Ang isang dahilan ay ang mga hayop (animals) ay may kanya-kanyang likas
na katangian na madaling isalarawan upang mas maging malinaw ang
paglalahad ng kuwento. Mga katangian na tulad ng pagiging maamo (tupa),
mabagsik (lobo), masipag (langgam), mapanlinlang, at marami pang iba.
Ang isa pang dahilan ay nuong unang panahon ay magkakasama ang mga
Tao bagamat sila ay mula sa iba't-ibang lipi at antas ng lipunan. Sa
pamamagitan ng paggamit ng mga hayop bilang pangunahing tauhan sa
pabula ay naiiwasan ang pagkakagalit at pagtatalu-talo ng mga Tao sa
maaaring maging maling pag-aakala na ang kanilang lipi, o antas sa
lipunan, ang tinatalakay at pinupuna pabula,