answersLogoWhite

0


Best Answer

Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na

Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang tagapamahala

ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng pamahalaan at mga

may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga local

na pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlikha katulad ng mga konde at

duke.

Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim.

Sinalakay nila ang iba't ibang panig ng Europa lalo na sa bandang Pransya. Ang mga

Viking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang Pransya

kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon

sa tawag na Normandy.

Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga

mamamayan ng Europa. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksyon

kaya naitatag ang sistemang piyudalismo.

User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Bakit itinatag ang sistemang piyudalismo
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp