Wikang Filipino
By: II-St.Benedict ( Group 1 )
Wikang Filipino ang aking pangalan,
Ipinanganak ko itong kalayaan,
Ako ang ina at siyang dahilan,
Ng pagkakaisa at ng kasarinlan!
Sapagkat ako nga ang siyang tumanglaw
Sa bansang tahanang iyong tinatanaw,
Katulad ng inang sa iyo ay ilaw,
Nagbibigay-sigla't buting sumasaklaw!
Ako rin ang ama at naging haligi,
Ng mga sundalo at mga bayani,
Sa digmaan noon sa araw at gabi,
Ako ang sandatang nagtaas ng puri!
Pagkat akong wika ang lakas mo't tuwa
Ako'y lakas nitong bisig mo at diwa
Sa pamamagitan ng aking salita,
Ligtas ka sa uring luksong masasama!
Sinalita ako at gamit ng lahat,
Upang mga taksil ay maisiwalat,
Sa Luzon, Visayas, sa lahat ng s'yudad,
Pati sa Mindanao, ako ay nangusap!
At nakamit mo na ang hangad na laya,
Mula sa dayuhang sakim at masama,
Dilim na sumakop sa bayan at bansa,
Dagling lumiwanag, pintig ay huminga!
Wikang Filipino, ginto mo at hiyas,
Panlahat na wika saan man bumagtas,
Ilaw na maalab sa dilim ay lunas
At lakas patungo sa tuwid na landas!
Wikang Filipino By: II-St.Benedict ( GROUP 1 )
May sariling wika ang ibon at isda,
Iba ang sa aso, iba ang sa pusa.
Iba't ibang bansa, kanya-kanyang wika
Itaguyod natin ang wikang pambansa.
Bakit mahalaga ang sariling wika?
Ito'y kaluluwa ng mahal 'ting bansa.
Wika rin ang buklod ng puso at diwa
Nang tao sa Luson, Mindanaw, Bisaya.
Wikang Pilipino pag ating ginamit
Mangagkakaisa ang puso at isip.
Hangaring umunlad ating makakamit,
Sa mga dayuha'y hindi palulupig.
Tingnan 'nyo ang Intsik, Aleman at Korya,
Maging taga Rusya, Hapon, Amerika,
Sila'y mauunlad; at ang wika nila?
Ang sariling wika, di wika ng iba.
Ako ay Tagalog, sila'y Ilokano,
Siya'y Bisaya, kayo'y Bikolano,
Kapampangan sila, iba'y Sibuwano,
Binubuo natin, wikang Pilipino.
Mga taga Luson, Mindanaw, Bisaya,
Iba't ibang lipi, iba't ibang diwa.
Sila'y binubuklod ng iisang wika,
Mamamayang lahat nitong ating bansa.
Sa bansa kong ito'y isa lang ang wika,
Wikang Pilipinong bigay ni Bathala.
Masining ang kanyang awitin at tula,
Lubha ring malalim, kanyang talinhaga.
Wikang Pilipino'y maraming wikain,
Mahigit pitumpo kapag bibilangin.
Magpatuloy tayo na ito'y gamitin
Sino mang dayuha'y di kayang lupigin.
Dahil natututunan natin sa mga ibang bansa
Ang pag-aaral ng feasibility sa wikang Filipino ay isinasagawa upang matukoy ang kakayahan at kahalagahan ng paggamit ng Filipino sa iba't ibang larangan o proyekto. Layunin nito na matukoy kung ang paggamit ng wika ay makatutulong sa pagpapaunlad ng isang proyekto o negosyo sa isang partikular na komunidad o merkado. Dapat suriin ang pangangailangan, potensyal na kita, at implikasyon ng paggamit ng Filipino sa feasibility study.
Maaari kang maibahagi ang paggamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsusulat, pagtuturo, o pagpo-promote nito sa iba. Maaari mo ring gamitin ang Filipino sa iyong mga social media platforms o sa pamamahagi ng kaalaman at kultura ng Pilipinas sa iba't ibang pagkakataon.
Ang Wikang Filipino ay ang Wikang Pambansa.
ano ang kahulugan ng 8 wikang filipino
Isang metalinggwistik na pagaaral sa wikang Filipino. Malilinang din dito ang paggamit ng wika sa pamamagitan ng pagbasa, pakikinig, pagsulat at pagsasalita.
Mas Matibay Ang Wikang Pilipino !
Ang wikang Tagalog ay naging basehan ng wikang Filipino. Noong 1973, ito ay naging pambansang wika at binago ang tawag sa wikang Filipino mula sa Tagalog. Ang wikang Filipino ay patuloy na nagsasama ng mga salita at kahulugan mula sa iba't ibang wika sa Pilipinas.
The slogan about wikang pilipino wika ng pagkakaisa is the Filipino slogan.
common sense
pabaybay ang paraan ng pagbibigkas ng wikang Filipino.
inda?