answersLogoWhite

0


Best Answer

ang interaktibong prosseso ng pagbasa ay isang uri ng pag basa, sa katunayan ito ang mga ginagamit ng mga dalubwika na mga paraan para mapabilis ang kanilang pag basa.



Putang inah proseso nga ang hinahanap ang bobo nmn ng mga taong ngsulat sah site na2


putang ina sayang kayo sah oras

User Avatar

Wiki User

8y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

13y ago

Pagbasa - ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng aktor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbulo.

*Proseso at Katangian

1. Persepsyon - hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.

2. Komprehensyon - Pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa.

3. Reaksyon - hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.

4. Asimilasyon - isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan.

*Teorya

1. Teoryang Bottom-up

Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbulo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto,bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong teksto.

Ang proseso ng pag- unawa, ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (botom) patungo sa mambabasa (up) kaya nga tinawag itong bottom-up.

2. Teoryang Top-down

Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Geatalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon sa proponent nito, ang mambabasa ay isang napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency) at kanyang ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto.

Tinatawag din itong teoryang inside out o conceptually-driven dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman at mga konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananawa sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya ng mga palagay at hinuha na kanyang iniuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.

3. Teoryang Interaktib

Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamtit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Ang interaksyon, kung gayon, ay may dalawang direksyon o bi-directional.

Masasaing ang teoryang ito ay isang pagbibigay diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang proseso at hindi bilang produkto.

4. Teoryang Iskima

Ayon sa teoryang ito, bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatwid , bago pa man basahin ng isang mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaring binabasa niya lamang ang teksto upang patunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, masasabing ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proses ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Anu ang interaktibong proseso ng pagbasa?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Ano ang interaktibong proseso ng pagbasa?

ito ay ang uri ng proseso na interaktibo


Masining na pagbabasa?

ito ang pagbasa na may pagunawa sa binabasa


Ano ang sikolohikal na proseso ng pagbasa?

ang prosesong sikolohikal ay ang kakayahan ng tao na mgimbak ng impormasyon, kaisipan at pati na rin ang kanyang nabasa, nkita, sinulat, at nramdaman ...:) maemae


Ano ano ang Kahalagahan ng pagbasa?

ang sining ng pagbasa


Ano ang kahalagahan ng sining ng pagbasa?

ang sining ng pagbasa


Ano ang kaibahan ng pagbasa sa pagsulat?

ano ang pagkakaiba ng uri pagbasa


Anu-ano ang pitong proseso ng pagpapahalaga at ang kahulugan nito?

ang edukasyon sa pagpapahalaga ay isang temana pinag-uusapan tungkol sa ating sarili,sa ating magulang,sa panginoonat sa ating kapaligiran


Proseso ng pagbasa ayon kay smith?

Ayon kay Smith, ang proseso ng pagbasa ay nagaganap sa apat na hakbang: 1) Persepsyon - pagtanggap ng mga titik at simbolo; 2) Komprehensyon - pag-unawa sa ibig sabihin ng binasa; 3) Retensyon - pag-alala sa nabasa; at 4) Siyentipikong pag-aaral - pagsusuri at pagbibigay-kahulugan sa mga impormasyon.


Anu-ano ang proseso sa masing na pagpapahayag?

lahat ng mga sagot sa google ngaun ay walang ka kwenta kwenta!!


Anu ang kahulugan ng drafting at re-drafting?

Ang drafting ay ang proseso ng pagsulat ng unang bersyon ng isang dokumento o proyekto. Ang re-drafting naman ay ang proseso ng pagsusuri, pagbabago, at pagsasaayos muli ng unang bersyon upang makabuo ng mas maayos at mas polished na final output. Ito ay mahalaga para matiyak ang kahusayan at kalidad ng bawat gawain.


Ano-anu ang mga benepisyo ng pagbasa?

matututo kang makipagsalamuha sa ibang tao dahil di ka takot magsalita sapagkat ikaw ay may nalalaman.


Anu ang ibig sabihin ng edukasyong pangkalusugan?

ay ang proseso kung saan nalalaman ng Tao ang tungkol sa kanilang kalusugan at higit na partikular, kung paano pagbutihin ang kanilang kalusugan