SANA MATUTO NA KAYO GUMAWA NG TALUMPATI!
ARAL KAU NG MABUTI!
I WIKANG PAMBANSA
Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang "nabansot". Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito'y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa.
Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman nati'y ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo nama'y tulad ni "Bondying" ay di mapagkatiwalaan-anong laking kakulangan. Kung magkakatawan tayong katawang "Tarzan" at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban nama'y itim na duwende ng kasamaan-anong kapinsalaan para sa kinabukasan.
II MGA KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN
Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwang araw ng bukas makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang.
Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay NASA pawis ng gawa.
"KABATAAN"
Sabi nila.. ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Kabataan ang magpapaunlad sa susunod na henerasyon,
At ang mag-aangat sa Pilipinas.
Subalit, sa paanong paraan magagawa ng kabataan ito?
Paano?!
Kung ngayon pa lamang ang ilan sa atin ay hindi nakakapag-aral!
At hindi makapunta sa eskwelahan!
Kaya't ang iba'y nagta-trabaho na lang para may maitulong sa pamilya.
Tulad ng palilimos, pamumulot ng basura,
Pag-bebenta ng kung anu-ano sa kalye.
At ang iba ay nakakagawa ng bagay na hindi mabuti.
Kaya ma-swerte ka kabataan! ma-swerte ka!
Ma-swerte tayo, tayo na nakakapag-aral sa pribadong paaralan.
Kung kaya't huwag mong sayangin,
Ans oportunidad na makapag-aral.
Dahil ito,
Ito ang makakatulong tungo sa kaunlaran
Na maaring sa darating na panahon,
Ikaw kabataan ay isa sa pag-asa at
mag papaunlad ng ating bayan.
Kaya mag-aral ka! mag-sumikap ka! KABATAAN
by:emoi/kuyadermz
ang analysis ay isang talata na nagbibigay ng isang mas maintidihan
"SAKNONG" it is used in a poem or poetry and it is a stanza or saknong.....
ano ang mga karapatan ng kabataan
dapat silang subaybayan ng husto ng kanilang mga magulang, dapat maging busy palagi, iinvolve sila sa mga sports o recreational activities.
ito ay ang pag aaral ng mga kabataan na tumutukoy sa ekonomiya
Bilang isang kabataan ng Asya, mahalaga ang pagpapahalaga sa kasaysayan at kultura ng ating rehiyon upang maunawaan natin ang ating sarili at magkaroon ng pag-unlad. Mahalagang magtulungan at magkaisa ang mga kabataan sa iba't ibang bansa ng Asya upang makamit ang mas maunlad at maayos na kinabukasan para sa ating lahat.
ang talata ay lipon ng mga pangungusap na magkakaugnay at may isang kaisipan.
Ang komposisyong ekspositori ay isang uri ng pagsulat na naglalayong magpaliwanag o magbigay ng impormasyon ukol sa isang tiyak na paksa. Isang halimbawa nito ay ang paglalarawan ng proseso ng photosynthesis sa halamang berde. Ginagamit ang serye ng mga talata o pangungusap upang maipaliwanag ng malinaw at maayos ang bawat bahagi o hakbang ng nasabing proseso.
tanong mu sa teacher mo sa pilipino................ un tapos na problema mo
tuldok,kuwit,tandang pananong,tandang padamdam,gitling atbp,
ito ay uri ng pag-alam, paghahanap, at pagsasabi ng isang salita o talata na nakikita sa isang materyal na bagay na nagbibigay anyaya na basahin ito
panayaman ang isang tao tungkol sa mga ikinabubuhay nila?