Si Kulas, Si Celing, Si Teban, Si Castor, At si
Chat with our AI personalities
ang mga tauhan sa pula at sa puti ay sin a mang teban,castor,kulas,celing at si sioning.ito ay tungkol sa isang sabungero na laging talo sa pustahan......
Sa pula, sa puti buod
Isang umaga, napakasya ni Kulas, sapagkat pakiramdam nito’y mananalo siya sa sabungan. Humingi siya ng ipupusta kay Celing. Pag-alis nito patungong sabungan ay agad namang tinawag ni Celing ang kanilang utusan na si Teban upang pumusta sa kalaban ng manok ng kaniyang asawa. Nagtaka si Sioning na kaibigan nito kung bakit siya pumupusta sa manok ng kalaban ng asawa. Ipinaliwanang ni Celing na kung matatalo man ang kaniyang asawa, mananalo pa rin siya. At kung matatalo man siya ay mananalo naman ang kanyang asawa. Kaya’t hindi sila mauubusan ng pera.
BUOD
Si Kulas at Celing ay ang mag-asawang hindi masyadong mayaman o mahirap, katamtaman lang ang katayuan nila sa buhay. Kaya lamang ang asawa nitong si Kulas ay nalulong sa bisyo ng pagsasabong ng manok. Namomroblema itong si Celing sa asawa sapagkat lagi nalang talo kung umuwi ang asawang si kulas galing sa sabong. Kung kaya’y umisip siya ng paraan para hindi sila tuluyang mabaon sa kahirapan. Palihim niyang pinapupusta ang engot na kasambahay na si Teban sa manok ng kalaban upang kahit manalo man o matalo si kulas sa sabong ay wala pa ring talo.
. Palihim niyang pinapapusta ang engot na kasambahay na si Teban sa manok ng kalaban upang kahit manalo man o matalo si kulas sa sabong ay wala pa ring talo. Nagpatuloy ang ganoong gawain hanggang sa isang araw ay para yatang nawawalan nang pag-asa itong si Kulas sapagakat hindi naman daw pabor sa kanya ang suwerte kung kaya ay nakapagdesisyon siyang iwan na ang pagsasabong. Ngunit nagbago na lamang ang kanyang isip ng siya ay mapagpayuhan ni Castor, kasamahan rin niya sa sabongan, sa mga sandaling iyon ay tinuruan ni Castor si Kulas sa mga nararapat nitong gawin na mga estratehiya upang manalo si kulas. Sa katagalan ng kanilang pag-uusap, hanggang sa muli na namang nabuhayan itong si Kulas na mananalo siya sa sabong sa pagkakataong ito. Muli ay nanghingi siya nang perang
pamusta sa sabong kay Celing sabay nangakong kung matatalo pa siya sa pagkakataong iyon ay malaya na si Celing na ihawin ang lahat ng kanyang tinali at nangako rin siyang kakalimutan na niya ang sabong. Sumapit na nga ang oras ng pagsasabong at pumunta ng palihim si Kulas atsaka pumusta sa manok ng Kalaban gaya ng itinuro ni Castor sa kanya. Pinapusta rin ni Aling Celing si Teban sa manok ng kalaban. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ang manok ni Kulas na sadyang tinusok ng karayom ang paa upang sadyang humina at tuluyang matalo ay siya palang mananalo sa labanan ng mga tinali. Sa pagkakataong iyon ay kapwa natalo sa sugal ang mag-asawang Kulas at Castor at wala man lang silang nakuha kahit ni katiting na kusing. At natupad ang kasunduan ng mag-asawa na iihawin ang lahat ng tinali at magbabago na si Kulas sa kanyang bisyo ng Pagsusugal.