answersLogoWhite

0

para saakin ay hindi nararapat na isagawa ang mercy killing sapagkat kaya nga tayo mayroong mga ospital at doktor o nars upang pagalingin ang mga taong may karamdaman malala man ang kondisyon o hindi. Isa pa, kung kaya nga mayroon tayong sari-sariling pamilya upang tumulong at dumamay sa atin lalo na sa mga oras na tayo ay nahihirapan at sinusubok ng isang malubhang karamdaman. Kung kaya’t wala dapat sa kanila ang pumabor sa euthanasia kahit pa mismong pasyente na mismo ang nagsabi dahil maaaring pumayag lamang ang isang pasyente sa mercy killing kung pakiramdam niya ay wala na siyang pag-asang gumaling at kung pakiramdam niya ay nalalapit na ang kaniyang oras. Bilang isang pamilya at isang propesyonal na doktor, huwag dapat pumabor sa mercy killing dahil obligasyon ng pamilya na tulungan ang miyembro nito at nararapat lamang na ipaglaban ang buhay ng isang tao kahit pa sa bingit ng kamatayan. Bukod dito, kung kaya’t hindi ako sumasang-ayon sa mercy killing ay dahil wala tayong karapatan na ilagay sa kamay natin ang buhay ng ibang tao at para saakin ay isa itong uri ng paglabag sa moral standard na tinatawag na mayroon tayo dito sa Pilipinas at naniniwala ako na ang bawat tao ay may karapatan na tumamasa ng mapayapang kamatayan.

Kung ilalagay natin ang ating kalagayan bilang isang taong may malubhang karamdaman, gugustuhin ba natin na pagdesisyunan ng ibang tao ang kalagayan ng ating buhay at wakasan ito kahit pa na sa palagay natin ay nalalabi na ang oras na mayroon tayo dito sa mundong ibabaw? Syempre, para saakin hindi ko gusto iyon dahil naniniwala ako na habang nabubuhay ay may pag-asa at may himala. Dagdag pa rito, mas masakit para sa damdamin ng isang taong may malubhang kondisyon ang piliin na wakasan ang sarili niyang buhay lalo pa kung papabor dito ang kaniyang pamilya sapagkat wala ng mas sasakit pa sa kamatayan na pinagdesisyunan mo at ng iyong mahal sa buhay kung kaya’t hindi ako pumapabor sa euthanasia dahil imbis na piliin na wakasan ang buhay, subukan pa din natin ipaglaban ang buhay ng isang tao dahil saka mo lamang makikita o mapagtatanto ang halaga niya kung kailan wala na siya at para saakin ay masakit iyon lalo na sa kalooban at damdamin ng isang taong pagdedesisyunan kung ipagpapatuloy pa ba ang pananatili niyang buhay kahit pa may matindi siyang kondisyon o wawakasan na ang buhay niya upang hindi na mahirapan.

Still curious? Ask our experts.

Chat with our AI personalities

EzraEzra
Faith is not about having all the answers, but learning to ask the right questions.
Chat with Ezra
RossRoss
Every question is just a happy little opportunity.
Chat with Ross
SteveSteve
Knowledge is a journey, you know? We'll get there.
Chat with Steve
More answers

Anuman nito motives at paraan, direktang pagpatay dahil sa awa ay binubuo sa paglalagay ng isang end sa buhay ng mga may kapansanan, sakit, o namamatay na tao. Ito ay hindi katanggap-tanggap sa kagandahang-asal.

User Avatar

Wiki User

12y ago
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Bakit Hindi ka pabor sa mercy killing?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp