answersLogoWhite

0

Best Answer

Impeng Negro

Ni: Rogelio R. Sikat
Tauhan

Impen- 16 taong gulang, maitim ang kulay ng balat, may mga kapatid sa ibang ama, isang agwador o taga-igib ng tubig
Ina ni Impen- iniwan ng huling asawa habang kanyang ipinagbubuntis ang bunsong anak
Mga Kapatid ni Impen na sina Kano, Boyet, Diding
Taba- tinderang uutangan ng gatas para sa bunsong kapatid ni Impen
Ogor- matipunong agwador na laging nanunukso at nang-aapi kay Impen
Mga Agwador

Tagpuan
Sa igiban ng tubig ng kanilang barangay

Buod

Naghuhugas ng kamay sa batalan si Impen nang kausapin o pangaralan siya ng kanyang ina. Binalaan siya ng kanyang ina na huwag na siyang makipag-away at uuwing basag ang mukha.

Nagpunta si Impen sa igiban ng tubig dahil isa siyang agwador. Mahina na ang kita ng kanyang ina sa paglalaba at mahina na rin ang kanyang kita sa pag-aagawador ngunit patuloy siya sa pagtatrabaho kahit na maraming nang-aapi sa kanya. Inaapi siya dahil sa estado ng kanilang pamilya at dahil sa kanyang kulay. Isa sa mga matinding manukso sa kanya ay ang kapwa agwador na si Ogor.

Napansin ni Impen ang langkay ng mga agwador sa may gripo. Nakaanim na karga siya at may sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kanyang maong. Nanatili siya roon upang mag-igib pa at tatanghaliin siya ng pag-uwi. Nakita niya si Ogor sa isang tindahan malapit sa gripo. Tulad ng nakagawian nito, agad siya nitong tinawag na Negro at pinagsalitaan ng masasakit na salita. Sumingit si Ogor sa pila nang si Impen na ang sasahod ng balde niya. Sa kagustuhang makaiwas sa gulo, hindi na umimik si Impen at nagpasyang umalis na lamang.

Pinatid ni Ogor si Impen nang papaalis na ito sa pila. Nabuwal si Impen. Tumama ang kanan niyang pisngi at nagalit si Impen at nagsuntukan sila. Hindi tumigil si Ogor sa pagtadyak, pagsuntok, at pananakit kay Impen hanggang sa labis nang napuno ng poot si Impen. Humina si Ogor sa sunud-sunod na dagok at bayo ni Impen sa kanya. Sumuko siya kay Impen, na ikinagulat ng lahat. Maraming sandaling walang nangahas na magsalita. Naramdaman ni Impen ang paghanga mula sa mga taong pumalibot sa kanila ni Ogor. Tiningnan ni Impen ang nakabulagtang si Ogor. Nakadama siya ng kapangyarihan at LUWALHATI.
Gintong Aral (Bisa sa Isip, sa Asal, at sa Damdamin)
Matutong magtiis hangga't maaring magtiis. Hindi bale nang pangit ang panlabas na kaanyuan basta't malinis at maganda ang kalooban.\

Ambahan ni ambo

Ni: Ed Maranan

Ang hirap mag hanap ng ambahan ni ambo, kadugo ng brain
Balisang nagising si Jack, malakas ang kabog ng dibdib. Uminom siya ng isang basong
tubig. Kay samang panaginip! Nagkaroon ng malaking sunog sa bundok ng Halcon,
umabot sa pinakatuktok. Natupok lahat ang mga puno at damo. Paghupa ng apoy ay siya
namang pagdilim ng mga ulap, na sinundan ng ilang araw na bagyo at bugso ng ulan.
Nalusaw ang lupa at bato sa bundok ng Halcon, at unti-unti itong dumausdos patungong
kapatagan, tangay ang lahat ng naiwang buhay na mga tao at iba pang nilalang.
Nagtatangisan ang mga Mangyan sa pagkagunaw ng kanilang daigdig - habang siya ay
walang puknat ang takbo. Hindi niya malaman kung nasaan na ang kaniyang Ate Anne at
mga magulang…
Umaga na pala. Pagbangon ni Jack ay dumungaw siya agad sa bintana. May tilamsik
ng liwanag sa ituktok ng Halcon. Ang bundok ay parang isang tahimik na tanod, luntian
at matayog. Bihira niyang makita itong walang suklob na ulap, tulad ngayon.
"Balang araw, Jack," sabi sa kaniya ni Ambo noong nakaraang araw, "aakyatin natin
iyan, hanggang doon sa ituktok, hanggang doon sa mga ulap!"
Lumukso ang kaniyang puso sa sinabing iyon ni Ambo.
"Hoy, di maaaring di ako kasama!" sabad ni Anne, ang matandang kapatid ni Jack.
"Tayong lahat, aakyatin natin ang mga ulap sa Halcon!" wika ni Ambo.
Si Ambo ay isang batang Mangyan. Siya ang matalik na kaibigan ng dalawang taga-
Maynilang si Jack at si Anne.
Ngayong umagang ito, parang mabigat ang dibdib ni Jack. Hindi mapawi sa isipan ang
kaniyang napanaginipan.
"Naku, daddy, mommy, para pong totoong-totoo! Para nga akong humihingal

pagod paggising ko….," bulalas ni Jack nang sila'y nag-aagahan na.
"Para namang disaster movie ang panaginip mo!" tudyo ni Anne. "'Yan kasi,
palibhasa'y walang mapagpuyatang video dito sa Mindoro, midnight snack naman ang
napagtripan, naimpatso tuloy, at muntik nang bangungutin!"
"Dati-rati, panay namang masasaya ang mga panaginip ko," sabi ni Jack.
Napatingin siya kay Pete, ang kaniyang ama. Tahimik itong kumakain, tila nag-iisip
nang malalim.

User Avatar

Wiki User

8y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Buod ng ambahan ni ambo
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp