answersLogoWhite

0


Best Answer

ISANG ARAW nuong Unang Panahon, sa nayon ng Hannanga, isang sanggol na lalaki ang isinilang sa mag-asawang Amtalao at Dumulao. Ang pangalan niya ay Aliguyon. Siya ay matalino at masipag matuto ng iba't ibang bagay. Katunayan, ang napag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga kasaysayan at pangaral ng kanyang ama ay marami. Natuto siya kung paano makipag-bakbakan nang mahusay, at paano umawit ng mga mahiwagang gayuma (encantos, magic spells). Kaya kahit nuong bata pa, tiningala na siya bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya.
Nang mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga-iwan, ang kaaway ng kanyang ama, sa nayon ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa kanyang hamon (reto, challenge) ay hindi si Panga-iwan. Ang humarap sa kanya ay ang mabangis na anak nito, siPumbakhayon, marunong ng hiwaga at bihasa rin sa bakbakan tulad niAliguyon.
Hindi naaling, pinukol ni Aliguyon ng sibat si Pumbakhayon. Kasing bilis ng kidlat, umiktad si Pumbakhayon upang iwasan ang sibat at, kagila-gilalas, sinalo sa hangin ang sibat ng isa niyang kamay! Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad ni Pumbakhayon ang sibat at hinagis pabalik kay Aliguyon. Umiwas din si Aliguyon at sinalo rin ng isang kamay sa hangin ang humahagibis na sibat. Binaliktad din niya at ipinukol uli kay Pumbakhayon.
Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibat siAliguyon at Pumbakhayon hanggang umabot ng 3 taon, hindi pa rin tumigil ang bakbakan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko. Subalit sa bangis at dahas ng kanilang paghahamok, kapwa sila humanga sa giting at husay ng kalaban, at pagkaraan ng 3 taong bakbakan, natuto silang igalang ang isa't isa.
Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Pumbakhayon at nahinto, sa wakas, ang bakbakan. Nag-usap at nagkasundo sila ng payapa (paz, peace) ng kanilang nayon ng Hannanga at Daligdigan. Buong lugod na sumang-ayon lahat ng tao sa 2 nayon, at ipinagdiwang nila ang kampihan ng 2 bayani.
Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang 2 nayon. Naging matalik na magkaibigan sina Aliguyon at Pumbakhayon. Nang sapat na ang gulang ni Aliguyon, pinili niyang asawa si Bugan, ang batang-batang kapatid na babae ni Pumbakhayon. Inalagaan niya sa bahay si Buganhanggang lumaki itong napaka-gandang dalaga.
Ang pilining asawa naman ni Pumbakhayon ay ang kapatid na babae niAliguyon, si Aginaya. Ang 2 familia nila ay yumaman at iginalang ng lahat sa Ifugao.

User Avatar

Wiki User

8y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Buod ng epikong hudhud ni aliguyon?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Mga halimbawa ng mga pantum sa filipino?

Epikong Hudhud (aliguyon o alim) Epikong Biag ni Lam-ang Epikong Indarapatra at Sulayman


Buod ng epikong hudhud at alim?

Ang Hudhud ay isang epikong epiko ng mga Ifugao na tumatalakay sa mga kuwento ng mga bayani at pangyayari sa kanilang lipunan. Ang Alim naman ay epikong epiko ng mga T'boli na naglalarawan ng mga pakikiramay sa kalikasan at mga pananampalataya ng kanilang tribo. Parehong epikong ito ay tumatalakay sa mga halaga at tradisyon ng kanilang mga kultura.


What is a summary of hudhud in tagalog?

Ang Hudhud ay epikong-bayan ng mga Ifugao na isinalaysay sa pamamagitan ng tula ng mga mananahi. Ito ay naglalarawan ng mga kabayanihan ni Aliguyon at ang pakikisali niya sa mga digmaan at laban para sa kanyang tribo. Kilala ito sa matinding pagpapahalaga sa kultura at tradisyon ng mga Ifugao.


Who is aliguyon?

Aliguyon is a hero in Filipino folklore known for his courage and strength. He is the main character in the epic tale "Aliguyon: Hudhud ng Ifugao," which tells the story of his battles against his rival, Pumbakhayon. Aliguyon is celebrated for his bravery and leadership among the Ifugao people.


Anu anu ang epiko ng ifugao?

ALIM http://www.aralinsafilipino.com/2011/01/alim-epiko-ng-mga-ifugao.html HUDHUD http://www.aralinsafilipino.com/2011/08/hudhud-ang-kwento-ni-aliguyon-epiko-ng.html


Buod ng epikong indarapatra at sulayman?

eunice chalupang mary-ann sal-oen tapuot gurl


Sino ang sumulat ng epikong Bidasari?

Sino ang sumulat sa Kuwento ng Epikong Bidasari


Buod ng hudhud at alim?

Ang Hudhud at Alim ay mga epiko ng mga Ifugao na naglalaman ng mga kwento ng mga bayani at pang-araw-araw na buhay ng mga tao sa pamayanan. Ang Hudhud ay nagtatampok ng mga kuwento ng mga bayani at mga pakikidigma, samantalang ang Alim naman ay naglalaman ng mga kwento ng pag-ibig at pakikipagsapalaran ng mga taong kasapi sa pamayanan. Ang mga epikong ito ay bahagi ng kultura ng mga Ifugao at patuloy na nagpapahayag ng kanilang paniniwala at tradisyon.


Epiko ng hudhud at alim?

nasa baba po ung tagalog meaning paga tapos ng English versionEnglish version:In the mountainous regions of Northern Luzon, a hudhud is a long tale sung during special occasions. This particular long tale is sung during harvest. A favorite topic of the hudhud is a folk hero named Aliguyon, a brave warrior.Once upon a time, in a village called Hannanga, a boy was born to the couple named Amtalao and Dumulao. He was called Aliguyon. He was an intelligent, eager young man who wanted to learn many things, and indeed, he learned many useful things, from the stories and teachings of his father. He learned how to fight well and chant a few magic spells. Even as a child, he was a leader, for the other children of his village looked up to him with awe.Upon leaving childhood, Aliguyon betook himself to gather forces to fight against his father�s enemy, who was Pangaiwan of the village of Daligdigan. But his challenge was not answered personally by Pangaiwan. Instead, he faced Pangaiwan�s fierce son, Pumbakhayon. Pumbakhayon was just as skilled in the arts of war and magic as Aliguyon. The two of them battled each other for three years, and neither of them showed signs of defeat.Their battle was a tedious one, and it has been said that they both used only one spear! Aliguyon had thrown a spear to his opponent at the start of their match, but the fair Pumbakhayon had caught it deftly with one hand. And then Pumbakhayon threw the spear back to Aliguyon, who picked it just as neatly from the air.At length Aliguyon and Pumbakhayon came to respect each other, and then eventually they came to admire each other�s talents. Their fighting stopped suddenly. Between the two of them they drafted a peace treaty between Hannanga and Daligdigan, which their peoples readily agreed to. It was fine to behold two majestic warriors finally side by side.tagalog version:ang hudhud ng ifugao ay itinuturing na isa sa ilan na mahahalagang kayamanan ng panitikan ng pilipinas.Ito ay inaawit ng mga kababaihan sa mga importanteng pagdiriwang tulad ng panahon ng pag-aani at kasal o kaya naman, tuwing gabi sa burol ng importanteng lider ng kuminidad.Ang mga inaawit na hudhud ay binubuo ng dalawa at kalahating berso


Where can you find buod ng isang nobela?

buod ng walang panginoon


Buod ng Titser?

ano ang buod ng librong titser


Ano ang buod ng magnifico?

buod ng magnifico