answersLogoWhite

0


Best Answer

Kultura ng Pilipinas

Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinasay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang papanakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 350 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa Katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.

Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Instik.Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian,tradisyon,mga sining,sistema ng edukasyon,musika at pamahalaan.

Lipunang PilipinoAng Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan. Isa bilang bansa, at marami dahil sa pagkakahiwalay ng mga ito ng lugar, dahil sa pulo pulo nitong ayos at mga kasanayan. Ang bansa ay nahahati sa pagitan ng mga Kristiyano, Muslim, at iba pang pangkat; sa pagitan ng mga nasa lungsod at sa mga nayon; mga tagabundok at tagapatag; at pagitan ng mga mayayaman at ng mga mahihirap. Kaugaliang Pilipino
  • Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga lipunang Europeo at Amerikano.
  • Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala.
  • Pakikisama Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba.
  • Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay nakagawa ng kaugaliang Hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay Hindi lang para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay ang pagiging magarbo ng paghahanda kahit na Hindi dapat sapat ang kabuhayan niya. Kung ay isa ay pinahiya sa maraming tao, sila ay nakararamdam ng hiya at nawawalan ng lakas ng loob.
  • Utang na Loob: Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang Hindi lumingon sa pinanggalingan ay Hindi makararating sa paroroonan
  • Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad.
  • Delicadeza: Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar.
  • Palabra de Honor: "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga sinabi nitong mga salita o pangako sa iba at Hindi paiba iba ng opinyon.
  • Bahala na: ang gawing ito ay nangangahulugan ng pagpapaubaya sa kapalaran sa kung anumang mangyayari o kahihinatnan sa buhay
  • Damdamin: ito ay tinaguriang pagsasaalang- alang saloobin ng iba.
User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

12y ago

tanga hindi ko alam bakit sakin mo tinatanong ?

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Epekto ng mga katangian ng mga asyano sa kaunlaran ng bansa sa asya?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Sa Mga Mamamayan Nakasalalay Ang Kinabukasan At Kaunlaran Ng Bansa?

wala indiko alam


Ano ang epekto ng kalamidad sa ekonomiya ng bansa?

ito ay malaking epekto sa ating agrikultura


Pano matutukoy ang tiyak ng kinaroroonana ng isang bansa?

Ano ang epekto nito sa ating bansa?


Halimbawa ng opinion na pangungusap?

"Naniniwala ako na ang edukasyon ang susi sa kaunlaran ng isang bansa."


Ano ang epekto ng pagbaba ng peso sa dolyar?

Ito ang paalaala sa pagbaba ng ekonomiya ng bansa.


Ano-ano ang naging epekto ng ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon?

Paki Tingnan nalang po sa pic


Ano ang mabuti at masamang epekto ng industriyalisasyon sa kalikasan?

Ano ang mabuti at masamang epekto ng industriyalisasyon sa bansa


Ano ang masamang epekto ng globalisasyon?

isang epekto ng globalisasyon ay ang. pag iindorso ng mga produktong galing sa ibang bansa.


Contribution of Manuel L Quezon?

naitatag niya ang "wikang pambansa"na filipino.Malaking kontribusyon/epekto ito sa bansa natin,dahil dito nagkaisa tayong mga pilipino.


Layunin ng pananakop ng hapon sa pilipinas?

Pagpapalawak ng teritoryo sa mga bansa sa Asya Pagtatatag ng programang Greater East Asia Co-prosperity Sphere Paghahangad na makilala bilang lider ng mga Asyano at pairaling ang paniniwalang ang Asya ay para sa mga Asyano


Ano ang mga epekto ng agrikultura sa buong bansa?

ito ay nakakatulong sa mga pag-gawa ng pagkain hibla at iba pang ninanais na mga produkto


Mabuting epekto ng merkantilismo?

Ang mabuting epekto ng merkantilismo ay ang pagpapalakas ng pambansang ekonomiya at pag-unlad ng industriya ng isang bansa. Ito rin ay nagtutulak ng proteksyonismo para sa lokal na produksyon at nagpapalakas ng kapangyarihan ng estado sa pagtutok sa ekonomiya.