answersLogoWhite

0


Best Answer

Aralin 16

Pinagyaman ng mahiwagang lobo si Don Santiago dahil sa iang nagngyaring kaguluhan at hindi pagkaintindihan.

Aralin 17

Naghiwalay na ang lobo at si DonParaiso, Sa pag-iisa ni DonSampaga sa kabundukan Hindi niya kinalimutang tumawag at humihingi ng patnubay sa Diyos sa kanyang paglalakbay. Dahil na rin sa kapaguran sa kalalakad, siya ay nagpahinga at nakatulog. Siyang pagdating ng ibong Adarna. Dito ay ginising ng ibon and prinsipe at isinalaysay kung bakit sila nagkahiwalay. Ipinayo ng ibon na kalimutan na si Leonora sapagkat may higit na maganda siyang makikilala. Ito'y si Maria Blanca, anak ni Haring Salermo ng Reyna de los Cristal.

Aralin 18

Samantalang si Don Juan ay patungo na sa Reyna de los Cristal na siyang ipinayo ng Ibong Adarna, si Prinsesa Leonora naman ay tumatangis, araw at gabi. Sakbibi ng kalungkutan at walang laging laman ng isip kung Hindi si Don Juan.

Aralin 19

Masigasig si Don Juan sa paghahanap sa reynang kanyang pinangarap. Sa kasamaang palad, lagi siyang naliligaw at nalalayo sa kaharian. Sa kanyang pagtahak sa kabundukan, may sumulpot na isang matanda. Dahil sa gutom at uhaw, nilapitan niya iyon at humingi ng tulong. Hindi naman siya pinagmaramutan ng matanda. Laking pagkamangha niya nang ibinigay ng matanda ang tinapay na halos Hindi mo makakain dahil sa tigas at luma sapagkat ito ay napakalinamnam. Pati na ang kanyang pagkauhaw ay natugunan. Hindi niya maipaliwanag ang talinghagang naranasan nang mga sandaling iyon. Sa pagkakataong iyon, naihinga niya na parang bata ang kanayang paghahanap sa kahariang delos Cirstal. Sang-ayon sa matanda, wala siyang nalalamang ganoong lugar subalit itinuro sa kanya ang maari niyang mapagtanungan. Binigyan siya ng kapirasong baro na siyang magiging patunay na siya ay galing sa matandang sugatan.

Aralin 20

Habang si Leonora'y patuloy pa rin da pagdurusa sa paghihintay kay Don Juan, si Don Pedro nama'y naglulumuhod na iniluluhog ang kanyang pag-ibig kay Leonora. Mukha atang mahirap mapaibig ang isang dalagang mayroon nang ibang minamahal. Dalawang pag-ibig na naghihintay� Si Leonora kay Don Juan at si Don Pedro kay Leonora.

Aralin 21

Si Don Juan ay wala pa ring kapagurang naglalakbay upang hanapin ang Reyno delos Cristal. Dala ang kapirasong baro na bigay ng matandang sugatan ay muling naglakbay. Sa loob ng limang buwang paglalakad, natagpuan din ang hangad. Tinulungan ng isang ermitanyo, muling sinabi and pita subalit gaya ng unang matanda, Hindi rin alam ang naturang kaharian. At upang matulungan ang prinsipe tinugtog ang kampana upang mapagtanungan and mga nasasakupang hayop. Subalit wala pa ring nakakaalam. Kayat inutusan ng ermitanyo na dalhin ng olikornyo si Don Juan sa ikapitong bundok sapagkat doon naninirahan ang kapatid ng ermitanyo na maaaring makatulong sa prinsipe. Ganon pa rin ang kapalaran ni Don Juan. Hindi rin siya matulungan. Sa pagsusumamo ni Don Juan, nagisip ang matandang ermitanyo. Tinawag ang kanyang mga alagang ibon at tinanong. Bagamat nahuli ang dating. Ang kasagutan ay NASA Agila. And ibon ay kagagaling lamang sa hinahanap na kaharian, kaya't noong mapagalaman ng matandang ermitanyo, inutusan agad ito na dalhin na si Don Juan sa kaharian.

Aralin 22

Lubos ang pasasalamat ni Don Juan dahil sa tulong ng agila, narating niya ang Reyna delos Cristales. Mismong sa banyo Nina Prinsesa Maria Blanca siya iniwan ng ibon. Siya'y pinagbilinan ng agila na matutuklasan ang isang hiwag.

