answersLogoWhite

0

Kalayaan isang payak na salita,

Ngunit ito ay napakahalagang kataga

Sapagkat kung sa atin ito nawala

Ang mga mamamayan ay di magkakaisa.

Tatlong daang taong nakagapos,

Sa matinding lagim itong bayang irog

Sanlibong patak ng luha ang umagos,

Sa mga matang larawn ng pagkabusabos

Halintulad ang mundo ng isang piitan,

ng ibon sa hawla na walang kalayaan.

Puno ng kaguluhan at walang katiyakan,

Kagipitan,kaapihan,ang larawan ng BAYAN.

O,Rizal sa iyong pananaw

Limot na,nga ba ang habiling iyong binitaw?

Na kaming mga kabataan

Ang pag-asa ng bayan.

Nakakaingganyo kung pakinggan

Ngunit nakakadismaya kung titingnan

Paano namin makakamit ang kaginhawaan

Kung lugmok kami sa kahirapan.

Tayo'y maging mahinahon at magtulungan,

Sapagkat ito ang ating magiging daan,

Upang maitaguyod ang kalayaan

Tungo sa kaunlaran at kinabukasan.

User Avatar

Wiki User

14y ago

Still curious? Ask our experts.

Chat with our AI personalities

ReneRene
Change my mind. I dare you.
Chat with Rene
LaoLao
The path is yours to walk; I am only here to hold up a mirror.
Chat with Lao
ProfessorProfessor
I will give you the most educated answer.
Chat with Professor

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Halimbawa ng tula para sa Araw ng kalayaan?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp