answersLogoWhite

0


Best Answer

Lahat na yata ng aspeto sa buhay ng mga Pilipino ay naimpluwensya ng mga Espanyol. Unang-una ang Katolisismong pananampalataya at pagdiriwang ng mga fiesta. Sa edukasyon, pilit na itinuro ang relihiyon at wikang Espanyol. Kaya kapansin-pansin ang mga hiram na salita gaya ng mesa, taza, tinidor at iba pa. Ang mga pangalan din ng mga Filipino ay pinalitan. Maraming Filipino ngayon ay may apilyidong Espanyol gaya ng Chavez, Zamora, Quezon, Rodriguez, atbp. May impluwensya din ang mga Espanyol sa pananamit at pagluluto. Relihiyon

Ang pinakamalaking impluwensyang espanyol sa kulturang Pilipino ay ang kristyanismo. Naging dahilan ito upang tawagin ang pilipinas na "tanging Bansang kristyano sa asya." Maraming kaugaliang panrelihiyon ang natutuhan ng mga Pilipino. Kabilang ditto ang pagdaraos ng kapistahan bilang parangal at pasasalamat sa santong patron.

pagkain:

natuto ang mga Pilipino na kumain ng tinapay, karne ng baka at tupa, longganisa,sardinas, hamon, at atsara. natutuhan nila ang pag-inom ng kape, tsokolate, at alak. gayundin ang paggamit ng kutsara, tinidor, plato, tasa, baso at serbilyetas. natuto rin silang kumain ng mga halamang pagkain gaya ng mais, patatas, repolyo, kakaw at iba pa.

Pananamit:

Natutong mag suot ng americana, pantalon at sombrero ang mga lalaki. saya at kamisang maluwang at may mahahabang manggas sa mga babae. nagsusuot na rin ng sapatos, tsinelas, medyas, panwelo at payneta.

Musika:

Itinuro ng Kastila ang paggamit ng instrumentong pangmusika gaya ng byulin, plawta, alpa,pyano at gitara. likas na mahilig sa musika, nakalikha ang mga Pilipino ng mga instrumentong musikal buhat sa kawayan. bumuo sila ng banda ng musikong bumbong na tumututog sa mga kasayahan. ang organong kawayan na tanyag sa daigdig ay matatagpuan sa Simbahan ng Las Pinas, Metropolitan Manila. ito ay nilikha noong 1818 ni Padre Diego Cerra, isang paring kastila. ang Lupang Hinirang ni Julian Felipe at awiting Sampaguita ni Dolores Paterno ay impluwensyang Kastila.

Sayaw:

Madali ring natutuhan ng mga Pilipino ang mga sayaw mula sa Espanya tulad ng carinosa, pandango, surtido, La Jota, rigodon, polka at lancero.

Sining:

Nalinang noong panahon ng mga Kastila ang husay ng mga Pilipino sa larangan ng pagpipinta at iskultura. Tinagurian noon na Ama ng mga Pintor na Pilipino si Damian Domingo na unang pintor na Pilipino. umani ng tagumpay sa mga paligsahang pandaigdig sa pagpipinta sina Juan Luna at Filex Resurreccion Hidalgo. Si Juan Luna ang nagpinta ng Spoliarium at ng Sanduguan. Naging mahusay na mga manlililok ng mag imahen ng mga santong Katoliko ang ilang Pilipino. Si Mariano Madrinan ang tinaguriang Pinakadakilang Iskultor na Pilipino noon. Naging tanyag din sa larangang ito sina Dr.Jose Rizal, Isabelo Tampingco, Cipriano Bacay, Manuael Asuncion, Jose Arevallo at Pelagia Mendoza, ang unang Pilipinang manlililok.

User Avatar

Wiki User

12y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

13y ago

Karaniwang mga illustrado(middle class o burgoise) at mayayaman na Filipino lang ang nakakapag aral noon.Kaya ang ibang mahihirap ay illiterado tinuturo ang lenggwahe espanyol. Malulupit ang mga guro noon may dalang yantok na baston o kahit na anung pamalo.

This answer is:
User Avatar

User Avatar

rosario yap

Lvl 3
3y ago

yantok

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Anonymous

Lvl 1
4y ago

Taka ba

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Edukasyon noon sa kastila
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Ambag ng kastila sa kulturang pilipino?

Pangalan, wika, Edukasyon, Panitikan, Sining


Ano ang pagkakaiba ng edukasyon ngayon sa edukasyon noon?

Noon walang paaralan pero ang mga magulang ang nagtuturo kung paano gumawa ng gawaing bahay at kung paano gumamit ng sandata para sa digmaan. subalit ngayon may guro na at may paaralan.


Ano ang nangyari sa mga datu noon bago pa man dumating ang mga kastila?

Ewan :p


Ano ang uri ng edukasyon sa pilipinas?

ano ang edukasyon ?


Ano ang mga halimbawa ng kasabihan tungkol sa edukasyon?

anu-ano ang mga kasabihan tungkol sa edukasyon


Magbigay ng script dula dulaan ng nangyari noong panahon ng kastila?

ang nangyari dati noon sa kastila ay cla ay naglaban ng ibang bansa...............


Alamin ang mga isyu sa pilipinas noon at ngayon?

noonbawal ang edad na 22 pabababawal ang babaeng nagtatrabaho, 'housewife' langdapat marunong ka mag salita sa kastila at ingles


Filipino na hiram na salita translate to kastila?

Ang salitang "hiram" sa Filipino ay "prestado" sa Kastila.


Ano ang naging epekto sa edukasyon na pinairal ng mga amerikano?

edukasyon ng mga amerikano sa philippinas


Larawan at talambuhay ng mga pilipinong lumaban sa mga kastila?

si jose rizal ay isang bayaning lumaban sa kastila para sa ating bansa


Ano ang edukasyon ng ating sinaunang panahon?

Edukasyon ang Susi sa Magandang Kinabukasan.


Ano ang kahalagahan ng kulturang Filipino sa pagpapaunlad ng ating Edukasyon?

Ang kulturang Filipino ay may malaking kaugnayan sa pagpapaunlad ng edukasyon dahil ito ang nagbibigay sa atin ng mga halaga, tradisyon, at pagpapahalaga sa edukasyon. Ito rin ang nagmumulat sa atin sa kahalagahan ng pagsusulong ng pagpapahalaga sa edukasyon bilang susi sa kaunlaran ng ating bansa. Sa pamamagitan ng pagsasama ng kultura at edukasyon, mahahasa ang kabataan sa pagiging responsableng mamamayan at tagapagtanggol ng ating kultura at identidad bilang mga Pilipino.