answersLogoWhite

0


Best Answer

tawanan dahil may pagpupulong na nagaganap at nagkakasiyahan sila ngunit iyakan dahil sa hindi sila pinayagan ni don costudio sa kanilang hiling tungkol sa akademya ng wikang espanyol

User Avatar

Wiki User

โˆ™ 2017-02-01 09:24:11
This answer is:
User Avatar
Study guides

What are medical problems that arise from color blindness

What are the characteristics of effective writing

What are the different types of diction

Another examples of community problems

โžก๏ธ
See all cards
4.18
โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…
298 Reviews

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Bakit tawanan at iyakan ang pamagat ng kabanata 25 ng el filibusterismo?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Ano ang ibig sabihin ng pahikbi?

nag iiyak iyakan


Ano ang kwentong Dayuhan ni Buenaventura S. Medina?

DAYUHANNi Buenaventura S. Medina, Jr.JANILO B. SARMIENTOBOHOL ISLAND STATE UNIVERSITY-BILAR CAMPUSBUOD:Isang gabi, napakislot sa pagkakahiga ang persona ng maikling kwentong ito (may-akda) nang marinig na naman niya ang daing ng kanyang masakiting ama mula sa silid nito. Nagbalikwas siya para tunguhin ang silid ng kanyang ama, subalit nagbaga na naman ang kanyang damdaming hindi maipaliwanag. Nang buksan niya ang kanyang pinto, nakita niya ang kanyang ina at sa pamamagitan ng tingin nito'y alam na niya ang dapat gawin. Pumunta siya sa lansangang-bayan para tawagin si Dr. Santos. Sumama naman ang doktor para tingnan ang kalagayan ng kanyang ama. Matagal ng may sakit ang kanyang ama ngunit hindi rin lubusang gumaling dahil sa lagi nitong sinusuway ang bilin ng doktor. Kung paalalahanan naman ng kanyang ina, nagagalit ang kanyang ama dahil alam daw nito ang kanyang ginagawa. Dahil tanging lalaking sa pamilya, ay inako na niya ang tungkuling tumawag ng manggagamot sa anumang oras naroroon siya tuwing maririnig niya ang daing ng kanyang ama.Iyon ay isang gawain na matapat na niyang nagagampanan matapos ibinilin sa kanya ng mga kapatid ang kalagayan ng kanilang ina nang nagsisama ang mga ito sa kanilang napangasawa sa Kabisayaan. At ito nga ang kanyang ginagawa, ang tulungan ang ina sa pag-aalaga sa kanyang ama. Lubos na lamang ang kanyang pagtataka kung bakit nasabi ng kanyang mga nakakatandang kapatid na siya na ang bahala sa kanilang ina. May mga bagay siyang hindi nalalaman na tanging mga kapatid lamang niyang nakakatanda ang nakakaalam mula sa kanilang pinag-uusapan. Ngunit nabuo na sa isip nito ang pinag-uusapan nila, sapagkat sa ibang umpukan sa maliit na pamayanang iyon, ay narinig niya: Ang kanyang ama, si Ading at isang sanggol. At sa isip niya, marahil ay marami pang Ading at marami pang sanggol sa buhay ng kanyang ama.Ang mga luhang nakikita niya sa kanyang ina, ang hinanakit ng kanyang mga kapatid sa ama, ang natuklasang katotohanan tungkol sa ama at kay Ading at sa sanggol ay ang mga rason marahil kung bakit nakakaramdam siya ng isang damdaming dayuhan. At iyon nga ang kanyang nararamdaman sa tuwing makikita niya ang ama sa silid nito at tila ba isa siyang dayuhan sa pook na iyon.Nang marating na niya at ni Dr. Santos ang kanilang bahay, nakita niya ang ina at dalawang nakakabatang kapatid sa pinto ng silid ng kanyang ama. Pumunta siya sa sariling silid ngunit muling nagbalikwas ng marinig ang mga hirap na paghingal at pigil na pag-iyak. Nasalubong niya si Dr. Santos at sinabihan na maiwan nalang at huwag na siyang ihatid dahil kakailanganin daw siya. Mula sa mga sinasabi ng kanyang ina, iyakan ng mga kapatid hanggang sa nakaratay na ama, napagtanto niyang nalalapit na talaga ang oras ng kamatayan ng kanyang ama. May kumurot sa kanyang laman, at bigla ay nadama niyang kilala na niya ang silid na iyon at lumapit siya siya sa ama.


Anu ang buod ng banyaga?

Mula nang dumating is Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit sa isang taon - kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumukibo sa tumitingin sa kanya ay iyon din ang katanungang wari ay nababsa niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap. At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya bago iyon sinuklay. Nandidilat si Nana Ibang nang ulitin ang tanong. "Serbesa ba 'kama, bata ka, ha?" Nguniti siya kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito, idinigtong niya ang paliwanag. "Hindi masama'ng amoy, Nana." Ngayon, sa kanyang pandinig ay hindi nakaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa kanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan naito na may gilit upang makahakbang siya. "Ibang-iba na ngan ngayon ang...lahat!" at nauulinigan niya ang buntung-hiningang kumawala sa dibdib ng matandang ale. Napangiti siya. Alam niyang iyonm din ang sasabihin ng kanyang ina kung nakabuhayan siya. Pati ang kanyang ama na hindi naging maligoy minsan man, sa pagkakaalam niya, sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya Mente. At ang apat niyang pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya kanginang naka-toreador na itim at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula ulong may taling bandanna, sa kanyang salaming may kulay, hanggang sa kanyang mag mapulang kuko sa paa na nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso. "Sino kaya'ng magmamana sa mga pamangkin mo?" tanong ngayon ng kanyang Nana Ibang. "Ang panganay sana ng Kua mo...matalino..." "Sinabi ko naman sa Inso...ibigay na sa 'kin papapag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisan naman ako. Ang hirap sa kanila...ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang...noon...kung natakot ako sa iyakan..." Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib. "Tigas nga naming iyakan nang lumawas ka..." ayon ni Nana Ibang. "Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba 'ko sa timpalak na 'yon kung hindi ako nakasisigurong kaya ko ang eksamen?" Malinaw sa isip ang nakaraan. Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumaping panyolito sa kanyang batok. "Pinapawisan ka an, e. Ano bang oras ang sabi no Duardo na susunduin ka?" "Alas-tres daw. Hanggang ngayon ba'y gano'n dito?" at napangiti siya. "Ang alas-tres, e, alas-singko? Alas-kuwatro na, a! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang kotse ko. Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika..." "Naiinip ka na ba/" agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinabi. "Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik din ngayon sa Maynila." "Ano? K-kahit gabi?" Napatawa si Fely. "Kung sa Amerika...nakapunta ako at nakabalik nang nag-iisa, sa Maynila pa? Ilang taon ba 'kong wala sa Pilipinas? Ang totoo..." Boglang nauntol ang kanyang pagsasalita nang marinig niya ang mahinang tatat ni Aling Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang malungkot na mukha nito. At biglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya kangina. Ang pinipigil na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang mga pamangkin. Ibinukod si ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangking sa pangaln at larawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Iba ang may dala ng platitong kinalalagyan ng sabong mabangong alam niyang ngayon lamang binili. Nakasampay sa isang bisig nito ang isang tuwalyang amay moras. At napansin niyang nagkatinginan ang kanyang mga kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya. "Ayan naman ang kubyertos...pilak 'yan!" hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. " 'Yan ang uwi mo...noon...hindi nga namin ginagamit..." Napatawa siya. "Kinikutsara ba naman ang alimango?" Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi ka ba nagbago ng loob, di sana'y nilitson ang biik sa silong, kasi, sabi...hindi ka darating... Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niya - ngayon lamang gagawin ang gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School. Waring hindi niyan matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagtapos sa kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng samahan. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila. Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isag tumigil na sasakayan sa harapan ng bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sa gusali ng paaralan. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang takong. "Sa kotse n," ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya masabi: Baka ako masilat...baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan. Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya ng matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse ay maraming matang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaki, na nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napamaang. "Ako nga si Duardo!" Pinigil niya ang buntung-hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang tsinelas ba hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo. "Bakit hindi ka rito?" tanong niya. Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. "May presidente ba ng samahan na ganyan?" "A...e..." Hindi kinakailangang makita niyang nakaharao si Duardo. Napansin niya sa pagsasalita nito ang panginginig ng mga labi. 'A-alangan...na 'ata..." Nawala ang ngiti ni Fely. Sumikbo ang kanyang dibdib. Si Duardo ang tanging lalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagtapos. "Natutuwa kami at nagpaunlak ka..." walang anu-ano'y sabi ni Duardo, "Dalawampu't dalawang taon na..." "Huwag mo nang sasabihin ang taon!" biglang sabi ni Fely, lakip ang bahagyang tawa. "Tumatanda ako." "Hindi ka nagbabago,' sabi ni Duardo. "Parang mas...mas...bata ka ngayon. Sayang...hindi ka makikita ni Menang..." "Menang?" napaangat ang likod ni Fely. "Kaklase natin...sa apat na grado," paliwanag ni Duardo. "Kami ang..." at napahagikhik ito. "Kamakalawa lang isinilang ang aming pang-anim...' "Congratulations!" pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan. "Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon," patuloy ni Duardo nang hindi na siya kumibo. "Ibang-iba kaysa...noon..." "Piho nga," patianod niya. "Hindi naman kasi 'ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako. Lagi pa 'kong nagmamadali..." "Pumirmi na nga rin kami sa bayan kaya hindi naman tayo nagkikita..." Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang kanyang salaming may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin. At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig ang kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na rin siya makilala pa ng pook na binalikan niya.


What is the script for Noli Me Tangere?

SCENE 1 Isang Salu-salo PADRE DAMASO: Hindi ba ninyo batid na marami sa mga Indiyo ang mangmang? LARUJA: Padre Damaso, hindi rin ba ninyo batid na nasa tahanan tayo ng isang Indiyo? PADRE SIBYLA: Maaaring masaktan mo si Kapitan Tiyago. DAMASO: Hmp! Matagal nang ipinagpalagay ni Tiyago na siya'y hindi isang Indiyo. Inuulit ko, wala nang makakatalo sa kamangmangan ng mga Indiyo! Biglang natigil ang usapan nang dumating si Kapitan Tiyago kasama si Crisostomo Ibarra. TIYAGO: Mga kaibigan, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo, ang dahilan ng pagsasalong ito...ang anak ng nasira kong kaibigan, si Don Crisostomo Ibarra. Kararating lamang niya mula sa Europa. CRISOSTOMO: Buenos Noches Amigos. Sa mga kura sa aking bayan...at sa matalik na kaibigan ng aking ama, Padre Damaso (hindi pinansin) ...patawarin po ninyo ako sa aking pagkamamali. DAMASO: Hindi ka nagkakamali. Ako nga si Padre Damaso, ngunit kailanma'y hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama. TINYENTE: Kayo na nga ba ang anak ng yumaong si Rafael Ibarra? CRISOSTOMO: Sa inyong lingkod, Señor Tinyente. TINYENTE: Maligayang pagdating. Nawa'y mas maging mapalad kayo kaysa sa inyong ama. CRISOSTOMO: Maraming salamat po. UTUSAN: Nakahanda na ang hapunan! Ang mahahalagang tauhan ay patungo na sa hapagkainan. Hindi sinasadyang naapakan ni Tinyente Guevarra ang laylayan ng bestida ni Donya Vidtorina. VICTORINA: Wala ka bang mga mata? TINYENTE: Mayroon po, Señora. Mga matang mas malinaw pa kaysa sa inyo. Ngunit ako ay nakamasid sa kulot ninyong buhok. Sa hapagkaianan. LARUJA: Señor Ibarra, sa halos pitong taong ninyong pamamalagi sa ibang bansa, ano'ng pinakamahalagang bagay ang nakita n'yo? CRISOSTOMO: Nang natutunan ko ang kasaysayan, nalaman kong ang kalayaan o ang pagkaalipin ng isang bansa ang nagdidikta ng kasaganahan o paghihikahos nito. DAMASO: Nagawa mong lustayin ang iyong yaman para lamang diyan? Wala ka na bang nakitang mas mahalaga? Isa kang bulag! Kahit ang isang bata'y alam iyan. CRISOSTOMO: Nagpapasalamat ako't palagay ang loob ng dating kura sa akin. Nawa'y ipagpaumanhin ninyo ako. Kagagaling ko lamang sa mahabang biyahe at may aasikasuhin pa ako bukas. Para sa España at Pilipinas! TIYAGO: Huwag ka munang umalis, darating pa si Maria Clara. IBARRA: Bibisitahin ko po siya bukas. Sa ngayon ay may importante pa akong dapat gawin. Nakaalis na nga si Ibarra. PADRE DAMASO: Nakita na ninyo? Ganyan ang nangyayari sa mga kabataang ipinapadala sa Europa! Nagiging mayabang at mapagmataas! Kaya nararapat lamang talagang ipagbawal na ang pagpapadala ng mga kabataan sa Europa! End of Scene. SCENE 2 Erehe at Pilibustero Sa kalyeng maraming tao, abala si Ibarra sa kaiisip habang siya'y naglalakad. Bigla siyang napahinto nang may kamay na pumatong sa kanyang balikat. TINYENTE: Señor Ibarra. CRISOSTOMO: Tinyente, kayo pala. Ginulat po ninyo ako. TINYENTE: Mag-ingat kayo, Señor. Maging aral sana sa inyo ang nangyari sa inyong ama. CRISOSTOMO: Tila may nalalaman kayo tungkol sa pagkamatay ng aking ama. Maaari ba ninyong sabihin sa akin? TINYENTE: Wala ba kayong nalalaman? Sa pagkakaalam ko, namatay ang iyong ama sa loob ng bilangguan. CRISOSTOMO: Sa bilangguan?! Nakulong po ang aking ama? Hindi kaya kayo'y nagkakamali lamang? TINYENTE: Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay namatay sa bilangguan. Si Rafael Ibarra, siya na pinagbintang erehe at pilibustero ni Padre Damaso. CRISOSTOMO: Maaari ba ninyong sabihin sa akin ang buong pangyayari? Bakit po siya nakulong? TINYENTE: Noon ay mayroong isang Kastilang mangmang at masama ang ugali na naging kolektor ng buwis. Nang siya'y nangongolekta, minsan siyang napagkatuwaan ng mga bata… Flashback: Naglalakad ang kolektor dala-dala ang isang lapis at papel. Pinagtatawanan siya ng mga bata. BATA 1: Ba-be-bi-bu-bo! Ha Ha Ha! BATA 2: Hindi ba't hindi siya marunong magsulat? Para saan kaya ang lapis niyang dala? Ha ha ha! KOLEKTOR: Tigilan n'yo ko! Baka kung ano ang magawa ko sa inyo! Ano'ng sabi n'yo? Hinabol ng kolektor ang mga bata. Hinagisan niya ng baston ang isang bata at ito'y natamaan. Nahuli niya ito at kanyang sinaktan. KOLEKTOR: Ikaw, ano'ng sabi mo?! BATA: Ahh! Nagbibiro lamang po ako. Ahh-- RAFAEL IBARRA: Bitawan mo sila! Tinulak ni Don Rafael ang kolektor ng buwis at ito'y nawalan ng balanse. RAFAEL IBARRA: Hindi ko mapapayagang saktan ninyo ang mga bata. End of flashback. TINYENTE: Sa kasamaang palad ay ilang minuto lamang ay namatay ang kolektor. Dahil dito'y hinuli ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat, at pinagbintangan ng kung anu-ano. Dahil sa kabiguan niyang makalaya, nasira ang kanyang kalusugan at sa bilangguan na namatay. IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan... Ama ko... End of Scene. SCENE 3 Pagsusuyuan sa Asotea MARIA CLARA: Bakit kaya wala pa siya? Sinilip ni Maria Clara ang bintana upang makita kung sino ang dumating. Nang nakita niya si Crisosotomo ay agad siyang tumakbo sa kanyang silid at nagpaganda. Pumasok naman si Crisostomo at siya'y sinalubong ni Tiya Isabel. CRISOSTOMO: Magandang araw po, Tiya Isabel. TIYA ISABEL: Magandang araw din sa iyo iho. CRISOSTOMO: Nandito po ba si Maria Clara? TIYA ISABEL: Maupo ka na lamang iho at tatawagin ko siya sandali. Si Tiya Isabel ay kumatok sa pinto ng silid ni Maria Clara. TIYA ISAEL: Maria Clara, si Tiya Isabel mo ito. MARIA CLARA: Pasok po kayo, tiya. TIYA ISABEL: Iha, nariyan na si Crisostomo. Paghihintayin mo pa ba siya? MARIA CLARA: Hindi na po, Tiya. Lumabas si Maria Clara. CRISOSTOMO: Hindi pa rin kumukupas ang iyong ganda, Maria Clara. Nagtungo silang dalawa sa Asotea. MARIA CLARA: Hmp! Nakapunta ka lang sa Europa, tumamis na ang iyong mga salita. Marahil, maraming magagandang babae sa ibang bansa ang nahulog sa pambobola mo. CRISOSTOMO: Mahal ko, alam mo bang ako ay isang mapalad na nilalang? MARIA CLARA: Mapalad? Bakit? Dahil sa mga babae mo? CRISOSTOMO: Mapalad dahil ipinagpasya ng ating mga magulang na ikasal ako sa pinakamagandang babae na ngayon ay nasa aking harapan. MARIA CLARA: Asus! Binola pa ako. CRISOSTOMO: Labis akong nangulila sa iyo, Maria. MARIA CLARA: Higit akong nangulila, Crisostomo. CRISOSTOMO: Patawarin mo ako kung ako'y magpapaalam na. Kailangan ko nang umuwi sa San Diego dahil bukas ay Araw ng mga Patay. Hanggang sa muli, mahal ko. MARIA CLARA: Sandali. Pumitas ng mga bulaklak si Maria Clara at ibinigay ang mga ito kay Crisostomo. MARIA CLARA: Ialay mo ang mga ito sa iyong mga magulang. CRISOTOMO: Maraming salamat, mahal ko. Lumakad na si Ibarra. MARIA CLARA: Mag-iingat ka, mahal kong Crisostomo. End of Scene. SCENE 4 Araw ng mga Patay May dalawang lalaking naghuhukay sa sementeryo. LALAKI 1: Sinunod mo ba ang utos niya? LALAKI 2: Tumigil ka na nga sa kakatanong, maghukay ka na lang diyan. LALAKI 1: Ayoko na! Ayoko nang maghukay! Dumating na sina Crisostomo at ang kanyang alalay. CRISOSTOMO: Nasaan ba? ALALAY: Sa likod po ng malaking crus, senyorito. CRISOSTOMO: Dito ba? ALALAY: Ngunit…hindi po rito ang natatandaan ko. Sandali lamang po at ipagtatanong ko. Nilapitan ng alalay ang naghuhukay at nagtanong. ALALAY: Alam mo ba kung saan ang malaking krus na itinirik dito? LALAKI 2: Ah, iyong malaking krus? Sinunog ka na iyon. ALALAY: Ano? Bakit mo naman ginawa iyon? LALAKI 2: Napag-utusan lamang ako ng malaking kura. CRISOSTOMO: At anong ginawa mo sa bangkay?! LALAKI 2: Sinabi sa akin ng malaking kura na dalhin ko raw ito sa libingan ng mga Intsik. CRISOSTOMO: At ginawa mo naman?! LALAKI 2: 'Wag po kayong magalit, senyor. Masyadong mabigat ang bangkay, at umulan pa nang gabing iyon kaya…itinapon ko na lamang ito sa ilog. CRISOSTOMO: Itinapon?! Isang kabaliwan ang iyong ginawa! Lumakad si Crisostomo at nang nakita niya si Padre Salvi, sinunggaban niya ito. CRISOSTOMO: Ano'ng ginawa mo sa aking ama? SALVI: Nagkakamali ka. Wala akong ginawa sa- CRISOSTOMO: Ano'ng wala? SALVI: Hindi ako! Tinitiyak ko sa'yo. Hindi ako, kundi sa Padre Damaso. Binitiwan siya ni Crisostomo at tuluyan ng lumayo. End of Scene. SCENE 5 Ang Dalawang Sakristan Nangangampana ang dalawang sakristan na sina Basilio at Crispin. BASILIO: Magpahinga na muna tayo Crispin. Naupo silang dalawa sa may sulok. CRISPIN: Magkano ba ang kita mo ngayong buwan, Kuya? BASILIO: Dalawang piso, bakit ba? CRISPIN: Nais kong bayaran mo ang sinasabi nilang ninakaw ko. BASILIO: Sira ka ba, Crispin? Diba't tatlumpu't dalawang piso ang binibintang nila sa iyo? Kahit isang taon pa akong magtrabaho, hindi ko mababayaran iyan. CRISPIN: Ngunit wala talaga akong ninakaw! Wala akong ninakaw. kuya…Kapag nalaman 'to ng Inay...natatakot ako. BASILIO: Tahan na, Crispin. Hindi rin naman maniniwala si Inay. Tahan na. 'Wag kang mawalan ng-- Naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating ang Sakristan-Mayor. SAKRISTAN: Basilio, may multa kang dalawang real dahil sa hindi tamang pagpapatunog ng kampana…At ikaw Crispin, hindi ka maaaring umuwi hanggang hindi mo isinasauli ang ninakaw mo! CRISPIN: Ngunit wala po talaga akong ninakaw. SAKRISTAN: Magsisinungaling ka pa! Hinawakan ng sakristan sa braso si Crispin at hinila ito pababa ng hagdan. Ngunit nakahawak rin si Basilio sa kapatid. BASILIO: Matagal na po naming hindi nakikita ang aming Inay. Pagbigyan n'yo na po- Sinaktan ng sakristan-mayor si Basilio hanggang sa ito'y hindi na halos makatayo. Muli niyang hinila si Crispin at ito'y ikinaladkad pababa ng hagdan. CRISPIN: Kuya, tulungan mo ako! Papatayin nila ako! BASILIO: Crispin… Nang nakaalis na ang dalawa, pilit niyang iniahon ang kanyang sarili at tumakas siya gamit ang lubid ng kampana. End of Scene. SCENE 6 Ang Pamilya ni Sisa Abala si Sisa sa paghahanda ng pagkain para sa mga anak. SISA: Marahil ay gutom na gutom na ang mga anak ko...Hindi ko sila hahayaang magutom...Kaya naghanda ako ng masarap na pagkain... Biglang dumating ang lasing na si Pedro. PEDRO: May makakain ba? SISA: Mayroon. PEDRO: Nasaan?! Bilisan mo't nagugutom na ako! SISA: Ahh- Oo. Narito na. Kinain ni Pedro ang lahat ng pagkain. SISA: Wala nang natira? Ngunit paano'ng mga anak mo? PEDRO: Bakit?! May reklamo ka?! SISA: Wala. Wala- PEDRO: Teka, nasaan na ba ang mga batang iyon? SISA: Nasa kumbento pa. Pero uuwi rin sila- Nakita ni Sisa na paalis na ang asawa. SISA: Sandali, hindi mo ba sila hihintayin? PEDRO: Inuutusan mo ba ako?! Aalis ako kung kailan ko gusto! At umalis na nga si Pedro. SISA: Kawawang mga anak ko. Magsasaing na lamang ako ulit. Ilang minuto lamang ay dumating si Basilio. BASILIO: Inay! Inay! Gising pa po ba kayo? Inay! SISA: Basilio! Anak ko! Anon'ng nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak? Bakit ka sugatan? BASILIO: Tumakas po ako sa kumbento. Takot na takot na po ako. At si Crispin po-- SISA: Bakit, ano bang nangyari kay Crispin? Nasaan na siya? BASILIO: Naiwan po siya sa kumbento, Inay. Hindi po siya pwedeng umuwi dahil pinagbintangan siyang nagnakaw. SISA: Ano? Inakusahan ang mabait kong si Crispin? Dahil ba sa mahirap lang tayo, kailangan nating magdusa? BASILIO: Inay… SISA: Bakit, Basilio? Nagugutom ka? Halika ka, heto…heto ang kanin at tawilis. Kumain ka, anak ko. BASILIO: Ngunit hindi po ako kumakain ng tawilis, Inay. SISA: Alam ko, anak. Naghanda akong ng ibang ulam kanina, ngunit dumating ang iyong ama. BASILIO: Dumating si Itay? SISA: Oo. BASILIO: Pero umalis din siya agad, hindi po ba? SISA: Basilio! BASILIO: Patawad po, Inay. Isinara ni Sisa ang pinto at siya'y napabuntong-hininga. SISA: Diyos ko... Ano bang gagawin ko? End of Scene. SCENE 7 Ang Pagkabaliw ni Sisa Tumungo si Sisa sa kumbento dala-dala ang isang bakol na puno ng mga gulay. Nakita siya at kinausap ng utusan. UTUSAN: Para saan ang mga 'yan ale? SISA: Para sa kura, nais ko sana siyang makausap. UTUSAN: May sakit ang kura ngayon, tungkol saan ba ito? SISA: Hindi pa kasi umuuwi ang anak kong si Crispin. UTUSAN: Crispin? Kung gano'n, ikaw ang ina ng magnanakaw? Aba'y matapos magnakaw ng batang iyon, ay tumakas rin! Inutusan pa nga ako ng mga kura na magpunta sa kwartel at magsuplong. Sa katunayan ay papunta na ang mga guardia civil sa inyong tahanan upang hulihin ang mga magnanakaw mong anak. SISA: Hindi…hindi magnanakaw ang mga anak ko. KUSINERA: Hoy! Ina ng mga magnanakaw! 'Wag mong iyakan ang mga anak mo! Wala kang mapapala sa kanila dahil nagmana saila sa kanilang ama! Tamatakbong tumungo si Sisa at nakita niya ang mga Guardia Civil. GUARDIA CIVIL: Ikaw ba si Sisa, ang ina ng magnanakaw? SISA: Opo, ako nga ho si Sisa, ngunit hindi po magnanakaw ang mga anak ko. GUARDIA CIVIL: 'Wag mo nang ipagkaila, kung ayaw mong lumala pa ang sitwasyon. Sabihin mo na kung saan mo itinago si Crispin! SISA: Señor, ilang araw ko na hong hindi nakikita si Crispin. GUARDIA CIVIL: Eh, kung ganoon, isauli mo na lamang ang perang ninakaw ng iyong mga anak! SISA: Señor, kahit pa minsang nagugutom ang mga anak ko, hinding-hindi nila magagawa ang magnakaw, maniwala kayo. GUARDIA CIVIL: Sinungaling! Pero kung iyan iyong gusto, Ikaw ang ikukulong naming hanggang hindi isinasauli ng mga anak mo ang mga ninakaw nila. SISA: Pero wala ho talagang ninakaw ang mga anak ko, Señor. Parang awa n'yo na, 'wag n'yo po akong ikulong… Dinala ng mga guardia civil si Sisa sa kuwartel. GUARDIA CIVIL: Mabubulok ka sa bilangguan hanggang hindi ka magsasabi ng totoo! Dumating ang alperes at nalaman ang tungkol kay Sisa. ALPERES: Kamalian 'yan ng kura! Pakawalan n'yo siya at 'wag n'yo na siyang gagambalin pa, at kung gusto ng kura na na maibalik ang kanyang mga ginto, sabihin n'yo sa kanya na manalangin siya kay San Antonio! Agad nilang pinakawalan si Sisa. GUARDIA CIVIL: Umalis ka na rito! Wala nang maipapakain ang gobyerno sa'yo! Ha! Ha! Ha! Tumakbo si Sisa patungo sa kanilang bahay. SISA: Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo? May nakita siyang damit na duguan. SISA: Ano 'to? Damit ni Basilio? Dugo…Bakit may sugat ang anak ko? Ha! Ha! Ha! Dugo ng anak ko! Ang magnanakaw kong anak! Ako' ang ina ng mga magnanakaw! Ha! Ha! Ha! Dugo! At tuluyan nang nabaliw ang kawawang si Sisa. End of Scene. SCENE 8 Ang Pangingisda Si Maria Clara ay masayang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan. KAIBIGAN 1: Maria Clara, kumusta na kayo ni Ibarra? MARIA CLARA: Kami ni Ibarra? Anong "kami" ni Ibarra? KAIBIGAN 2: Hindi ba't kararating lamang niya? MARIA CLARA: Oo…sa katunayan ay papunta na siya dito ngayon at sabay kaming mangingisda… MGA KAIBIGAN: Uuuuuyy… Hindi katagalan… MARIA CLARA: O, nandito ka na pala, Crisostomo. IBARRA: Maaari na ba tayong umalis, mahal ko? MARIA CLARA: Kung iyan ang nais mo… Sa palaisdaan… ELIAS: Señorita Maria Clara, saan po ninyo gustong pumunta? MARIA CLARA: Nais ko sanang pumunta sa palaisdaan ng aking ama. Malayo pa ba? ELIAS: Naku hindi po, señorita. Ilang sandali na lamang at makakarating na rin tayo doon. MARIA CLARA: Ano iyon? ELIAS: Marahil ay kahoy lamang po. MARIA CLARA: Ah kahoy lamang pala. IBARRA: Kahoy pa rin ba iyon? ELIAS: Sandali lamang po at titingnan ko- Isang buwaya!!! MARIA CLARA: May buwaya! ELIAS: Kaya pala nauubos na ang mga isda sa ilog na ito! Kailangang mamatay na ang buwaya na iyan! MARIA CLARA: Crisostomo, nanganganib ang buhay niya! IBARRA: Huwag kang mag-alala, mahal ko. Ililigtas ko siya. MARIA CLARA: Ibarra! Makalipas ang ilang sandali. MARIA CLARA: (Umiiyak) Nasaan na sila? Baka kung ano na ang nangyari sa kanila. TAUHAN: Ligtas sila! Ligtas sila! ELIAS: Maraming salamat po sa pagligtas ninyo sa buhay ko, Señor Ibarra. Balang araw, sa panahong kailangan ninyo ng tulong, nakahanda po akong tulungan kayo. KABABAIHAN: Isa kang tunay na bayani, Ibarra! Mabuhay ka! End of Scene. SCENE 9 Ang Panghugos Maraming tao sa paligid dahil ito ang araw ng pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay paaralan na itatayo ni Ibarra. GOBERNADOR: Señor Ibarra, ikaw naman ang maglagay ng palitada sa ibabaw ng bato. IBARRA: Ikasisiya ko po, gobernador. Lumapit si Ibarra sa malaking bato upang ilagay ang palitada. IMBENTOR: Isang maling galaw mo lamang, tiyak patay ka. Itinulak ni Elias ang imbentor kaya ito ang natamaan ng malaking bato at ito'y namatay. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita. IBARRA: Ano'ng ibig-- Elias? ELIAS: Mag-iingat kayo, Señor. Hindi lamang ito ang maaaring mangyari sa inyo. Saka ko na lamang sasabihin sa inyo ang lahat. Tumakbo palayo si elias. IBARRA: Sandali-Ano'ng nangyari sa taong ito? TAUHAN: Muntik na kayong patayin ng taong iyan! GOBERNADOR: Ngunit siya rin ang nabiktima sa masama niyang balak. IBARRA: Kung gano'n, ako na lamang ang magpapalibing sa kanya. TAUHAN: Paumanhin Señor Ibarra, ngunit hindi ba't pinagtangkaan niya ang inyong buhay? IBARRA: Oo nga, ngunit...siya ang nasawi. Ano pa bang parusa ang dapat niyang matanggap? Pinapatawad ko na siya. KABABAIHAN: Ang bait-bait talaga niya. Mabuhay ka, Crisostomo Ibarra! End of Scene. SCENE 10 Ang Pananghalian Sa isang malaking hapag, nananghali sina Crisostomo, Maria Clara at ang ibang mga panauhin. Biglang dumating si Padre Damaso at binati siya ng lahat maliban kay Ibarra. IBARRA: Mahal ko, nagustuhan mo ba ang pagkakagawa ng itinayo kong paaralan? MARIA CLARA: Siyempre naman, mahal ko. Sa kabilang bahagi ng hapagkainan nagdadabog ang galit na kura. DAMASO: Hindi man lamang niya ko binati sa aking pagdating?! Talagang tumaas na ang tingin niya sa kangyang sarili! Nakapunta lamang siya sa Europa, aba'y akalain mong sino kung umasta! MARIA CLARA: 'Wag mo na lamang pansinin ang kanyang sinasabi, mahal ko. IBARRA: Kung alam mo lamang kung ganoo ako nagtitimpi sa kurang iyan. DAMASO: Katulad lamang siya ng kayang ama! Akalain mong isang desente ngunit hindi rin marunong gumalang sa batas ng simbahan… IBARRA: Patawarin mo ako Maria Clara, pero hindi ko na ito matitiis pa! DAMASO: ...tama lamang na siya'y pinarusahan na mamatay sa kulungan at-- Hindi na natuloy ni Padre Damaso ang kanyang sasabihin dahil sinunggaban siya ni Ibarra na hawak-hawak ang isang patalim. IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit 'wag na 'wag ninyong babastusin ang alaala ng aking ama! KABABAIHAN: Maghunos-dili ka Ibarra. Alagad ng Diyos ang kinakalaban mo. IBARRA: Alagad ng Diyos? Paano n'yo nasabing siya'y alagad ng Diyos? Ang taong ito ang naghatid sa aking ama sa kabiguan, na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. At ngayon, nagawa pa niyang bastusin ang alala nito. Ganito ba ang gawain ng isang alagad ng Diyos? MARIA CLARA: Crisostomo! Pakiusap…alang-alang man lamang sa akin, 'wag mong saktan si Padre Damaso. Binitawan ni Ibarra ang takot na si Padre Damaso. IBARRA: Maria Clara, kung hindi lamang kita mahal, baka nakita n'yo na kung may dugo ba talagang dumadalo'y sa mga ugat ng taong iyan! Lumisan si Ibarra at iniwan ang umiiyak na si Maria Clara. End of Scene. SCENE 11 Si Donya Consolacion at Sisa Narininig ni Donya Consolacion si Sisa na umaawit kaya ipanatawag niya ito sa mga guardia civil. CONSOLACION: Mga guardia civil! GUARDIA CIVIL: Bakit po Señora? CONSOLACION: Sino iyang kumakanta? GUARDIA CIVIL: Siya po, ang baliw. CONSOLACION: Dalhin n'yo siya rito. GUARDIA CIVIL: Masusunod po, Señora. Kinuha ng mga guardia civil ang baliw na si Sisa. GUARDIA CIVIL: Narito na po siya, Señora. CONSOLACION: Pakantahin n'yo siya. GUARDIA CIVIL: Hoy Baliw! Umawit ka! Awit na! Awit na! At umawit naman si Sisa. CONSOLACION: Magaling! Mga guardia civil, maaari na kayong umalis. GUARDIA CIVIL: Opo, Señora. Umalis ang mga guardia civil. CONSOLACION: Hoy Baliw! SISA: Baliw? Sinong baliw? Ha! Ha! Ha! Baliw! CONSOLACION: Sumayaw ka! SISA: Sumayaw? CONSOLACION: Gayahin mo ako. Sumayaw ang donya. SISA: Ha! Ha! Ha! Sumasayaw ang matandang baliw! CONSOLACION: Hoy! Hindi ako ang baliw! Ikaw! SISA: Ako? Ako ang baliw? Ha! Ha! Ha! Ako ang baliw! CONSOLACION: Oo. Ikaw nga! At inuutusan kitang sumayaw! SISA: Ayoko. Ayokong sumayaw! Baliw lang ang sumasayaw. Ha! Ha! Ha! Pinalo ni Donya Consolacion si Sisa gamit ang isang latigo. CONSOLACION: Sabi nang ikaw ang baliw! Baliw ka talaga! Baliw! Baliw! SISA: Aray! Biglang dumating ang Alperes at inawat ang donya. ALPERES: Consolacion! Ano ba itong ginagawa mo?! CONSOLACION: Bitiwan mo nga ako! Tuturuan ko ng leksyon ang baliw na 'yan! ALPERES: Tumigil ka nga! Hindi ka na naawa. May sira ka na rin talaga, ano? SISA: Dugo! Basilio? Crispin? Ang mga anak ko! Dugo! Ha! Ha! Ha! ALPERES: Mga Guardia Civil! Bihisan n'yo at gamutin ang babaeng ito. Bukas ay ihatid n'yo siya sa tahanan ni Crisostomo Ibarra. End of Scene. SCENE 12 Si Alfonso Linares Sa tahanan nila Kapitan Tiyago ay dumating ang mag-asawang de Espadaña kasama ang isang binatang Kastilang nagngangalang Alfonso Linares upang alamin ang kalagayan ng may sakit na si Maria Clara. TIYAGO: O Doña Victorina, kayo pala. Tuloy kayo. VICTORINA: Magandang araw, Kapitan Tiyago at Isabel. TIYAGO: Mukhang may kasama yata kayo- VICTORINA: Ahh oo-- ALFONSO: Magandang araw po, ako nga po pala si Alfonso Linares. TIYAGO: Magandang araw rin sa iyo, iho. TIBURCIO: Kumusta na ang kalagayan ni Maria Clara? ISABEL: Wala pa rin pong pagbabago, Don Tiburcio. Nagtungo sila sa silid ni Maria Clara. TIBURCIO: Iha, kumusta na ang iyong pakiramdam? MARIA CLARA: Sumasakit pa rin po ang aking ulo, doktor. ALFONSO: Doña Victorina, siya po ba si Maria Clara? VICTORINA: Oo, Alfonso. ALFONSO: Tunay nga po talagang napakaganda niya. Biglang dumating ang matabang kura na si Padre Damaso. TIYAGO: Magandang araw po, Padre Damaso. DAMASO: Nasaan na siya? TIYAGO: Nagpapahinga po siya sa kanyang silid. Nagtatakbong tumungo si Padre Damaso. DAMASO: Maria Clara! MARIA CLARA: Padre Damaso...salamat po sa pagbisita ninyo. DAMASO: Labis akong nag-alaala sa iyo, iha. Magpagaling ka kaagad. MARIA CLARA: Opo. DAMASO: O sige iha, magpahinga ka muna. MARIA CLARA: Opo, padre. Lumabas si Padre Damaso sa silid ni Maria Clara at pumunta sa sala. VICTORINA: Padre Damaso. DAMASO: Victorina, sino iyang kasama mo? VICTORINA: Ang totoo niyan ay kanina ko pa po siya gustong ipakilala sa inyo, padre. Siya po si Alfonso Linares, ang inaanak ng inyong bayaw. DAMASO: Inaanak ng aking bayaw? Ikaw na nga ba ang inaanak ni Carlicos? ALFONSO: Opo, ako na nga po, padre. DAMASO: Ano'ng saya ko't sa wakas ay nakita na kita, iho. ALFONSO: Ako rin po, padre. Matagal ko na po kayong gusto makilala. VICTORINA: Nandirito po siya upang maghanap ng mapapangasawa, padre. DAMASO: Ng mapapangasawa? Madali lamang iyan...maghintay ka lamang, iho. End of Scene. SCENE 13 Ang Dalawang Donya Naglalakad na magkahawak-kamay ang mag-asawang de Espadaña kasama si Linares hanggang sa napadaan sila sa tahanan ni Doña Consolacion. CONSOLACION: Pwe! Ano ba naman 'yan! Ang papangit naman ng dumadaan! VICTORINA: Hoy! Labandera, kami ba ang pinariringgan mo?! CONSOLACION: Bakit, nataman ka ba? Ha! Ha! At ano'ng sinabi mo? Labandera? Gusto mo labhan ko 'yang kulot mong buhok? Baka naman gusto mo plantiyahin ko pa? VICTORINA: Hoy matandang mangkukulam, kung makapagsalita ka, akala mo kung sino kang maganda! Bumaba si Doña Consolacion hawak-hawak ang latigo ng asawa Tiyempo namang dumatig ang alperes. CONSOLACION: Ano'ng sabi mo?! Gusto mong magtuos tayo? VICTORINA: Hindi kita uurungan! Namagitan si don Tiburcio sa kanilang labanan. ALPERES: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata! VICTORINA: Alperes, pagsabihan mo iyang asawa mong mukhang mangkukulam! ALPERES: Kung hindi ka lang isang babae- TIBURCIO: Tayo na Victorina, wala tayong mapapala sa mga iyan. CONSOLACION: Ang kapal ng mukha mo, pilay na pekeng manggagamot! Nagtungo ang mag-asawang de Espadaña sa tahanan ni Kapitan Tiyago. VICTORINA: Tiburcio, bakit hindi mo man lamang hinamon ang mayabang na alperes na 'yon?! TIBRUCIO: Mukha ba akong may laban sa kanya? VICTORINA: Ikaw Alfonso! Binabalaan kita, kapag hindi mo sila hinamon, hindi ka makakasal kay Maria Clara, at malalaman ng lahat ang tunay mong pagkatao! End of Scene. SCENE 14 Ang Pagdakip kay Ibarra Natungo si Elias sa tahanan ni Crisostomo Ibarra. ELIAS: Tao po! Tao po! IBARRA: Elias! ELIAS: Señor Ibarra, iligtas po ninyo ang inyong sarili, umalis na kayo sa lugar na ito. IBARRA: Ano'ng ibig mong sabihin? ELIAS: May pag-aalsa pong magaganap at kayo ang palalabasing nagpasimuno nito. IBARRA: Ngunit sino ang…? ELIAS: Hindi ko po alam kung sino ang may pakana nito, Señor. IBARRA: Ano pa ba ang dapat kong gawin? ELIAS: Ihanda po ninyo ang inyong mga papeles at sunugin po ninyo ang mga ito. Magtungo kayo kahit saan-iyong hindi nila kayo masusundan. Alam ko pong mahirap ang basta-basta na lamang umalis sa bayan na ito, ngunit, wala na pong ibang paraan. IBARRA: Maraming salamat, kaibigan. Pumunta si Ibarra sa tahanan nila Kapitan Tiyago habang pinamunuan ni Padre Salvi ang dasal. Bigla silang nakarinig ng sunud-sunod na putok. Sumigaw ang Alperes sa labas. Nataranta silang lahat at nagmadaling umuwi si Ibarra at nag-empake. Bigla namang may kumalabog sa pinto. IBARRA: Sino 'yan? SARHENTO: Kami'y mga alagad ng batas! IBARRA: Bakit po- SARHENTO: Arestado ka! Sumama ka sa amin! Mahinahong sumama si Ibarra sa kanila. Bumalik si Elias sa tahanan ni Ibarra at sinunog ito at agad na umalis. Nang dumating na ang guardia civil, sunog na ang buong bahay. End of Scene. SCENE 15 Tugisan sa Lawa Isang gabi, may isang salu-salong naganap sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Pinag-uusapan ng mga panauhin ang balita tungkol sa pagkadakip kay Crisostomo Ibarra, kasabay nito ang balitang ikakasal na si Maria Clara sa kastilang si Alfonso Linares. Ang malungkot na dalaga ay nagtungo sa Asotea at pinagmasdan ang ilog. At makalipas ang ilang sandali nakita niya ang isang bangkang paparating. MARIA CLARA: Crisostomo…? IBARRA: Mahal ko...tinulungan ako ni Elias na makatakas. MARIA CLARA: Patawarin mo ako, mahal ko. IBARRA: Hindi masama ang loob ko sa'yo. Ako ang patawarin mo...dahil kailangan ko nang lumayo sa'yo...sa lugar na ito... MARIA CLARA: Hindi. Hindi ka dapat humingi ng tawad, dahil nasisiguro ko, mag-aalinlangan ka sa akin kapag nalaman mong… IBARRA: Nalaman kong ano? MARIA CLARA: ...ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong si Padre Damaso... IBARRA: Paano- MARIA CLARA: Basta lagi mong tandaan, kahit nasaan ka man, ikaw lamang ang iibigin ko, Crisostomo. IBARRA: Paalam, Maria Clara... Umalis na si Ibarra at napaiyak na lamang si Maria Clara. IBARRA: Elias, saan ba tayo tutungo? ELIAS: Sa isang kaibigan ko sa Mandaluyong, Señor. IBARRA: At pagkatapos? ELIAS: Mamuhay po kayo nang tahimik sa ibang bansa. IBARRA: Ako lamang? Bakit hindi mo ako samahan at magturingan tayong parang magkapatid? ELIAS: Para saan pa? IBARRA: Para makabawi ako sa kasalanan ng aking mga ninuno sa inyong pamilya at sa lahat ng tulong mo. ELIAS: May paparating! Magtago kayo gamit ang mga damo. Sinundan sila at sinalubong ng mga bangkang lulan ng mga guardia civil. ELIAS: Marunong po ba kayong sumagwan? IBARRA: Oo. ELIAS: Iligtas ninyo ang inyong sarili…ililigaw ko sila. IBARRA: 'Huwag Elias, labanan natin sila- ELIAS: Magkita tayo sa Noche Buena sa tabi ng puntod ng inyong lolo. Tumalon si Elias at sa tuwing siya'y lilitaw, nakatanggap siya ng mga putok. Nabahisan ng kanyang dugo ang ilog. End of Scene. SCENE 16 Ang Paliwanag ng Pari Nakatitig ni Maria Clara sa pahayagang naglathala ng kamatayan ni Crisostomo. MARIA CLARA: Hindi!!! Hindi ito maaari...mahal ko... DAMASO: Ano'ng nangyari sa'yo, anak ko? MARIA CLARA: Masaya na po ba kayo? DAMASO: Ano'ng ibig mong sabihin- MARIA CLARA: Wala na siya. Patay na si Crisostomo. Wala na ang taong mahal ko... DAMASO: Ngunit- MARIA CLARA: Tanging si Ibarra lang ang mahal ko, walang iba. Hindi ko mahal si Alfonso…at hindi ako magpapakasal sa kanya. DAMASO: Ngunit- MARIA CLARA: Kung itutuloy n'yo pa rin ang pagpapakasal sa aming dalawa…magpapakamatay ako! DAMASO: Patawarin mo ako, iha. Patawarin mo ako…kung nanghimasok ako sa inyo ni Ibarra…sa buhay mo. Patawad, anak ko. MARIA CLARA: Magmomongha na lamang ako. DAMASO: Kung iyan ang iyong kagustuhan. Iniwan ni Maria Clara ang nakaluhod niyang ama. DAMASO: Diyos ko, ito na ba ang parusa sa lahat ng aking nagawang kasalanan? End of Scene. SCENE 17 Noche Buena Nagkitang muli sina Basilio at Sisa. BASILIO: Inay! SISA: Sino ka? BASILIO: Inay, si Basilio po, ang anak n'yo! SISA: Ha! Ha! Ha! Anak? Hindi kita anak…hindi kita kilala. Pumasok si Sisa sa libingan ng matandang kastila. BASILIO: Inay, 'wag po kayong matakot sa akin. Inay! SISA: Basilio? BASILIO: Opo inay, ako nga po. SISA: Anak ko- Biglang nawalan ng malay si Sisa. BASILIO: Inay! Inay! Bakit n'yo po ako iniwan, Inay. Inay! ELIAS: Iho… BASILIO: Sino po kayo? ELIAS: Ano'ng gusto mong gawin sa inay mo? BASILIO: Gusto ko po siyang ilibing sa sementeryo...ngunit wala po akong pera. ELIAS:Kumuha ka na lamang ng panggatong. Malapit na rin ang kamatayan ko, iho. At sa sandaling mangyari iyon, sunugin mo ang aming mga katawan hanggang sa maging abo. Pagkatapos, maghukay ka at may makikita kang kayamanan, gamitin mo ito sa iyong kinabukasan. Naiintindihan mo ba? BASILIO: Opo, ginoo. ELIAS: Mamamatay akong…hindi masisilayan…ang pagsikat ng araw...sa aking bayan. Tumingala si Elias sa langit at nawalan na ng buhay... End of Scene.


People also asked