answersLogoWhite

0


Best Answer

1.Honorio Azarias- nagpapahayag ng damdamin hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig sa pamumuhay sa lipunan at sa pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa bathalang lumikha.

2.Webster- anumang bagay raw na naisasatik basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao maging ito'y totoo, kathang isip o bungang tulog lamang ay maaring tawaging panitikan.

3.Maria Ramos- kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.Nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag.

- lumilinang ng nasyonalismo

- nag-iingat ng karanasan , tradisyon

- at kagandahan ng kultura

4. Atienza, Ramos, Zalazar at Nozal na "Panitikang Pilipino"- ang tunay na panitikan ay walang kamatayan nagpapahayag ng damdamin ng tao blang ganti niya sa kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran.

User Avatar

Wiki User

11y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

14y ago
  1. Ang pagbasa ay paraan ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag (Austero, et al., 1999)
  2. Ang pagbasa ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig, pagsasalita at pagsulat (Bernales, et al., 2001)
  3. Ayon kay Goodman (sa Badayos, 2000), ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game. Sa pagbabasa kasi, ang isang mambabasa ay bumubuo muli ng kaisipan o mensahe hango sa tekstong kanyang binasa.
This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

12y ago

4 teorya ng pagbasa

a. Teoryang Bottom-Up- Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tangin tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up. Tinatawag din itong "outside-in" o "data driven" sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa tagabasa kundi sa teksto.

b. Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang teoryang ito na "inside out" o "conceptually-driven" dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.

c. Teoryang Interaktib- Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-down at maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.. kung gayon, ang interaksyon ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto. Sa teoryang itong, mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa.

d. Teoryang Iskima- Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto upang mapatunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, maaaring sabihin na ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

12y ago

Ang pagbasa ay proseso ng pag-aayos,pagkuha ,at pag-unanawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga wika o simbolo na kailangang tingnan at suriin upang maunawaan,

Malaki ang pagkakaugnay ng pagbasa sa makrong pakikinig, pagsulat at pagsasalita,. ito 'y nagiging tulay ng mga mag-aaral upang mapabuti at maiangat ang kasanayan sa mabisang pag-unawa ng mga teksto

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

12y ago

Dwayne wade, rajon rondo at si Michael Jordan.

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

14y ago

-malumay

-mabilis

-malumi

-maragsa

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

12y ago

ANG SALITANG WIKA AY NAGMULA SA SALITANG LATIN NA "lengua", NA LITERAL NA KAHULUGAN AY "dila" KAYAT MAGKASINGTUNOG ANG DILA AT WIKA .

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

11y ago

ibat ibang angkop na kasuotan ayon sa panahon lugar at pagkakataon

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

12y ago

Yes.

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Iba't ibang kahulugan ng panitikan ayon sa iba't ibang manunulat?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp