answersLogoWhite

0


Best Answer

Ang papel ng Wika sa pagkatuto:

Isang mahalagang instrumento ang wika sa komunikasyon. Nagkakaroon ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman; mithiin at nararamdaman sa halos lahat ng aspect ng pag-aaral --- sa ating pang-araw araw na pamumuhay. Nakasalalay ang epktibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang Tao sa pamamagitan ng wika. Kinakailangang maging mahusay ang isang idibidwal sa pagsasanay ng wika upang magamit ito nang maayos. Inaasahang sa papel na ito na maipaliwanag ang tungkulin na ginagampanan ng wika sa pagkatuto sa ibat ibang disiplina.

Malaki ang papel ng wika sa pagkakatuto. Ang pang-araw araw na buhay ng Tao ay umiikot dahil sa wika. Sa pamamagitan ng pasulat at pasalita, ang wika ay nagiging daan upang ipaabot ng isang idibidwal ang kaniyang kaisipan at damdamin. Ang wika ay nalilinang ang kakayahang komunativo ng isang mag-aaral. Ang pagiging marunong sa wika ay nagtataglay ng kapangyarihan na makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kapwa at mapahalagan ng lubos ang kagandahan ng buhay na gingalawan ng isang indibidwal. Ang wika ang pinakamahalagang instrumento ng komunikasyon. Samakatuwid, ang wika sa pagkakatuto ay makabuo ng isang pamayanang progresibo at kapaki-pakinabang. Pangalawa, ang wika ay dapat may interaskyon. Ang pagunawa sa mensaheng ipinahayag ng mga kasangkot sa interaskyon ay may pantay na kahalagahan sa pagpapahayag sa sariling ideya. Pangatlo, ang wika ang kaluluwa ng bayan at salamin ng lipunan. Ang isang bayan ay Hindi makikilala kung Hindi dahil sa kanilang wikang pambansa. Ang wika ang nagbibigay ng katauhan sa isang lipunan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa maraming papel ng wika sa pagkakatuto. Kasama sa pag-aaral ng katangian ng wika, kinakailangan ang pageensayo sa pagsasalita at pagsusulat.

Ang wika ay ginagamit sa pang-araw araw na pamumuhay. Ito ay isang mahalagang salik sa pagkakaunawaan ng bawat indibdwal. Maraming papel ang wika sa pagkakatuto tulad ng mga nabanggit kanina. Una, ang wika ay kasangkapan na ginagamit ng isang indibidwal upang makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Pangalawa, ang wika ay may interaskyon, at Pangatlo ang wika ang nagsasalamin sa bayan. Mahalaga na maging malinang sa panunulat at pagsasalita ang isang indibidwal upang maging mahusay at epektibong instrumento ng wika. Ang wastong paggamit ng wika sa pagkakatuto ng isang indibidwal ang siyang magdadala at magbubuo ng isang pamayanang kapaki-pakinabang at progresibo. Bagamat ang wika ang kaluluwa ng lipunan.

User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

11y ago

bayan :P

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Anu-ano ang papel ng wika sa pagkatuto?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp