answersLogoWhite

0


Best Answer

ANG WIKANG FILIPINO AY PANLAHAT, ILAW AT LAKAS SA TUWID NALANDAS

Kalayaan! Kalayaan! Kalayaan!Isinisigaw, inihihiyaw, ipinaglalabanBuhay man ang maging kabayaranIbubuwis, ibibigay, maangkin yaring katubusan.

Tayo'y mga Ilayano, na bininyagan ng Pilipinong ngalan!Nagmula sa matatapang na liping SilanganMga Dayak Ibaloy, Kayan, Itneg, Andamanes, Negrito, at SemangSinaunang lahing likas ang katapangan!

Lumaban, Naghimagsik, dugo't buhay ay inalay!Sina Tanday Lupa Lupa, Agustin Lumandag, Dagohoy, Andres Malong, Mamangkal, Tamblot, Raha Kandole, Datu Puti, Datu Sumakwel, Diego at Gabriela Silang, at mgaparing Gomburza,

Mga dugo nila'y humihiyaw, sumisigaw ng KALAYAAN!

Tatlongdaang taong mahigit na nakikipaglabanSa paghahangad makamit ganap na kasarinlanSa iba't ibang panig ng bansa'y nakikipagpatayan ngunit pawang kay ilap makamit ang inaasam

Iisang pangarap tanging hinahangad tuluyang makalaya sa mga Mestizong tamad,ganid, mapagsamantala't diyos ang inilalantad ngunit tila hadlang, kawalan ng wikang panlahat!

Sinikap buuin wikang maaaring lahat ay mag-aangkin,Magigiting na katipunero'y tagalog isinulong at idiniin maging pangulong Quezon, paniniwala'y ganoon din wikang ito'y magbibigkis sa puso ng Pilipinong naninimdim

Pinatatag ng pambansang wika, pwersa ng katipunan pinalakas ang damdamin, pinag-alab ang kamalayan gulok, buho, pistola, puso at wika ang kasang kapan laban sa malalakas na sandata ng mga dayuhan

ngunit pambansang wika'y pilit pinabansot,di-pinagamit, ibinabaon sa limotng lahing Amerikanong sumunod na sa ati'y sumakop wika nila'y pumainbulog, wika nati'y bumulusok

Palibhasa'y wika'y makapangyarihan na tunay sa dugo ng bawat Pilipino'y nananalaytay nang kasarinlan sa ati'y naibigay naging matuwid ang bayan patunay diyan, Pangulong Magsaysay

Ngunit nang muling dumilim pahina ng kasaysayan lumitaw pagkaganid ng pinuno sa kapangyarihan pambansang Wika'y naging ilaw ng mamamayan muling pinalaya't, binigyang ilaw nang matahak ang tuwid na daan

Ngayo'y dumako na sa panahong malaya at sumubra na sa talinoAt kung sinu-sino ang naghahangad na makapamunoHindi nagkakaisa't kani-kaniyang puna at kuru-kuroLahat gagawin, para sakapangyariha't pagluklok sa pwesto

Bayan ngayo'y nalulumbay, kumukulimlim, nauubusan ng lakas muling naghihiwa-hiwalay, kanya-kanya na naman nang nais ipamalasdalangin namin sa iyo Bathala na siyang tunay na magpapamalas gamitin yaring wikang panlahat na maging ilaw at lakas sa tuwid na Landas.

User Avatar

Wiki User

12y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

12y ago

Bayan ko

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Can you give a sample of sabayang pagbigkas about 2011 theme for buwan ng wika?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

What is the theme for buwan ng wika for August 2009?

wikang Filipino mahalin gamitin


What is the theme ng buwan ng wika 2013?

''Wika Natin Ang Daang Matuwid''


What is the theme for buwan ng wika2012-2013?

"Tatag ng wikang Filipino, Lakas ng pagkapilipino."


What is the theme for deped buwan ng wika 2012?

The theme for DepEd Buwan ng Wika 2012 was "Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino." This theme emphasized the strength and resilience of the Filipino language and its significance in shaping the Filipino identity.


What is the theme for Buwan ng Wika 2010?

The theme for Buwan ng Wika 2010 was "Sa Kultura ng Paghahandog, Lahing Pilipino Handa sa Pagbabago." This theme focused on the importance of cultural offerings and the Filipino people's readiness for change.


Theme for buwan ng wika 2009?

Wikang Filipino: Mula Baler Hanggang sa Buong Pilipinas.


What is the theme of buwan ng wika 2013?

Tatag ng Wikang Filipino , Lakas ng pagka-Pilipino


What is the theme for buwan ng wika 2012?

"Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino."


What is the theme of buwan ng wika 2012?

Tatag ng Wikang Filipino , Lakas ng pagka-Pilipino


What is the theme buwan ng wika 2012?

"Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino."


What is the theme for Buwan ng Wika''?

Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan.._BUWAN NG WIKA THEME 2010..Tnx..welcome


What is the theme in buwan ng wika 2010?

"Sa pangangalaga ng wika at kalikasan, talagang wagas na pagmamahal ang kailangan."