answersLogoWhite

0

Ito ay isang kuwentong bayan ng Tinggiyan

Noong unang panahon ay may mag-asawang may mabuting pagpapasunuran at pagmamahalan. Sila'y sina Adlaw at Bulan. Nagkaanak sila ng maraming bituin. Napansin ni Adlaw na lubha ng masikip sa kanilang bahay sapagkat patuloy na nag-aanak si Bulan. Kinausap ni Adlaw si Bulan at sinabi sa asawa na pagpapatayin nila ang iba nilang mga anak upang lumuwag ang kanilang tirahan.Tinutulan ni BUlan ang mungkahi ni Adlaw at ito ang naging dahilan ng mainit nilang pagkakagalit. Wala nang katahimikan sa kanilang bahay sapagkat halos araw-araw ay nag-aaway sila. Hindi na nakatiis si Bulan at ipinasya niyang makipaghiwalay sa asawa na lalo namang ikinagalit ni Adlaw. Hindi nagtagal ay pumayag na rin si Adlaw na makipaghiwalay sa kasunduang isasamang lahat ni Bulan ang mga anak na bituin at Hindi na pakikita sa kanya ang mag-iina.

Kaya mula noon, makikitang nag-iisang sumusikat si Adlaw (Araw) sa araw at sa gabi naman ay lumilitaw si Bulan (Buwan) kasama ang mga anak na bituin. Kapag ang dating mag-asawa'y nagkakatagpo ay lalong tumitindi ang poot ni Adlaw kay Bulan kaya hinahabol niya ito na nagiging dahilan ng eclipse.

User Avatar

Wiki User

13y ago

What else can I help you with?

Related Questions

Ano ang pinagkaiba ng maikling kuwento sa kuwentong?

Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikan na kadalasang may iisang tema, tauhan, at pangyayari, at nagtatapos sa isang tiyak na resolusyon. Sa kabilang banda, ang kuwentong bayan ay isang salin ng mga kwento na nagmula sa tradisyon ng isang partikular na kultura, kadalasang naglalaman ng mga aral o alamat. Ang maikling kuwento ay mas nakatuon sa indibidwal na karanasan, samantalang ang kuwentong bayan ay nagsasalamin ng kolektibong pananaw at kultura ng isang lipunan.


Ano ang aral sa kuwentong hinilawod?

tandaan, gunitain, o isipin


Sino si Tapar?

Si Tapar ay isang tauhan sa mga kuwentong bayan o alamat sa Pilipinas, madalas na inilalarawan bilang isang masugid na tagapagtanggol ng kanyang bayan o mga tao. Maaaring siya ay isang simbolo ng katapangan at katapatan. Sa ibang konteksto, maaaring siya ring tumukoy sa mga karakter na may mahahalagang papel sa mga lokal na kwento at tradisyon. Ang kanyang kwento ay kadalasang naglalaman ng mga aral at halaga sa kultura ng mga Pilipino.


Mga halimbawa ng isang anekdota?

Ang anekdota ay isang maikling kuwento na naglalaman ng isang pangyayari o karanasan na kadalasang may kabuluhan o aral. Isang halimbawa ng anekdota ay ang kuwento ni Jose Rizal na nagtapon ng papel sa ilog na may sulat na "Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan." Isang pangkaraniwang layunin ng anekdota ay magbigay ng inspirasyon o magbigay-diin sa isang konsepto o idea.


Ano ang meaning ng tugmang bayan?

Ang tugmang bayan ay isang uri ng tula o salawikain sa wikang Filipino na gumagamit ng mga salitang may tugma o pagkakatugma sa dulo ng mga linya. Karaniwang naglalaman ito ng mga aral, pananaw, o karanasan ng mga tao sa buhay. Madalas itong ginagamit sa mga kwentong-bayan at mga tradisyonal na awit, nagsisilbing paraan ng pagpapahayag ng kultura at tradisyon ng mga Pilipino. Ang mga tugmang bayan ay madaling tandaan at naipapasa mula sa isang henerasyon patungo sa iba.


Ano-ano ang mga kento ni pagong at matsing?

Ang kwento ni Pagong at Matsing ay isang tanyag na kuwentong-bayan sa Pilipinas na naglalarawan ng pagkakaibigan at pagtutulungan. Sa kwento, si Pagong ay isang matalino at mapanlikhang nilalang samantalang si Matsing ay mayabang at mapagsamantala. Sa kanilang mga pakikipagsapalaran, karaniwang ipinapakita ang mga aral tungkol sa pagiging maingat, ang kahalagahan ng pag-iisip bago kumilos, at ang mga bunga ng kasakiman. Sa huli, si Pagong ang madalas na nagwawagi dahil sa kanyang talino at diskarte.


Ano ang tungkulin ko bilang isang mamamayan?

karapatan ng bata ang mag-aral


Uri ng anekdota?

Ang anekdota ay isang maikling kwento na naglalahad ng isang partikular na karanasan o pangyayari na kadalasang may aral o mensahe. Ito ay maaaring maging nakakatawa o nakakaantig, at madalas na gumagamit ng mga tauhan at sitwasyon na madaling makaugnay ang mga mambabasa. Ang layunin ng anekdota ay magbigay-aliw at magturo ng mga mahahalagang aral sa buhay. Kadalasan, ito ay ginagamit sa mga talumpati, sanaysay, o mga kwentong bayan.


Paano at kailan ito lumaganap sa pilipinas ang pabula?

Lumaganap sa Pilipinas ang pabula noong July 19, 1981 dahil sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na gumawa ng " Si Pagong at Si Matsing ".


Ano ang pagkakaiba ng pabula sa parabula?

Ang pabula (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral. Ang parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.


Bakit mahalagang pag aralan ang alamat ng ating bayan?

Mahalagang pag-aralan ang mga alamat, lalo na para sa mga batang nasa mura pang edad dahil ang bawat alamat ang isinulat upang kapulutan ng iba't-ibang aral na maaaring humubog sa magandang asal ng isang bata.


Mga Aso Sa Lagarian Ni Dominador Mirasol?

Ang kwento ay nagpapakita ng pagkadakila ng isang ama, pinapag-aral ang apo niya.