answersLogoWhite

0


Best Answer

ang isang pabula ay isa rin panitikan , ang hayop ang karaniwang gumagawa sa kwento at may makukuha tayong mabubuting asal

User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

13y ago

Sa pagitan pa lamang ng ika-5 at ika-6 na siglo (Bago Dumating si Kristo) ay may pabula na ang mga

taga- India. Mga kuwento ito tungkol sa buhay ng itinuturing na dakilang Tao ng mga sinaunang Indian, siKasyapa. Ang mga kuwentong ito ang naging batayan naman ng mga sinaunang Budihista. Sumulat din silang sarili nilang mga pabula na nagsasalaysay tungkol sa buhay ng itinuturing nilang mga dakilang Tao.Makalipas ang humigit-kumulang sa siyam na raang taon, patuloy na lumaganap sa iba't ibang bansa angmga pabula subalit nagkaroon ng pagbabago sa paksa. Hindi na ito tungkol lamang sa buhay ng mgadakilang Tao kundi mga kuwento na ring naglalayong maituro sa mga Tao ang tungkol sa moralidad atwastong pamumuhay.Sa tinagal-tagal ng panahon, isang Tao ang nakaisip na tipunin ang mga pabulang nabanggit, siAesop, isang Griyego. Ang tinaguriang ama ng mga sinaunang pabula (ancient pables) noongpanahong 620-560 BC (Bago Dumating si Kristo). Isa siyang kuba at may kapansanan sa pandinigsapul sa pagkabata. Lumaki siyang alipin sa isla ng Samos, subalit dahil sa kanyang sipag, katapatanat talino ay binigyan siya ng kalayaan ng kanyang amo. Hinayaan siyang maglakbay at makilahok samga Tao sa bayan. (Nang mga panahong iyon, walang karapatan ang isang alipin na lumabas atmakihalubilo sa mga Tao.)Hindi lamang tinipon ni Aesop ang mga sinaunang pabula, Sumulat din siya ng mga pabulatungkol sa buhay at kalikasan ng Tao, at ang kalagayan ng lipunan sa kanyang kapanahunan. Pinunaniya ang mga maling gawi ng mga Tao sa lipunan. Tinuruan niya ang mga ito ng tamang pag-uugali atpakikitungo sa kapwa. Ginamit niya ang mga hayop bilang mga tauhan sa kanyang mga isinulat dahilbilang isang alipin, wala siyang karapatang punahin ang mga Tao, lalo't ang mga ito'y nabibilang samataas na uri ng lipunan. At noon pa man ayaw na ng mga Tao na pinangangaralan nang tuwiran.Tinatayang nakalikha si Aesop nang mahigit 200 pabula bago siya namatay.Pagkatapos ni Aesop, maraming manunulat ng pabula ang nakilala. Ilan rito sina Babrias,Phaedrus, Romulus, Hesiod, Socrates, Phalacrus at Planudes. Kabilang din sa nagpalaganap ng pabulasa daigdig ang mangangaral na si Odon ng Cheriton noong 1200; si Marie de France noong 1300; siJean La Fountaine noong 1600; si G.E. Lessing noong 1700 at si Ambrose Bierce noong 1800.Ang mga pabula ay patuloy na lumaganap sa iba't ibang bansa hanggang sa makarating saating kapuluan bago pa man dumating ang mga Español. Nakalikha ng mga katulad na kuwento angating mga ninuno. Ginamit din nila ang mga ito upang turuan ang mga Tao ng tamang pag-uugali atpakikitungo sa kapwa.Tulad ng iba pang kuwentong-bayan, sa simula ang mga pabula ay nagpasalin-salin lamang sabibig ng ating mga ninuno. Subalit nang matutuhan nila ang sistema ng panulat, ilan sa mga ito aynagawa nilang maiukit sa malalaking bato, balat ng mga punongkahoy, talukap ng niyog at mga dahon nghalaman. Ginamit nilang panulat ang matutulis na kahoy, bato at bakal. Mayroon ding naisulat sa mgapapel, na sa paglipas ng panahon ay naimprenta, lumaganap hanggang sa kasalukuyan, kabilang angpabulang "Ang Matsing at Ang Pagong" na isinakomiks ni Dr. Jose P. Rizal.

Note: eto lang po lam ko .. thank u :)

pa add nga sa fb ,,

aubreyfumar@Yahoo.com

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Anu-ano ang mga katangian ng pabula?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp