Ang pananampalatayang Hinduismo ay isinilang sa Indya. Isang milenyo bago dumating si Kristo, nabuo ang relihiyong Hinduismo. Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay si Brahma, ang "Kaluluwa ng Daigdig". Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang kaluluwa ay sasanib kay Brahma. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang mas mababang nilalang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ni Brahma.
Ang kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos nila ay sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng bagyo; Ganesha, diyos ng elepante; Laksmi, diyosa ng magandang kapalaran; at Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat, ang mga Hindu ay merong humigit-kumulang sa 300 milyong diyos, na kung tawagin ay teokratik.
Ang lokasyon ng Indya sa isang globo.
Ang Sistemang caste ay bahagi ng Hinduismo. Ang mga tao ay hinati sa mga antas o caste, gaya ng: (1) Brahma(pari at mga iskolar), (2) Kshatriyas(maharlika at mandirigma), (3)Vaishyas (magsasaka, mangangalakal at manggagawa), at (4)Sudras (manggagawa at alipin). Ang NASA mataas na antas ay hindi pinapayagang mag-asawa o mamuhay kasama ng nasa mababang caste. Ang mga di kabilang sa anumang caste ay mga patapon, itinatawag na "untouchables". Napakahirap ng kanilang buhay sa kanilang sariling mga nayon at lungsod. Sila ang gumagawa ng pinakamababang trabaho. Hindi sila pinababayaang gumamit ng mga pampublikong paliguan, pumasok sa mga templo, o kumain sa mga pampublikong kainan dahil ang paghipo lamang sa isang "untouchable" ay pinaniniwalaang marumi para sa isang may caste.
Ang banal na ilog ng mga Hindu ay ang Ilog Ganges na matatagpuan din sa Indya. Ang ilog na ito ay sinasabing may banal na tubig.
Nang ika-16 na siglo B.K., isang bagong relihiyon, ang Budhismo ay itinatag ni Gautama Buddha sa Indian Peninsula na naging isang pangunahing relihiyon ng daigdig. Siya ay isang mayamang prinsipeng Hindu na naantig sa sobrang paghihirap ng masa. Hindi sang-ayon sa kaniya ang paniniwala ng mga Hindu sa caste o karmana hinahatulan ang isang tao sa isang mataas na antas habambuhay. Naniniwala siyang mas dapat tulungan ang mga mahihirap. Tinalikuran niya ang kanyang mayamang palasyo at marangyang buhay upang maging isang ermitanyo. Pagkatapos ng mahabang meditasyon, nagsimula siyang magturo ng isang bagong relihiyon at siya'y tinawag na Buddha o "ang Naliwanagan". Itinuro niya na lahat ng tao ay makaaalam ng katotohanan at makakaabot ng ganap na kaligayahan anuman ang caste.
Itinuro ni Buddha ang apat na "Marangal na Katotohanan," gaya ng: (1) ang buhay ng tao ay batbat ng paghihirap; (2)ang paghihirap ng tao ay bunga ng kanyang pansariling pagnanasa; (3)mawawakasan ng tao ang kanyang paghihirap sa pamamagitan ng pagsupil sa kanyang pansariling pagnanasa; at (4) matapos masupil ang sariling pagnanasa, nararating ng tao ang tunay na nirvana (ganap na kaligayahan). Upang marating ang nirvana dapat sundin ng tao ang "Waluhang Daan" (Eightfold Path sa Ingles) na binubuo ng (1) tamang paniniwala; (2) tamang adhikain; (3) tamang pananalita; (4) tamang pag-uugali; (5) tamang paghahanap-buhay; (6) tamang pagsisikap; (7) tamang pag-alaala; at (8) tamang meditasyon.
~Jasper~
anu-ano ang mga kultura ng mga pilipino
ang mag tradisyon ng mag kasal
because of me .
buang mo
PARI
Ang tatlong malalaking kapuluan sa Pilipinas ay Luzon, Visayas, at Mindanao. Ito ay binubuo ng maraming isla at rehiyon na may sariling kultura at tradisyon.
by: Katherine joyce calderon =)
kaonka tae
pagkain.tubig,bahay at damit
mayroon bang katwiran ang mha Inglis na alisin ang tradisyon na suttee at female infanticide sa India, Bakit?
cesar kenn v. callora
anu-ano ang ibang ahensiya na tumutulong sa pangangalaga ng ating kultura ?