answersLogoWhite

0


Best Answer

Ang Pabula ng Ang Daga at ang Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko," sabi ng leon.

"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa
kaibigang daga.


Mga aral ng pabula:
Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa.
Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan.
Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao
ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang
makabuluhan. wakas......:)

User Avatar

Wiki User

8y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Anonymous

Lvl 1
4y ago

Yap

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Maikling kwento na may aral
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Maikling kwento na ginagamitan ng panayam?

ewan


Ano ang pinagkaiba ng alamat sa maikling kwento?

Ang maikling kwento ay ang paglalahad ng isang pangyayari ayon sa pananaw ng may-akda ng kwento. Ang alamat ay isang maikling kwento na nagpapaliwanag at nagbibigay dahilan ng pinagmulan ng isang tao, hayop o lugar.


May buod ba kayo sa maikling kwento na aloha saang website?

Wala po akong maisusugest na website kung saan maaaring makita ang maikling kwento na "Aloha". Subalit, maaari po kayong maghanap sa mga websites ng mga literary journals o online literature platforms para hanapin ang kwento na iyon.


Pinagmulan ng maikling kuwento?

walang opisyal na pinagmulan ang maikling kwento, bago pa man dumating ang mga dalubhasa dito sa mundo, ay iba't ibang maiikling kwento ang dumadaloy sa ugat ng mundo, sa pangalan ng kwento, literal na ito ay ikinukwento, at nadugtungan lamang ng maikli, na ang ibig sabihin ay short story, o maliit lamang ang takbo ng kwento.


Ano ang wakas ng kuwento na si pinkaw?

Tagpuan sa maikling kwento na si pinkaw


Anong kahulugan ng maikling kuwento?

Ang maikling kuwento o maikling kwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."


Ano ang pagkakaiba ng maikling kwento noon at maikling kwento ngayon?

Matalinhaga noon ngayon may nauuso ng mga makabagong salita mga jejemon at bekimon na hindi maganda para sa mga pilipino.


Ano ang dalawang anyo nito na naging popular na o popular sa pilipinas?

Dalawang popular na anyo ng panitikan sa Pilipinas ay ang tula at maikling kwento. Ang tula ay isang anyo ng panitikan na binubuo ng mga taludtod o berso, habang ang maikling kwento naman ay isang salaysay na may maikling plot at karaniwang may isang mainit at makulay na pagsasalarawan ng mga pangyayari o karakter.


Paano lumaganap ang maikling kwento pilipinas?

Sa pagdami ng mga tao, paglaki ng populasyon ng Pilipinas, dumami na rin an mga tsismosa. Sila ang nagpapalaganap ng kung anu-anong kwento o maikling kwento. Pati kweto tungkol sa nanay mo ay maaari nilang malaman gamit lamang ang "adcanced observation Haki" di na kailangan ng private investigator.


Maikling kwento ni juan tamad?

Pekpek na ka lawlaw


Buod ng maikling kwento na sinulid?

anu puh b ung ibig sbhin ng manobo


Paano naiiba ang alamat sa maikling kwento at iba pang uri ng akdang panitikan?

Ang alamat ay madalas may supernatural o mythological elements, at naglalaman ng kwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay o lugar. Sa kabilang banda, ang maikling kwento at iba pang uri ng akdang panitikan ay mas pangkaraniwang tumatalakay sa iba't ibang tema at kwento ng tao sa pang-araw-araw na buhay.