Aralin 23

Sa ginawang pangungubli ni Don Juan, napagmasdan niya ang kagandahan ni Dona Maria. Sa labis na paghanga, kanyang ninakaw ng damit ng dalaga. Sa ganoong pangyayari ang galit ni Maria Blanca ay Hindi mapasusubalian. Subalit dahil sa ginawang pagpapakumbaba at pagsusumamo ni Don Juan at pag-amin sa kanyang ginawa, ang dating galit ng prinsesa ay nauwi sa isang pag-ibig.

Aralin 24

Dahil sa pag-ibig, Hindi mapapayagan ni Maria Blanca na mapahamak ang kanyang mahal. Pinagbilinan si Don Juan ng dapat gawin sakaling magkita muli sila ni Haring Salermo. Ang unang kautusan ng hari ay ibinigay kay Don Juan. Laking gulat ni Haring Salermo na sa kanyang paggising, nasa hapag na ng tinapay n autos.

Aralin 25

Nasisiyahan si Haring Salermo sa unang pagsubok subalit Hindi siya naglubay. Binigyan ng ikalawang pagsubok� ang labindalawang Negrito na nasa loob ng prasko. Pinakawalan ang mga ito sa karagatan pagkatapos. Si Don Juan ang magsisilid na muli sa prasko ng walang labis, walang kulang. Nais ng hari na kinabukasan, sa kanyang pag-aalmusal ay naroon sa kanyang hapag ang prasko. Sa tulong ng mahika ni Dona Maria, naisilid ang mga ito. Hindi ito matanggap ni Haring Salermo kayat nag-isip muli ng higit na mabigat na pagsubok.

Aralin 26

Ang ikatlong utos ng hari ay may layuning masubok kung talagang may galing nga ang prinsipe - ang bundok ay maiusod sa harap ng kanyang bintana. Kung Hindi ito magagawa mauutas ang kanyang buhay.

Aralin 27

Dahil sa nagawa ni Don Juan ang mga pagsubok, binigyang muli ni Haring Salermo ng sunod-sunod na pagsubok si Don Juan upang sukatin talaga ang galling ng prinsipe - ang pagtabon sa dagat upang maging kastilyo. Ang paghahanap sa singsing nito at pagsupil sa mabangis na kabayo na walang iba kundi ang hari mismo. Ang lahat ng ito ay napagtagumpayan ni Don Juan sa tulong ng mahika ni Dona Maria.

Aralin 28

Dahil napagtagumpayan ni Don Juan ang lahat ng pagsubok siya'y ipinatawag ng hari upang papiliin ng sisitahin sa kanyang mga anak. Dahil sa talagang nagmamahal, tiyak ni Don Juan ang pipiliin. Labag man sa kalooban ng hari, ibinigay niya ang bendisyon sa pinakamamahal na anak na dalaga bagamat sa loob niya, may lihim na balak ito laban sa prinsipe. Subalit Hindi pinahintulutan ni Maria Blanca. Gumawa siya ng paraan upang matakasan ang ambang paghihiwalay sa kanila.

Aralin 29

Nalagpasan Nina Maria Blanca at Don Juan ang paghabol ni Haring Salermo pagkat iba't ibang paraan ang ginamit ng prinsesa upang Hindi sila abutan: naghulog ng sabon sa lupa at biglang natabunan ng bula ang bundok. Naglaglag ng kohe at ang dating lupa ay naging dagat. Sa pagyayaring iyon, isinumpa siya ni Haring Salermo. Sa sama ng loob, ang hari ay nagkaroon ng karamdam at di nagtagal ay namatay. Tumalad ang sumpa ng hari� Ang bilin ni Maria Blanca kay Don Juan na huwag makitungo sa mga babae ay nakalimutan niya. Nang bumalik si Don Juan sa Berbanya, ang lahat ay nagalak, pati na si Leonora na biglang yumakap sa kanya�

Aralin 30

Nagbalik sa alaala ni Don Juan ang naganap sa kanila ni Maria Blanca. Sinabi ni Don Juan sa hari na si Maria Blanca na ang kaniyang pakakasalan. Sa pangyayaring ito, nagulo ang palasyo. Iginiit ni Leonora ang kanyang panig. Inihayag niya ang kanyang ginawang pagtitiis at pitong taong paghihintay sa muling pagbabalik ni Don Juan sa kanyang buhay. Nagpasya ang hari na si Leonora ay nararapat na pakasalan ni Don Juan.

User Avatar

Wiki User

9y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

11y ago

ADD Mo ko :()REggianne RAlio

eHyAng Delajente

:)

.i.

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

11y ago

kung ikaw sa kabisang tales ano ang iyonggagawin sa halip na mag padala sa tukso sdahil sa iyong pangangailangan?

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

14y ago

Mag research kayooo. :PPP

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

12y ago

di ko alam ..

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

11y ago

yawa ka

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Buod ng kabanata 35 sa ibong adarna?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp