answersLogoWhite

0


Best Answer

Noon ay kataimtimang minamalas ni Impong Sela ang kanyang lalabing-animing taong apong lalaki sa pagkakahigang walang katinag-tinag.Ang matanda'y nakaramdam ng isang biglang bugso ng lungkot sa kanyang dibdib.Ang lagnat ng bata ay nawala na,dalawang araw na ang nakararaan,salamat sa kanyang santong kalagyo,ngunit ngayo'y ito'y kanyang kinababalisa.Nalalaman niyang ang lagnat na lubhang mapanganib.

Siya ang naging dahilan na malimit na pagkakagalit ni Conrado at ni Impong Sela Si Impong Sela ay nagsisimulang mag-isip nang malalim.Kailangang si Pepe'y maligtas sa kuko ng kamatayan.Natatandaan pa niyang ang panata ring iyon ang nagligtas sa kanyang anak na ama ni Pepe nang ito'y pitong taon pa lamang.Maya-Maya,ang maysakit ay kumilos.Dahan-dahang idiinilat niya ang kanyang mga mata wari'y nananaginip at saka tumingin-tingin sa kanyang paligid.Hindi naglaon,namataan niya ang kanyang impo sa kanyang tabi."Lola" ang mahinang tawag."Oy,ano iyon,iho?" ang tugon ni Impong Sela."Nagugutom na ako".Ang matanda ay nag-atubili.Gatas,sabaw ng karne,katas ng dalandan,tsaa,at wala na.Pagkaraan ng ilang sandali,si Impong Sela'y nagbalik na taglay na sa kamay ang isang pinggang kanin na sinabawan ng sinigang na karne,at isang kutsara.Pagkakita sa pagkain ,si Pepe'y nagpilit makaupo ngunit pabagsak na napahigang muli sa unan.Sa tulong ng kanyang lola,si Pepe'y nakasandal din sa sa unan.At siya'y sinimulan nang pakainin ni Impong Sela .Si Conrado'y patakbong pumasok sa silid at tinangkang agawin mula kay Impong Sela ang pinggan ngunit huli na!Ang pinggan ay halos wala nang laman.Ang dalawang maliit na kapatid ni Pepe'y tumatakbong pumasok sa loob ng silid.At dinulot ni Impong Sela sa mga bata ang natirang pagkain ni Pepe.Si +

Totoy at si Nene ay nag-atubili at tinapunan ng tingin ang kanilang amang pagkatapos ng mahabang "Sermon" ng kanilang lola ay walang nagawa kundi ang magsawalang-kibo na lamang.Kinabukasan,si Pepe'y nahibang sa lagnat.Nagbalik ito sa isang matinding bugso na siyang Hindi ikapalagay ng maysakit.Tila siya iniihaw,pabiling-biling sa hihigan,at nakalulunos kung humahalinghing.Sa mga mata ni Sinang na kanyang ina ay nalalarawan ang isang paghihirap ng kaloobang isang ina lamang ang maaring makadama sa gayong mga sandali,samantalang minamalas niya ang kahambal-hambal na ayos ng kanyang anak.Hindi nagkamali ang doctor.Sa loob ng ng sumunod na oras ay pabali-balikwas si Pepe sa kanyang hihigan at naghihiyaw ng kung anu-anong ikinakakagat ng labi ng mga nakamamalas.

Sa mukha ni Conrado ay biglang sumulak ang dugo!Ibig niyang humiyaw,ibig niyang magtaklob na ang langit at lupa!

Umagang-umaga kinabukasan,nagtaka na lamang sila't natagpuan nila sa isang sulok si Impong Sela nananangis,umiiyak na nag-iisa.Siya'y Hindi man lamang tinuluan ng luha nang si Pepe'y naghihirap at saka ngayon pang si Pepe'y matiwasay na,salamat sa suwerong tinusok sa kanya ng manggagamot.Katakataka o Hindi katakataka,ang luha ni Impong Sela ay nagpatuloy ng pagdaloy hanggang ang mga luntiang damo,sa ibabaw ng puntod ng pinakamamahal niyang apo,ay halos isang dangkal na ang angat sa lupa.

-rdanielle13
User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Buod ng di maabot ng kawalang Malay ni edgardo m Reyes?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Buong kwento ng di maabot ng kawalang Malay ni edgardo m Reyes?

Ang kuwento ng "Di Maabot ng Kawalang Malay" ni Edgardo M. Reyes ay tumatalakay sa isang batang lalaki na naaapektuhan ng kawalang-malay habang nasa sementeryo. Sa pamamagitan ng mga pangyayari sa kwento, ipinakita ang kahalagahan ng pagtanggap at pag-unawa sa mga taong may kakaibang kondisyon sa lipunan. Sa pagtatapos ng kuwento, natutuhan ng bata na mahalaga ang respeto at pagmamahal sa kapwa, anuman ang kanilang kalagayan.


What is the birth name of Edgardo Reyes?

Edgardo Reyes's birth name is Reyes, Edgardo M..


What nicknames does Edgardo Reyes go by?

Edgardo Reyes goes by Edgar.


Who is Edgardo M Reyes?

edgardo m Reyes is a a famous filipino male novalist.


Can you show you the biography of Edgardo Reyes?

I'm unable to provide a biography for Edgardo Reyes as my responses are generated based on a broad set of data and do not have the capability to look up specific biographies of individuals in real-time.


Summary of Si Ama ni Edgardo M Reyes?

"Si Ama" by Edgardo Reyes talks about a father who is independent. He took good care of his 6 siblings since they were orphaned.


What is moral lesson of si ama by edgardo Reyes?

for me !? he is a good novelist


What are the poems of Edgardo Reyes?

kuko ng liwanag at laro sa baga


Si Ama written by Edgardo M Reyes?

"Si Ama" is a novel written by Filipino author Edgardo M. Reyes. It tells the story of a family torn apart by poverty and the sacrifices made by a mother to provide a better future for her children. The novel explores themes of love, sacrifice, and resilience in the face of adversity.


Tauhan sa ang gilingang bato ni edgardo m Reyes?

charmaine anak ni caloy


Sino si edgardo M Reyes?

Anak ni Budoy at ama ni arnel lancero ako nga budoy


Buong kwento ng gilingang bato ni Edgardo M. Reyes?

saan at kailan ng yari ang kwento