answersLogoWhite

0


Best Answer

Bahagi ng Pahayagan

1) Pang-unang Pahina o Ulo ng Balita

2) Editoryal

3) Balitang Lokal

4) Balitang Isports o Pampalakasan

5) Panlibangan at Katatawanan

6) Anunsyo o Patalastas

7) Balitang Pandaigdig

8) Balitang Pangkomersiyo at Pangkalakalan

Meanings and examples can be found at AralinSaFilipino.com here:

http://www.aralinsafilipino.com/2011/09/mga-bahagi-ng-pahayagan.html

User Avatar

Wiki User

12y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

12y ago

Ang ibat-ibang bahagi ng pahayagan ay ang mga sumusunod:

1. Ulo ng balita (headline) - ito ay nasususlat sa malalaking titik upang kunin ang atensyon ng mga mambabasa sa pinakamainit, pinakamalaking balita o isyu sa araw o panahong iyon. Lagi itong NASA unang pahina ng pahayagan.

2. Editoryal o Pangulong tudling- ito ang bahagi na naglalahad ng opinyon o pananaw ng editor tungkol sa kasalukuyan isyu sa bansa. Layunin nitong magpabatid, magbigay-puna, magapugay at magpahalaga. May pagkakataon din na ang bahaging ito ay inilalahad sa pamamagitan ng drowing o larawan. Tinatawag itong editoryal cartoon.

3. Balitang Pandaigdig/ Pambansa- naglalaman ang bahaging ito ng mga balita mura sa ibat-ibang panig ng daigdig.

4. Balitang Pampamayanan - naglalaman ito ng mga balita tungkol sa pangyayari o mga proyekto sa ibat-ibang dako ng bansa.

5. Pitak Pantahanan- nagtataglay ito ng mga resipe at iba pang mga tulong sa pag-aayos ng tahanan o paglutas ng mga suliranin pantahanan.

6. Balitang Panlipunan - nababasa rito ang tungkol sa mahahalagang salu-salo na kinabibilangan ng tanyag na mamamayan lalo na iyong mga nabibilang sa mataas na lipunan.

7. Panlibangan- dito nakikita ang talatakdaan ng mga palabas sa telibisyon, sinehan, mga teatro, at pitak-artista.

8. Patalastas sa Pagkamatay o Obitwaryo - nababasa rito ang anunsyo ng pagkamatay nga isang tao na ibig ipagbigay- alam sa mga kamag-anak o mga kaibigan.

9. Anunsyo klasipikado o Classified Ads - ito ay isang anyo ng anunsyo. Dito mababasa ang mga kalakal na ipinagbibili gaya ng bahay at lupa, mga sasakyan, mga pinauupahan, talaan ng mga espesyalista, o pagkakataon sa pagtatrabaho, at iba pang maaaring ipinagbibili o ipinaparenta lamang.

10. Palakasan - naglalaman ang bahaging ito ng mga balitang may kinalaman sa larangan ng palakasan sa loob o labas ng bansa.

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

11y ago

anunsyong klasipikado

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Anu ang ibat ibang bahagi ng pahayagan?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp