasalaysay o narrative poetry sa ingles, Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula.1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) - tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta.Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay Hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.Uri ng Tulang LirikoAwit - Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga.Soneto - Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.Oda - Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang Tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda.Elehiya - Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.Dalit - isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) - isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang Hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko, ballad, idylls at lays.Uri ng Tulang Pasalaysaya. Epiko - ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa isang kultura o bansa.b. Awit at kurido - ay isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong sukat. ang tulang kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa tulad ng Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na kurido ay ang Ibong Adarna.c. Karaniwang Tulang Pasalaysay - Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.3. Tulang Patnigan (joustic poetry) - Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.a. Balagtasan - Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito'y sa karangalan ni Francisco "Balagtas" Baltazar.b. Karagatan - Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na "libangang itinatanghal" na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.c. Duplo - Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.4. Tulang Pantanghalan o Padula - karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya'y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.
Sinaunang Panahon Ayon sa pananaliksik nina Tumangan, Alcomtiser ang matandang panulaan ng Pilipinas ay masasabing karugtong ng mga unang kultura ng Timog Silangang Asya. Karaniwan sa mga kantahin at berso ay tungkol sa mga gawaing makaDiyos, tahanan, bukid, dagat, kaligayahan, kasaganaan at iba pa. Masasabing likas na mga makata ang ating mga ninuno. May mga tula at awit sila sa lahat ng okasyon ng kanilang buhay. Patula nila kung bigkasin ang mga bugtong, ang mga salawikain at maging mga kasabihan. Ang mga bugtong, ayon kay Lope K. Santos ay siyang kauna-unahang katutubong tula. Ito'y ang paghahanay ng mga piling salita na nagsasaad ng talinghaga at masasagot sa pamamagitan ng panghuhula. Ang salawikain at mga kawikaan ay mga patula rin. Naglalaman ito ng mga paniniwalang panlipunan, pilosopiya at mga minanang kapaniwalaan. Panahon ng Kastila Nang matuto ang mga misyonerong Kastila ng wikang Tagalog, una nilang pinagtuunan ng pansin ang pagsusuri ng mga panitikang nakasulat ng ating mga ninuno. Pinili nila ang mga panitikang sa kanilang palagay ay makatutulong sa kanila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Nakita nilang ang mga katutubo ay mahilig tumula at bumigkas ng mga tugma. Nahilig din silang umawit kaya ang lahat halos ng mga pang-araw-araw nilang mga gawain ay naisasagawa nila nang may angkop na awitin. Dahil dito, ang mga tula ang unang kinakitaan ng pagbabagong-bihis. Ang mga sinulat na tula ng mga paring Kastilang misyonero ay maiikli sa simula ngunit habang tumatagal ang mga ito ay nadagdagan ng mga taludtod. Nagsimula sa dalawang taludtod hanggang sa umabot nang lilimahing taludtod. Nanatili ang sukat at tugma sa kanilang mga tula kaya hindi nawala ang indayog sa panulaan nang panahong ito. Ang dating mga tulang katutubo na nakasulat sa matandang baybaying Alibata ay sinulat ng mga misyonero sa alpabetong Romano. Kasabay ng pagsulat sa alpabetong Romano ng mga tulang katutubo ay pumasok na rin sa panulaang Tagalog ang ilang mga salitang Kastila. Nawala ang talinghaga sa panulaan dahil sa layuning huwag maipagkamali ng mga mambabasa ang mensaheng panrelihiyon at pangkagandahang-asal. ANG MGA MAKATA NG PANAHON ng amerikano 1. Padre Francisco Blancas de San Jose. Kinilalang ama ng tipograpiya sa Pilipinas sapagkat aklat niya ang unang nalimbag sa paraang tipograpiko (isang uri ng paglilimbag). 2. Alonzo de Santa Ana. Siya ang may-akda ng aklat ng "Explicacion de la Doctrina Cristiana en la Lengua Tagala" na nagtataglay ng mga tugmang nagpapaliwanag sa mga aral ng Diyos na nakapaloob sa aklat na Doctrina Cristiana. Ang kanyang mga tula aya ganap na umiwas sa talinghaga upang maihatid nang tiyak ang diwang nais iparating ng tula. Kinilala niya ang pagiging maanyo at masining ng tula kaya siya ay kumilala sa sukat at tugma ng panulaang Tagalog. 3. Pedro de Herrrera. Isa siyang makatang nakilala dahil sa kanyang mga dalit. 4. Fernando Bagongbanta. Ang mga tula ni Bagongbanta ay napalimbag at natipon sa Memorial de la Vida Cristiana kasama ng mga tula ni Blancas de San Jose. Isa si Bagongbanta sa mga tinawag na ladino noong panahong iyon. 5. Tomas Pinpin. Ama ng limbagan sa Pilipinas. Siya ay binabanggit pa rin bilang isa sa mga ladinong kasama nina Blancas de San Jose at Bagongbanta. Ang Como con Dios ay isa sa mga tulang nasulat ni Pinpin. 6. Pedro Suarez Osorio. Siya ang ipinalalagay na unang makatang Tagalog na napatala sa kasaysayan ng panitikang Tagalog. Nakilala rin siya sa pagsulat ng mga "dalit". 7. Felipe de Jesus. Isang makatang Tagalog mula sa San Miguel, Bulacan. Pinahahalagahan sa kasaysayan ng panitikan dahil sa kanyang "Dalit na Pamucao sa Tauong Babasa Nitong Libro" na ang tinutukoy ay ang Barlaan at Josaphat. Si Felipe de Jesus ang nagpakita ng muling pagbabalik g talinghaga sa panulaang Tagalog. Tula niya ang Ibong Camunti sa Pugad. 8. Francisco Bencuchillo. Ang may-akda ng Arte Poetico Tagalo na lumitaw noong ika-18 dantaon. Sa aklat na ito ay tinalakay ni Bencuchillo ang iba't ibang sukat at taludturan ng tulang Tagalog. MGA AKDANG PATULA 1. Bugtong 2. Sabi o Kasabihan 3. Salawikain 4. Awiting Bayan o Kantahing Bayan 5. Pasyon 6. Awit at Korido MGA TULANG PANDULAAN O PANTANGHALAN 1. Karagatan 2. Duplo 3. Dalit 4. Juego de Prenda 5. Panubong o Pamutong Panahon ng hapon Bunga ng pag-unlad ng produksyon sa pagsasaka at pagsulong ng pakikipagkalakalan sa ibang mga dayuhan, ang pagkaunlad ng kabuhayan ay nakabuo ng pangkat na mga Pilipinong nakilala sa tawag na "Ilustrado" at sa tawag na "Middle Class". Sa pamamagitan nito, lumitaw ang henerasyon ng mga kabataang namulat ang mga kaisipan sa di pagkakapantay-pantay ng mga mananakop at sinasakupan. Sila ang mga Pilipinong nagising ang kamalayan sa pagiging api. Nang mga panahong iyon, tayo'y sunud-sunuran sa mga dayuhang panginoon, kahit na nakatataas ang kabuhayan ng ilan sa atin. Dahil sa mga pangyayaring ito, tinangka ng mga "ilustrado" na magpasok ng mga pagbabago. Ito'y hindi sa pamamagitan ng armas kundi sa pakikipagtagisan ng katuwiran sa katuwiran sa pasulat na pamamaraan. Isa ang tula sa naging kasangkapan sa pagpapahayag ng mga propagandista. Dito nailalahad nila ang kani-kanilang mga kuru-kuro o pala-palagay, damdamin at maging ang kanilang mga karanasan. Ang karaniwang tinutuligsa nila ay ang mga ginagawa ng mga prayle na sana'y yaong talagang masasabing kaugnay ng simbahan. Hindi lubhang nanuligsa sa mga taong pamahalaan dahil sa mga layunin lamang ng Propagandista ay pagbabago sa pamamalakad ng simbahan kaya't ang damdaming laban sa mga prayle ang nangibabaw dahil sila ang higit na may kapangyarihan kaysa mga taong pamahalaan. Mga Manunulat at Kanilang akda 1. Dr. Jose Rizal - Ala Juventud Filipina ( Sa Kabataang Pilipino) - Mi Ultimo Adios ( Ang Huli Kong Paalam) 2. Marcelo H. del Pilar - Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas Panahon ng Himagsikan Ang panahong ito'y nahahati sa dalawa - Pnahon laban sa Kastila at Panahon laban sa Amerikano. Bagama't maikli ang panahong nasasakop, maraming mga pangyayari ang naganap at naging makasaysayan sa bayan. Kabilang sa mga ito'y ang pagkakaroon ng pagpapalit ng pamamahala sa pamahalaan. Bigo ang mga hangarin ng mga propagandista. Bingi ang pamahalaang Kastila sa mga kahilingan sapagkat noong mga panahong iyon ay abala sa pansariling suliranin ang Espanya. Dahil dito'y patuloy pa rin ang pang-aapi at pandudusta, pagsasamantala at paghihigpit ng pamahalaan at simbahan sa mga Pilipino. Lumala ang ugnayang Kastila-Amerikano dahil sa mga tunay na pangyayaring naganap, ipinahayag ng mga Amerikano ang pormal na pakikidigma sa Espanya noong Abril 25, 1898. Inanyayahan ni Almirante Dewey ang mga Pilipino upang makipagtulungan sa mga Amerikano. Mga manunulat at kanilang Akda 1. Andres Bonifacio - Katapusang Hibik ng Pilipinas - Pag-ibig sa Tinubuang Lupa 2. Emilio Jacinto - Sa Anak ng Bayan 3. Apolinario Mabini - El Verdadero Decalogo ( Ang Tunay na Sampung Utos ) 4. Jose Velasquez Palma - Himno Nacional Filipino (Pambansang Awit ng Pilipinas) Panahon ng amerikano Ang mga tulang nasulat pagkatapos ng naganap na Lakas ng Bayan o "People's Power sa Edsa" ay nagpakita ng kalayaan sa pagpapahayag at maging sa paksa. Pinaksa ng mga tula sa panahong ito ang mga nagaganap sa kapaligiran at sariling mga damdamin ng mga makatang nagsisisulat ng tula. May mga tula ng pagpupuri at panunuligsa sa mga nanunungkulan sa pamahalaan at mga katiwaliang nagaganap sa lipunan. Sa madaling salita, patuloy ang kamalayang panlipunan ng mga makata sa panahong kasalukuyan. Nilayon ng mga tula sa kasalukuyang panahon ang maging kasangkapan sa minimithing pagbabago ng lipunang Pilipino. Sa istilo ng pagsulat ng tula ay nanatili pa rin ang dalawang paraan - may nagsisulat ng mga tulang may sukat at tugma at may nagsisulat sa malayang taludturan. Pangunahing layunin ng tula sa panahong ito ay makapaghatid ng mahalagang mensahe sa mga mambabasa. Bibihira ang mga tula ng pag-ibig ngunit unti-unting nabubuhay na paksa sa panulaan ang tungkol sa kalikasan lalo pa't may mga kampanyang inilulunsad ang pamahalaan sa pangangalaga ng kalikasan. Ang pagtula sa ibabaw ng tanghalan ay bihira nang mangyari maliban na lamang kung ito ay hinihingi ng isang pangyayari sa isang palatuntunang idinaraos. Ang indayog ng tula sa panahon nina Balagtas, Jose Corazon de Jesus, at Florentino Collantes ay wala na sa tanghalan. Ang Balagtasan ay bibihira na ring marinig kung kaya't nakalulungkot na kapag tinanong ng guro ang mga mag-aaral kung nakarinig na sila o nakapanood na ng Balagtasan, ang marami sa kanila ay hindi pa ang sagot. Ang pagbigkas ng tula sa tanghalan ay pinalitan ng pag-awit. Ang awitin/awit ay isa ring akdang nasa anyong patula na nilapatan ng himig. Ito ay nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng may-akda. Sa kasalukuyan, ang mga awitin ay pumapaksa hindi lamang sa pag-ibig, kundi sa lahat ng mga nangyayari, nakikita at nararanasan ng tao sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Katulad din ng mga karaniwang tula, ito ay maaaring pumupuri at nanunuligsa sa mga gawain at kaugalian ng tao. May mga awiting gumigising sa damdamin at nangangaral sa mga kabataan. Ang isang uri ng awitin na palasak sa kasalukuyan ay ipinalalagay na epektibo sa paghahatid ng mensahe sa mga mamamayan ay ang "rap" nina Francis Magalona at Andrew E. May mga awitin din na naririnig at nakikita sa telebisyon na habang inaawit ay ipinakikita naman ang mga tagpong may kaugnayan sa isinasaad ng awit. Ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay inaawit sa telebisyon sa ganitong paraan. Ang "Magkaisa", isang awiting inawit sa Edsa noong naganap ang "People's Power." YAN LANG PO :)) Harvey bagaporo II-Yellow sfmnhs.......
Kaligirang Pangkasaysayan ng Tula Sinaunang Panahon Ayon sa pananaliksik nina Tumangan, Alcomtiser ang matandang panulaan ng Pilipinas ay masasabing karugtong ng mga unang kultura ng Timog Silangang Asya. Karaniwan sa mga kantahin at berso ay tungkol sa mga gawaing makaDiyos, tahanan, bukid, dagat, kaligayahan, kasaganaan at iba pa. Masasabing likas na mga makata ang ating mga ninuno. May mga tula at awit sila sa lahat ng okasyon ng kanilang buhay. Patula nila kung bigkasin ang mga bugtong, ang mga salawikain at maging mga kasabihan. Ang mga bugtong, ayon kay Lope K. Santos ay siyang kauna-unahang katutubong tula. Ito'y ang paghahanay ng mga piling salita na nagsasaad ng talinghaga at masasagot sa pamamagitan ng panghuhula. Ang salawikain at mga kawikaan ay mga patula rin. Naglalaman ito ng mga paniniwalang panlipunan, pilosopiya at mga minanang kapaniwalaan. Panahon ng Kastila Nang matuto ang mga misyonerong Kastila ng wikang Tagalog, una nilang pinagtuunan ng pansin ang pagsusuri ng mga panitikang nakasulat ng ating mga ninuno. Pinili nila ang mga panitikang sa kanilang palagay ay makatutulong sa kanila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Nakita nilang ang mga katutubo ay mahilig tumula at bumigkas ng mga tugma. Nahilig din silang umawit kaya ang lahat halos ng mga pang-araw-araw nilang mga gawain ay naisasagawa nila nang may angkop na awitin. Dahil dito, ang mga tula ang unang kinakitaan ng pagbabagong-bihis. Ang mga sinulat na tula ng mga paring Kastilang misyonero ay maiikli sa simula ngunit habang tumatagal ang mga ito ay nadagdagan ng mga taludtod. Nagsimula sa dalawang taludtod hanggang sa umabot nang lilimahing taludtod. Nanatili ang sukat at tugma sa kanilang mga tula kaya hindi nawala ang indayog sa panulaan nang panahong ito. Ang dating mga tulang katutubo na nakasulat sa matandang baybaying Alibata ay sinulat ng mga misyonero sa alpabetong Romano. Kasabay ng pagsulat sa alpabetong Romano ng mga tulang katutubo ay pumasok na rin sa panulaang Tagalog ang ilang mga salitang Kastila. Nawala ang talinghaga sa panulaan dahil sa layuning huwag maipagkamali ng mga mambabasa ang mensaheng panrelihiyon at pangkagandahang-asal. ANG MGA MAKATA NG PANAHON ng amerikano 1. Padre Francisco Blancas de San Jose. Kinilalang ama ng tipograpiya sa Pilipinas sapagkat aklat niya ang unang nalimbag sa paraang tipograpiko (isang uri ng paglilimbag). 2. Alonzo de Santa Ana. Siya ang may-akda ng aklat ng "Explicacion de la Doctrina Cristiana en la Lengua Tagala" na nagtataglay ng mga tugmang nagpapaliwanag sa mga aral ng Diyos na nakapaloob sa aklat na Doctrina Cristiana. Ang kanyang mga tula aya ganap na umiwas sa talinghaga upang maihatid nang tiyak ang diwang nais iparating ng tula. Kinilala niya ang pagiging maanyo at masining ng tula kaya siya ay kumilala sa sukat at tugma ng panulaang Tagalog. 3. Pedro de Herrrera. Isa siyang makatang nakilala dahil sa kanyang mga dalit. 4. Fernando Bagongbanta. Ang mga tula ni Bagongbanta ay napalimbag at natipon sa Memorial de la Vida Cristiana kasama ng mga tula ni Blancas de San Jose. Isa si Bagongbanta sa mga tinawag na ladino noong panahong iyon. 5. Tomas Pinpin. Ama ng limbagan sa Pilipinas. Siya ay binabanggit pa rin bilang isa sa mga ladinong kasama nina Blancas de San Jose at Bagongbanta. Ang Como con Dios ay isa sa mga tulang nasulat ni Pinpin. 6. Pedro Suarez Osorio. Siya ang ipinalalagay na unang makatang Tagalog na napatala sa kasaysayan ng panitikang Tagalog. Nakilala rin siya sa pagsulat ng mga "dalit". 7. Felipe de Jesus. Isang makatang Tagalog mula sa San Miguel, Bulacan. Pinahahalagahan sa kasaysayan ng panitikan dahil sa kanyang "Dalit na Pamucao sa Tauong Babasa Nitong Libro" na ang tinutukoy ay ang Barlaan at Josaphat. Si Felipe de Jesus ang nagpakita ng muling pagbabalik g talinghaga sa panulaang Tagalog. Tula niya ang Ibong Camunti sa Pugad. 8. Francisco Bencuchillo. Ang may-akda ng Arte Poetico Tagalo na lumitaw noong ika-18 dantaon. Sa aklat na ito ay tinalakay ni Bencuchillo ang iba't ibang sukat at taludturan ng tulang Tagalog. MGA AKDANG PATULA 1. Bugtong 2. Sabi o Kasabihan 3. Salawikain 4. Awiting Bayan o Kantahing Bayan 5. Pasyon 6. Awit at Korido MGA TULANG PANDULAAN O PANTANGHALAN 1. Karagatan 2. Duplo 3. Dalit 4. Juego de Prenda 5. Panubong o Pamutong Panahon ng hapon Bunga ng pag-unlad ng produksyon sa pagsasaka at pagsulong ng pakikipagkalakalan sa ibang mga dayuhan, ang pagkaunlad ng kabuhayan ay nakabuo ng pangkat na mga Pilipinong nakilala sa tawag na "Ilustrado" at sa tawag na "Middle Class". Sa pamamagitan nito, lumitaw ang henerasyon ng mga kabataang namulat ang mga kaisipan sa di pagkakapantay-pantay ng mga mananakop at sinasakupan. Sila ang mga Pilipinong nagising ang kamalayan sa pagiging api. Nang mga panahong iyon, tayo'y sunud-sunuran sa mga dayuhang panginoon, kahit na nakatataas ang kabuhayan ng ilan sa atin. Dahil sa mga pangyayaring ito, tinangka ng mga "ilustrado" na magpasok ng mga pagbabago. Ito'y hindi sa pamamagitan ng armas kundi sa pakikipagtagisan ng katuwiran sa katuwiran sa pasulat na pamamaraan. Isa ang tula sa naging kasangkapan sa pagpapahayag ng mga propagandista. Dito nailalahad nila ang kani-kanilang mga kuru-kuro o pala-palagay, damdamin at maging ang kanilang mga karanasan. Ang karaniwang tinutuligsa nila ay ang mga ginagawa ng mga prayle na sana'y yaong talagang masasabing kaugnay ng simbahan. Hindi lubhang nanuligsa sa mga taong pamahalaan dahil sa mga layunin lamang ng Propagandista ay pagbabago sa pamamalakad ng simbahan kaya't ang damdaming laban sa mga prayle ang nangibabaw dahil sila ang higit na may kapangyarihan kaysa mga taong pamahalaan. Mga Manunulat at Kanilang akda 1. Dr. Jose Rizal - Ala Juventud Filipina ( Sa Kabataang Pilipino) - Mi Ultimo Adios ( Ang Huli Kong Paalam) 2. Marcelo H. del Pilar - Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas Panahon ng Himagsikan Ang panahong ito'y nahahati sa dalawa - Pnahon laban sa Kastila at Panahon laban sa Amerikano. Bagama't maikli ang panahong nasasakop, maraming mga pangyayari ang naganap at naging makasaysayan sa bayan. Kabilang sa mga ito'y ang pagkakaroon ng pagpapalit ng pamamahala sa pamahalaan. Bigo ang mga hangarin ng mga propagandista. Bingi ang pamahalaang Kastila sa mga kahilingan sapagkat noong mga panahong iyon ay abala sa pansariling suliranin ang Espanya. Dahil dito'y patuloy pa rin ang pang-aapi at pandudusta, pagsasamantala at paghihigpit ng pamahalaan at simbahan sa mga Pilipino. Lumala ang ugnayang Kastila-Amerikano dahil sa mga tunay na pangyayaring naganap, ipinahayag ng mga Amerikano ang pormal na pakikidigma sa Espanya noong Abril 25, 1898. Inanyayahan ni Almirante Dewey ang mga Pilipino upang makipagtulungan sa mga Amerikano. Mga manunulat at kanilang Akda 1. Andres Bonifacio - Katapusang Hibik ng Pilipinas - Pag-ibig sa Tinubuang Lupa 2. Emilio Jacinto - Sa Anak ng Bayan 3. Apolinario Mabini - El Verdadero Decalogo ( Ang Tunay na Sampung Utos ) 4. Jose Velasquez Palma - Himno Nacional Filipino (Pambansang Awit ng Pilipinas) panahon ng amerikano Ang mga tulang nasulat pagkatapos ng naganap na Lakas ng Bayan o "People's Power sa Edsa" ay nagpakita ng kalayaan sa pagpapahayag at maging sa paksa. Pinaksa ng mga tula sa panahong ito ang mga nagaganap sa kapaligiran at sariling mga damdamin ng mga makatang nagsisisulat ng tula. May mga tula ng pagpupuri at panunuligsa sa mga nanunungkulan sa pamahalaan at mga katiwaliang nagaganap sa lipunan. Sa madaling salita, patuloy ang kamalayang panlipunan ng mga makata sa panahong kasalukuyan. Nilayon ng mga tula sa kasalukuyang panahon ang maging kasangkapan sa minimithing pagbabago ng lipunang Pilipino. Sa istilo ng pagsulat ng tula ay nanatili pa rin ang dalawang paraan - may nagsisulat ng mga tulang may sukat at tugma at may nagsisulat sa malayang taludturan. Pangunahing layunin ng tula sa panahong ito ay makapaghatid ng mahalagang mensahe sa mga mambabasa. Bibihira ang mga tula ng pag-ibig ngunit unti-unting nabubuhay na paksa sa panulaan ang tungkol sa kalikasan lalo pa't may mga kampanyang inilulunsad ang pamahalaan sa pangangalaga ng kalikasan. Ang pagtula sa ibabaw ng tanghalan ay bihira nang mangyari maliban na lamang kung ito ay hinihingi ng isang pangyayari sa isang palatuntunang idinaraos. Ang indayog ng tula sa panahon nina Balagtas, Jose Corazon de Jesus, at Florentino Collantes ay wala na sa tanghalan. Ang Balagtasan ay bibihira na ring marinig kung kaya't nakalulungkot na kapag tinanong ng guro ang mga mag-aaral kung nakarinig na sila o nakapanood na ng Balagtasan, ang marami sa kanila ay hindi pa ang sagot. Ang pagbigkas ng tula sa tanghalan ay pinalitan ng pag-awit. Ang awitin/awit ay isa ring akdang nasa anyong patula na nilapatan ng himig. Ito ay nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng may-akda. Sa kasalukuyan, ang mga awitin ay pumapaksa hindi lamang sa pag-ibig, kundi sa lahat ng mga nangyayari, nakikita at nararanasan ng tao sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Katulad din ng mga karaniwang tula, ito ay maaaring pumupuri at nanunuligsa sa mga gawain at kaugalian ng tao. May mga awiting gumigising sa damdamin at nangangaral sa mga kabataan. Ang isang uri ng awitin na palasak sa kasalukuyan ay ipinalalagay na epektibo sa paghahatid ng mensahe sa mga mamamayan ay ang "rap" nina Francis Magalona at Andrew E. May mga awitin din na naririnig at nakikita sa telebisyon na habang inaawit ay ipinakikita naman ang mga tagpong may kaugnayan sa isinasaad ng awit. Ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay inaawit sa telebisyon sa ganitong paraan. Ang "Magkaisa", isang awiting inawit sa Edsa noong naganap ang "People's Power."
Si Jose Abad Santos y Basco (Pebrero 19, 1886 - Mayo 2, 1942) ay ang ika-5 Chief Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas. Siya ay naisakatuparan ng Japanese pwersa sa panahon ng pananakop ng Pilipinas sa World War II.Abad Santos ay isinilang sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga sa Vicente Abad Santos at Toribia Basco. Ang kanyang kapatid na lalaki, Pedro, sa wakas ay lumitaw bilang isang nangungunang lider sosyalista sa panahon ng Komonwelt na panahon. Sa 1,904, siya ay ipinadala sa Estados Unidos bilang isang pensionado ng gobyerno. Siya ay tapos na ang isang pre-batas ng kurso sa Santa Clara College sa Santa Clara, California; kanyang Bachelor ng Batas sa Northwestern University sa Evanston, Illinois; at ang kanyang mga Masters ng Batas sa George Washington University sa 1,909. Ipasok sa Philippine Bar sa 1,911, nanilbihan siya bilang Assistant Abogado sa Bureau of Justice 1913-1917.Sa 1,919, Abad Santos ay maging nakatulong sa pagtula ang mga legal na batayan pati na rin sa pagbalangkas ng mga by-batas at saligang batas ng Philippine Women's University, ang bansa at Asia's unang pribadong walang pangkatin institusyon para sa mas mataas na pag-aaral para sa mga kababaihan. Ang isang matibay Methodist, Abad Santos ay isang miyembro ng Central United Methodist Church sa Kalaw Street sa Maynila at pagkatapos ay kilala bilang Luzon Methodist ukol sa mga ubispo Iglesia. Siya ay hinirang mamaya ang unang Filipino corporate abugado ng Philippine National Bank, Manila Company riles ng tren at iba pang mga pampamahalaang korporasyon. Siya ay bumalik sa Department of Justice kung saan siya ay naging Attorney-General, pandalawang ministro ng Katarungan at pagkatapos ay Kalihim ng Katarungan 1921-1923. Noong Hulyo 1923, siya ay nakatalaga bilang Secretary of Justice kasama ng iba pang mga secretaries departamento bilang isang resulta ng kontrobersiya sa pagitan ng Gobernador-Heneral Leonard Wood at mga lider ng Filipino.Si Abad Santos pagkatapos ay nanilbihan bilang Punong Counsel ng Pangulo ng Senado ng Pilipinas at sa Speaker ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Sa 1,926 siya nagpunta sa Estados Unidos bilang pinuno ng Philippine Educational Mission. Siya ay muli na itinalaga ng Kalihim ng Katarungan sa 1,928 at muling mahirang sa Hulyo 1, 1931. Sa 1,932, siya ay naging Associate Justice ng Korte Suprema. Siya ay naging nito Chief Justice noong 24 Disyembre 1941. Bilang bahagi ng pang-emergency pagbubuong muli ng pamahalaan ng Commonwealth, Abad Santos, sa kanyang kapasidad bilang Chief Justice, ay ibinigay sa mga pananagutan na dati pagdederekta sa pamamagitan ng Kalihim ng Katarungan (ang posisyon ng Kalihim ng Hustisya ay inalis sa panahon ng digmaan). Abad Santos sinamahan sa Commonwealth ng pamahalaan sa Corregidor, kung saan sa Disyembre 30, 1941, siya ay ibibigay ang panunumpa ng tanggapan ng Pangulo sa Quezon at Bise-Presidente Osmeña para sa ikalawang termino nila gusto ay pinili na noong Nobyembre ng taon. Siya rin ang undertook, sa Manuel Roxas, ang pangangasiwa ng pagsira ng Commonwealth ng pamahalaan na pera upang maiwasan ang pagbagsak nito sa kamay kaaway.Kapag ang Pangulo Manuel L. Quezon sa kaliwa para sa Estados Unidos sa pamamagitan ng Australia, Chief Justice si Abad Santos ay bibigyan ng pagpipilian na umalis kasama niya. Subalit ang huli ginustong manatili sa Pilipinas at dalhin sa kanyang trabaho at manatili sa kanyang pamilya. Presidente Quezon na itinalaga sa kanya Acting President na may buong awtoridad na kumilos sa ngalan ng, at sa ngalan, ang Pangulo ng Pilipinas sa mga lugar na walang tao sa pamamagitan ng Japanese. Sa Abril 11, 1942, siya at ang kanyang mga anak na lalaki Jose, Jr ay nakuha sa pamamagitan ng Japanese habang naglalakbay sa pamamagitan ng sasakyan sa Carcar, Cebu. Siya ay kinilala ang kanyang sarili bilang punong hukom ng Korte Suprema ng Pilipinas. Abad Santos at ang kanyang mga anak na lalaki at pagkatapos ay dadalhin sa isang kampo ng konsentrasyon.Kapag tinanong na makipagtulungan sa mga Japanese pwersa sa Pilipinas, siya ay tumanggi na gawin ito. Kahit na siya ay walang kinalaman sa operasyon ng militar, sila imputed sa kanya ang pagkasira ng tulay at iba pang mga pampublikong gumagana sa Cebu.Ang Japanese Command Mataas na kinuha siya at ang kanyang mga anak na lalaki sa Parang, Cotabato (ngayon sa Shariff Kabunsuan) sa Abril 1942. Ang susunod na araw na sila ay dinala sa Malabang, Lanao, at pagkatapos ng tatlong araw pagkakulong sa kustabularyo kuwartel, Chief Justice Abad Santos ay tinatawag na sa Japanese punong-tanggapan. Bago siya ay pagbaril sa kamatayan, siya ay maaaring makipag-usap sa kanyang anak na lalaki Jose, Jr Ang kanyang huling mga salita ng pamamaalam sa kanyang anak na lalaki ay "Huwag sigaw, Pepito, ipakita sa mga tao na ito na kayo ay matapang. Ito ay isang karangalan upang mamatay para sa isa ng bansa. Hindi lahat ng tao ay may pagkakataon na. " Siya ay naisakatuparan 2:00 pm, sa Mayo 2, 1942. Ang petsa ay madalas na iniulat na May 7, subalit bilang dating Supreme Court Justice Ramon C. Aquino, Abad Santos 'mananalambuhay ilagay ito, "Sa una, ito ay pinag-isipan na ang Abad Santos ay pumatay sa 7 Mayo 1942. Ito ay ang petsa na ibinigay ng Pepito ang kanyang sarili sa panahon ng kanyang patotoo sa mga pagsubok ng mga generals Hayashi at Kawaguchi. Subalit batay sa Pukui's patotoo suportado ng notations sa kanyang talaarawan, ang petsa ng Abad Santos 'pagpapatupad ay tiyak ascertained na sa dalawa o'clock sa hapon ng Mayo 2, 1942. " (p. 215)
Ang mga katangian ng tula ay 1.tugma-tumutukoy sa paggamit ng mga huling salita sa bawat taludtod na ang dulumpantig ay magkakasintunog o msgkakatugma 2.sukat - tumutukoy sa bilangng pantig sa bawat taludtod.Ang isang taludtod ay karaniwang may 8,12,16 napantig o sukat by: Maribelly Cris B Cañete
Ang kaligirang pangkasaysayan sa tula ay tumutukoy sa kasaysayan at kultura ng isang lugar o panahon na ginagamit bilang paksa sa tula. Ito ay mahalaga upang magbigay ng konteksto at pag-unawa sa mga mambabasa hinggil sa pinagmulan at kahalagahan ng tula. Sa pamamagitan ng paggamit ng kasaysayan, mas napapalalim ang damdamin at interpretasyon ng tula.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Tula Sinaunang Panahon Ayon sa pananaliksik nina Tumangan, Alcomtiser ang matandang panulaan ng Pilipinas ay masasabing karugtong ng mga unang kultura ng Timog Silangang Asya. Karaniwan sa mga kantahin at berso ay tungkol sa mga gawaing makaDiyos, tahanan, bukid, dagat, kaligayahan, kasaganaan at iba pa. Masasabing likas na mga makata ang ating mga ninuno. May mga tula at awit sila sa lahat ng okasyon ng kanilang buhay. Patula nila kung bigkasin ang mga bugtong, ang mga salawikain at maging mga kasabihan. Ang mga bugtong, ayon kay Lope K. Santos ay siyang kauna-unahang katutubong tula. Ito'y ang paghahanay ng mga piling salita na nagsasaad ng talinghaga at masasagot sa pamamagitan ng panghuhula. Ang salawikain at mga kawikaan ay mga patula rin. Naglalaman ito ng mga paniniwalang panlipunan, pilosopiya at mga minanang kapaniwalaan. Panahon ng Kastila Nang matuto ang mga misyonerong Kastila ng wikang Tagalog, una nilang pinagtuunan ng pansin ang pagsusuri ng mga panitikang nakasulat ng ating mga ninuno. Pinili nila ang mga panitikang sa kanilang palagay ay makatutulong sa kanila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Nakita nilang ang mga katutubo ay mahilig tumula at bumigkas ng mga tugma. Nahilig din silang umawit kaya ang lahat halos ng mga pang-araw-araw nilang mga gawain ay naisasagawa nila nang may angkop na awitin. Dahil dito, ang mga tula ang unang kinakitaan ng pagbabagong-bihis. Ang mga sinulat na tula ng mga paring Kastilang misyonero ay maiikli sa simula ngunit habang tumatagal ang mga ito ay nadagdagan ng mga taludtod. Nagsimula sa dalawang taludtod hanggang sa umabot nang lilimahing taludtod. Nanatili ang sukat at tugma sa kanilang mga tula kaya hindi nawala ang indayog sa panulaan nang panahong ito. Ang dating mga tulang katutubo na nakasulat sa matandang baybaying Alibata ay sinulat ng mga misyonero sa alpabetong Romano. Kasabay ng pagsulat sa alpabetong Romano ng mga tulang katutubo ay pumasok na rin sa panulaang Tagalog ang ilang mga salitang Kastila. Nawala ang talinghaga sa panulaan dahil sa layuning huwag maipagkamali ng mga mambabasa ang mensaheng panrelihiyon at pangkagandahang-asal. ANG MGA MAKATA NG PANAHON 1. Padre Francisco Blancas de San Jose. Kinilalang ama ng tipograpiya sa Pilipinas sapagkat aklat niya ang unang nalimbag sa paraang tipograpiko (isang uri ng paglilimbag). 2. Alonzo de Santa Ana. Siya ang may-akda ng aklat ng Explicacion de la Doctrina Cristiana en la Lengua Tagala na nagtataglay ng mga tugmang nagpapaliwanag sa mga aral ng Diyos na nakapaloob sa aklat na Doctrina Cristiana. Ang kanyang mga tula aya ganap na umiwas sa talinghaga upang maihatid nang tiyak ang diwang nais iparating ng tula. Kinilala niya ang pagiging maanyo at masining ng tula kaya siya ay kumilala sa sukat at tugma ng panulaang Tagalog. 3. Pedro de Herrrera. Isa siyang makatang nakilala dahil sa kanyang mga dalit. 4. Fernando Bagongbanta. Ang mga tula ni Bagongbanta ay napalimbag at natipon sa Memorial de la Vida Cristiana kasama ng mga tula ni Blancas de San Jose. Isa si Bagongbanta sa mga tinawag na ladino noong panahong iyon. 5. Tomas Pinpin. Ama ng limbagan sa Pilipinas. Siya ay binabanggit pa rin bilang isa sa mga ladinong kasama nina Blancas de San Jose at Bagongbanta. Ang Como con Dios ay isa sa mga tulang nasulat ni Pinpin. 6. Pedro Suarez Osorio. Siya ang ipinalalagay na unang makatang Tagalog na napatala sa kasaysayan ng panitikang Tagalog. Nakilala rin siya sa pagsulat ng mga dalit. 7. Felipe de Jesus. Isang makatang Tagalog mula sa San Miguel, Bulacan. Pinahahalagahan sa kasaysayan ng panitikan dahil sa kanyang "Dalit na Pamucao sa Tauong Babasa Nitong Libro" na ang tinutukoy ay ang Barlaan at Josaphat. Si Felipe de Jesus ang nagpakita ng muling pagbabalik g talinghaga sa panulaang Tagalog. Tula niya ang Ibong Camunti sa Pugad. 8. Francisco Bencuchillo. Ang may-akda ng Arte Poetico Tagalo na lumitaw noong ika-18 dantaon. Sa aklat na ito ay tinalakay ni Bencuchillo ang iba't ibang sukat at taludturan ng tulang Tagalog. MGA AKDANG PATULA 1. Bugtong 2. Sabi o Kasabihan 3. Salawikain 4. Awiting Bayan o Kantahing Bayan 5. Pasyon 6. Awit at Korido MGA TULANG PANDULAAN O PANTANGHALAN 1. Karagatan 2. Duplo 3. Dalit 4. Juego de Prenda 5. Panubong o Pamutong Panahon ng Propaganda Bunga ng pag-unlad ng produksyon sa pagsasaka at pagsulong ng pakikipagkalakalan sa ibang mga dayuhan, ang pagkaunlad ng kabuhayan ay nakabuo ng pangkat na mga Pilipinong nakilala sa tawag na "Ilustrado" at sa tawag na "Middle Class". Sa pamamagitan nito, lumitaw ang henerasyon ng mga kabataang namulat ang mga kaisipan sa di pagkakapantay-pantay ng mga mananakop at sinasakupan. Sila ang mga Pilipinong nagising ang kamalayan sa pagiging api. Nang mga panahong iyon, tayo'y sunud-sunuran sa mga dayuhang panginoon, kahit na nakatataas ang kabuhayan ng ilan sa atin. Dahil sa mga pangyayaring ito, tinangka ng mga "ilustrado" na magpasok ng mga pagbabago. Ito'y hindi sa pamamagitan ng armas kundi sa pakikipagtagisan ng katuwiran sa katuwiran sa pasulat na pamamaraan. Isa ang tula sa naging kasangkapan sa pagpapahayag ng mga propagandista. Dito nailalahad nila ang kani-kanilang mga kuru-kuro o pala-palagay, damdamin at maging ang kanilang mga karanasan. Ang karaniwang tinutuligsa nila ay ang mga ginagawa ng mga prayle na sana'y yaong talagang masasabing kaugnay ng simbahan. Hindi lubhang nanuligsa sa mga taong pamahalaan dahil sa mga layunin lamang ng Propagandista ay pagbabago sa pamamalakad ng simbahan kaya't ang damdaming laban sa mga prayle ang nangibabaw dahil sila ang higit na may kapangyarihan kaysa mga taong pamahalaan. Mga Manunulat at Kanilang akda 1. Dr. Jose Rizal - Ala Juventud Filipina ( Sa Kabataang Pilipino) - Mi Ultimo Adios ( Ang Huli Kong Paalam) 2. Marcelo H. del Pilar - Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas Panahon ng Himagsikan Ang panahong ito'y nahahati sa dalawa - Pnahon laban sa Kastila at Panahon laban sa Amerikano. Bagama't maikli ang panahong nasasakop, maraming mga pangyayari ang naganap at naging makasaysayan sa bayan. Kabilang sa mga ito'y ang pagkakaroon ng pagpapalit ng pamamahala sa pamahalaan. Bigo ang mga hangarin ng mga propagandista. Bingi ang pamahalaang Kastila sa mga kahilingan sapagkat noong mga panahong iyon ay abala sa pansariling suliranin ang Espanya. Dahil dito'y patuloy pa rin ang pang-aapi at pandudusta, pagsasamantala at paghihigpit ng pamahalaan at simbahan sa mga Pilipino. Lumala ang ugnayang Kastila-Amerikano dahil sa mga tunay na pangyayaring naganap, ipinahayag ng mga Amerikano ang pormal na pakikidigma sa Espanya noong Abril 25, 1898. Inanyayahan ni Almirante Dewey ang mga Pilipino upang makipagtulungan sa mga Amerikano. Mga manunulat at kanilang Akda 1. Andres Bonifacio - Katapusang Hibik ng Pilipinas - Pag-ibig sa Tinubuang Lupa 2. Emilio Jacinto - Sa Anak ng Bayan 3. Apolinario Mabini - El Verdadero Decalogo ( Ang Tunay na Sampung Utos ) 4. Jose Velasquez Palma - Himno Nacional Filipino (Pambansang Awit ng Pilipinas) Panahon ng Amerikano Ang mga akdang pampanitikan na naisulat at nailimbag nang panahong ito ay binigyan ng layang magpahayag ng tunay na pangyayari hinggil sa iba't ibang paksa at nagkaroon sila ng pagkakataong makabasa ng iba't ibang uri ng aklat na gumising pang lalo sa nag-aalab na nilang Damdaming Makabayan. Ano mang uri ng akda ang nailabas ng panahong iyon , ang damdaming makabayan ay di nawawala bagkus ay mahigpit na binigyan ng tuon. Kung minsan ito'y hinaing tungkol sa kaapihang dinanas ng Inang Bayan, o kaya'y pagpupuri sa mga katangian ng Inang Pilipinas o kaya nama'y pagpapahayag ng mga mithiin tungkol sa pagiging bansang Malaya ng Pilipinas. Masasabi kung ganoon na ang naging kalakaran sa panitikan sa panahong ito ay nasyonalismo, karanasan, at kalayaan sa pagpapahayag. Sa panahon ng bagong mananakop, ang mga Pilipinong may likas na hilig sa pagtula ay lalo pang nahilig sa pagsusulat. At masasabing ito'y bunga rin ng pagkakaroon ng lingguhang babasahin na naging daan upang malathala ang kanilang mga akda. Humabi ng tula sa lahat halos ng larangan tulad ng liriko, pandulaan, pasalaysay at pangkalikasan. MGA URI NG TULA 1. Tulang pangkalikasan 2. Tulang pandamdamin/Liriko a. Soneto b. Elehiya 3. Tulang Pasalaysay 4. Tulang Pandulaan a. Balagtasan b. Batutian c. Pagpuputong Panahon ng Hapones Ang Pilipinas ay sinakop ng nga Hapones noong 1941 hanggang 1945. Nabalam ang umuunlad nang pantikang Pilipino sa dahilang ipinapinid ng mga Hapones ang mga pahayagan at dahil dito'y pansamantalng nahinto sa pagsulat ang mga manunulat lalo pa't ang lingguhang Liwayway ay nalagay sa mahigpit na pagmamatyag. Dahil sa ipinagbawal ang mga pahayagan at magasing gaya ng Tribune at Free Press, ang mga manunulat sa Ingles ay nagsisulat sa Filipino. Marami ang nagsalin ng mga akda sa Ingles sa Filipino. Kapansin-pansin sa mga akda ang paksaing tulad ng pag-ibig sa bayan, kagandahan ng buhay sa lalawigan, relasyon ng mga magulang sa anak at ang pagmamahal sa kapwa. Sinasabing ang paksa ng iba't ibang sangay ng panitikan ay Pilipinong-pilipino sa diwa at sa buhay. Binigyang-diin ang katutubong kulay. May pumapaksa rin sa pamumuhay na dinaranas ng mga tao sa lungsod: ng kasalatan ng pagkain, damit, hanapbuhay, paglalakbay at pakikisama sa kapwa. Tumpak na tawaging panahon ng Pamumulaklak ng Panitikang Tagalog ang panahon ng Hapon. Isang sangay ng panitikang Pilipino na naapektuhan ng kahirapan ng papel noong panahon ng Hapon ay ang tula. Dahil sa kakapusan ng papel, lumabas sa panahong ito ang napakaiksing tulang ito na tinatawag na "haikku" isang tulang binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay may limang pantig; ang ikalawang taludtod ay may pitong pantig, at ang ikatlong taludtod ay may limang pantig tulad ng unang taludtod. Isa pang uri ng tulang lumabas noon ay ang "tanaga" na binubuo ng apat na taludtod na may pitong pantig ang bawat isang taludtod. KATANGIAN NG TULA 1. Maikli 2. Namayani ang mga tulang may malayang taludturan; walang sukat at kadalasa'y walang tugma. 3. Marami ang gumagad sa haiku. 4. Nagtataglay ng talinghaga. URI NG TULA 1. Karaniwang anyo 2. Malayang taludturan na ang pinakamarami ay haikku 3. Tanaga Ang Panitikang Patula sa Panahon ng Liberasyon o Panahon ng Pagpapalaya Kasabay ng pagtatamo natin ng pansamantalang kalayaan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang pagkadama ng mga makatang makapagpahayag nang Malaya sa pamamagitan ng tula. Pinaksa ng panulaan sa panahong ito ang pag-ibig at pagpuri sa bayang tinubuan, sa kalayaan at mga bayani ng lahi. Ang isa sa mga makatang nakilala sa panahong ito ay si Jose Villa Panganiban. Ang kanyang tulang may pamagat na "Ang Bayan Ko'y Ito" ay binigkas niya sa radyo noong ipagdiwang ang unang taon ng ating pagsasarili. Ang mga makata na nakilala bago pa man magkadigma ay nagpatuloy pa rin sa kanilang pagsusulat ng mga tula na may iba't ibang uri at paksa. Hindi nawala ang mga tulang pasalaysay, tulang pandamdamin o liriko, tulang pangkalikasan, at mga tulang pandulaan. Nagkaroon ng dalawang pangkat ng mga makata - pangkat ng mga makaluma o konserbatibo, at pangkat ng mga makabago o kabataang makata. Ang pangkat ng mga makalumang makata ay pinangungunahan nina Lope K. Santos, Ildefonso Santos, Rufino Alejandro, Teodoro Agoncillo, Teodoro Gener, Iñigo Ed Regalado, Pedro Gatmaitan, Jose Villa Panganiban at iba pa. Sa pangkat naman ng mga kabataan o makabagong manunulat ay napabilang sina Jose Corazon de Jesus, Cirio H. Panganiban, Florentino Collantes, Emilio Mar Antonio, Fernando Monleon, Aniceto F. Silvestre, Amado V. Hernandez, Alejandro G. Abadilla, Clodualdo del Mundo, at iba pa. Si Aniceto F. Silvestre ay kinilalang pambansang makata nang maipanalo niya ang dalawa niyang tula na "Ako'y Lahing Kayumanggi" at "Mutya ng Silangan" sa patimpalak na idinaos ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1946. Kinilala namang makata ng makabagong panahon si Alejandro G. Abadilla. Sinasabing tinalikuran niya ang sukat at tugma ng matandang panulaan at pinalaganap niya ang malayang taludturan at ang diwang mapanghimagsik. Pinakamagandang tula niya ang "Ako Ang Daigdig" na naging dahilan upang tanghalin siyang Pangunahing Makata ng taong 1957. Ang Panitikang Patula sa Panahon ng Aktibismo Si Amado V. Hernandez ang maituturing na pangunahin sa mga makatang may kamalayang panlipunan. Ito raw ay sa dahilang si Ka Amado ay naging kalahok sa mga nagaganap sa kanyang kapaligiran. Dinakip siya at ibinilanggo sa isang seldang ang luwang ay ga-isang dipa lamang na sapat upang matanaw niya ang kapirasong langit. Sinulat niya ng kanyang tulang "Isang Dipang Langit" samantalang siya ay nasa loob ng bilangguan. Mapapansin rin ang pagkapartikular ng mga tulang romantiko-rebolusyonaryo. Ang katangiang ito'y dulot ng pagpapairal sa isip sa pagbubuo ng tula, isang pamamaraang humahalungkat sa karanasang pinapaksa upang mabigyang-katibayan ang mensahe ng makata. Tatlo ang katangian ng tula sa panahon ng aktibismo: nagsusuri sa kalagayan ng bayan, nagsisiwalat ng mga katiwalian sa tula, tahasang lumalabag sa kagandahang asal (panunungayaw at may karahasan sa pananalita). Ang Panitikang Patula sa Panahon ng Batas Militar at Bagong Lipunan Nanatili pa ring isang mabisang tagapagpahayag ng damdamin ang tula sa panahon ng Batas Militar at Bagong Lipunan bagama't ang mga tula sa panahong ito ay hindi naging kasing-apoy at kasintalim ng mga tula sa panahon ng aktibismo. Ang mga makata sa panahong ito ay pumaksa sa mga paksang gaya ng pag-ibig, buhay, kalikasan - mga paksang ligtas talakayin sapagkat noon ay naghigpit ang sensura. Hindi lahat ng sinusulat ay pinapayagang mailathala. Naging maingat ang mga makata. Nagsulat sila sa paraang may kalaliman ang paglalahad ng mga mensahe kung kaya't sila ay gumamit ng simbolismo. Iniwan nila sa mababasa ang pagpapakahulugan at pag-unawa. Sa Liwayway at mga magasing pandalubhasaan nabasa ang mga tula sa panahong ito. Kung bagamat may sariling pamamaraan ang paghabi ng tula ang mga makata sa panahong ito, hindi rin nawala ang mga tulang nagtataglay ng sukat at tugma. Sa panahon ng Bagong Lipunan nagsimula ang mga patimpalak sa pagbigkas nang sabayan hanggang sa ito ay lumaganap at humantong sa kaantasang pambansa. Dahil sa sabayang bigkasan na nakaakit sa kawilihan ng mga nakikinig at manonood, ang lumang paraan ng pagbigkas ng tula ay unti-unting bumaba. Sa mga piyesang ginamit sa sabayang bigkasan ay nanguna ang "Pilipino: Isang Depinisyon" ni Ponciano B.P. Pineda. Sa panahon ding ito nauso ang mga tugmang tulad ng mga sumusunod na siyang mga islogan na ginamit upang maktulong sa paghubog ng kaasalang Pilipino: "Sa ikauunlad ng bayan Disiplina ang kailangan" "Ang pagsunod sa magulang Tanda ng anak na magalang" Ang mga kabataang manunulat na nagpakita ng kapusukan sa panunuligsa sa kabulukang nagaganap sa pamahalaan sa panahon ng aktibismo ay tumigil sa pagsusulat ng mga tulang mapanuligsa at nakiramdam na lamang sa mga nagaganap sa kanilang paligid, naghihintay sa mga pagbabagong maidudulot ng mga bagong proyektong inilulunsad ng pamahalaan. Ang mga nagsisulat ng tula sa panahong ito ay nagkaroon ng isang layunin - ang maging bahagi ng isang katipunan ang kanilang mga sinulat o kaya ay maisali sa mga timpalak tulad ng Gantimpalang Palanca, Republic Cultural heritage Award, Patnubay ng Kalinangan Award at iba pa. Ang Panitikang Patula sa Panahon ng Lakas ng Bayan Hanggang sa Kasalukuyan Ang mga tulang nasulat pagkatapos ng naganap na Lakas ng Bayan o "People's Power sa Edsa ay nagpakita ng kalayaan sa pagpapahayag at maging sa paksa. Pinaksa ng mga tula sa panahong ito ang mga nagaganap sa kapaligiran at sariling mga damdamin ng mga makatang nagsisisulat ng tula. May mga tula ng pagpupuri at panunuligsa sa mga nanunungkulan sa pamahalaan at mga katiwaliang nagaganap sa lipunan. Sa madaling salita, patuloy ang kamalayang panlipunan ng mga makata sa panahong kasalukuyan. Nilayon ng mga tula sa kasalukuyang panahon ang maging kasangkapan sa minimithing pagbabago ng lipunang Pilipino. Sa istilo ng pagsulat ng tula ay nanatili pa rin ang dalawang paraan - may nagsisulat ng mga tulang may sukat at tugma at may nagsisulat sa malayang taludturan. Pangunahing layunin ng tula sa panahong ito ay makapaghatid ng mahalagang mensahe sa mga mambabasa. Bibihira ang mga tula ng pag-ibig ngunit unti-unting nabubuhay na paksa sa panulaan ang tungkol sa kalikasan lalo pa't may mga kampanyang inilulunsad ang pamahalaan sa pangangalaga ng kalikasan. Ang pagtula sa ibabaw ng tanghalan ay bihira nang mangyari maliban na lamang kung ito ay hinihingi ng isang pangyayari sa isang palatuntunang idinaraos. Ang indayog ng tula sa panahon nina Balagtas, Jose Corazon de Jesus, at Florentino Collantes ay wala na sa tanghalan. Ang Balagtasan ay bibihira na ring marinig kung kaya't nakalulungkot na kapag tinanong ng guro ang mga mag-aaral kung nakarinig na sila o nakapanood na ng Balagtasan, ang marami sa kanila ay hindi pa ang sagot. Ang pagbigkas ng tula sa tanghalan ay pinalitan ng pag-awit. Ang awitin/awit ay isa ring akdang nasa anyong patula na nilapatan ng himig. Ito ay nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng may-akda. Sa kasalukuyan, ang mga awitin ay pumapaksa hindi lamang sa pag-ibig, kundi sa lahat ng mga nangyayari, nakikita at nararanasan ng tao sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Katulad din ng mga karaniwang tula, ito ay maaaring pumupuri at nanunuligsa sa mga gawain at kaugalian ng tao. May mga awiting gumigising sa damdamin at nangangaral sa mga kabataan. Ang isang uri ng awitin na palasak sa kasalukuyan ay ipinalalagay na epektibo sa paghahatid ng mensahe sa mga mamamayan ay ang "rap" nina Francis Magalona at Andrew E. May mga awitin din na naririnig at nakikita sa telebisyon na habang inaawit ay ipinakikita naman ang mga tagpong may kaugnayan sa isinasaad ng awit. Ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay inaawit sa telebisyon sa ganitong paraan. Ang "Magkaisa", isang awiting inawit sa Edsa noong naganap ang "People's Power."
itoy nangangahulogan sa mga tao na ang mundo ay hindi paralang sa kanila,lalong lalo na sa mga masasamang taoNi Natsumi Soseki Salin ni Aurora E. BatnagPaakyat sa landas ng bundok, nakapag-isip-isip ako. Kapag laging utak ang pinapangibabaw mo, magiging malupit ka, sumagwan ka sa ilog ng emosyon at matatangay ka ng agos. Palayain mo naman ang iyong mga hangarin at di ka mapakali sa iyong pagkakakulong. Hindi kasiya-siyang mamuhay rito, sa daigdig na ito. Habang lumulubha ang pagkayamot,ibig mong tumakas kung saan higit na magaan ang buhay. Pagdating lang sa puntong una mong napag-isip-isip na sadyang mahirap mabuhay kahit malayo na ang narating mo, saka isinisilang ang isang tula, o nalilikha ang isang larawan. Ang mundong ito ay di likha ng Diyos o ng demonyo kundi ng mga karaniwang tao sa ating paligid; yaong mga nakatira sa tapat o sa kapitbahay, na tinatangay ng pang-araw-araw na agos ng pamumuhay. Maaaring napakahirap mabuhay sa mundong ito na nilikha ng mga karaniwang tao pero may iba pa bang mapupuntahan? Kung mayroon man,tiyak iyon ay isang lupaing ³di-pantao´, at anong malay natin,baka mas kasumpasumpa pa ang mundong iyon kaysa rito? Hindi tayo makatatakas sa daigdig na ito. Samakatuwid, sa hirap ng buhay, wala kang magagawa kung di magpakaginhawa sa taghirap, bagamat maikling panahon lamang ang kaya mong tiisin, upang kahit papaano¶y makaya mo ang iyong maikling buhay. Sa puntong ito nagsisimula ang bokasyon ng isang alagad ng sining at dito rin itinatalaga ng langit ang gawain ng isang pintor. Pasalamatan mo ang langit dahil sa mga tao na sa iba¶t ibang paraan ng kanilang sining, ay naghahatid ng katiwasayan sa mundo at nagpapataba ng mga puso. Alin sa mundo ang lahat ng alalahanin at problemang nagpapabigat sa buhay sa halip ay ilarawan ang isang daigdig na punung-puno ng biyaya at pagmamahal. Magkakaroon ka ng musika, ng isang larawan, o tula, o iskultura. Hindi lang ito, idaragdag ko pang hindi kailangang magkatotoo ang pananaw na ito. Sapat nang ilarawan sa isip at magkakabuhay ang tula, magkakahimig ang awit. Bago mo pa man isulat ang iyong inisip, mararamdaman mong parang napupuno ang iyong dibdib ng kristal na taginting ng mga kampanilya; at kusang magliliwanag sa iyong mga mata ang lahat ng maningning na kulay, kahit di nagagalaw sa kabalyete ang iyong kanbas na di pa nahahaguran ng pintura. Sapat nang magkaroon ka ng ganitong pananaw sa buhay at ang marumi¶t bulgar na mundong ito ay magiging malinis at maganda sa mga mata ng iyong kaluluwa. Maging ang makata na wala pang naisusulat kahit isang taludtod, o ang pintor na walang pintura at wala pang naipipinta kahit isang bahagi ng kanbas, ay makatatagpo ng kaligtasan, at makaaangat sa mga makamundong hangarin at damdamin. Kailanma¶t ibig, mapapasok nila ang isang daigdig ng dalisay na kalinisan, at kapag naitapon ang pagkakasakim at pagkamakasarili, ay makapagbubuo ng walang katulad at di mapantayang daigdig. Sa lahat ng ito, higit pa silang maligaya kaysa sa mayayaman at tanyag; kaysa sa sino mang panginoon o prinsipeng nabuhay sa mundong ito; tunay na mas maligaya kaysa sa lahat ng nagtatamasa ng pagmamahal sa bulgar na mundong ito.Pagkaraang mabuhay nang dalawampung taon, napag-isip-isip kong karapatdapat mamuhay sa mundong ito. Sa edad na beinte-singko, naunawaan ko na tulad ng liwanag at dilim na magkabilang tabi ng iisang bagay, saan man may liwanag ng araw, tiyak na may anino. Ngayon, sa edad na treinta, ganito ang nasasaisip ko: sa kailaliman ng kaligayahan, naroroon ang kalungkutan; at kung lalo kang maligaya, lalo ring matindi ang sakit. Subukin mong ihiwalay sa lungkot ang tuwa at mawawalan ka ng kapit sa buhay. Itabi mo ang mga ito sa isang sulok at guguho ang mundo. Mahalaga ang pera, pero kapag naipon, di ba nagiging problema lamang ito na bumabagabag hanggang sa pagtulog? Ang pag-ibig na nakatutuwa pero kapag nagkapatung-patong ang mga kagalakang ito hahanap-hanapin mo ang mga araw noong di mo pa kilala ang tuwa. Ang mga balikat ng estado, ang Gabinete, ang nagsusuporta ng mga pasanin para sa milyun-milyon, ang mga paa nito; at pabigat sa kanila ang mga sagutin ng gobyerno. Iwasan mong kumain ng napakasarap na bagay, at pakiramdam mo¶y may nakaligtaan ka. Kaunti lamang ang kainin mo at pagtindig mo sa mesa, mararamdaman mong gusto mo pang kumain. Kumain ka nang napakarami at pagkaraan ay sasama ang pakiramdam mo. Sa bahaging ito ng paglalakbay ng aking isip, napatapak ang aking kanang paa sa isang matulis na bato at nadulas ako. Tuluyan na akong bumagsak matapos kong bawiin ang kaliwang paa na bigla kong naisipa sa pagtatangkang mabalanse ang katawan ko. Mabuti na lamang at napaupo ako sa isang malaking bato na may lapad na tatlong piye, kaya ang nangyari lamang ay nakalog ang kahon ng pintura na nakasukbit sa aking balikat. Swerte na lamang at walang nasira. Nang tumayo ako at tumingin sa paligid, napansin ko sa dakong kaliwa ng landas ang isang namumukod na tuktok na korteng baliktad na balde. Nababalutan ito mula ibaba hanggang itaas ng makapal na berdeng puno, na di ko makilala kung cryptomeria o sipres. Sumasalit sa mga dahon ang ilang kumpol ng ligaw na cherry na kulay maputlang pula at dahil sa napakakapal na ulap sa ibabaw tila naglanguyan at naghalo ang mga kulay at imposibleng makita nang malinaw ang mga puwang sa pagitan ng mga puno at sanga. Nasa di kalayuan ang isang kalbong bundok. Namumukod ito sa paligid at parang abot-kamay lamang ang layo. Parang pinalakol ng isang higante ang walang kapunu-punong gilid nito at napakatarik ng batuhang mukha na diretsong pababa sa kapatagang nasa kailaliman. Sa tingin ko¶y pulang pino ang nag-iisang punong iyong nasa tuktok. Kitang-kita maging ang mga piraso ng langit na masisilip sa pagitan ng mga sanga. May dalawampung yarda sa dako pa roon, biglang naputol ang landas, pero pagtingala ko, may nakita akong isang pigurang nakabalot ng pulang kumot na pababa sa gilid ng bundok, at naitanong ko sa aking sarili, makarating kaya ako roon kung aakyat ako. Terible ang daang ito. Kung lupa lamang ito, hindi sana ganito katagal lakarin, pero may nakabaong malalaking bato sa daan.Mapapantay mo ang lupa, pero nakausli pa rin ang mga bato. Mapagpipirapiraso mo ang maliliit na bato, pero hindi ang malalaki. Hindi mo maaalis ang mga batong iyon. Ang mga bato ay parang nangungutya at tiwalang-tiwala sa sarili na nakapwestong di masusupil sa tambak ng di patag na lupa. Wala yatang daan dito na di mo muna paghihirapan. Kung gayon, dahil ayaw magparaan ng ating kalabang di mapagbigay, kailangang umakyat tayo o kaya¶y ikutan ito. Hindi pa rin madaling lakarin ang lugar na ito kahit hindi ito mabato. Mataas ang magkabilang tabi at may hukay sa gitna ng landas. Ang hukay na ito ay mailalarawan sa pamamagitan ng heometriya. Tatsulok ito na ang lapad ay may anim na piye, na ang mga gilid ay nagtatagpo sa isang matulis na anggulo, na nasa gitna ng landas. Para kang naglalakad sa ilalim ng ilog sa halip nasa isang landas. Dahil sa simula pa¶y di ko na inisip na magmadali, magdahan-dahan lang ako sa paglakad at haharapin ang di mabilang na paliku-liko kapag nanduon na. Sa ibaba ng aking kinatatayuan, biglang umawit ang isang pipit. Ngunit kahit gaano ko pa man titigan ang kapatagan, talagang ni anino ng ibon ay di ko makita; ni hindi ko malaman kung saan ito naroroon. Malinaw kong naririnig ang tinig nito, pero hanggang doon lamang. Dahil malakas at walang tigil ang pagawit ng ibon, pakiramdam ko¶y masiglang nagpaparoo¶t parito ang hangin para matakasan ang nakaiinis na kagat ng libu-libong pulgas. Talagang hindi tumigil ang ibong iyon kahit saglit. Para bang hindi ito masisiyahan hangga¶t hindi nakaaawit nang husto araw at gabi sa buong nakasisiyang tagsibol; at hindi lamang umawit kundi patuloy na lumipad magpakailanman. Walang dudang doon na mamamatay ang pipit sa itaas ng ulap. Maaring sa pinakaitaas ng kanyang paglipad, mararating ng pipit ang lumulutang na ulap at doo¶y lubusang maglalaho hanggang sa tanging boses na lamang ang maiiwan, na ikinukubli ng hangin. Biglang lumiko ang landas sa isang nakausling kanto ng bato. Ang isang bulag ay maaring magtuluy-tuloy hanggang sa bingit, pero naiwasan ko ang peligro at nakuha kong kumanan. Sa ibaba, natanaw ko ang mga rape-blossom na parang alpombrang nakalatag sa kapatagan. Mapapadpad kaya roon ang isang pipit? ± Hindi. Siguro, naisip ko, lilipad ito mula sa mga ginintuang bukirin. Pagkaraa¶y inilarawan ko sa isip ang dalawang pipit, ang isa¶y pasisid habang ang isa nama¶y paitaas, nagkasalubong sa paglipad. Sa wakas ay naisip kong pasisid man o paitaas o magkasalubong man sa paglipad, malamang magpapatuloy pa rin ang masiglang pag-awit ng pipit. Sa tagsibol, inaantok ang lahat. Nalilimutan ng pusa na manghuli ng daga, at nalilimutan ng tao ang kanilang mga utang. Kung minsan, pati kaluluwa¶y nalilimutan nila at sila¶y nagmimistulang tuliro. Ngunit nang tanawin ko ang dagat na iyon ng mga rapeblossom, waring natauhan ako. At nang marinig ko ang awit ng pipit, naglaho ang ulap at muli kong natagpuan ang aking kaluluwa.Hindi lamang lalamunan ang umaawit sa pipit, kundi ang kabuuan nito. Sa lahat ng nilalang na maaaring magsatinig sa mga gawain ng kaluluwa, walang sinlakas at buhay na buhay na gaya ng pipit. Tunay itong kaligayahan. Kung nasasaisip mo ito at maaabot mo ang ganitong antas ng kaligayahan, iyon ay tula. Biglang pumasok sa isip ko ang tula ni Shelley tungkol sa pipit. Tinangka kong bigkasin, pero dadalawa o tatlong saknong lang ang naaalala ko. Narito ang ilang taludtod:Lumilingon at tumatanaw Hinahangad ang wala sa kamay: May halong pait Ang pinakamatapat mang halakhak, Pinakamatamis ang awit tungkol Sa pinakamatinding sakit.Gaano man kaligaya ang makata, hindi niya maibubuhos sa awit ang kanyang galak tulad ng malaya at walang pakialam na taos-pusong pag-awit ng pipit. Madalas gamitin sa Kanluraning panulaan, at makikita rin sa panulaang Tsino, ang pariralang ³di mabilang na bushel ng kalungkutan.´ Marahil, bushel ang ginagamit sa pagsukat sa lungkot ng makata, samantalang sa kariniwang tao ay ni hindi pa makapupuno ng pint man lamang. Marahil, ngayong napag-isip-isip ko, dahil mas mapagalala ang makata kaysa sa karaniwang tao, mas matalas ang kanyang pakiramdam. Totoong may mga sandaling nakadarama siya ng di masukat na tuwa, pero mas madalas din naman siyang nakadama ng di masukat na lungkot. Dahil dito, dapat munang isaalang-alang na mabuti bago ka magpasiyang maging makata.Dito, pantay-pantay ang landas nang may ilang hakbang. Nasa kanan ang burol na natatakpan ng mga palumpong, at sa kaliwa naman, hanggang sa maaabot ng tanaw ay puro rape-blossom. Sa magkabila, nakatapak ako ng mga dandelion, na may mga dahong parang ngipin ng lagari na nakatayong nagmamalaki upang ipagtanggol ang ginintuang lobo sa gitna. Nakapanghihinayang dahil sa katatanaw ko sa mga rape-blossom ay natapakan ko ang mga dandelion. Pero paglingon ko, nakita kong di nagalaw ang mga ginintuang lobo sa pagitan ng mga nagsasanggalang na dahon. Kaylayang buhay! Binalikan kong muli ang aking iniisip. Siguro, hindi mawawala sa makata ang kalungkutan, pero nang marinig kong umaawit ang pipit, ni katiting na sakit o lungkot ay wala akong naramdaman; at pagtingin ko sa mga rape-blossom, ang tanging alam ko¶y lumulukso at sumasayaw ang aking puso. Gayon din ang nadama ko nang makita ang dandelion at ang namumukadkad na cherry, na ngayo¶y nawala na sa aking paningin. Doon sa kabundukan, malapit sa kagalakang hatid ng kalikasan, lahat ng makikita mo at maririnig ay nakasisiya. Ito¶y galak na di mababawasan ng alinmang hirap. Posibleng manakit ang mga binti mo, o maaring sabihin mong wala kang makaing masarap, pero iyon lang, at wala nang iba. Bakit kaya ganito? Siguro, dahil pagtingin mo sa tanawin para bang nakatingin ka sa isang larawang binuksan para sa iyo, o kaya¶y nagbabasa ka ng tula sa isang iskul. Sarili mo ang buong paligid, pero dahil iyo¶y gaya ng larawan o tula, hindi mo naiisipang paunlarin ito, o magkapera sa pamamagitan ng pagtatayo ng riles mula sa siyudad. Wala kang inaalalang anuman sapagkat tanggap mo ang katotohanang walang magagawa ang tanawing ito para busugin ka o kaya¶y dagdagan ng kahit kusing ang iyong suweldo, kaya kuntento ka nang pagmasdan na lamang ito. Ito ang malaking pang-akit ng Kalikasan na sa isang kisap-mata, madidisiplina nito ang puso at isip, maisasantbi ang lahat ng paghamak, at ihahatid ang mga ito sa dalisay at walang dungis na daigdig na tula. Sa obhetibong pananaw, masasabing maganda ang pagmamahal ng isang lalaki sa kanyang asawa o sa kanyang mga magulang, at mainam maging tapat at makabayan. Ngunit kapag kasangkot ka na sa mga ito, bubulagin ka ng marahas na agos ng mga kontra at kampi, mga bentaha at disbentaha, at di mo na makikita ang ganda at kinang, at tuluyan nang maglalaho ang tula. Para mapahalagahan ang tula, kailangang lumagay ka sa lugar ng miron na dahil puwedeng lumayo, ay makikita ang tunay na nangyayari. Sa puwestong ito lamang magiging nakasisiya ang isang nobela o dula dahil malaya ka sa mga personal na interes. Makata lamang habang nanonood o nagbabasa, at di ka pa aktuwal na kasangkot.Pagkasabi nito, dapat kong amining karamihan ng mga dula at nobela ay puno ng pagdurusa, at pagluha, kaya kahit miron lamang ay di maaaring di masangkot sa emosyon. Matatagpuan na lamang niya, na sa isang punto ay karamay na siya, at nagdurusa rin, naiinis, nagiging palaaway, at umiiyak. Sa ganitong pagkakataon, ang tanging bentaha sa kanyang puwesto ay ang pagyayaring hindi siya apektado ng ano mang damdamin ng kasakiman o paghahangad ng personal na ganansiya. Ngunit ang kawalan niya ng interes ay nangangahulugang ang ibang mga damdamin niya¶y higit pang matindi sa karaniwan. Kaysaklap naman! Sa loob ng mahigit na tatlumpong taon ng pamumuhay sa daigdig na ito, labis na ang nararanasan kong pagdurusa, galit, paglaban, at kalungkutan na di napapawi; at talagang napakahirap kung paulitulit na matatambakan ng pampagising sa mga emosyong ito kapag nagpupunta ako sa teatro, o kapag nagbabasa ako ng mga nobela. Ibig ko ng tulang naiiba sa karaniwan, at nag-aangat sa akin, kahit pansamantala, mula sa alikabok at dumi ng pang-araw-araw na buhay; hindi yaong nagpapatindi nang higit sa karaniwan sa aking damdamin. Walang duda, gaano man kadakila, na walang emosyon at iilang nobela ang tiwalag sa konsepto ng tama at mali. Tatak na ng nakararaming mandudula at nobelista ang kawalang kakayahang humakbang palabas sa makamundong ito. Ang mga kalikasang pantao ang sentro ng paksa ng mga Kanluraning makata sa partikular kaya di nila pinapansin ang daigdig ng dalisay na panulaan. Dahil dito, pagdating sa dulo ay mapapahinto sila dahil hindi nila alam kung may matatagpuan pa sa dako pa roon. Kuntento na silang talakayin ang karaniwang itinitindang simpatiya, pag- ibig, katarungan, at kalayaan, na pawang matatagpuan sa pansamantalang palengke na tinatawag nating buhay. Maging ang pinakamatulin sa mga ito ay abalang-abala sa pangaraw-araw na gawain, kaya ni hindi na nagkakapanahong kalimutan ang susunod na pagbabayaran. Hindi kataka-takang nakahinga nang maluwag si Shelley nang marinig niya ang awit ng pipit. Mabuti na lamang at paminsanminsan, ang mga makatang Silanganin ay nagkakaroon ng sapat na pagkaunawa upang makapasok sa daigdig ng dalisay na panulaan.Sa ilalim ng halamang-bakod Sa Silangan pumili ako ng krisantemo, At naglakbay ang aking paningin sa mgaBurol sa Timog.Dadalawang taludtod, ngunit kapag nabasa mo ang mga ito, lubos mong mamamalayan kung papaanong ganap na nagtagumpay ang makata na makalaya sa mapaniil na mundong ito. Hindi ito tungkol sa babaeng nakasilip sa kabilang bakod; o sa mahal na kaibigang nakatira sa kabilang burol. Ang makata ay nasa ibabaw ng lahat ng ito. Sapagkat natanggal na niya ang lahat ng alalahanin tungkol sa bentaha at disbentaha, tubo at pagkalugi, natamo na niya ang dalisay na takbo ng isip.Nag-iisa, sa gitna ng kawayanan Kinalabit ko ang kuwerdas; At mula sa aking alpa Pumailanlang ang nota.Sa madilim at di dinadaanang landas Tumatanglaw ang buwan sa pagitan ng mga dahon.Sa pagitan ng iilang maikling linyang ito, isang buo at bagong mundo ang malilikha. Ang pagpasok sa mundong ito ay di tulad ng pagpasok sa mundo sa mga popular na nobelang gaya ng Hototogisu at Konjiki Yasha. Para itong pagtulog nang mahimbing at pagtakas sa nakapapagod na mga bapor, tren, karapatan, tungkulin, moral, at kagandahang- asal. Ang uring ito ng tula, na hiwalay sa mundo at sa mga problema nito, ay sing-halaga ng pagtulog upang matagalan natin ang bilis ng pamumuhay sa ikadalawampung dantaon. Gayon man, sa kasamaang palad, lahat ng makabagong makata, kabilang na ang kanilang mga mambabasa, ay labis na nabighani sa mga Kanluraning manunulat kaya hindi makuhang maglakbay sa lupain ng dalisay na tula. Hindi ko talagang propesyon ang pagtula, kaya hindi ko intensiyong mangaral tungkol sa makabagong panulaan, upang mapagbagong-loob ang iba na sumunod sa uri ng pamumuhay nina Wang Wei at Tao Yuan-Ming. Sapat nang sabihing sa aking opinyon, ang inspirasyong natatamo sa kanilang mga akda ay higit pang mabisang panlaban sa mga problema ng makabagong pamumuhay kaysa sa panonood ng sine o pagdalo sa mga sayawan. Bukod dito, para sa akin, ay higit na kasiya-siya ang ganitong uri ng tula kaysa sa Faust o Hamlet. Ito ang tanging dahilan kung bakit pagdating ng tagsibol, mag-isa kong nilalakad ang landas sa bundok, sukbit sa balikat ang aking tripod at kahon ng pintura. Hinahanap-hanap kong makuha mula sa Kalikasan mismo ang kahit na bahagyang atmospera ng daigdig nina Yuan-Ming at Wang Wei; at kahit pansamantala lamang, naglalakad-lakad ako sa lupaing lubusang hiwalay sa mga pandama at emosyon. Ito'y isang kakatwang ugali ko. Mangyari pa, tao lamang ako. Kaya gaano man kahalaga sa amin ang ganitong napakasarap na pagkatiwalag sa mundo, may hanggan kung saan ako makapag-iisa sa isang panahon. Hindi ako naniniwalang maging si Tao Yuan-Ming ay walang tigil na pinagmasdan ang mga Katimugang burol sa loob ng ilang taon. Ni hindi ko mailarawan sa isip si Wang Wei na natutulog sa kanyang pinakamamahal na kawayanan nang walang kulambo. Malamang, ipinagbibili ni Tao sa isang magbubulaklak ang lahat ng krisantemong di na niya kailangan, samantalang naunahan naman ni Wang ang gobyerno sa pagbebenta ng labong sa lokal na pamilihan. Iyan ang uri ng pagkatao ko. Gaano man ako naakit sa pipit at sa mga rape-blossom, mortal pa rin ako at di nagnanais magkamping sa gitna ng kabundukan. May makikilala ka kahit sa isang lugar na tulad nito; sa isang matandang lalaki na nakapaloob sa likod ang kimono at may bandang nakabuhol sa baba; isang kabataang babaeng nakapaldang pula; kung minsan, may makakasalubong ka pang kabayo na ang mukha ay higit na mahaba kaysa sa tao. May bahid pa rin ng amoy ng mga tao ang hangin kahit dito sa taas na ilang daang piye mula sa kapatagan ng dagat. Hindi yata tamang sabihing "may bahid ", dahil inaakyat ko ang bundok na ito sa pag-asang makapagpalipas ng gabi sa isang otel sa mga mainit na bukal na Nakoi. Depende sa kinaroroonan mo, ang isang bagay ay maaring magmukhang ibang-iba. Minsan,sinabi ni Leonardo da Vinci sa isang estudyante: " Pakinggan mo ang tunog ng kampanang iyon. Iisa lang ang kampana, pero maririnig mo ito sa napakaraming paraan." Dahil sa subhetibo ang paghuhusga natin, maaring magkaiba-iba ang mga opinyon tungkol sa iisang tao, lalaki man o babae. Sa ano't ano man, dahil ang layunin ko sa paglalakbay na ito ay pagtagumpayan ang emosyon, at masdan ang mga bagay-bagay nang walang damdamin tiyak na iba na ang tingin ko sa mga tao ngayon kaysa noong namumuhay pa ako sa piling nila sa isang masikip na klayenon sa magulo at isinumpang siyudad - ang daigdig ng tao. Di man ako maging ganap na obhetibo, kahit papaano, ang damdamin ko'y di dapat maging mas matindi pa kaysa kung ako'y nanonood ng dulang Noh. Kung minsan, maging ang Noh ay nagiging sentimental. Papaano makatitiyak na hindi ka paluluhain ng Shickikiochi o Sumidagawa? Gayon man, tunay na emosyon ang treinta porsiyento ng Noh, at teknik naman ang natitirang sitenta porsiyento nito. Ang husay at pang-akit ng Noh ay hindi dahil mahusay nitong ipinamamalas ang emosyon at ugnayang pantao na parang tunay na buhay kundi dahil humahango ito ng mga pangyayaring pangkaraniwan saka ito dinadamitan ng patung-patong na sining, upang makalikha ng mabagal at halos nakaaantok na modelo ng kaasalan, na di makikita sa tunay na buhay. Ano kaya ang mangyayari, kung habang isinasagawa ko ang maikling paglalakbay na ito, ay ituturing kong bahagi ng dulang Noh ang mga pangyayari, at ang mga taong nakikilala ko ay mga aktor. Dahil tula ang pangunahing layunin ng paglalakbay na ito, ibig kong samantalahin na ang pagkakataon ng pagiging malapit sa kapaligirang Noh sa pamamagitan ng pagtitimpi sa aking mga emosyon hangga't maari, bagamat alam kong hindi ko lubusang maisasantabi ang mga iyon. Ang "Katimugang mga Burol" at mga "Kawayanan", ang pipit at mga rape-blossom ay may taglay na sariling karakter, na ibang-iba sa sangkatauhan. Gayon man, hangga't maari, ibig kong pagmasdan ang mga tao mula sa punto de bista ng dalisay na mundo ng tula. Kay Bassho, kahit ang kabayong umiihi sa tabi ng kanyang unan ay eleganteng paksa ng Hokku. Mula ngayon, ituturing ko na ring bahagi lamang ng pangkahalatang kanbas ng Kalikasan ang lahat ng makita kong magsasaka, negosyante, klerk sa nayon, matandang babae at lalaki. Alam kong naiiba sila sa mga pigura sa isang larawan, dahil bawat isa'y kikilos ayon sa gusto niya. Gayun pa man, sa palagay ko'y bulgar ang pagsusuri ng karaniwang nobelista sa kanilang mga tauhan, ang pagtatangka nilang silipin ang isipan ng mga ito at ang pakikialam sa pang-araw-araw nilang mga problema. Walang halaga sa akin kahit gumagalaw ang mga tao, dahil iisipin kong sila'y gumagalaw sa larawan lamang; at ang mga pigura sa isang larawan, gumalaw man nang gumalaw, ay nakakulong sa dadalawang dimensiyon. Siyempre, kung iisipin mong may tatlong dimensiyon sila, magkakaroon ng kumplikasyon dahil makikita mo na lamang na natutulak ka, at minsan pa, mapipilitan kang pag-isipan ang inyong pagbabanggaan ng mga interes. Maliwanag na imposible para kanino mang nasa sitwasyong ito na tingnan ang mga bagay sa punto de bista ng sining. Mula ngayon, magiging obhetibo ako sa pagmamasid sa lahat ng makikilala ko. Sa ganitong paraan, makaiiwas ako sa ano mang ugnayang emosyonal na maaring mamagitan sa aming dalawa, kaya hindi ako maaapektuhan gaano man siya kalapit sa akin. Sa maikling salita, para lang akong nakatayo sa harap ng isang larawan , nagmamasid sa masiglang kilos ng mga tauhan dito. Sa layong tatlong piye mula sa kanbas, mahinahon mo itong mapagmamasdan, dahil walang panganib na masasangkot. Sa ibang salita, hindi maaagaw ng sariling interes ang iyong kakayahang mag-iisip kaya maibubuhos mo ang atensiyon sa pagmamasid sa mga galaw ng mga tauhan mula sa artistikong pananaw. Nangangahulugang maibubuhos mo nang husto ang iyong pansin sa paghusga sa kung alin ang maganda at alin ang hindi. Nang makabuo ako ng ganitong konklusyon, napatingala ako at napansin kong nagbabanta ang langit. Pakiramdam ko'y nasa tuktok ko na ang bigat ng ulap. Ngunit halos di ko napansin, biglang kumalat ang ulap at ang buong kalangitan ay naging isang napakagandang dagat ng ulap, na naghuhulog ng masinsing patak ng ulang tagsibol. Nasa pagitan na ako ngayon ng dalawang bundok at malayo ang mga rape-blossom. Hindi ko nga lamang masabi kung gaano na kalayo, dahil napakasinsin ng ulan. Paminsan-minsan, may sumasalit na hangin at nahahawi ang mataas na kurtinang ulap, saka lilitaw sa dakong kanan ang maitim na abuhing gilid ng bundok. Tila may mga kabundukang nakalatag sa kabila ng kapatagan. Sa dakong kaliwa, tanaw ko ang paanan ng isa pang bundok, at kung minsan sa kabila ng parang kurtinang ambon, nabubuo ang tila aninong hugis ng mga punong pino, na nalalabas saglit at muling magtatago. Hindi ko alam kung ulan o ang mga puno ang gumagalaw, o kung ang lahat ng nasasaksihan ko ay bahagi lamang ng panaginip. Ano man iyon, sa tingin ko'y ibang-iba sa karaniwan at napakaganda. Sa dakong ito, di ko inaasahang naging napakaluwag ng daanan; dahil pantay ito, ang paglalakad ay hindi napakasakit sa likod na gaya ng dati. Mabuti naman, dahil hindi ko napaghandaan ang ulan mula sa aking sumbrero nang makarinig ako ng pagkuliling ng mga kampanilya sa layong sampu o labindalawang yarda. Mula sa kadiliman, sumulpot ang anino ng kutsero."May alam ba kayong matitigilan dito?""May tea house sa banda roon, mga isang milya ang layo. Basang-basa na kayo, a!" Isang milya pa! Lumingon ako at pinagmasdan ang kutsero na nagmimistulang anino sa isang umaandap na mahiwagang lampara, hanggang sa unti-unting sumanib ang anyo nito sa ulan at lubusang mawala sa paningin. Ang mga patak ng ulan, na kanina'y parang pinung-pinong ipa na tinatangay ng hangin, ay papalaki na ngayon at papahaba, at nakikita ko nang buo ang bawat patak. Basang-basa na ang aking haori at ang ulang bumabasa maging sa aking mga panloob na kasuotan, ay maligamgam na sa init ng aking katawan. Napakakawawa ng pakiramdam ko kaya itinakip ko sa isang mata ang aking sumbrero at binilisan ang paglakad. Kung sa iba mangyayari ito, naisip ko na ang pagkabasa sa ulan na napaliligiran ng di mabilang na patak ng pilak habang naglalakad sa abuhing kalawakan, ay magandang paksa ng isang kahangahangang tula. Kapag lubos ko lamang nalimutan ang aking materyal na buhay, at tiningnan ang aking sarili sa isang obhetibong pananaw, saka ko pa lamang maiaakma ang sarili, tulad ng pigura sa larawan sa kagandahan ng Kalikasan sa aking paligid. Sa sandaling mainis ako sa ulan, o mayamot dahil sa pagod na ako sa paglalakad, hindi na ako ang karakter sa isang tula, o ang pigura sa isang larawan, at muli akong mababalik sa dating walang pang-unawa at walang pakiramdam na lalaki sa kalye gaya ng dati. Kung ganoon ay bulag ako sa kagandahan ng nagdaraang ulap; walang pakiramdam sa pagkalagas ng bulaklak o iyak ng ibon, at lalo nang walang pagpapahalaga sa napakagandang larawan ng aking sarili na nag-iisang naglalakad sa kabundunkan isang araw ng tagsibol. Nang una, hinatak ko pababa ang sumbrero at binilisan ko ang paglakad. Nang malaunan, pinagmasdan kong mabuti ang mga paa ko. Sa wakas, talunan at laylay ang mga balikat, humakbang akong parang kawawangkawawa. Sa lahat ng dako, inaalog ng hangin ang mga tuktok ng puno, at pinagmamadali ang ulilang naglalakad. Pakiramdam ko'y napalayo na ako nang husto sa sangkatauhan!add me : fb.com/jopert2424