Ang Ibong Adarna ay isang pasalaysay na tula na ang buong pamagat ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. Walang tiyak na petsa ang tula, at nananatiling lihim ang awtor nito, bagaman may ilang naniniwala na ang nasabing tula ay isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de la Cruz. Si Huseng Sisiw, ayon kay Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo umano kay Francisco Balagtas kung paano sumulat ng tula.
Lagom
Umiinog ang tula sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego, at Don Pedro na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo sa puno ng Piedras Platas doon sa Bundok Tabor. Kailangang makuha ng kahit sino man sa kanila ang ibon upang mapagaling si Haring Fernando na noon ay dinapuan ng kung anong sakit na Hindi kayang gamutin ng karaniwang mediko. Ang mahiwagang huni ng nasabing ibon ang makapagpapagaling lamang umano sa sakit ng hari.
Ang magkakapatid ang nakahanay na magiging tagapagmana ng korona't setro ng hari.
Sumapit na sila sa takdang gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa pananandata, gaya ng inaasahan sa sinumang prinsipe. Ngunit Hindi sapat iyon sa haharapin nilang pagsubok. Kapuwa nabigo sina Don Diego at Don Pedro na mahuli ang ibon, at naghunos bato sila nang mapahimbing sa matarling na awit ng Adarna at maiputan nito.
Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna nang tulungan ng nasabing prinsipe ang isang matandang nasalubong sa daan. Binigyan din ng mahihiwagang gamit ng matanda si Don Juan, upang mabihag ang ibon at mapanumbalik ang buhay ng kaniyang dalawang kapatid.
Ngunit nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na hawak ng bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay si Don Juan, nang iwan sa isang malalim na balon. Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa tulong ni Donya Maria, at ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal.
Napaibig din si Don Juan sa dalawa pang kapatid ni Maria, na sina Donya Leonora at Donya Juana. Kahit ibig pakasalan ng binata ang sinuman sa mga dalaga'y kailangang muling dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring Salermo. Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay nang maligaya sa kahariang nakamit niya.
Samantala, ang Ibong Adarna ay mistulang tagapagbunyag ng lihim na naganap sa pagtataksil kay Don Juan. Waring ginamit lamang itong instrumento upang itampok ang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba't ibang pook.
Anyo ng tula
Ang korido [Esp., corrido] ay isang anyo ng tulang Espanyol na gumagamit ng sukat na wawaluhin at karaniwang may isahang tugma. Ayon sa pag-aaral ni Damiana L. Eugenio, karaniwang pinapaksa ng korido ang buhay o pakikipagsapalaran Nina Charlemagne (Carlo Magno) at Haring Arthur (Arturo), at ang kaligiran ng Troya, Gresya, at Roma. Kasama sa mga elemento ng tula ang matimyas na pag-iibigan, ang relihiyosong paniniwala, at ang kagila-gilalas o pantastikong pangyayari. Mula sa banyagang padron ang korido, ngunit pagsapit sa Filipinas ay kinasangkapan ng mga katutubong Filipino upang itanghal ang kanilang naiibang kaligiran.
Ang paggamit ng terminong "korido" sa Filipinas ay waring pagtatangkang tabunan ang katutubong tulang dalít na ang sukat ay wawaluhin din at may isahang tugma, ani Virgilio S. Almario, na nag-aral nang malalim hinggil sa katutubong uri ng tulang Tagalog.
Samantala, ang koridong Ibong Adarna ay binubuo ng 1,056 saknong, at umabot sa 48 pahina. Maraming alusyon ang ginamit na Hindi lamang mula sa Europa, bagkus maging sa Gitnang Silangan. Bagaman sa unang basa'y mahihinuhang may bahid ng Kristiyanismo ang talakay ng tula, nalalahukan din yaon ng mga konseptong gaya ng sa Budismo at Islam, ayon na rin sa pag-aaral ni Roberto T. Añonuevo.
Puna
Ang dalumat ng Ibong Adarna ay Hindi nalalayo sa mga epikong bayan sa Filipinas. Maraming ibon sa Filipinas, at gaya sa epikong Kudaman at Manobo ay marunong ding magsalita at may kapangyarihang manggamot, lumipad nang mataas, at tumulong sa sinumang makapagpapaamo rito. Ipinaliwanag ito nang malalim ni Añonuevo sa kaniyang akda hinggil sa dalumat ng ibon.
Paggamit sa korido
Hinalaw ang Ibong Adarna, at isinapelikula, isinalin sa dulang panradyo, teatro, sayaw, at sa kung ano-ano pang pagtatanghal. Pinakialaman din ng kung sino-sinong editor ang nasabing korido pagsapit sa teksbuk, at ang orihinal na anyo nito ay binago ang pagbaybay at isinunod ayon sa panlasa o paniniwala ng editor at publikasyon.
Sa kasalukuyan, ang Ibong Adarna ang isa sa mahahalagang akda na pinag-aaralan ngayon sa mataas na paaralan, alinsunod sa kurikulum na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon.
Anong uri ng Tulang Romansa ang Ibong Adarna
Ang "hungkag" ay isang salitang Filipino na nangangahulugang walang laman o walang sustansya. Sa kwento ng "Ibong Adarna," ang pagiging "hungkag" ng ibon ay maaaring tumukoy sa kawalan nito ng pisikal na kapangyarihan o enerhiya dahil sa pagkukumpuni ng prinsipe.
paano winakasan ng awtor ang ibong adarna
ibong adarna ewan diko alam ung buong estorya eh. pwede bang makita ang play ng adarna bird?
kapogi ko tlaga
Narra.
ang ibang adarna
uki
ano ba ang kahinaan at kalakasan ni don juan sa ibong adarna?
Sa kabanata 14 ng "Ibong Adarna," matatagpuan ang pagluhog ni Don Pedro. Siya ay umiyak at nagdasal sa mga anghel na tulungan siya sa kanyang pagsubok upang maabot ang Ibong Adarna at gamutin ang sakit ng kanilang ama.
haring fernando
puno ng mangga