bumalik ang sagot na tila alingawngaw
KALAYAAN
at sa bawat lugar ay mauulinig
ang dala ng hanging may saliw na awit
KALAYAAN
narinig namin doon sa taniman
narinig namain sa mangangalakal
narinig namin hanggang doon sa karagatan
KALAYAAN
bawat makata awit ang nalilikha
at ang mga titik apoy ang ibinabadya
KALAYAAN
narinig namin sa manggagawa ng niyugan
narinig namin sa mangingisda ng karagatan
naring namin sa manininda ng pondohan
KALAYAAN
lahat ng Tao iisa ang sigaw
kahit ang kapalit ay kanilang buhay
KALAYAAN
sa puntod ng alipin at punong mga angkan
iisa rin ang tinig na itinitighaw
KALAYAAN
sa ituktok ng bundok hanggang sa kapatagan
palakas ng palakas palakas ng palakas ang mapapakinggan
KALAYAAN
Chat with our AI personalities